Chapter 1 : THE LUCKY GUY
CHAPTER ONE: The Lucky Guy
MANDY'S POV
~Flashback~
"Daddy please, ayoko sa school na'yon. Pilitin niyo na si mama please. Daddy, I'm begging you." naiiyak na pakiusap ko kay daddy. Ayoko na talagang mag-aral sa West ville. Maliban kasi sa masiyado 'tong malayo sa mismong hometown namin ay hindi ko pa makakasama ang pamilya ko. Ayaw ko na naman na maghintay sa susunod na bakasyon para mangyari iyon.
"Okay, I'll try to talk to your mom. Just don't cry." pinunasan ko ang sarili kong luha at mabigat na napabuntong hininga. Totoong nabigyan ako ng pag-asa pero hindi ko magawang matuwa sa sinabi ni daddy.
" Huwag niyo pong sabihin sa'kin na susubukan niyo lang. Make sure to persuade your wife daddy. "muling pakiusap ko. Sinikap kong ipakita sakanya na sobrang nasasaktan ako sa ginagawa ni mama sa'kin.
Simula nang tumuntong ako ng hayskul ay sobra na ang pagiging strikto niya sa'kin. Daig ko pa ata ang isang preso sa bilang ng mga galaw na dapat ko lang gawin. Hindi ko maintindihan ang sobrang paghihigpit niya sa'kin.
Kahit ngayong nasa kolehiyo na'ko ay mas dumoble pa ito.
"Kahit ngayong year na lang 'to ay pagbigyan niyo naman ang gusto ko. I want to study in East High and be with my bestfriends daddy. Isa pa ay ayaw niyo bang makasama ako?"
Napansin ko ang pagbuntong-hininga ni daddy bago tinanggal ang reading glasses niya. Sinalubong niya ang mga tingin ko.
"Iyon lang ba talaga ang totoong rason kung bakit ayaw mong mag-aral sa West ville?" Nai-iwas ko agad ang paningin ko.
" Eh daddy naman." biglang nahiya ang boses ko.
" Hay Mandy, anak ko. I don't know what I'm going to do with you "maya-maya ay natatawa nang aniya ni daddy.
" Okay fine. Don't worry about studying in the academy anymore. I'll make sure that you'll be with your best friends and stay with us here in East ville. Kung iyon nga talaga ang rason." nawala agad ang lungkot na nararamdaman ko. Napalitan agad ito ng kagalakan na para bang iyong sinabi na ni daddy ang pinakamagandang narinig ko sa buong buhay ko.
"Talaga daddy? Totoo?Waahhhh! Thank you daddy. You're the best talaga!" halos lumundag sa tuwang usal ko na sinabayan ko pa ng halik sa parehong pisngi ni daddy pagkatapos.
Hindi ko na kailangang mag-impake pa mamaya ng gamit ko. Kyahhh!
~End of Flashback~
"Ganoon lang?" boses na nanggagaling kay Aleeza, isa sa mga matalik kong kaibigan.
Tinanguhan ko lang ang sinabi niya habang tinatanggal ang sapatos ko. Tinatanong niya kasi kung paano ko napapayag si mama na mag-aral dito sa East High.
Hindi ko nga alam kung bakit ngayon lang niya naisipang itanong kung kailan malapit nang magsimula ang second semester.
Ewan ko rin sa kaibigan kong 'to, wala na sigurong masabi kaya nagtanong na lang ng kung ano. Malalim nalang akong napabuntong-hininga bago tuluyang pagbigyan ang likod ko sa paghiga. Ginawa kong unan ang sarili kong mga braso.
Narito kami ngayon sa soccer field ng eskwelahan, sa pinakagitnang parte mismo. Napagdesisyon na muna naming tumambay ni Aleeza habang hinihintay sina Maxy at Ellisze na mga kaibigan ko rin. Isa pa ay napaaga kami ng pasok ni Aleeza kaya okay lang na humiga muna. Alas syete palang naman at wala pa iyong mga players. Alas otso palang naman ang start ng practice nila.
"I really admire your relationship with your dad." sa pangalawang pagkakataon ay napabuntong-hininga na naman ako. Isa ito sa rason kung bakit ayaw kong nagkukuwento ng tungkol sa'min ni daddy.
Wala pa mang sampung segundo akong nakakahiga ay minabuti ko ulit na umupo. Iniharap ko siya sa'kin at inilagay ang pareho kong kamay sa pisngi niya.
Gusto kong matawa sa paraan ng pagkakalukot ng ekspresyon ng mukha niya, parang sinalo lahat ang problema sa mundo.
Tinanggal ko ang pagkakasalikop ko sa pisngi niya at agad na binigyan siya ng palo sa braso niya.
"Umayos ka nga Aleeza, masiyado pang maaga para magdrama. Kung hindi ganoon kaayos ang relasyon niyo ng daddy mo, isipin mo ang sa'min ni mama. If you admire my relationship with dad, huwag kang mag-alala dahil ganoon din ako sainyo ng mommy mo. I am really envious with your closeness to each other."
Namayani ang katahimikan sa pagitan namin matapos kong bitawan ang mga salitang iyon. Sigurado akong pareho kami ngayon ng nararamdaman ni Aleeza. Naputol lang ito nang dumating sina Ellisze at Maxy.
"Anong trip niyong dalawa at dito niyo pa kami pinapunta? Pwede naman kayong maghintay sa classroom. And for your information, napakalayo ng soccer field sa building natin." si Maxy iyon. Kahit kailan talaga ay napakalakas ng boses. Umupo siya sa tabi ko, mukhang pagod na pagod nga.
Hindi ko naman siya masisi sa pagrereklamo dahil masiyado ngang malayo ang soccer field sa classroom namin. Aabutin ka siguro nang sampung minuto sa paglalakad para makarating dito.
Sa katunayan, noong una kong pasok ay hindi ko maiwasang humanga sa ganda at lawak ng East High. Talagang mas prestihiyoso ito kumpara sa Westerly Burgh Academy, hindi ko 'yon maitatanggi.
Kung nais mong libutin ang buong EHU, natitiyak kong kulang ang buong araw mo dahil sa laki nito. Malaki ang library nila, gayundin ang gym. Bukod pa sa mga buildings na puro classroom at offices ang laman, ang eskwelahan din ay may bookstore, minimart, cafeteria, canteens, at lunch counter. Iba pa ang space ng quadrangle, soccer field, oval at parking lots.
Hindi ko maiwasang manibago noong una dahil para sa isang tertiary school na bilang lang ang maaaring makapag-aral, kakaiba ang lawak ng East High. Sobra ang laki nito para sa'kin kaya hindi nakapagtataka na nauso ang transportation services sa loob ng eskwelahan. Iyon nga lang ay alas otso pa ito magiging available dahil iyon din ang oras ng pasok ng mga assigned drivers at dahil narin iyon ang patakaran dito.
"Ang lungkot niyo naman ata." si Maxy ulit iyon habang ineeksamin ang parehong mukha namin ni Aleeza. Sinabayan niya pa ito ng pag-inom ng iced americano niya.
"Napag-usapan lang namin ang tungkol sa magulang namin." dahilan ni Aleeza. Pinangalawahan ko ito. Tumango-tango lang si Maxy at piniling hindi na magtanong pa tungkol dito.
She immediately changed the topic. Mabilis na napalitan ang lungkot ko ng kuryosidad. Palagi kaming magkasama pero bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito.
May nobyo si Aleeza?
"So who's the lucky guy?" tanong ni Maxy sakanya. Napirmi ang paningin ko kay Aleeza, naghihintay sa magiging sagot niya.
"Is it true that you got a boyfriend?" ako na ang nagtanong.
Sikat si Aleeza sa campus at hindi nakapagtataka na napag-uusapan siya ng mga estudyante dito. Sa katunayan ay noong last week ko pa naririnig ang tungkol dito pero minabuti ko lang na huwag bigyan ng pansin dahil mukhang hindi naman ganoon ang kaso.
Wala naman siyang naikwekwento na may nanliligaw sakanya. Gayundin ay wala rin siyang binabanggit na pangalan ng mga lalaki.
Hindi naman sa obligado siyang sabihin sa'kin ang lahat pero nangako kasi kaming magpakatotoo sa isa't isa. We promised not to lie to each other.
" Totoo ba Aleeza?" atat na atat ko nang tanong. Hindi naman ako galit, naeexcite pa nga ako. Sa aming magkakaibigan, masasabi kong ako ang magiging pinakamasaya kung sakaling totoo ang usap-usapan.
Noong nasa elementarya kami hanggang sa hayskul ay mailap siya sa mga lalaki. Sa mga panahong iyon, kailanman ay hindi mo siya makikitang makipag-usap ng matagal sa kaiba ng kasarian niya maliban na lang siguro sa nakababata niyang kapatid na lalaki at kung tungkol sa studies ang pag-uusapan.
Kahit nang nagtransfer ako sa Westerly Burgh Academy sa West Ville noong senior high school na kami ay ganoon pa'rin siya. She never intended to talked with men if it was not necessary for her to do it, gaya narin ng kwento nina Maxy at Ellisze.
Kaya sino ba naman ako para pigilan siya na magmahal? Ngayon pa ba na matutupad na ang isa sa mga hiling ko.
' I will be happy for her no matter what.'
"Ano ka ba Aleeza! Ilang months na lang oh, gagraduate na tayo. Friends mo naman kami eh. Magtatampo kami kung hindi mo sasabihin." usal naman ulit ni Maxy na sinabayan niya pa ng pagpalo sa braso ni Aleeza.
"Ah eh... Wala. S-sa'n niyo naman narinig nang chismis na'yan. " tumayo siya at pinagpag ang likurang bahagi ng pantalon niya. "Sige mauuna na'ko sa classroom." hindi pa man ako nakakareact ay mabilis niyang binitbit ang bag niya tsaka siya tumakbo palayo sa'min.
Napailing-iling na lang ako.
"Sa tingin ko ay may boyfriend na siya. Sino naman kaya ang lalaking 'yon? I want to meet him the soonest as possible." sinserong sambit ko.
Gusto kong makilala ang kauna-unahang lalaki na nakakuha sa atensyon at nagpatibok sa puso ng kaibigan ko. He's lucky to have Aleeza.
"Baka naman si Garrett. " suhestiyon in Maxy dahilan para mabaling ang atensyon ko kay Ellisze. Hindi ko inaasahan ang reaksyon niya. She chuckled. Not the meaningless one.May dating ito, may gustong ipahiwatig pero hindi ko malaman kung ano.
No'n ko lang din napagtanto na kanina pa pala siya hindi kumikibo. These past few days, she was not her usual self. Kung tahimik na siya noon, mas dumoble naman ito ngayon. Madalang narin siyang sumasama kapag lumalabas ang barkada.
Kagaya nang kay Aleeza, hindi ko rin ito binigyan ng pansin dahil wala naman akong nakikitang problema. Pero mukhang mali ata ang desisyon kong balewalain ito dahil sa rason na iyon.
" May gusto ka bang sabihin Ellisze?" tanong ko.Nalipat ang paningin niya sa'kin.
"Nothing." nakangiting aniya tsaka tumayo na din sa pakakaupo. "We need to go if you don't want to be late. Ayaw niyo naman sigurong mapagalitan ng prof."
Napatingin naman agad ako sa wrist watch ko. May sapat na oras pa naman.
"We still have enou---" naputol ang dapat na sasabihin ko dahil sa mga binitawang salita ni Maxy.
"Mandy look, si Axzel ba 'yon?" mabilis na nabaling ang paningin ko sa direksyon na itinuturo niya.
Siya nga. Ang isa sa nga dahilan kung bakit ginusto kong mag-aral dito sa East High.
Napahawak agad ako sa dibdib ko.
Narito na naman ako, abnormal na naman ang pagtibok ng puso ko.
'What did you do to me?'
Bakit kailangang palaging ganito sa tuwing nakikita kita? Sa tingin ko ay simpleng paghanga lang naman nang nararamdaman ko para sa'yo pero ano at ang bilis ng tibok ng puso ko.
'Damn! It really makes me want to own you. I think I am falling for you, Mr. Axzel Young. Deeper and harder. '
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro