Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7: Embraced

Magda's sudden disappearance became the talk of the town. It's been three days since she went missing but her name didn't leave the conversation. No one among us tested positive and that obviously means the woman managed to escape before she even gets caught – Magda and her alleged boyfriend, Ariz.

Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi ako nabuko, malamang na gawa ito ng purselas na suot ni Hyacinth at medyo matagal na rin nung nagsilang ako. Gano'n pa man ay hindi ko maiwasang mag-alala para kay Magda. I've heard that they were kicked out of Hezueras Clan. They are labeled as insurgent now.

"How about this one?" Lady Christy asked as she turned around to show me that sparkling purple dress.

I nodded, hiding my boredom. Kalahating oras na rin siguro siyang namimiia ng isusuot. It's not like she's going to a party or what. Mamimili lang siya ng isusuot para sa araw na 'to. Just a freaking ordinary day to hover around. 'Yon lang naman ang trabaho niya.

I remember how she hastened in the kitchen just to drag me with her. Wala namang nagawa si Lady Lena kung hindi ang payagan ito. Pabor din naman ako dahil wala namang masyadong ginagawa sa kusina.

"You look gorgeous in everything, Lady Christy." Which is true. Lahat yata ng kulay ay bagay sa kanya.

"Thanks but I think I like the scarlet one better," she said after asking for my opinion. "May nagustuhan ka ba sa mga damit ko? You can have one. Whatever you like."

"No. I'm good."

She undressed quickly and wore the scarlet one. Iyon ang una niyang sinukat, doon din naman pala siya babagsak. Is this how rich women act like? I mean... I am a woman but I don't think I will invest that much time just by picking a dress.

"What's with the fancy dress?" I couldn't help but to ask.

She groaned and that tells something else. "To annoy my evil step mom. You know? Madali siyang mainggit ngayon dahil pangit na siya kaya mas lalo ko siyang iinggitin." She laughed like a devil with a vile plan.

"Kahit naman wala ang peklat sa pisngi niya ay mas lamang ka..."

Tumawa si Lady Christy bago humarap sa akin. "Right. She has no match to me." Bumuntonghininga siya bago nagpatuloy. "But, have you seen Queen B of Taurus Clan?"

Umiling ako. "I'm not sure..."

"The Black Lady?" tanong pa niya.

Napaisip ako sandali. Biglang sumagi sa isipan ko ang babaeng 'yon. "You mean... that woman? One of the leaders?"

Kung tama ang hinala ko, ang tinutukoy ni Lady Christy ay ang babaeng humingi ng wine sa akin nung unang beses akong nagsilbi sa mga pinuno. She has long black hair, paired with black lipstick and even her makeup was dark. That speaks a lot about her being the Black Lady.

"She's the Queen B of Taurus Clan also known as The Black Lady..." Lumapit sa mga pabango si Lady Christy at nagwisik sa kamay. "Taurus Clan is the only clan which members are all women. Men are not allowed to get in their territory or else say goodbye to your balls."

Bumilog ang mga labi ko. That's I think one of the most interesting things I've heard about a clan. Isang pangkat na puro babae lang? That's awesome! That triggered my curiosity.

"They are like a hive. Attacking one of them means attacking the entire hive. It's kind of terrifying knowing... they are like men dressed like women. Don't underestimate them."

"Yeah... fascinating. How come they agreed to join the force?"

"Nah uh." Lady Christy wagged her head to turn down my question. "They are just here to supply foods and blood. Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain at dugo ang clan natin kaya humingi sila ng tulong sa Taurus Clan. They agreed and in exchange, Nightfalls will provide them more lands to plant seeds."

"Clever..." I couldn't contain how amazed I was.

"Aside from that... she's gorgeous, right?" may halong pait ang pagpuri ni Lady Christy kay Queen B.

Tumawa ako. "No doubt but not better than you."

Lady Christy rolled her eyes. "Misan inisiip kong pinipikot mo na lang ang ulo ko. Anyway. I think I'm good now. Let's go? Medyo nagugutom na rin ako kaya kakain muna tayo."

Tumayo ako agad sa kama at pinagbuksan siya ng pinto. Dinig na dinig sa makinang na tiles ang kanyang takong habang naglalakad. Ang uncomfortable lalo na't sobrang tahimik ng paligid.

Ito rin ang unang pagkakataon na nakapasok ako uli sa loob ng main na ang dahilan ay hindi ang paghahatid ng pagkain. Talk about the advantage of being friend with the daughter of a leader.

We took our way into the dining hall. Natigilan ako sa paghakbang papasok nang marinig ang mga tawanan doon. Naistatwa ako nang mapagtanto kung bakit sobrang tahimik. It's lunchtime... it means... they are all in the kitchen.

Shit. I shouldn't be here.

"What's wrong? Come on," aya sa akin ni Lady Christy nang mapansin na tumigil ako.

Umiling ako. "I can't go there. I am not allowed to..."

Sumimangot ito bago lumapit sa akin at kinapit ang braso sa braso ko. "Ako ang bahala sa 'yo. Hindi naman tayo rito kakain. We are just here to greet the leaders and to show them my dress."


"Hihintayin na lang kita rito—"

"No. Let's go..."

Wala akong nagawa nung hilahin ako ni Lady Christy sa loob. Nakayuko lang ako habang isa-isa niyang binabati ang mga pinuno. Ako ang naiilang kung paano kausapin ni Lady Christy ang mga pinuno na parang wala lang sila. Nagawa pa nitong makipagbiruan. Hindi kumpleto sa lunch ang mga leaders ngayon.

"Oh, no, Milord. I'd rather have your son, Prince Nigel." Humagalpak ng tawa si Lady Christy. The confidence of this woman is ridiculous. Sobrang spoiled siguro nito sa Phoenix Clan.

"Oh, come on, Milady. He's still under training. Don't give him more distractions!" tumawa rin si Lord Hezuera.

Sa kabutihang palad naman ay hindi nila ako pansin kahit na nasa gilid lang ako ni Lady Christy. Gano'n pa man ay naiilang pa rin ako. Lady Grenda and Lord Oscar are here, too.

"Queen B..." Automatic na umangat ang tingin ko nang banggitin 'yon ni Lady Christy. Saka ko lang napagtanto na nakaharap na pala kami kay Queen B. She looked at Lady Christy unresponsively. "Nothing. Please, enjoy your food..."

That was the first time Lady Christy stopped bitching around.

"You are interrupting their lunch, Lady Christy." It was Lady Grenda. Hindi ko naiwasan ang tingin nito kaya agad niya akong nakilala. "I believe we have met before."

Napalunok ako nang usisain niya ang mukha ko. Hanggang sa unti-unting sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi. Sa wakas ay tila namukhaan na niya ako.

Before I even realized it, Lady Grenda stood up and hugged me. Nabitiwan ako ni Lady Christy. Sobrang higpit ng yakap nito na tila sinasakal na ako. Sa likod niya ay Lord Oscar na nakatingin lang sa amin.

"I didn't know we have an important visitor!" Humalakhak si Lady Grenda. Iyong tawa na may panunuya. Hinawakan niya ako sa braso at hinarap sa mga pinuno na tila nagtataka. "Mga pinuno, kilala niyo ba ang babaeng ito?"

"She's my friend," Lady Christy responded. "Now if you are done, we need to go."

Hindi siya pinansin ni Lady Grenda. Nairita ang mukha ni Lady Christy.

"Is she one of the slaves of our Lord Oscar?" asked by Lord Bueno of Behemoth Clan.

"No doubt," agreed by Lord Sentero of Sentro Clan. Sa lahat ng pinunong lalaki... siya ang pinakabata. Parang ka-edad niya lang si Prince Nigel Hezuera na hindi pa marunong mangabayo.

"You are right, Lord Sentero and Lord Bueno." Tinaas agad ni Lady Grenda ang ulo ko nang tangkain kong yumuko. "Except that she's not under our Lord Oscar..."

"Enough, Lady Grenda." Lady Christy tried to grab me but Lady Grenda didn't let go of me. "Lord Oscar. She's embarrassing my friend. Come on!" Humingi na rin siya ng tulong kay Lord Oscar na hindi pa rin kumikibo.

Wala akong nagawa kung hindi maging isang puppet at hayaan silang kontrolin ang kilos ko. Wala rin naman akong magagawa kung hindi ang sundin sila. I may be feeling powerless now but not afraid.

"May I know your name, Milady?" asked by Lord Bueno.

I put a smile as I introduced myself, "Good afternoon, My Lords. I am Astralla Martin, a slave of Nightfall Clan and I was once under the power of Brixton Wenz Cardinal."

As I expected, there was just silence after. Gulat ang mga mukha nila maliban lang kay Queen B na tahimik lang na kumakain. Alam kong sa oras na ito ay kasama na ako sa diskusyon nila.

"What's shocking about it? Matagal na silang wala ni Brix!" dipensa ni Lady Christy.

Si Lord Bueno ang agad na nagsalita. "Is that true? Ikaw ang babaeng 'yon?" Hirap pa rin itong paniwalaan ang sinabi ko.

"You are not wrong, Lord Bueno. We have Brixton Wenz Cardinal's slave inside the clan!" There was this ecstatic energy in her voice. "Maybe the lack is with us... or she's just stupid to come back?"

"In that case... we have our leverage here all this time!"

"Leverage? Is that how you treat women on Behemoth Clan?" Napunta kay Queen B ang atensyon ng lahat. Nagpupunas ito ng tissue sa labi. "I see. Not surprising in your misogynistic clan."

"That's not what I meant, My Queen." Bakas ang pagkainsulto sa boses ni Lord Bueno. "Can't you see? She was that woman! Nakalimutan mo na ba ang sabi-sabing may nagamitan sa kanila ni Brixton na higit pa sa pagiging alipin?"

"Namagitan?" takang-tanong ni Lord Vienzara. "Of course, there was. She was his slave. Or am I missing something?"

"I think... romantically..." guessed by Lord Sentero. "Lord Bueno is right. We can use her against our enemy. If that man cares for this woman, that means... she's our advantage now."

"That's what I have been talking about!" Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Lady Grenda. Bumaling ito kay Lord Oscar na tahimik lang. "Son... please. I know you are not that kind of man but we need all the advantage we can get."

"Then, push your force more," pagsingit na naman ni Queen B. "Why are you going to use a woman? Are you not confident enough in your force? That's why you are clinging to the hope that Brixton Wenz Cardinal would give it up easily? Just because you have her?"

"It's easy for you to say that since you won't be there on the battlefield, shedding blood and members." Tumalim ang tinig ni Lady Grenda, hindi pa rin ako pinakakawalan. "I respect you, Queen B but you are not here to help us in war. So, please... stay out of this."

"We need to put her in jail so she won't escape!" suggested by Lord Bueno.

"Ridiculous!" Tumaas nang bahagya ang tinig ni Lady Christy.

"I am losing my appetite." Nabasag ang hawak na wine glass ni Queen B. "Nagawa niyo pa talagang pagpasyahan ito sa harapan ko? You know how against I am for treating women like something you can just throw away after."

"Please, excuse your feminism—"

"Feminism?" nagtaas na ng kilay si Queen B habang nagpupunas ng kamay. "No wonder why no woman can stand you, Lord Bueno. Hanggang ngayon ay wala ka pa ring tagapagmana. What a shame for a leader."

"Queen B..." Nagtangis ang mga bagang ni Lord Bueno.

"Excuse me." Saka na tumayo si Queen B at naglakad palabas.

"Are you done? Pwede ko na bang isama si Astra?" tanong ni Lady Christy.

"Get out, Lady Christy," said by Lady Grenda. Umawang ang bibig ni Lady Christy sa sinabi nito at halatang nainsulto ito. "This is not your business anymore."

I looked at Lady Christy. Nag-aalab na naman ang tingin nito kay Lady Grenda. I don't think she's furious because of me, she's mad because Lady Grenda is bossing around again. She hates it the most.

"I-I'm fine... Lady Christy," I said.

"W-what are you talking about, Astra?"

I gulped the lump in my throat. Oscar's silence is not helping at all. But I know that's he's been attentively listening. Iyon ang sa tingin ko ang isa sa mga pinagbago niya. He listens first before acting. He makes sure he knows what's going on around before butting in.

"They will put you in jail, Astra. How's that fine to you?"

I shook my head. "What can I even do?"

Lumipat kay Lady Grenda ang tingin niya. "You won't touch her, Lady Grenda. You won't use her as a bait in this game."

"Wala kang alam—"

"Siguro ay mas dadami ang alam ko kapag ako na ang leader ng Phoenix Clan?"

Natikom ang mga labi ni Lady Grenda.

"You won't touch, Lady Astra," may diin na pagkakasabi ni Lady Christy. Hinawakan na niya ang braso ko at hinila ako palapit sa kanya. Wala nang nagawa si Lady Grenda. "Walang sino man ang hahawak kay Astra... naiintindihan niyo ba?"

"But, Milady—"

"I am the rightful heir of Phoenix Clan. Once you touch her, I will withdraw my clan out of this mess. You won't receive any help from us. Let's see how you can handle your enemy without the help of the second biggest clan."

Hinila na ako ni Lady Christy palabas ng main. Ramdam ko ang pagpupuyos niya ng galit sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko. That kind of dazed me. I didn't expect she would go that far.

She did that!

"I fucking hate her!" she screeched. Humarap siya sa akin, pulang-pula ang mukha. Sumilip ang mga pangil sa kanyang labi. "I know she's a selfish bitch clinging to our clan's power but I can't believe she stooped that low? Encage a woman and use it as leverage? Fucking bitch!"

This is the first time I've seen her this furious. I am kind of part of this. Nakaramdam ako ng konsensya. I don't see her as a genuine friend but after what she just did for me... maybe being friends with her is not bad at all.

"Are you good?" she asked after.

"Y-yeah. Thank you..."

"No. Napunta ka sa sitwasyon na 'yon dahil sa akin. It's my fault."

"You are awesome." This time I mean it. "You really are..."

Kumalma na siya kahit papaano. "Seryoso ako, Astra. Hindi ka nila magagawang ikulong."

I was left with words. Lumapit na lang ako sa kanya para yakapin siya. I suddenly missed Dahlia. She somehow reminds me of her. Ganitong-ganito rin siya sa akin. I wonder how is she?

"Aw. This is the first you insisted on a hug," she chortled.

"This is all I can do..."

I am safe now because Lady Christy protected me. Pero alam kong hindi titigil si Lady Grenda hanggat hindi ako nakukuha. Also, Lord Oscar's silence is bothering me. Is he somehow agreed to his mother's plan? Ikukulong din ba niya ako gaya ng ginawa niya kay Erikson?

Every Friday, leaders go back to their respective clans. Ibig sabihin no'n ay aalis din si Lady Christy ngayon para bumalik sa main base ng Phoenix Clan. Mas dadali ang mga trabaho para sa aming mga tagapagsilbi pero... alam kong may sasaya sa araw na 'to.

"I'm going to miss you," nakasimangot na sabi ni Lady Christy. Narito na kami sa front gate ng Nightfall Clan Mansion. Isa-isa na ring nag-aalisan ang mga leaders.

There are different types of horse-drawn carriage waiting here for their leaders. They are classified in accordance with color and their symbols. As for Phoenix Clan, their carriage has a golden phoenix embedded on it.

"Astra? Hindi mo ba ako mami-miss?"

Tumawa ako. "Babalik din naman kayo sa Lunes e."

"Kahit na!" Mas humaba ang nguso niya.

"What, why?" Napunta sa kabila ang atensyon ko. Lord Vienzara was talking to this young woman. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng babaeng kausap niya. "You can't leave me here, father. Gusto ko ring umuwi sa bahay."

"No, Yngritt. You will stay here... on your own," may diin na sambit ni Lord Vienzara.

Mukhang maiiyak na ang babae. "B-but..."

"This is just the start. Someday, you will take over my position and do things by yourself." Hinawakan ni Lord Vienzara ang balikat ni Yngritt. "Babalik din ako sa loob ng dalawang araw. Ikaw muna ang bahala sa mga maiiwan nating miyembro dito."

The woman sniffed as she nodded. There was nothing she could do but to agree to what her father wants. Ngayon ko lang siya nakita rito. Hindi rin naman kasi ako nakakagala nang madalas.

"If that's what you want, Milord..."

Lord Vienzara hugged his daughter. "Don't be scared, Lady of Vienzara."

Napalingon ako kay Lady Christy nang hampasin niya ang balikat ko. "Hindi mo man lang ba ako yayakapin? Hindi mo ba ako mami-miss? Ganyan ka ba, Astra?"

Ngumiti ako at niyakap siya. "Please, take care..."

"You, too..." Hinarap niya ako uli. "Maiiwan ka rito. That bitch must be planning something. Kapag sinaktan ka niya ay isumbong mo sa akin ah? Come on. Don't be scared of her."

"I'm not..."

She rolled her eyes. "Of course you won't. Nakaharap mo na nga si Brix, bakit ka pa matatakot sa iba?"

"Let's go, Milady..." Lumapit ang isa sa mga kawal sa amin.

Sinulyapan ko si Yngritt na nakatulala lang habang pinagmamasdan ang paglayo ng karwahe na lulan ang kanyang ama. Sa sandaling panahon ay nawala ang lahat ng pag-aalala sa kanyang mga mata. Nang mapagawi ang tingin nito sa akin ay nilagpasan niya lang ako ng tingin.

"See you on Monday, Astra..." Naagaw uli ni Lady Christy ang atensyon ko.

Ngumiti ako sa kanya. "See you again, Milady..."

Sumakay na ito sa loob ng magarang karwahe. Sumilip pa ito sa bintana bago kumaway sa akin. Pinagmasdan ko ang sinasakyan niya hanggang sa alikabok na lang ang naroon.

Suminghap ako. Sa isang iglap ay mag-isa na lang ako. Wala na ang mga pinuno. Humarap ako sa mga nagtataasang tarangkahan. The familiar silence of this place is bizarrely calming. Ito ang katahimikan na kinagisnan ko.

Unlike the last time, malaya akong napasok sa loob. Naglalakad na ako pabalik nang maramdaman kong may umakbay sa akin. Bumaling ako kay Prince Nigel na nakangiti.

"Can we be friends?" he asked.

"Lord Hezuera went home," I told him,

"And?" Mabuti na lang at kumalas na siya.

"Why didn't you?"

"Training..." He shrugged his shoulders.

Tumango lang ako. Nakasunod pa rin ito sa akin.

"Uhmm." Mukhang nag-iisip pa ito ng sasabihin. "Hindi ba kasamahan niyo si Magda?"

"If you are going to interrogate me about her whereabouts, we are not friends."

He let out a heavy sigh.

"Why?" I asked after.

"Nothing."

Nakasunod ito sa akin hanggang sa kusina. Naabutan ko ang mga kasamahan ko na nag-aayos na ng mga gamit. Hapon na rin naman at saka wala na gaanong gagawin. Rest day rin namin ito.

"Do you girls want to drink?!"

Napatingin kami kay Nigel. Wala siyang nakuhang sagot. Napailing lang din si Lady Lena.


"Come on!" he frowned. "Sagot ko!"


"They are tired, Mr. Hezuera." Pumasok si Celeste at dumiretso sa tabi ko. "They need rest more. Saka ang bilin sa 'yo ni Lord Hezuera ay hindi ka iinom ng alak, hindi ba?"

"He won't know—"

"I want a reward."

Nagtaas ng mga kilay si Nigel. "Fine. Iimbitahan ko na lang si Lord Oscar."

"Can I join?" Napatingin silang dalawa sa akin. "I want to drink, too."

"Sure!" Ngumisi si Nigel.

Bumaling ako kay Celeste. "You?"

Napalunok ito na ikinangiti ko.

Pagkatapos ng dinner ay dumiretso muna kami sa mga dorm namin. Ang sabi ni Celeste ay susunduin na lang niya ako rito. Naligo ako sandali dahil malagkit ang pakiramdam ko.

"Sama ako!" ani Blessy.

"Bawal 'yon sa bata, Blessy," suway ko habang nagsusuklay.

"Bakit? Bata ba ako?"

"Your height— joke!"

Sumimangot ito bago tumabi kay Lola na nagtitiklop na naman ng damit. Gabi-gabi nga yata itong nagtitiklop.

"I miss Magda..." Blessy whispered.

Hindi ako kumibo.

"Hindi siya patatahimikin ng Hezueras," ani Lola, bumuntonghininga. "Ang ginawa niya ay isang kataksilan. Kaya kayo, Astra, Blessy... huwag na huwag kayong magbubuntis. Bata pa kayo kaya mapusok ang mga damdamin ninyo. Mag-iingat kayo."

"Hindi naman talaga ako magbubuntis," ani Blessy. "Wala naman akong crush."

"Hindi mo rin masasabi, Blessy," saad pa ni Lola bago bumaling sa akin. "Ang anak niyo ang labis na maghihirap. Mabubuhay ito nang walang kinikilalang ina o ama."

Sumikip ang dibdib ko. Ayoko sa usapin nila.

Mabuti na lang din at dumating na si Celeste. Hawak niya ang isang lampara habang naglalakad kami sa katahimikan ng paligid. Malayo rito ang Main kaya malayo-layo ring lakaran ito.

"Are you sure you want to join?" I asked her once again.

Mukhang napilitan lang naman kasi ito dahil sa akin.


"Hindi naman kita pwedeng iwanan sa kanila, Astra."

"Iyon lang ba talaga?" pang-aasar ko na ikinailing lang nito.

Umikot kami sa likod ng Main kung saan may mga kubong pahingahan. Sa hindi kalayuan ay natanaw namin ang namumukod-tanging kubo na may ilaw. Naroon na sina Lady Lena at Nigel.

"Gorgeous evening, girls!" magiliw na bati sa amin ni Nigel pero kay Celeste nakatingin.

Ngumiti ako kay Lady Lena bago tumabi sa kanya. Pabilog ang kubo na ito at may iisang labasan. Nasa dulo kami at nakaharap sa labasan. Tumabi rin sa akin si Celeste. Si Nigel ay nasa gilid ng daan at malayo sa amin. Naka-polo shirt itong bukas ang ilang butones.

"Hindi rin ako maaaring magtagal," ani Lady Lena.

"Ikaw rin ba, Lady Celeste?" tanong ni Nigel.

"As long as Lady Astra is here," sagot ni Celeste.

Napunta sa akin ang tingin ni Nigel. "I still can't believe you have already talked to the Greatest Cardinal. Idol ko 'yon e. Huwag mong sasabihin kay Papa ah? Pero... idol ko talaga si Brix. Angas."

Pinadapo ko na lang ang tingin ko sa lamesa sa gitna. The different type of luxurious alcoholic beverages was scattered with the shot glasses. Nakabukas na ang isa na nakalahati na rin ni Nigel.

"Can you tell me about Brix?" tanong uli ni Nigel. "I mean... aside from he's the beast of Nightfall. Alam naman na ng lahat 'yon. What is more fascinating about him?"

Mukhang hindi lang si Nigel ang interesado na malaman 'yon, maging sina Lady Lena at Celeste ay halatang naghihintay rin ng sagot mula sa akin. I can't think of anything fascinating about him.

"Come on, Astra." Excited pa si Nigel.

"I don't know..." Tumagos ang tingin ko sa hindi kalayuan kung saan natanaw ko ang mga paparating. "He can be your greatest friend or your biggest nightmare. You choose."

"No way..." Nigel chuckled.

"They are here." Si Lady Lena.

Ngumiti sa amin si Lady Feera at bahagyang yumuko pa. Naramdaman kong sumiksik sa akin si Celeste. Si Lady Lena lang ang tumayo at yumuko bilang pagbati sa pinuno.

I feel so damn awkward. I don't think this is a good setting. Alam kong mas malala pa ang nararamdaman ni Celeste. Kung tama ako... ito ang unang paghaharap nila ni Oscar matapos ang matagal na panahon.

Umupo sa tabi ni Nigel sina Lady Feera at Lord Oscar. Malaki ang ngiti sa labi ni Nigel habang binubuksan ang mga alak.

"I can't stay here longer," said by Lord Oscar. "Pinaunlakan ko lang ang alok ni Mr. Hezuera."

"Sure. No worries, Lord Oscar," maagap na sagot ni Nigel habang nagsasalin sa mga baso. "Ako naman ay hindi aalis hanggat may babae pa." Humalakhak ito.

"You have an early training tomorrow, Mr. Hezuera," Oscar reminded him.

"Really?" nanunuyang tanong ni Nigel.

Kinuha ni Lady Feera ang isang baso ng alak. Sinugatan niya ang kanyang braso at pinatakan ito ng dugo bago binigay ang baso kay Oscar na tinanggap naman ito. I know she's a different person behind but how she treats Oscar looks genuine to me.

"So..." Inabutan din kami ng alak ni Nigel.

"Thanks," Celeste mumbled.


"Ah!" Humalinghing si Nigel bago sumandal at tinagilid ang ulo habang nakatingin kay Celeste. "It's really peaceful when Lady Christy is not around, isn't it?"

Uminom ako bago sumagot. "It could have been more peaceful without you—"

"Aw. You are rude, Lady Astra." Humalakhak si Nigel, mukhang hindi naman nainsulto. "Ganito mo rin ba itrato si Brixton?"

Napatingin ako kay Oscar na nakasandal lang at nakaakbay kay Lady Feera.

"Why didn't you invite the Lady of Vienzara?" I asked, avoiding the topic about Brix that Nigel keeps on talking about. Hindi ba marunong makiramdam ang isang 'to o makulit lang talaga?

"Didn't he leave with her father?" tanong ni Oscar.

Umiling ako. "She stayed here."

"Not me." Umiling agad si Nigel. "That woman is scaring the hell out of me. Sobrang tahimik at kapag tinatanong ay tango lang ang sagot. She doesn't even interact that much."

"You must have scared her," ani Celeste na naiiling. "Learn to be gentle, Mr. Hezuera."

"I am!" giit ni Nigel.

"Kaya pala misan mo na ring inararo ang mga kawal sa kabayo mo?"

"What? I lost control!" Namula ang mukha ni Nigel, halatang nahiya.

"That's more embarrassing, don't you think? Ilang taon ka na bang nangangabayo at tila laging baguhan ka pa rin?"

Nigel licked his bottom lip as he said, "Marunong akong mangabayo, Lady Celeste. Paborito kong gawin 'yon..."

Narinig ko ang pagtawa ni Lady Lena, halatang iba ang naisip sa sinabi ni Nigel na malamang na sinadya niya. But I don't think Celeste interpreted it the way we did.

"Whatever you say, Nigel."

"Are you teasing me so I need to kiss you to shut up?"

Nanlaki ang mga mata ko at pinigil ang matawa. Napatingin kami kay Lady Lena, siya lang ang hindi nagpigil ng tawa. Kumurap-kurap si Celeste na hindi nakasagot.

"Is that your definition of gentle?" pumasok din sa usapan si Lady Lena.

Napatingin ako kay Oscar na nagsalin ng alak sa baso niya. Nakikinig lang ito gaya ng madalas. But I can tell that he's not liking their conversation. He looked bored.

"Tease me more, Lady Celeste..."

"Nakakatuwa naman kayong dalawa," naagaw ni Lady Feera ang atensyon namin. "Lagi talaga kayong nagtatalo. Teka. Hindi ba marunong kang mangabayo, Lady Celeste? Bakit hindi ikaw ang magturo kay Nigel?"

"Hindi ko 'yon trabaho—"

"Marunong siya?!" gulat na tanong ni Nigel. "She must be more reckless than me. Alam mo ba kung paano pasunurin ang kabayo? Na itrato ito na parang parte ng katawan mo?"


"Are you trying to lecture me now?"

"I am just asking you."


Ramdam kong medyo inis na rin si Celeste kay Nigel.

"Show me then. I dare you in a horse racing, Mr. Hezuera."

Whoa. That escalated quickly. I am enjoying this.

"Handa ka bang mapahiya?" nang-aasar na tanong ni Nigel.

"Yes, handang-handa akong mamahiya."

Tumawa si Nigel bago tumayo. Lumipat ito sa tabi ni Celeste. Hindi nagpatinag si Celeste. Nigel is trying to frighten her but Lady Celeste is no longer that gentle and careful woman I know. Time has changed her, too.

"What's the deal?" he asked.

"You will take your training seriously after I defeated you..."

"But... what if I won, Milady?"

"What?"

Nigel smirked. "Would you date me?"

"I have a master to serve, Mr. Hezuera—"

"Should I steal you instead then?"

Napanganga si Celeste.

"Kidding..." Umiling si Nigel. "But, we can be friends, right?"

Lumunok si Celeste. "Deal..."

"Deal."

Napailing na lang ako. This guy is something else. Alam kong loko-loko siya pero sa tono ng pananalita niya ay alam kong seryoso ito. Siya 'yung tipo ng lalaki na mas ginaganahan kapag magaling ang kalaban. This will be a close competition.

Well... goodluck to Celeste.

Ilang minuto rin kaming tahimik. Mukhang nawala na rin sa mood makipag-usap si Nigel na walang ginawa kung hindi ang unimon. Nakailangan shots na rin ako.

"Okay ka pa?" tanong sa akin ni Celeste.

Tumango lang ako.


"How's the Esparago Clan?" biglang tanong ni Oscar at alam kong sa akin 'yon.

"Peaceful as always," I responded, eyes on the ice in my wine glass. Tumaas ang tingin ko kay Oscar. "Why, Lord Oscar?"

"They have been very secretive these past few months," banggit pa nito. "Nagpaunlak ako ng bisita pero hindi nila tinanggap. You are not hiding Brix there, are you?"

Lumunok ako bago umiling. They tightened to security for me.

"I see. What's with the sudden change of policy then?"

Mabilis akong nakaisip ng isasagot. "Minsan na silang tinangkang atakihin ng mga rebelde. Ginawa nila ang paghihigpit para maging ligtas ang lahat. That's all."

"Strange..." Huminga ito nang malalim. "Bakit lumuwag na naman ang mga bantay nila nung umalis ka? Ikaw ba ang target ng mga rebelde? Kaya nung umalis ka ay wala nang saysay ang higpit ng seguridad nila?"

"What are you trying to say, Lord Oscar?"

"That... you are hiding something there." Ngumisi ito. He really looked suspicious. "Kalaban na rin ba ngayon ang Esparago Clan? Are you siding with Brixton now?"

"Esparago Clan is still an independent clan. Wala silang kinalaman kay Brixton."

Hindi natinag ang pagdududa sa mga mata ni Oscar. "Minsan nang naging mission ni Brix ang clan na 'yon. Bakit sa dami ng napaanib niyang pangkat... bakit nanatiling hiwalay ang Esparago sa kanya?"

"He doesn't see them as a threat. Bakit niya papakialaman ang isang bagay na nananahimik?" I couldn't help but to raise my brows. "You know him, Milord. Hindi ka niya kakalabanin kung hindi mo rin siya kakalabanin."

"I see..." Tumango ito.

"That means... hindi niyo pa rin alam kung nasaan ang Severus Clan?" tanong ko.

Umiling naman ito. "Hindi... pa."

I know this is a dumb question but, "Are you going to use me as leverage?"

"I'm not sure."

"Would you set Erikson free in return?"

"Astra!" si Celeste na nag-aalala.

Mahinang tumawa si Oscar. "You didn't change after all. You are still acting like a saint. Hindi ba ilang beses ka nang napahamak dahil masyado kang maalalahanin?" Nakita ko ang pasimpleng pagdaan ng tingin niya kay Celeste.

"Erikson deserves it. He knows how to keep a friend."

"Watch your words, Lady Astra," ani Lady Feera. "Baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo."

"It's fine, Lady Feera. Hanggang salita lang naman si Astra."

Tinikom ko na ang bibig ko bago pa man ako makapagbitiw ng mga salitang pagsisisihan ko. I know he's provoking me now. No. He won't get it. Hindi ako bumalik para lang sa ganito.

"No. I am not going to use you as a lure, don't worry," Oscar said after the silence. "I know, Brix. Hindi gumagana ang mga ganito sa kanya. Hurting you means triggering him even more."

That feels like... he's planning something else.

"Stop." Tumayo si Celeste at kinuha ang shot glass mula kay Lady Feera nang tangkain na naman niya itong lagyan ng kanyang dugo. Pinatong niya ito sa harapan ni Oscar bago bumalik sa upuan. "He doesn't like it that much. He prefers fresh blood."

Umigting ang mga mata ni Oscar sa inasta ni Celeste, hindi niya ito nagustuhan. Para ipakitang mali si Celeste, inutusan niyang patakan ito ng dugo ni Lady Feera saka niya ininom.

I stared at Oscar. No matter how he fakes it, Celeste still affects him. That proves it more when he kissed Lady Feera in front of us. Gusto niyang ipakita na wala na siyang nararamdaman kay Celeste pero bigo ito.

Hindi na namin naubos ang mga alak. Nung tumumba na si Nigel sa hita ni Celeste ay tumigil na rin kami. Pinahatid ni Oscar si Nigel sa kwarto niya. Pauwi na kami ngayon ni Lady Lena sa dorm namin. Si Celeste naman ay iba ang daan na tinahak.

"Lord Oscar is cute..." Lady Lena mentioned.

Sa aming dalawa ay siya ang mas tinamaan ng alak. Nakakaramdaman na rin naman ako ng pagkahilo. Inaantok na rin ako. Pero hindi tulad niya na medyo hindi na maganda ang lakad.

"Uhmm..." Napatingin ako kay Lady Lena nang tumigil ito sa paglalakad. Ilang sandali pa ay napayuko ito saka nagsuka. Hinila ko siya sa gilid dahil nasa gitna kami ng daan.

Nakasandal lang ako sa puno habang hinihintay na matapos magsuka si Lady Lena. Tiningala ko ang bilog na buwan. Umihip ang hangin na bahagyang gumulo sa buhok ko.

Humikab ako bago pinikit ang mga mata. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang kakaibang lamig na hangin na humaplos sa pisngi ko. Pagmulat ko ng mga mata ko ay malabo na ang paligid. Nababalutan ako ng hamog.

Kumalabog ang dibdib ko.

Nanginig ang mga labi ko. Kilalang-kilala ko ang pakiramdam na ito. Ang haplos... ang lamig... ang pakiramdam na walang sino man ang makakapanakit sa akin habang nasa loob. Isang lalaki lang ang maaaring may gawa nito.

"B-Brix..." I teared up.

"Lady Astra?" Napatingin ako kay Lady Lena na nakakunot ang noo, mukhang kanina pa tapos. Saka ko lang napagtanto na wala na ang hamog. "Kanina ka pa tulala. Ayos ka lang ba?"

"H-have you seen the fog?"

Mas lalong naguluhan ang tingin niya. "Nahihilo ka lang, Lady Astra. Wala namang hamog sa paligid."

No. I'm sure of what I felt.

I cannot be wrong this time.

The fog embraced me.

Brixton Wenz Cardinal was here.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro