Chapter 6
Chapter 6: Vanished
My breathing was still heavy. All this time he knew I was here. Of course, he was aware! Oscar is the leader and he has ears all over the place he manages. Not surprising. But what I did not expect was... he doesn't seem to care at all.
Lady Lena was still dragging me away from the commotion. Nang makalayo ay hinarap ako niya ako. I thought she was furious at me for messing up but her gentle and worried stare begged to disagree.
"Ayos ka lang ba?" tanong nito.
I gulped and nodded. I'm fine. It's not a big deal to me. I've had worse.
"I'm really sorry. I should have been more cautious bringing you with us, Lady Astra. It's my fault."
Nang makabawi ay halos umikot ang mga mata ko. Hindi naman sana mangyayari ito kung hindi lang nag-over react si Lady Feera. What an over dramatic fake bitch. I suddenly pity Oscar.
"Pero..." Naging mausisa ang tingin niya. "Mukhang mainit ang mata sa 'yo ni Lady Feera."
"Hindi naman ako pumapatol sa mga katulad niya, Lady Lena."
Ngumiti ito sa akin. She seemed relieved to know that I am not planning to fight back. I mean... she's not a threat to me for her to deserve my time. I will just avoid her.
"Astra!" Napatingin kami kay Lady Celeste na patakbong lumapit sa amin. "You okay? Narinig ko ang balita mula sa mga tagapagsilbi na napagalitan ka raw?"
"It's my fault, Lady Celeste," Lady Lena bowed her head.
Hindi natinag sa akin ang nag-aalalang tingin ni Celeste. Kahit na sinagot na ni Lady Lena ang tanong niya ay gusto pa rin niyang sa akin mismo manggaling 'yon.
Huminga ako nang malalim. "It's nothing, Lady Celeste."
"Don't tell me it's Lady Feera?" she asked and I could tell she's done with her, too.
Oh. Is she also maltreating Celeste? No doubt. Celeste is way better than her.
"Pwede ko muna bang makausap nang mag-isa si Lady Astra?" tanong ni Celeste kay Lady Lena. "Sandali lang naman, Lady Lena. Pagkatapos ay babalik na rin siya sa trabaho."
Tumango lang si Lady Lena bago umalis.
Nalaman ko kay Celeste na ma-drama nga talaga si Lady Feera. She has been boastful about her position as the slave of Lord Oscar. Natatawa nga lang si Celeste habang nagkukwento. I'm glad that bitch isn't affecting her, too.
"I saw him, too," I said.
"He has changed a lot, right?"
"Talaga?"
Naguluhan ang tingin ni Celeste na ikinatawa ko na lang.
Bumalik na rin kami agad sa mga trabaho. Naging maayos naman ang lahat at nung hapunan ay kinausap ako ni Lady Lena. Isang balita ang sinabi niya sa akin na hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba o ikakabahala.
"Talaga? Kasama na ako lagi sa mga maghahatid ng pagkain sa mga pinuno?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"You heard it right. You see, Lady Astra. This is not some promotion or something to be grateful for. Ang trabahong ito ang isa sa mga pinakamahirap para sa mga tagapagsilbi dahil nakakaharap nila ang mga pinuno. Pero malakas ang loob mo... you can be a great help to us."
I can't blame them. Maging ako rin naman ay nasindak kanina.
Pagkalabas ko ay nakaabang na sina Magda, Lola at Blessy sa labas. Sabay-sabay kami laging bumabalik sa dorm. Minsan ay naghihintay rin ako sa kanila pero madalas ay ako ang hinihintay nila. They have been my accompany. Well... they are fun to be with anyway.
"Good evening, Astrang mabait," bati sa akin ni Blessy at agad na pinulupot ang braso sa bewang ko. Hindi ako kumportable pero nasanay na rin ako. Minsan nga ay bigla pa itong yayakap.
"What a day," Magda yawned.
"Pero napansin niyo ba 'yung mga hinabi natin?" dinig kong tanong ni Lola.
"Oo nga. Hindi na pang-ensayo ng mga kawal ang mga kasuotan na ginagawa natin," sagot ni Blessy.
"It's for the war," sagot naman ni Magda.
Doon nila nakuha ang atensyon ko.
"Posibleng mag-uumpisa na ang labanan," dagdag pa ni Magda. "Thank God. Hindi na natin kailangan ulit-uliting tahiin ang kasuotan ng mga kawal dahil mamamatay na rin sila."
"Shut up!" si Blessy na kabado. "Hindi pa ako handa!"
"No one is prepared in war, Blessy," said Magda.
"Shut up! Paano kung pati tayo isabak sa laban?" alalang tanong pa ni Blessy na parang maiiyak na. "Ano ang laban natin sa kanila? Mga karayom sa bodega?"
Tumawa si Lola. "Kailangan na lang nating maging handa, Blessy. Halimaw ang kalaban natin. Hindi ito kumikilala ng antas. Basta kalaban ay kalaban."
"I doubt that," I interrupted the conversation.
"Oo nga. Si Astra ay matagal na rito. Mas may alam siya sa atin!" Bumaling sa akin si Blessy na nakangiti na. Humigpit ang kapit niya sa bewang ko. "Tama ba, Astra? Hindi naman tayo mapapahamak kasi mananalo tayo?"
I shook my head. "I'm not sure..."
"Astra naman e!"
"Hindi sa tinatakot ko kayo pero... he can kill you all just by standing. He can do it even with eyes shut. It won't be bloody since you will just fall on the ground and suffocated. That's how powerful your opponent is."
"Our opponent." Tumawa si Magda. "You don't see him as a threat. Of course he won't harm you. You were once under him. I've also heard that... you two shared something special... like a bond."
"Ha?" naguluhan si Blessy. "Kilala mo siya, Astra?"
I see. This woman is something else. Hindi lang siya basta alipin dito. Mas marami siyang alam kung ikukumpara sa iba. Tahimik lang din ito na nagmamanman.
"Ano ang ibig mong sabihin, Magda?" takang tanong pa ni Blessy.
Biglang natigilan si Magda.
Kumunot ang noo ko. She reacted to something. It was just a glimpse but I noticed it.
"May nakalimutan pala ako," biglang sabi ni Magda.
Hindi pa man kami nakapagsasalita ay tumakbo na ito pabalik. Napatingin naman ako sa dalawa kong kasama na mukhang walang pakialam. Parang wala lang sa kanila ang inakto ni Magda.
"Makakalimutin lang talaga siya. Laging bumabalik e," natatawang sabi ni Lola.
No. Something is off about that woman.
Magsimula nung gabing 'yon ay lagi na rin akong nakabantay kay Magda. She's acting strange sometimes. Lagi siyang humihiwalay sa amin at ang dahilan niya ay may nakalimutan siya. I know she's hiding something from us.
"Ang sarap! Salamat, Astra!" ani Erikson habang kinakain ang dala kong pagkain.
Bumuntonghininga ako. "Sorry, Erikson—"
"I can wait," putol niya agad sa akin.
Sumandal ako sa bakanteng rehas sa tapat ng rehas ni Erikson. Tahimik lang ito habang kumakain. Umiwas ako agad ng tingin. Hindi pa rin ako sanay na makita siya rito at walang laya.
"Someone's coming..." Erikson suddenly said.
Just like that, one of the Seniors of Nightfall Clan came in.
"You are really back, Lady Astra," Lord Wenson greeted me.
"Yes, Milord." Umayos ako ng pagkakatayo. "It's been a long time."
Tumingin ito kay Erikson. "Poor lad..."
"You can set him free, right?" I asked.
I remember. Siya ang at nang-usisa at nagbigay hatol kay Eliyah para makalaya nang mahuli itong nagmamasid sa paligid. He handles the prisoners. So, definitely... he can do something about Erikson's case.
"I'm afraid that's out of my decision," he laughed.
"Si Oscar ang nagpakulong sa akin. Siya lang din ang pwedeng magpalaya," sagot ni Erikson.
"But you can talk to him," giit ko pa rin. "Walang kasalanan si Erikson. Hindi niya alam ang mga plano ni Brix. Biktima lang din siya rito, Lord Wenson. So... please?"
If I needed to kneel now, I would. Desperado na akong makalaya si Erikson. Gusto kong nakikita at nakakasalamuha siya sa labas. Mas mapapanatag ako sa gano'ng paraan.
"Please, Lord Wenson. Talk to Oscar."
"Lord Oscar, Milady. May I remind you that he's now the supreme leader of Nightfall Clan."
"Sorry. But please? Talk to Lord Oscar."
"He won't listen to me, Lady Astra. Why don't you try it yourself?"
"No." Tumutol agad si Erikson. "Don't do that, Astra. You don't know him anymore..."
Napayuko na lang ako. Kung gano'n ay ano ang magagawa ko? Si Oscar lang ang paraan para makalaya si Erikson. He already sacrificed too much for me. Nilagay na rin niya sa panganib ang buhay para lang maprotektahan ako.
I need to give it a shot.
"Astra... I'm fine. Ayos na akong nakikita ka."
"Okay." Umangat ang tingin ko.
Kumunot ang noo ni Erikson. "Oh, please..."
"Hindi na nga!" sabi ko.
"I know you!" Erikson frowned.
Hindi ko sinunod ang gusto ni Erikson. Sa tuwing lunch break ay pasimple akong tumitiwalag sa grupo para pumunta sa Main, nagbabakasakaling makasalubong ko si Oscar. Masyado siyang mailap. Lagi akong bigo.
"Where the hell are you?" I asked myself while hiding behind a tree and watching the front of the Main from afar. I've been standing here for almost an hour now but nothing happened yet.
"Miss? Ikaw na naman?" Napatingin ako sa lalaking nagsalita.
Napaayos ako ng tayo. "Yes?"
Kumunot ang noo nito. "Si Lord Oscar na naman ba? May crush ka ba sa kanya?"
Pakialamero talaga ang kawal na ito. Siya na nga ang pumigil sa akin sa pagpasok dito sa clan tapos pipigilan niya pa rin ako sa ganito. Mukhang wala rin mangyayari sa paghihintay ko kaya umakto na akong aalis.
"Teka!" pigil niya sa akin nang maglalakad na ako palayos.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil hinawakan niya ako sa braso.
Binitiwan naman niya ako agad at tumikhim. "Tagapagsilbi ka rin, possible bang kilala mo rin si Magda?"
Natigilan ako.
Napansin niya ang reaction ko kaya agad niyang binawi ang tanong. "Hays. Huwag na nga. Sige na. Bumalik ka na bago pa kita isuplong na nagmamasid sa leader ng Nightfall."
"Kaanu-ano mo si Magda?"
"Kilala mo siya?!"
"Girlfriend?" tanong ko.
"Hindi." Pinilig niya ang ulo. "Sige. Mauna na ako. Bumalik ka na rin sa trabaho mo."
Sinundan ko siya ng tingin. Kumakamot pa ito sa ulo.
Posible kayang ang dahilan kung bakit laging naglalaho si Magda ay dahil nakikipagkita siya sa lalaking 'yon? Malaki ang posibilidad. Guwapo naman 'yung lalaki kaya alam kong papatulan siya ni Magda.
I think the case for Magda's often disappearance is solved.
"Saan ka galing?" pabulong na tanong ni Lady Lena nang makabalik ako.
"Nagpahangin lang po..." sagot ko bago bumalik sa ginagawa.
"Ang anghang!"
Napatingin ako sa sumigaw. Saka ko lang napansin si Lady Feera na nasa isang lamesa at kumakain. Pinagsisilbihan siya ng mga kasamahan ko. Feeling prinsesa ang gaga.
Hindi ko na lang pinansin.
"Hala. Sorry po," dinig kong paghingi ng paumahin ng isa pa.
"Hindi ba ang sabi ko ay tamang-anghang lang? Paano kung kay Lord Oscar nangyari ito? Maisasalba ka ba ng sorry mo?"
I mentally rolled my eyes. As if magre-react nang ganito si Oscar dahil lang sa anghang.
"K-kaunting anghang lang po ang nilagay k0—"
"Sinasabi mo bang nag-iinarte lang ako?"
"Hala. Hindi po. Sorry, Lady Feera."
Natatawa na lang ako. Trying hard mag-sungit ang gaga.
"Linisin mo nga ang lamesa ko... Astra!"
I knew it. Alam niyang nandito na ako gaya gumawa na naman ng eksena.
Binaba ko ang ginagawa para kumuha ng malinis na basahan. Walang gana na lumapit ako sa lamesa niya. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Nilinis ko ang kalat na kagagahan ni Lady Feera.
"Where have you been?" she asked. "Kanina pa tapos ang tanghalian pero kababalik mo lang?"
Hindi ako kumibo.
"Kinakausap kita, Lady Astra." Ramdam ko ang pagpipigil nito na pagtaasan na naman ako ng boses. "Tinatanong kita kung saan ka galing at kung bakit wala ka sa oras ng trabaho."
Huminga ako nang malalim bago tinigil ang pagpupunas. Bubukas pa lang ang bibig ko ay nakasagot na agad si Lady Lena.
"May inutos ako sa kanya sa labas, Lady Feera."
Nagtaas ng kilay si Lady Feera. "Hindi ikaw ang tinatanong ko. Lady Astra?"
"May inutos sa akin sa labas si Lady Lena, Lady Feera," ulit ko lang sa sinabi ni Lady Lena.
"At ano 'yon?"
"Magtapon ng basura. Sayang lang dahil may natira pa pala rito."
Umawang ang bibig ko at bago pa man siya mag-drama ay dinugtungan ko agad 'yon.
"Itong basahan. Masyado nang marumi kaya basura na rin na kailangang itapon." Nginitian ko siya. "Sandali lang po ah? Itatapon ko muna ito sa labas."
Palabas na ako nang makasalubong si Lady Christy. Oh hell no.
"Oh. Hi, Astra..." malambing na tawag nito sa akin. Tumagos ang tingin nito sa likod ko. "Oh. You are also here, Lady Feera. Bakit hindi mo kasama si Lord Oscar?"
"N-natutulog po siya..."
Suddenly, the table turned around.
"He must be bored." Lady Christy frowned. "Did you just bore him in bed?"
Hindi nakasagot si Lady Feera.
"Anyway, mas mabuting maghintay ka sa labas ng kwarto niya dahil doon ka nabibilang, hindi 'yung pakalat-kalat ka," sermon pa nito kay Lady Feera.
Pasimple kong sinulyapan si Lady Feera. Hindi maipinta ang mukha nito. I mentally laughed.
Binangga ni Lady Feera ang balikat ko bago ako nilagpasan at lumabas. Napatingin ako sa basahan na hawak. Mas may silbi pa pala ito kesa kay Lady Feera kaya hindi ko na muna itatapon.
"Can I have some wine?" Dumiretso si Lady Christy sa table.
Naghugas ako ng kamay bago bumalik sa ginagawa. May mga nagsisilbi naman kay Lady Christy.
"That bitch..." I heard her murmur.
I thought she was referring to Lady Feera but no.
"That scar on her face suits her well. What a pathetic mistress."
I see. Si Lady Grenda ang binubunganga niya.
Binaba ko ang ginagawa sa ikalawang pagkakataon para lapitan ang mga wine. Kumuha ako ng isa at saka lumapit kay Lady Christy. She furrowed her brows to me.
"What?" she asked.
"Mas matagal nang nakaimbak ang wine na 'to. I bet it tastes better. Do you want to try it, Lady Christy?"
Inubos niya ang laman ng wine glass bago nilahad sa akin. "Pour me some..."
Umupo rin ako bago siya pinagsalin sa baso.
"You look so gorgeous, Lady Christy. Bakit nakasimangot ka?" tanong ko habang naiiling pa. "Hindi dapat ginagalit ang tulad mo. May I ask what happened?"
Tumitig ito sa akin. "I think I like you now..." she smiled.
Inisahang inom niya ang laman ng baso kaya pinagsalin ko siya agad.
"What's with that frowned face?" usisa ko.
"Nothing."
I nodded.
"You know what?" Kinuha na niya sa akin ang alak at lumagok na diretso roon. "I should be the leader of Phoenix Clan by now. Pero binigay ito ni Papa kay Lady Grenda. I mean... I don't want it in the first place but that bitch is getting into my nerves. How dare she talk to me that way."
"Oh. Of course, you are a real Phoenix. Ikaw dapat ang hahalili sa ama mo."
"I never wanted to be the Lady of Phoenix Clan. I just want boys. Pero sa ginagawa sa akin ni Lady Grenda, nagbabago ang pasya ko. Gusto kong agawin ang clan sa kanya para wala na siyang panghawakan."
I smiled. "I don't think she will let you get it back."
Natigilan siya. "What? Why not?"
"She's using your clan to help her son, Lord Oscar. Kung bibitiwan niya ito ay malaking kawalan sa kanila. You are powerless compared to her. Of course, she will look down on you."
Napansin kong bumigat ang paghinga ni Lady Christy. Saka ito uminom sa alak.
That's right, Lady Christy. Don't let that woman hold your neck.
"Dad loves me more than her though. Isang salita ko lang ay babawiin agad ni Papa ang clan at ibibigay sa akin."
"What's stopping you?"
"Boys." She cackled. Pinitik nito ang buhok. "Duh. Mawawalan na ako ng oras para sa mga lalaki kapag ako na ang leader ng clan. Stress lang dala nito kaya ayoko."
I laughed, too. "Kung gano'n ay wala kang magagawa kung hindi tiisin ang panghahamak sa 'yo ni Lady Grenda."
Hindi na nagsalita si Lady Christy. She was just staring at her drink.
I couldn't help but to smirk.
Mag-umpisa nung araw na 'yon ay nagkamabutihan kami ni Lady Christy. Hindi na rin ako magawang lapitan ni Lady Feera dahil nakadikit ako lagi kay Christy.
Isang araw ay binulabog kami ng isang balita. Mamayang gabi raw ay manghahalughog ng mga dorm ang mga kawal. Hindi ito gaya ng mga dating paghalughog dahil kailangan ay naroon din kami. Ang ibig sabihin no'n ay kasama kami sa hahalughogin.
"Wala naman akong tinatago..." dinig kong bulong ng isa sa mga kasamahan ko dito sa kusina.
Yes. As long as you are not hiding anything, nothing to be afraid of.
But... shit. 'Yung mga armas ko.
"Saan ka pupunta, Lady Astra?" tanong sa akin ni Lady Lena.
Lumunok ako. "May kukunin lang po ako sa dorm..."
"Bilisan mo ah?"
Patakbo akong bumalik sa dorm. Kinuha ko ang mga armas ko saka ako lumabas. Naghukay ako ng lupa sa likod ng bahay at doon binaon ang mga armas ko. Siniguro ko namang walang nakakita sa akin.
I let out a sigh of relief after. It's buried now.
Pagkabalik ko sa loob ay naabutan ko naman si Magda na palabas. Hindi niya ako pinansin. Dumiretso lang ito sa labas. Ipinagsawalang-bahala ko na lang 'yon. At least safe na ang mga armas ko. Wala na akong dapat isipin na iba.
Sumapit ang gabi at kaming lahat ay nasa mga dorm na. May mga kawal sa labas na nagbabantay. Hindi na kami maaaring lumabas. Alam kong wala na akong dapat ikapangamba dahil naitago ko na ang mga armas ko pero kinakabahan pa rin ako.
What if they are not looking for something else?
"Kalma... kalma..." dinig kong bulong ni Blessy. "Nakain ko na ang mga tinago kong pagkain kaya wala na silang makikita."
Sa aming apat... si Lola ang pinakakalmado.
Bumaling ako kay Magda na nakayakap lang din sa unan. Tulala lang ito at halatang malalim ang iniisip. What did she do here earlier? She looked bothered too.
Napatalon kami sa gulat nang may kumatok. Mahina pang napatili si Blessy bago lumapit sa akin at yumakap. This is the first time I feel somehow at ease with her hug.
They are here.
Shit. I am so nervous.
"Room 14..." Pumasok ang tatlong mga kawal.
Lumapit sa akin ang isa at hinawakan ang braso ko. "What? Bakit niyo ako hinahawakan? Manghahalughog lang kayo dapat, hindi ba?"
"Hindi 'yon ang sadya namin, Miss."
Before I even reacted, they injected something into my right arm.
I gasped. "What the fuck is that for?!"
They didn't give me an answer.
Tinurukan nila kaming lahat sa braso. Umiyak si Blessy, hindi dahil sa kaba kung hindi dahil sa kirot. Si Lola naman ay wala pa ring reakyon, mukhang inaantok pa nga ito. Si Magda ay tulala pa rin.
"One hour..." bulong ng isa sa mga kawal.
Biglang tumayo si Magda. "Isang oras pa pala. Pwede muna ba niyo akong samahan sa CR? Barado kasi ang CR namin dito."
"Ako na..." pag-ako ng isa sa mga kawal. Masyado akong lutang na hindi ko siya agad nakilala. Siya ang kawal na epal... na kilala si Magda... na ngayon ay siyang sasama sa kanya.
"Bilisan niyo lang ah?" paalala pa ng isa.
Umalis na sina Magda at ang kawal. I knew it. May namamagitan sa dalawa.
Naiwan kaming tatlo nila Lola at Blessy.
"Bawal niyo ba talaga akong sagutin? Para saan 'to?" tanong ko. Hindi ako mapapanatag hanggat hindi nalalaman kung para saan 'to.
"It's a test." Si Lola ang sumagot. "Malamang na may naamoy na sariwang dugo ang mga kawal. Maaaring galing ito sa buntis... o katatapos lang manganak."
Nanlambot ang mga tuhod ko. Shit. No.
"Wala naman kayong dapat ikabahala kung wala kayong itinatago..."
Napatingin sa akin si Blessy. "Okay ka lang, Astra?"
Nanuyo ang lalamunan ko.
I gulped. No. This isn't happening.
Nakatuon ang buong atensyon ko sa braso kong naturukan. Ayon kay Lola ay malalaman mong nagpositibo ka kung nangitim ito. So far... it's good. Hindi nagbago ang kulay ng braso ko pero ramdam ko pa rin ang hapdi.
Hanggang sa...
Nanlumo ako nang makita na bahagya itong nangitim matapos ang ilan pang minuto.
"Time's up!"
Nablangko na ang isip ko sa mga sandaling ito.
Hinablot ng kawal ang braso ko kaya napapikit na lang ako.
No. My daughter needs me. It can't end like this. Pareho kaming manganganib kapag may nakatuklas.
"Normal..." nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ng kawal.
Saka ko lang napagtanto na bahagya ring nangitim ang mga braso nina Lola at Blessy.
I let out a heavy sigh.
I'm saved. We are safe.
That was also the night when Magda suddenly disappeared.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro