Chapter 5
Chapter 5: Commotion
With only the use of a single torchlight to light up a narrow enclosure, I could still see the tiny dirt on his frowzy face. What? He has been here for almost a year now?
"I-I thought you are good..." I couldn't hide how awful it was seeing him in here.
After all this time, while I was feeling comfortable in my bed, he was locked in here and suffering. I felt horrible now looking back when I believed what was written in his letter. I should have known that it was kind of bizarre he couldn't visit me just because he was busy according to him.
"Hey, I'm good," agad niya nang mapansin ang reaksyon ko. Hindi naglaho ang ngiti sa kanyang labi. "Sorry, Astra. Hindi kita nabisita kahit na isang beses lang. At least they let me write a letter for you after a few months."
My lips trembled as my fists started to clench. This is the least thing I expect to witness when I come back, to see Erikson in freaking prison. Hindi ko kailanman naisip ang eksenang ito.
"You look good," he complimented after. Hinawakan niya ang bakal na rehas at mas tinitigan ang mukha ko. "Mas gumanda ka lalo, Astra. Mukhang hiyang ka sa lugar na 'yon ah?"
When I grasped all my thoughs, I blurted out, "What the fuck?! You lied! Ang sabi mo sa akin ay ayos ka lang!"
Tumawa siya. "Do I look like not good to you? I can still kill now just to protect you even in this condition."
I just stared at him in disbelief.
He let out a heavy sigh. "Fine. I'm sorry. Okay?"
"Who did this? Oscar?" I arched my brows.
He shook his head. "I was charged as a traitor for siding with Brix that time. Mabuti na nga lang ay ito lang ang parusa ko. I can't live as an insurgent. I'm still thankful."
"It's Lady Grenda's idea which later also approved by Lord Oscar," sumagot na rin si Celeste.
"Yeah. Mabuti na lang andito si Celeste. Spoiled din ako sa pagkain," natatawa pang sambit ni Erikson.
"Gano'n din naman ang gagawin ni Astra kung sakali," ani Celeste.
Humalakhak si Erikson. "I don't think so. If it was Astra, she wouldn't waste time to dash in Oscar's room and threaten him to release me. You know? Astra makes the most reckless decisions."
"I am not that kind of woman anymore."
"Well... we will see." He grinned.
Nang makabawi ay lumapit na rin ako sa mga bakal na naghihiwalay sa aming dalawa ni Erikson. I looked at him in his eyes as I said, "I'm sorry, Erikson. I will try to do something for them to release you."
"I knew it. No. Don't."
I shook my head. "No. Damn it, Mr. Nadija! May kasalanan din ako na ikaw lang ang nagbayad. Hindi ko hahayaan na lumipas pa ang isang linggo na nakakulong ka sa seldang ito."
He touched my hand holding the jail bar. "I'm glad you are back, Astra. Pero... para saan pa? Mukhang mas maganda ang kalagayan mo sa grupo na tinirahan mo. Why come back in hell?"
"To release you?"
"You miss him..."
Natikom ang mga labi ko.
Sumilip naman ang ngiti sa labi niya. "Huwag kang mag-alala, Astra. Alam kong nasa mabuting kalagayan si Brix. Saka... hindi na rin naman magtatagal at babalik na siya."
"You need to be there when he comes back. For now... I will try my best to free you here."
"Mukhang hindi na kita mapipigilan at kung 'yan na talaga ang pasya mo... huwag kang magpadalos-dalos ah? I can still wait... kahit na ilang taon pa. Basta huwag ka lang mapahamak."
Bumigat na naman ang pakiramdam ko. Hinawakan ko pabalik ang kanyang kamay at hinaplos. "I will. Habang andito ka pa ay araw-araw kitang dadalawin. Huwag ka nang malungkot ah?"
"Not anymore..."
Mas lalong bumigat ang dibdib ko nang makalabas na kami ni Celeste doon. Gabi na rin nung makaalis kami. Gusto pa akong samahan ni Celeste pabalik sa dorm pero pinigilan ko na siya. Alam kong pagod na rin siya.
"Fine. Don't wander around, please? Mahigpit ngayon ang seguridad," paalala pa nito.
"Didiretso na rin ako sa dorm," sabi ko.
Nagyakapan kami bago naghiwalay ng daan. Gaya ng sinabi ko kay Celeste ay dumirtso ako agad sa dorm. Pagkapasok ko sa room 14 ay naroon na rin ang tatlo ko pang babaeng kasama.
"Oh! Andito na pala siya."
Pagkasarado ko ng pinto ay hinarap ako agad ng babaeng sa tinign ko ay ang pinakamaliit sa amin. Hanggang balikat lang ang buhok nitong tuwid. Nakabalot ng puting towel ang kanyang katawan at halatang katatapos lang maligo.
"Ano name mo?" tanong niya.
"Astra yata..." sagot ng babaeng nagtitiklop ng mga damit sa lamesa. Sa aming apat ay mukhang siya ang pinakamatanda. May edad na ang katawan nito. "Hindi ba?" paniniguro pa niya.
"Ah? Oo. I'm Astra," pakilala ko.
Gusto ko nang dumiretso sa kama ko pero hindi ako makadaan dahil sa duwendeng nakaharang sa daan ko.
"Astra. Okay. Ako si Blessy," pakilala ng babaeng nakaharang sa amin bago tinuro ang babaeng nagtitiklop ng damit. "Siya si Ate Lola. Uh. Lola ang pangalan niya, baka maguluhan ka ah?"
Tumango lang ako.
"At si Magda naman ay tulog na," aniya sa babaeng nakatagilid at nakabalot ng kumot. "Pare-pareho kaming nakatoka sa pananahi ng kasuotan ng mga kawal. Ikaw?"
"Cook."
"Gano'n ba?"
"Pwede na ba akong dumiretso sa kama ko?" sinubukan kong huwag maging sarkastiko.
"Oo naman!"
Sa wakas ay gumilid na rin siya. Kinuha ko ang bag kong nakapatong sa kama at nilabas ang mga damit ko para ilagay sa cabinet at para na rin makaligo. Si Blessy naman ay pumasok sa CR para magbihis yata.
"Tulungan na kita." Nagulat ako nang tumabi sa akin si Lola. Kinuha niya ang iba kong damit para tiklupin.
"S-salamat..." Kahit na ayoko.
"Anong clan ka?" tanong niya.
"Nightfall."
Umangat ang tingin nito na parang nakuha ko ang interest niya.
"Andito ka ba nung umatake ang halimaw?" ramdam ko ang kuryosidad at pagkamangha sa kanyang tinig.
Naguluhan ako. "Halimaw?"
"Oo. 'Yung halimaw na umatake!"
"H-hindi..." nakangiwing sagot ko.
May halimaw na sumugod dito?
"Sayang," aniya bago yumuko at nagpatuloy sa pagliligpit. "Nakakatakot daw ang halimaw na 'yon. Maging si Lord Severo ay walang nagawa. Ang sabi pa nila ay babalik ito isang araw..."
That's when I understood what she meant by that.
I remained my lips shut.
"Nakakatakot. Paano kung bigla na lang siyang sumulpot habang tulog tayo?"
"Edi patay kayo..."
Natigilan ito sa pagtitiklop.
Tumawa ako. "Joke. Oo nga. Nakakatakot..."
"Sana lang ay mapatay na ang halimaw para magbalik na sa dati ang lahat," aniya pa.
Padabog na kinuha ko sa kanya ang mga nakatiklop na damit at tumayo na ako para ilagay ang mga ito sa cabinet. Mukhang hindi naman niya ramdam ang pagdadabog ko.
Saktong pagkatapos naming magligpit ay lumabas na ng CR si Blessy. Kinuha ko na ang mga nakahanda kong damit at pumasok sa loob ng paliguan. Mabuti na lang at hindi na ako pinigilan ni Blessy.
I took a quick shower. Pagkalabas ko ay naghahanda nang matulog sina Lola at Blessy. Sa kanan na bunk bed, ang nasa itaas ay si Lola at si Magda ang nasa lower part. Sa kaliwa naman ay kasama ko si Blessy na sobrang likot sa itaas.
Habang nagsusuklay ay kumalam ang sikmura ko. Oo nga pala. Kanina pang tanghali ang huli kong kain.
"Saan pwedeng kumuha ng pagkain?" tanong ko sa kung sino mang gising pa sa mga kasama ko.
"Hindi ka pa kumain?!" gulat na tanong ni Blessy sa itaas. Yumuko ito at sumilip sa akin sa ibaba. "Hala ka. Tapos na ang hapunan, hindi mo ba alam? Bukas na naman."
Umiling ako. "Bawal na?"
"Bawal nang lumabas hays..." ani Blessy pa.
Lumikot na naman ito sa itaas bago bumaba at tumabi sa akin. Nag-indian sit ito nang nakaharap sa akin.
"Mikinig ka sa schedule natin," pag-uumpisa niya. "5 a.m ang agahan natin. Bale dapat 4 a.m pa lang ay gising na tayo, 10 a.m ang tanghalian, 4 p.m ang miryenda at 7 p.m ang hapunan. Paulit-ulit lang."
Okay. So, technically... dinner time has already passed and that means I need to endure my hunger until five in the morning tomorrow.
"Tiisin mo na lang, Astra..."
Ano pa nga ba?
Just when I was about to endure the hunger, someone knocked on the door. Pumasok si Celeste na may dalang tray na naglalaman ng mga pagkain at pack ng dugo.
"Lady Celeste!" si Blessy na napatayo.
"Pasensya na sa istorbo. Hindi pa kasi kumain si Astra." Even though Celeste looked exhausted, that familiar gentle smile didn't budge on her face. "Kumain ka muna bago matulog, Astra."
"Salamat," nakahinga ako nang mabuti.
Fine. I don't think I can bear this hunger overnight. Baka kung hindi dumating si Celeste ay lumabas ako para maghanap kahit na bawal. Again, Celeste saved me.
"Nasabi niyo na ba kay Astra ang mga schedule?" tanong pa ni Celeste. "I forgot to tell her."
"Kasasabi lang ni Blessy." Bumangon din si Lola na nasa itaas ng hinihigaan ni Magda na halatang malalim na ang tulog. "Magandang gabi, Binibining Celeste."
"Gano'n ba? Sige. Kailangan ko na ring bumalik agad. Good night girls."
"Salamat sa pagkain, Celeste."
Ngumiti lang ito bago lumabas.
Bumalik ako sa kama ko para lantakan ang mga pagkain. Sumalo sa akin si Blessy. Marami naman ang dala ni Celeste pero sa isang pack ng dugo ay ako lang ang umubos.
"Salamat!" ani Blessy bago umakyat uli sa itaas. "Good night, Ate Lola. Good night, Magdang Antukin. Good night, Astra na mabait. See you all tomorrow morning."
Mabilis akong inantok dahil busog. Habang nakatitig sa ilalim ng kama ni Blessy ay bigla kong naalala si Hyacinth. Malamang na tulog na ngayon ito. Umiyak ba siya? Dinalaw ba uli siya ng hamog?
The familiar ache from the past attacked me. I miss her as much as I miss my Mom.
Isang gabi pa lang na hindi ko siya kasama ay sobrang lungkot ko na. I already miss my princess. Alam kong hindi ito maganda. Missing her isn't good for both of us. Sana ay maibsan ang lungkot na nararamdaman ko sa mga susunod pang araw.
Ang paggising ng alas kwatro ng madaling araw ay hindi naging madali, lalo na sa katulad kong hindi agad nakakatulog sa gabi. Gano'n pa man ay nagawa ko ito sa loob ng tatlong araw. Sa loob ng mga araw na 'yon ay marami rin akong natutunan.
"Ah. Lady Astra?" Natigilan ako sa paghihimay ng mga sangkap nang tawagin ako ni Lady Lena. Nasa kalagitnaan na kami ng araw. We are all busy in our own designated tasks.
Pinunasan ko ang mga kamay ko bago lumapit sa kanya. "May ginagawa kasi ang isa sa mga kasama ko sa paghahatid ng pagkain sa mga pinuno. Pwede bang ikaw muna ang pumalit?"
Hindi ako nagdalawang-isip na tumango agad.
"Sige po. Ngayon na ba?"
I couldn't hide the excitement. I waited for this!
"Matatapos na rin kami. Tatagawin na lang kita."
"Sige po. Salamat!"
Nakangiting bumalik ako sa trabaho na paghihimay ng mga sangkap sa pagluluto. This is an opportunity to see the leaders and if luck is with me, to meet Lord Oscar. It's been three days but I can't still find my way to talk to him. I mean... he's no longer that Oscar I used to know. Masyado na siyang mataas para makausap ko sa tuwing gugustuhin ko.
With all the chaos that happened to us, I still wonder how is he?
Hinubad ko na ang apron ko nang tawagin na ako ni Lady Lena. May mga tray na nakatakip ng aluminium na kasangkapan. Ito ang mga pagkain na ihahain namin sa mga pinuno. Ang sabi ni Lady Lena ay sabay-sabay raw kumakain ang mga pinuno.
My excitement turned into chills. Ibig sabihin ay nasa iisang lugar lahat sila.
Sampu kaming mga babae ang humilera bitbit ang kanya-kanyang tray. Nasa pinakalikod ako ng pila habang si Lady Lena naman ang nangunguna. We made our way out of the kitchen and headed in the Mansion. Malayong lakaran din ang ginawa namin.
Suminghap ako nang makita ang bungad ng Mansion. This will be my first time to get in here after almost a year. Pakiramdam ko ay ito ang unang pagkakataon na makakaapak ako sa loob.
Humarap muna sa amin si Lady Lena.
"Huwag niyong titingnan ang mga pinuno sa mata. Nakahilera tayong papasok sa loob, isa-isa nating ilalapag ang mga tray na ito at nakayuko rin tayong aalis. Gano'n lang kasimple. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Sumang-ayon lahat sila.
"Lady Astra?" tawag sa akin ni Lady Lena.
"Po?"
"Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Ah. Opo!"
Tumango ito bago tumalikod at naglakad na sa loob. The familiar smell of the Mansion welcomed me. Lahat ng mga kasama ko ay nakayuko, ako lang ang pagala-gala ang tingin. I still find it amusing how the paintings are still there... except Brixton's.
They really see him as their greatest enemy now.
I looked up at the grand spiral staircase. That put a smile on my face. There are so many memories flashing back in my mind.
Nasa bungad na kami ng Dining Hall at dinig na dinig ko na ang mga halakhak sa loob. I could sense a lot of presence around. Maraming guard din ang nakapaligid.
Finally... we made it inside.
Puno ang mga upuan sa mahabang lamesa ng mga pinunong hindi ko pa kailanman nakita. Chills ran down my spine knowing these are the leaders of the most powerful clans in the Vampire world. These are enemies with Brixton.
Huminto kami habang isa-isang naglalakad papunta sa lamesa. Nauna si Lady Lena na yumuko muna bago nilapag ang tray sa lamesa at nakayuko rin na tumalikod at umalis.
The girls were all bowing their heads, following Lady Lena's order but I couldn't do it. Pinaragasa ko ang tingin ko sa mga pinuno, nagbabakasakaling may kilala ako. Wala. They are all new in my eyes.
Sinubukan kong hanapin si Oscar pero napako ang mga mata ko sa isang babaeng nakakulay pula. Halatang-halata ang malaking peklat sa kanyang pisngi.
Lady Grenda...
She was drinking wine while mumbling something to the man beside her. My smile turned into a smirk knowing that mark has been bugging her. The perfect figure of Lady Grenda Cardinal was gone. I wonder how envious she feels every time she sees a flawless face?
I have been thinking too much that I didn't notice I was only four more steps away and it's my turn to put my tray on the table. I don't know what to feel right now. Hindi naman pinapansin ng mga pinuno ang mga kasama ko.
Sa isang iglap ay nagtayuan lahat ng mga pinuno at tumahimik ang paligid. They were all looking in one direction. Sinundan ko ng tingin ang isang lalaking dire-diretso lang na umupo sa nakalaan na upuan sa dulo at gitna ng lamesa.
For a moment, I thought Lord Severo came back to life. He still looked the same. But... Oscar's presence suddenly felt so different now. Malamig... tahimik... walang pakialam... nakakatakot. Callum is right.
He has changed... a lot.
I don't know what to feel. Surely, it gives him an advantage as the leader knowing his presence can make someone shiver but why do I feel sad for him? Siguro ay dahil hindi ko na makita ang lalaking tinuring kong kaibigan.
Dumiretso ang tingin ko sa babaeng nakatayo sa likod niya. Ang pumalit kay Celeste. Si Lady Feera na nakatayo lang habang nakayuko.
"Greetings, Milord. Have you heard about what happened last night?" asked by the bald guy leader in yellow clothes and he sounded so worried about that. "He's starting..."
Oscar took a sip on his wine before responding. "Very well, Lord Bardos."
"He's expanding his power more. I fear that he might suppress us soon. We need to do something now," said by the man whom Lady Grenda has talked with a while ago. "What do you think, Lord Oscar?"
"I doubt that." Finally, The evil bitch has opened her smelly mouth. "We almost have all the powerful clans out there. There's no way he can still defeat us. Don't worry, the demon's reign will end soon. It's just a matter of time...
"Lady Astra?" Napasinghap ako nang lumapit sa akin si Lady Lena. Saka ko lang napagtanto na ako na pala ang kasunod. "Bow your head, put the tray on the table and walk away."
Lumunok ako bago dahan-dahan na naglakad sa lamesa. Sa pagkakataong ito ay sinunod ko si Lady Lena na kailangan ay nakayuko ako. Dinahan-dahan ko ang paglalakad ko.
I heard Oscar chuckle. "You are still miscalculating him despite of everything, Mom? You must have forgotten that he is the reason why we need these powerful and reputable leaders."
I gently put my tray on the table.
"Not at all, son. I just believe in you. Look how far you've come, right, Milords? You can defeat him this time."
Everyone agreed. I heard every compliment they said to him. I don't know why I feel proud of him despite of everything. Ito ang gusto niya dati pa... ang tingalain din siya ng iba at makita siya.
How do you feel about this, Oscar?
"More wine please?" Napatalon ako sa gulat nang kausapin ako ng babaeng leader. Mahaba ang buhok nitong itim at maging ang kanyang mga labi ay nakakulay ng itim. Sandali niya lang ako tiningnan bago bumalik uli sa ibang direksyon ang tingin.
"S-sure..."
Tumalikod ako at dumiretso sa hanging cabinet. I was about to open the cabinet when someone stopped me. Napatingin ako kay Lady Feera na nakakunot ang noo. Natigilan ito nang makilala niya ako.
"L-Lady Astra..."
"Kukuha lang ako ng wine," sabi ko.
Bubuksan ko sana uli 'yon nang pigilan niya ako.
"How dare you! Those wines are for Lord Oscar only!" Nagulat ako sa pagsigaw nito.
What the fuck? That's so unnecessary!
Agad akong yumuko nang mapatingin sa amin ang ibang leaders. Tumaas sa dibdib ko ang kaba. She's making a commotion out of a small thing. If I knew, this was her way of revenge for what I did last time.
"S-sorry..." bulong ko na lang. "If may I ask, where can I get wines then?"
I tried to be calm and respectful as possible.
"W-what? You don't know? That's absurd. Paano ka nakapasok dito nang walang alam?"
Huminga ako nang malalim. Hindi na ako sumagot.
"Useless," bulong pa nito kung saan bakas na natatawa na siya. "Ang daming tagapagsilbi sa kusina ay bakit ikaw pa ang sinama? Umalis ka na rito. Ako na ang kukuha."
"Ako na ang humihingi ng paumanhin, Lady Feera." Lumapit na rin sa amin si Lady Lena. "Hindi niya sinasadya. Ako na ang bahala sa kanya..." Saka na niya ako hinawakan sa braso.
I bowed my head, making sure my hair could hide my face. Nagpatianod ako sa pagkakahawak ni Lady Lena. Narinig ko pang may sinabi si Lady Feera na hindi ko na lang pinansin.
Bago kami tuluyang umalis ay binalikan ko uli ng tingin ang mga pinuno.
Nahuli ko ang nakasunod na tingin ni Oscar.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro