Epilogue
No words. Thank you for reaching this far. You have survived the greatest war and for that... cheers for the next generation! No. This is not the end. We are just starting.
Follow me on Twitter for updates: @Raze_WP
Join the discussion on FB Group: Team Black
Official Hashtag: #ShatteredSoulsWP
***
EPILOGUE
I have only agreed to encage Aya inside the Esparago Clan for seven years because of her lack of identity. Iyon ang mga panahong wala pang nakakaalam kung sino ang kanyang ama at labag pa siya sa batas.
The world has changed now.
I explained it to Brix and he respected it nonchalantly. He even told me that it was for the better. Aya is still learning to control her ability and going out will be dangerous not just for her but also to everyone she might encounter.
Lord Bermudo lowered the range from seven to three years. In that span of time, we tried everything to help Aya control her capability. Maraming mga manggagamot na ang sumubok ngunit lahat sila ay bigo.
Aya's ability is something to be scared of. Her fog has its own life. It's darker, vicious and poisonous. Maging siya ay muntik nang ipahamak nito.
It's been what? Almost three years.
In the human range, Aya could be labeled as a seven-year-old girl now. She could already do heavy things such as climb trees and jump from one branch to another one.
She's learning so fast. I am worried that she will venture into something deeper.
Kasalukuyan akong naglalakad sa mapunong bahagi ng Esparago Clan, bitbit ang isang basket na naglalaman ng mga tinapay at wine. Ilang minuto na rin akong naglalakad.
Habang patagal nang patagal ay palayo rin nang palayo ang naaabot ng dalawa.
Sa wakas ay nakita ko rin sila. Brix and Aya were both sitting on the branch of an oak tree and talking to each other. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa.
I couldn't help but to smile at the scene.
"No, Aya," dinig kong sabi ni Brix.
"Bukas?"
Tumawa si Brix at pinisil ang ilong ni Aya. "We have talked about this, you kiddo. Darating din tayo riyan."
Aya pouted her lips. "You told me that you are a king and I am your princess. If so, why can't you take me out of this place and show me your castle?"
Tumikhim ako kaya napatingin sila sa 'kin.
"I brought foods," I showed them the basket.
"Mama!"
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumalon pababa si Aya at umisang ikot pa ito sa ere bago nakatayong bumagsak sa lupa. Halos bumagsak ang puso ko sa kaba habang si Brix ay tawang-tawa.
"W-what's that?" tanong ko.
"Yes. Gutom na ako!" inagaw sa akin ni Aya ang basket at kumuha ng tinapay roon. Umupo ito sa ugat ng puno at sumandal doon habang kumakain.
Nilapitan ko si Brix. "Ikaw ang nagturo no'n?"
He just shrugged his shoulders. Nilapitan niya si Aya ang nag-apir pa ang dalawa na animo'y nagsabwatan para gulatin ako. Tuwang-tuwa ang anak namin.
"Huwag mo nang uulitin 'yon, Hyacinth," paalala ko nang makalapit sa kanila. Nilapag ko ang basket at kumuha roon si Brix. "Naiintindihan mo ba?"
"Come on, Astra. Kumain ka na lang."
"Brixton." I glared at him.
"Pwede na ba akong sumakay sa kabayo nang mag-isa?" tanong ni Aya.
"Sure. Tuturuan kita kapag nakabalik na ako," sagot ni Brix.
Sumigaw si Aya bago yumakap kay Brix. Nginisian naman ako ni Brix na animo'y nagmamayabang na mas malapit na sila ngayon ni Aya kesa sa akin.
Gaya ng madalas ay kailangan na namang umalis ni Brix para umuwi sa Severus Kingdom. Mas madalas siya rito kesa roon pero hindi niya napapabayaan ang mga nangyayari roon.
Hinatid namin siya ni Aya sa harapan ng tarangkahan.
"Tuturuan mo na akong sumakay ng kabayo pagbalik mo, Papa?"
Lumuhod si Brix at inayos ang ilang hibla ng buhok ni Aya. Hinaplos niya ang pisngi ng anak namin bago hinalikan sa pisngi. "Promise, Hyacinth..."
Aya hugged him, too. "I love you, Papa."
"I will always come back for you, my little girl."
Pagkatapos kay Aya ay ako naman ang nilapitan ni Brix. He kissed me on my lips. Narinig kong humagikgik si Aya kaya agad kong tinulak palayo si Brix.
He frowned. "I told you to close your eyes whenever I am kissing your Mom, Aya. Look... nabitin na naman ako."
"Oh? Okay. Kiss na kayo uli." Tinakpan ni Aya ang kanyang mga mata.
Brix pulled me into a long and deep kiss. It always feels like the first time. Sa dami na ng mga pinagdaanan namin ay walang nagbago sa aming nararamdaman. Bagkus ay mas sumidhi pa ito.
"I will go now. Take care, My Gems." Sumakay na si Brix kay Servena.
Hinawakan ko sa kamay si Aya at sabay naming pinanuod na umalis si Brix. Ilang araw uli bago ito makakabalik dito. Ibig sabihin ay ako na namang mag-isa ang susuway kay Aya.
Napatingin ako sa anak ko. Nakatingin pa rin ito sa labas. Halata sa kanyang mukha ang kagustuhan na makalabas din. Isa rin 'yon sa mga pinangangamba ko... ang matukso itong sumayin ang pinakamahigpit na kautusan sa kanya.
"Baby Aya!"
Sabay kaming napalingon sa parating. Si Tegan na nakasakay sa kabayo. Gaya ng madalas ay wala na naman itong pang-itaas. Mabilis na lumapit sa kanya si Aya. Tumalon ito sa likod ni Tegan at yumakap.
"Kukunin ko muna anak mo, Lady Astra!"
"Mag-iingat kayo."
"Sandali, Aya." May kinuha si Tegan sa kanyang bulsa. Inabot niya ang isang strawberry. "May nakita akong hinog na strawberry sa farm kaya pinitas ko para sa 'yo. Ito ang unang bunga ngayon."
Lumiwanag ang mukha ni Aya. "Ibig bang sabihin no'n ay mamumunga na uli ang mga strawberry?"
Nakangiting tumango si Tegan.
"Patingin! Doon tayo pumunta, please?"
"Sure. Sure." Sumaludo sa akin si Tegan bago sila umalis.
Bago sila umalis ay pinagmasdan ko ang kamay ni Aya kung saan nakasuot ang purselas. Habang lumalaki siya ay sumusunod din 'yon sa kanyang laki.
She's well aware that taking that off will be dangerous for her. Sa una pa lang ay nilinaw ko na sa kanya 'yon para maintindihan niya habang bata pa. The least thing she needs is a lack of knowledge about her ability.
Isang araw, habang sinasamahan ko si Aya papunta sa kanyang guro ay nakarinig kami ng matining na sigaw. Mabilis na tumakbo si Aya para sundan ang pinanggalingan kaya sumunod ako.
"Ano'ng nangyari?" tanong ko sa babaeng lumabas sa CR. Nakatapis ito ng tuwalya sa katawan at basa pa ang buhok. Halatang natakot lang kaya napalabas.
"M-may naninilip..." kabadong sambit nito.
"Ayun!" Tinuro ni Aya ang isang lalaking tumatakbo palayo.
"Sandali, Aya!" Hindi ko na napigilan ang anak ko nang sundan niya ang lalaki.
Mabilis tumakbo ang lalaki pero nahabol siya ni Aya. Dinapa niya ang lalaki sa damuhan at dinaganan sa likod. Bahagya pa akong nagulat sa ginawa ng anak ko.
"Mama nahuli ko!"
"Aray! Aray! Sorry na!"
"No!"
"Masakit nga!"
"Hindi. Kailangan mong maparusahan!"
"Grabe ka naman! A-aray..."
"It's fine, Aya." Hinila ko ang anak ko patayo.
Dahan-dahang tumayo ang lalaki at nagpagpag ng damit. Nang umangat ang mukha nito ay nagulat ako. Halos kasing edad niya lang si Aya. Magulo ang buhok nito at may mapaglarong tingin sa mga mata.
"Bakit ka ninilip?" tanong ni Aya.
"Kasi may gusto akong makita?"
"That's not good," pangaral ko.
Tumitig ito sa akin bago natawa. "Putik naman. Mapapasabak ako sa English dito," dinig kong bulong nito. Tumikhim siya bago nagsalita uli. "I... I am sorry. Okay?"
"Sino ka ba? Ngayon lang kita nakita rito," ani Aya.
Tumitig ang lalaki kay Aya. "Maganda ka..."
"Talagang—"
"Oops!" Umatras ang lalaki nang aktong susugurin siya uli ni Aya. "Hindi ako makapaniwalang hindi uso ang biro dito. Hays. Bakit ba kasi ako narito?"
"Who are you?" tanong ko.
"I am Corbie. You can call me Koko." His little lips smirked. "And I can see the future..."
Aya furrowed her brows. "Seriously?"
I was just as confused as my daughter.
Bumuntonghininga si Koko. "Hindi talaga uso ang biro dito 'no?"
"Ah. Gano'n?"
Aya pinned him to the ground again.
Corbie chuckled. "Nice to meet you, Aya..."
"How did you know my name?"
"Narinig kong 'yon ang tinawag sa 'yo."
"You are dead, Koko."
"Damn."
End of Shattered Souls (Book 2/3)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro