Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40

Chapter 40: Until Again

The thought of going home after school, the idea of only a few hours left at work and you could finally call it a day and come home, the comforting feeling just by thinking of home – there's just really something about home.

Home could mean different things – place, memory, feeling, person and others. We all have our own definition for it but at the end of the day, we all share same sentiments – we all want to go home no matter what.

I stared at her gravestone where the name was embedded on. Maybe she is at home now, too. After years of being away, she's finally where exactly she belongs to.

"I bought you a flower, Miss Montereal," Lady Nathalia put the colorful bouquet of flowers on the gravestone. "Same color palette as your make-up. Your coffin costs more than your entire generation's net worth. You finally looked more stunning than me. What more could you wish for?"

Albina Montereal, Nightfall Clan.

A bitter smile formed on my face as I remembered the first time I met her. That's when I was crying in front of my Mom's tombstone. She appeared out of nowhere and asked me why I was crying over a stone, why I was talking to something as if it could hear me.

But I hope she could hear my thoughts. We did it, Albina. We won the war. Though I wish you were here, I know you are somewhere better now. You will never be forgotten. Ever.

I walked a few steps to reach another gravestone. Doon ako umupo at pinatong ang hawak na bulaklak. I traced the letters embedded on the gravestone – Celeste Merjudio, Nightfall Clan.

"Hey..." I smiled as if she could see me. "Hindi kita gaanong nakausap nung mga sandaling 'yon. If only you just needed half of my blood, I would be more than willing to give it. Pero, wala e. Salamat, Celeste. I've never had a sibling but if I could have one, I would want it to be you. I hope you are good now."

Nanlabo ang mga mata ko dahil sa luha. Mabilis kong pinahid ito dahil baka mapagalitan ako ni Lady Nath. Siya ang nag make up sa akin. Pinagbantaan pa ako nito na huwag itong sisirain.

Suminghap ako ng hangin. "Thank you for everything, Lady Celeste. You are one of the reasons why I am still here. Rest well... Miss Merjudio."

Naramdaman kong may tumabi sa akin. "Ikaw na muna ang bumisita sa kanya ah? Don't forget to give her flowers she deserves," pakiusap ni Randolf.

"Oo naman," nakangiti kong tugon.

Naramdaman kong hinagod niya ang likod ko. "Don't feel sad. Celeste is in a better place now."

Bumaling ako kay Randolf. Nakabihis na ito. Nakaramdam ako ng lungkot. "Ayaw mo ba talagang samahan ka namin sa airport?" tanong ko.

He shook his head. "I prefer to leave alone. Saka... may pupuntahan pa kayo, hindi ba?"

Pareho kaming tumayo at humarap sa isa't isa. "Thank you for taking care of her, Randolf. Salamat sa pagtanggap sa kanya. Mag-iingat ka sa pupuntahan mo."

"Salamat din, Astra. Hindi ko alam kung kailan ako babalik. Mag-iingat din kayo."

I hugged him. "Take care, Mr. Wenson."

"You, too. Miss Martin."

Humiwalay na si Randolf sa akin. Bumuntonghininga ito bago sa huling pagkakataon ay bumaling sa puntod ni Celeste. Sumilip ang ngiti sa labi nito.

"So... goodbye?" he chuckled.

I nodded. "Until again..."

Mukhang tapos na rin itong makapagpaalam sa iba kaya dumiretso na ito sa nakaparadang sasakyan. Humarap siya sa amin at nakangiting kumaway bago pumasok sa loob.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang isang lalaki na naglalakad palayo at paalis sa lugar na ito. Ramdam kong kanina pa ito nakamasid sa amin. I hope you can forgive yourself, Oscar.

"Did you cry, Astra?"

"No!" Mabilis akong umiling kay Nathalia. "I didn't. Look. Hindi nagalaw ang make up ko."

"Good." Wearing the famous Nathalia Cardinal known color, her red lips smiled at me. The pair of ruby earrings flicker alight when the sunlight hits it. "Are we good now?"

I nodded. "Let's go?"

Pinuntahan namin ang mga kasama. Nigel was leaning against his royal blue car. Damn. Kung gaano kamahal ang sasakyan niya ay gano'n naman kinasira ng kanyang damit. He was literally wearing the white tee Brix signed for him. Punit pa ang sa dibdib na parte nito.

"Oh!" Bigla niyang tinakpan ang didbib nang mapansin na nakatingin ako roon. "Hanep ka, Astra. Mas malaki naman yata ang katawan ni idol kesa sa akin."

"Sigurado ka na bang 'yan ang isusuot mo?" pagbabale-wala ko sa pang-aasar niya. "Lord Hezuera must so proud of you."

"That's fashion!" Lumapit si Nathalia kay Nigel. Nilakihan pa nito ang punit. "Your belt looked awful, Mr. Hezuera. Pupunta tayong mall kaya pwede kang bumili roon."

"No. I'm good, Miss Cardinal." Tumikhim si Nigel bago pinasadahan ng kamay ang parteng may pirma. He really looked so proud for having Brix's signature.

"Ang init dito!" reklamo ni Erikson na nakasandal din sa kanyang itim na sasakyan. Binasa nito ang labi bago niliitan ang mga mata dahil nasisilaw sa liwanag. "Ano na? Tatayo na lang ba tayo rito?"

"Let's go guys!" Lath Nathalia shrieked in excitement.

"Wait! Saan ako sasakay?" tanong ko dahil ako lang ang walang sasakyan sa kanila.

"Hindi ba sasama si Brix?" tanong ni Erikson.

I pouted my lips. "Marami raw silang ginagawa..."

"Sa akin ka na lang sumakay, Astra," suhestyon ni Nigel.

I was about to get in his car when someone slammed the door closed. Napatingin ako sa kamay at pataas sa kanyang braso. Lumunok ako nang mapatitig sa mukha ni Brix.

"Ayaw mo bang sumabay sa akin?" tanong ni Brix.

"I thought you were busy," I said.

"Whoa. Sasama ka talaga, Brix?" tanong ni Erikson na natatawa.

Sa halip na sumagot ay hinila niya ako papasok sa kanyang sasakyan. Napangiti ako nang maamoy ang kanyang pabango. Ito ang sasakyan na ginamit niya noong unang hinatid niya ako sa bahay.

This moment felt nostalgic. It reminded me about everything that happened.

I really made it this far huh?

"Mall?" tanong ni Brix.

Tumango ako. "Mags-shopping si Lady Nath. Sabi niya ay bibilhan niya rin ako e."

"Really?" bakas ang panunuya sa kanyang boses.

Naglakas-loob akong tumingin sa kanya. He was wearing his favorite white tee. Ang kabilang manggas ay nakataas sa kanyang balikat. He was wearing a gold writst watch. Damn. He smelled so good as usual.

"Hindi ka ba hihingi sa akin ng pera?" tanong nito.

"Hindi—"


"Bakit?"

Napaisip ako. "Wala lang. Libre naman ito."

"May sahod ka sa Nightscape Club. Binigay sa akin. Iyon ang gagastusin mo—"

"That's not enough—"

"Do you need a whole bank of dollars?"

"Brix..."

"I'm kidding. " Tumawa ito. After he ignited the engine, he held my hand and his other hand on the steering wheel. "Just know that you can use whatever mine is."

Sumandal ako sa kanyang balikat. "Even this car?" I asked.

"Even the owner..."

Napaayos ako ng upo dahil may kumatok sa bintana sa gilid ko. Nakayuko si Nigel at nakatingin sa amin. Kumaway pa ito sa amin habang nakangiti.

I rolled the window down. "What is it?"

"Uhm..." He sounded hesitant. Tumikhim muna ito bago nagpatuloy. "Miss ko na talagang mag drive kaso may pagkakataon sa buhay natin na kahit gusto natin ay hindi pwede kasi—"

"Walang gasolina ang sasakyan mo?" putol ko.

"Nakalimutan kong magpa-gasolina. Pwede bang—"

"Of course you can go commute," Brix cut him off.

"Baka pwedeng—"

"No."

Sumimangot si Nigel. "Okay..."

Malungkot na tumalikod ito.

"Astra..." narinig ko ang pagbabanta sa tinig ni Brix.

"Hop in, Mr. Hezuera!" I unlocked the door on the backseat. Narinig kong nagmura si Brix at hinampas ang busina ng sasakyan. "Bilisan mo na!"

Nagkumahog na pumasok sa likod si Nigel. Hindi niya pa 'yon naisasarado nang may pumasok na naman na isa pa, si Erikson na nagtatanggal ng jacket.

"Hindi gumagana AC ng sasakyan ko. Shit," dinig kong sabi nito.

Nakangiwing bumaling ako kay Brix. Madilim ang tingin nito sa kalsada. Huminga ito nang malalim bago mahinang tumango. Niliko na niya ang sasakyan at sinundan ang kulay pulang sasakyan ni Lady Nathalia.

"Pasalamat kayo kasama rito si Astra."

"Salamat, Astra!" ani Nigel.

Sinenyasan ko siyang manahimik pero narinig kong tumawa ito. Pinasadahan niya ng kamay ang bintana, ang upuan at ang bubong ng sasakyan. Tuwang-tuwa ito kahit na alam kong kaya niya ring bumili kahit na ilang ganitong sasakyan pa.

"Humans!" Binaba ni Nigel ang bintana at kumaway sa mga taong nadadaanan. "Oh. I miss the smell of humans."

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Brix. Biglang pumasok sa isipan ko ang pinsan ko. Ganitong-ganito rin siya no'ng unang makasakay rito.

How is he doing now?

"You smell so good!" ani Nigel sa isang babae. Napangiti ang babae. Lingid sa kaalaman nito na ang tinutukoy ni Nigel ay ang kanyang sariwang dugo. "Damn! I want a fresh human."

Buong byahe ay wala itong ginawa kung hindi ang magdaldal. Maya't maya ang pagbuntonghininga ni Brix. Mabuti na lang at nasa mood ito dahil kung hindi ay kanina pa tumalsik si Nigel palabas.

"Pero masarap din naman ang dugo ni Ast—"

"OMG. Gusto ko ng fried chicken!" mabilis kong agap sa sasabihin ni Nigel.

Holy shit. Fried chicken? Really?

"Ako rin!" epal na naman ni Nigel.

Brix chuckled. "Fried chicken?"

"Y-yes..." I swallowed.

"Okay. Whatever you like." He squeezed my hand.

We had silence for a moment before the two guys from the backseat started to argue again.

"Huwag ka ngang yumakap!" bulyaw ni Erikson kay Nigel.

"Payakap lang e. Ito naman na ang last na magsasama tayo. Won't you miss me, Mr. Nadija?"

That... made me feel sad. Nigel is going back to Hezueras Clan just like the others. Gano'n din si Lady Nathalia na mamayang gabi ang alis paibang bansa. And... Erikson is set to off later, too. This is our last day of being together.

It's sad but that's how it goes.

We all have our own stories to tell.

"Fine! Huwag mahigpit ah?"

Sumandal na lang ako sa upuan at pinikit ang mga mata.

It's been two days since the war has ended. Witches helped us rebuild everything the chaos had destroyed. The new rule has been effective as soon as one of The Cloaks gave us their word.

Slowly... the world is changing for the better.

Just like everyone here, we are set to off later, too.

That thought put a smile on my face. We are finally going to see her.

Ilang arw din akong kinulit ni Brix na puntahan na si Aya pero tumanggi ako. Kailangan muna naming makabawi dahil sa dami ng nangyari. Gusto kong nakapagpahinga na kami bago pa harapin ang anak namin.

We reached our destination. Lady Nath was disguised in a red wide-brim hats and dark shades. I almost forgot that we were hanging out with a famous model. She's already tall but wearing those high heels made her looked ethereal.

Then I realized she wasn't the only head turner here. Sa tangkad ng mga kasama kong lalaki ay napapatingin talaga sa amin ang lahat. Plus... they have the look, too.

Bigla akong nanliit. Baka akalain nilang alalay lang ako ng mga ito. Not like they are wrong.

"Damn. Fresh blood everywhere." Suminghap-singhap pa si Nigel. "Naaamoy mo ba 'yon, Nadija?"

"Calm your ass, Mr. Hezuera," ani Erikson. Nakangiti ito. Kunwari pa pero mukhang enjoy naman siya na pinagpapantasyahan siya ng iilang mga tao rito.

"Ah! I'm thirsty," Nigel frowned.

Tumigil sa paglalakad si Lady Nathalia at hinarap kami. Bahagya niyang binaba ang shades. "What are you doing boys? Sasama kayo sa amin hanggang mamaya?"

"Nope. I am just here for Astra," sagot ni Brix.

"No." Nilipat ni Nathalia sa kabila ang kanyang pulang purse bago hinawakan ang kamay ko. Sobrang lambot ng kamay nito na parang hindi marunong manuntok. "Leave Astra to me and meet us later."

"Sure! Tara idol!" Inakbayan ni Nigel si Brix pero agad niya rin 'yong inalis.

Napasinghap ako nang hawakan din ni Brix ang isa kong braso. Tinangka nitong hilahin ako palapit sa kanya ngunit hindi rin ako binitiwan ni Lady Nath.

"Sa akin siya sasama, Nathalia."

"Brixton..." Nanlisik ang tingin ni Lady Nathalia.

Napakagat ako sa labi dahil sa sobrang hiya. Nasa daanan kami tapos dito pa sila nagtalo. Kinabahan ako tuloy baka maging seryoso ito at ano pang mangyari. Iba pa namang maglambingan ang mga ito.

"Mamaya na lang, Brix!" Binawi ko ang kamay ko. "Sasamahan ko muna si Lady Nathalia."

Tumitig sa akin si Brix. "Fine. How many fried chicken?"

"Hindi na. Nagbago na ang isip ko."

"Ako hindi pa!" epal na naman ni Nigel. Inakbayan siya ni Erikson at sapilitang nilayo sa amin. "Teka! Bitiwan mo nga ako, Mr. Nadija!"

"Let's go, Astra." Nauna nang maglakad si Nathalia.

Lumunok si Brix. Pansin kong hindi ito kumportable kapag may tumitingin sa kanya. Hindi lang kasi tingin ang nangyayari... tinititigan na siya ng mga dumadaan.

"W-where should I go here?" Naramdaman kong kabado ito.

Aw. The king looked so lost.

"Sumama ka muna kina Nigel." Unti-unti na akong naglalakad palayo. "Kita na lang tayo mamaya!"

"Lady Astra!" tawag na sa akin ni Nathalia.

Sumimangot si Brix. "Damn..."

Humabol ako kay Lady Nath. Pumasok kami isang bilihan ng mga mamahaling damit. Pinahawak niya sa akin ang kanyang purse. Nagmukha talaga akong alalay niya.

I roamed my eyes around. This shop looked expensive. Tumingin ako kanina ng price tag pero agad ko ring nilapag dahil halos lumuwa ang mga mata ko sa presyo. Meanwhile, Lady Nathalia never even looked at the price tag.

She made it look like the whole shop was just a small portion of her closet. Sa dami ng mga kulay roon ay sa iisang kulay lang talaga siya naaakit.

Napasinghap ako nang bumaling sa akin si Lady Nath. "Tatayo ka lang, Astra?"

"Sa ibang shop na lang ako—"

"Oh, my feels! I don't go to other shop. What more do you want? They have everything here." Kinuha niya ang isang pares ng pulang heels at lumapit sa akin. "Look at this. This is made from high class materials. You can try it."

"It's pricey—"

"Tell that to Brix and he will buy the entire shop for you. Take it!" Saka niya sapilitang pinahawak sa akin ang heels. "Go on. Feel free to get anything."

Sumunod na pumunta kami sa mga clothes. "You tend to forget that you have one of the Cardinals, Lady Astra. Not just a Cardinal, but the wealthiest one."

Nanlaki ang mga mata ko. "B-Brix is richier than you?"

"Combine it with Oscar's." Sandali itong tumingin sa akin. "That asshole is in another level."

"H-how did that happen?"

"You are seriously asking that?"

"No. Joke."

Gaya ng sinabi ni Lady Nath ay kumuha na rin ako ng akin. Hindi ko na rin tiningnan ang price. Hindi naman sinabi ni Lady Nath na hindi shopping ang habol niya kung hindi bilhin ang buong shop sa dami ng pinamili niya.

"We have different colors for that—"

"Did I ask?"

Napatikhim ang sales lady bago nahihiyang umiling.

Lady Nath paid for everything. Sa sobrang dami ng mga pinamili niya maging ang manager ay nilapitan kami. He offered us discounts. Hindi siya pinansin ni Lady Nath.

"You look familiar, Ma'am," puna ng manager.

"You don't. Excuse us." Saka na umalis si Lady Nath.

Sa wakas ay lumabas na kami roon. Pinahatid na lang ni Lady Nathalia ang mga pinimali niya sa kanyang sasakyan habang ang akin ay hawak ko ang mga paper bags.

"Thanks." Ngumiti si Lady Nath nang bawiin niya sa akin ang purse.

"Nasaan kaya sila?" tanong ko.

"I know..." Nag-umpisa na namang maglakad si Lady Nath.

Nanatili ako sa kanyang likod. Hindi pa rin ako makapaniwala na totoo ang babaeng 'to. She looked unreal. She could make everything looked elegant just by touching it.

In the sea of crowds, you could easily notice her.

Sa dami ng pwede naming puntahan, hindi ko inakalang papasok kami sa Arcade Games. Sa dami ng pwede kong maabutang naglalaro doon, nanlaki ang mga mata ko nang makitang kasama si Brix.

Mukhang may competition sa pagitan nila ni Erikson. Basketball game huh?

"Go idol!" Nigel stayed on the back and cheering.

"I want to try too!" sigaw ni Lady Nathalia.

Napangiwi ako nang itulak niya ang isang lalaking naglalaro at kinuha ang pwesto nito. Bumaling naman sa akin si Nigel. Humalakhak ito dahil sa ginagawa ng tatlo.

"I missed one. Damn it!" Pinutok ni Brix ang isang bola dahil sa inis.

Halos lahat ng nandito ay nakatingin sa kanila. Damn it. Sobrang gulo nila.

"Kasama mo sila, Ate?" tanong sa akin ng isang staff. "Kanina pa kasi sila nakakaputok ng bola, baka pwede mong sabihin na bawal 'yon?"

Mabilis akong umiling. "No. I don't know them. Sorry."

"Fuck you, Mr. Nadija! One more game!" ani Brix. Hinubad nito ang kanyang gintong relo at tinapon sa basura. "Come on. I will defeat you this time."

Nagtulakan ang isang grupo ng mga lalaki na nanunuod. Pasimple nilang kinuha ang relo sa basura at patakbong umalis.

"Fine. Huwag mo kayang putukin ang bola?" natatawang sabi ni Erikson.

"Oh, my feels! The balls smelled horrible!" ani Lady Nath. Binitiwan niya ang bola at gumulong ito sa isang ibang bahagi. Nakita nito ang isang kulay pulang stuffed toy na naka-display.

"Ma'am that's a prize for games—"

"I will pay!" giit ni Nathalia.

"Call the guards, please?" dinig kong may nagsalita sa likod ko.

I bit my bottom lip. Mas lumalala ang mga pangyayari.

"Yes!" Nagtaas ng mga kamay si Brix. He won.

Napakamot na lang sa batok si Erikson.

"Brixton!" tawag ni Nathalia. "I want that red stuffed toy."

Napatingin sa akin si Brix. Bigla itong ngumiti at nilapitan ako. "Did you see me play?"

"Uhmm..."

"Iyan na ba ang mga bili mo?" tanong niya. Kinuha niya sa akin ang paper bags. Sinilip niya ang mga 'yon. "I see. Are you done now? I want to leave this place."

"Fine! Oh, my feels. You are stressing me out. Let's go!" nauna nang lumabas si Nathalia. Mabuti na lang at hindi na niya pinilit na kunin ang stuffed toy.

Nilapitan kami nina Nigel at Erikson.

"Ang galing mo idol!"

"Brix. You need to pay," ani Erikson.

"You lost to me, Mr. Nadija. Pay for everything." Hinawakan na ako ni Brix at hinila ako palabas doon.

Nakahinga ako nang maluwag. What a mess.

After that, we drove in Nightscape Club. Tumahimik ang lugar nang pumasok kami. Nginitian ako ni Laura, isa sa mga naka-trabaho ko rito. Si Adrian din ngayon ang naka-assign na bartender.

"I booked a hotel near the airport," ani Lady Nathalia bago uminom sa kanyang alak. Inayos nito ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga. "Doon na lang ako didiretso."

"Have a safe flight, Lady Nathalia," Erikson said. Nabasa ang labi nito nang uminom ng alak. Sumandal ito sa upuan bago bumuntonghininga. "Also... send my regards to him."

"Sure." She smiled.

"Don't." Pinigilan ako ni Brix nang iinom. Inagaw niya sa akin ang baso at muling binalik sa lamesa. "Aalis pa tayo mamaya."

"I'm thirsty..."

"Fine." Inakbayan niya ako uli.

Pinaragasa ko sa lalamunan ang pulang likido. Hindi naalis ang pagbabara ng lalamunan ko. Iniisip ko pa lang na ito na ang huling beses na magkakasama kami ay nalulungkot na ako.

"I-I will miss you guys..." ani Nigel.

Inakbayan siya ni Erikson. "Bakit parang naiiyak ka?"

"Hindi ah!"

"Oh talaga?"

Suminghap ng hangin si Nigel. "But I'm glad I met you guys. Lalo na kayo, Lady Astra, Lord Brixton. That was a fun experience. I will never forget it. Thank you..."

"Make your father proud, Mr. Hezuera. Don't ever eavesdrop again."

"No! Never again."

"Thank you so much, Nigel. Thank you for everything..." nakangiting wika ko. Nagsalin ako ng alak sa wine glass at tinaas. "Cheers for you, Mr. Prince Nigel Hezuera."

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. "P-pinapaiyak niyo ako..."

"Corny mo!" ani Erikson.

Binelewala 'yon ni Nigel nang itaas niya ang wine glass. "Go go go, fight fight fight, win win win!"

Ginawa ko ang mga sinabi niya. Ako lang ang gumawa pero sobrang tuwa nito. I will miss this guy. I remember the first time I met him. Sa una pa lang ay nagpakita na ito ng kakaibang klaseng pag-idolo kay Brix.

He will be a good leader, too. I just know.

Hindi natupad ang sinabi ni Lady Nathalia. Napasobra ito ng inom. Gano'n din si Nigel. Kami naman nina Erikson at Brix ay tama lang ang ininom.

"So..." Nilapag na ni Lady Nathalia ang kanyang wine glass. "Nasa labas na ang sundo ko. I need to go now I guess?"

I got teary-eyed. "N-ngayon na?"

Malungkot na tumango ito. "I need to..."

"Okay." Tumayo na si Brix. "Have a safe trip, Nathalia."

"Iyon lang?" Tumayo rin si Nathalia at nilapitan si Brix. Niyakap niya ito nang mahigpit. She patted his back. "I'm proud of you, Brix. Thank you for everything..."

Brix hugged her back. "Thank you. Don't you want to see your niece?"

"Oh, my feels!" Humiwalay ng pagkakayakap si Lady Nath. "I almost forget about her. Now... why are you ruining my schedule?"

"Don't worry. I'll send you her photos," I told her.

"Siguraduhin mo lang, Astra."

I nodded. "Promise..."

"Okay. Mukhang mapapabalik din ako rito. Akala ko pa naman ay makakalaya na ako sa lugar na ito." Natawa ito habang naiiling. "Pagbalik ko ay marami akong damit na ibibigay sa kanya. Alagaan mo ang balat niya ah? Let her drink blood as much as she can. It's good for the skin."

"Sure..."

Lady Nathalia let out a heavy sigh. "I will miss you guys..."

Erikson stood up and gave her a hug. "Take care, Milady..."

"You, too. Mr. Nadija. Good luck on your journey."

Napatingin ako kay Nigel. Nakayuko ito sa lamesa at halatang nakatulog na.

"So..." Inabot na ni Lady Nath ang kanyang purse. "Until again..."

"Take care, Lady Nathalia." I bowed my head.

Inakbayan ako ni Brix habang pinapanuod namin si Lady Nathalia na maglakad palabas ng club. Tumulo ang luha sa mga mata ko nang mawala na ito sa paningin ko.

"I will miss her so much..." I whispered.

Hindi pa kami nakaka-recover sa pag-alis ni Nathalia ay may lalaking lumapit sa amin. Nagpakilala itong tauhan ng Hezueras Clan. Sinusundo na nito si Nigel.

"Wake up, Mr. Hezuera!" Niyugyon ni Erikson ang balikat ni Nigel.

"Uhmm?" Umangat ang ulo ni Nigel. Napatingin ito sa lalaki. "What? Sabi ko mamaya pa ah?" Lumukot ang mukha nito. "Teka. Mamaya na ako uuwi!"

"Pinapasundo ka na ni Lord Hezuera, Mr. Nigel," sambit ng lalaki.

"N-no..." Nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

"Let's go, Nigel." Sumulpot si Magda. Yumuko ito sa amin at bumati. "Susunduin ko lang ang kapatid ko."

"M-Magda..." Tumulo na ang luha sa mga mata ni Nigel.

"Our father is waiting, Nigel. Hezueras Clan is waiting for you..."

"F-fine..." Halos matumba si Nigel nang tumayo, nakainom na talaga ito. Humarap ito sa amin, punong-puno ng luha ang kanyang mga mata. Yumuko ito. "Mauuna na ako. Salamat..."

"Until again, Mr. Hezuera," ani Brix.

Ngayon ay kami na lang nina Brix at Erikson ang natira. Pero gaya ng iba ay kailangan na rin nitong magpaalam. Unlike Nigel and Nathalia, hinatid ko sa labas si Erikson. Nagpaiwan naman si Brix sa loob.

Erikson made a whistling sound. "So..."

"Thank you, Erikson."

He smiled. Umihip ang malamig na hangin na gumulo sa kanyang buhok. "I am proud of you, Astra. I will miss you. Thank you for the memories."

Kahit na anong pilit kong huwag maiyak ay tumulo ang mga luha sa mata ko. Pabagsak na yumakap ako sa kanya. Binaon ko ang mukha sa kanyang dibdib.

"Mag-iingat ka, Erikson."

"Ikaw rin, Astra."

"Please visit us someday. Gusto kong ipakilala sa 'yo si Aya."

"Oh. Pleasure."

Humiwalay na ito sa pagkakayakap sa akin. Nakangiting pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko. Dahan-dahan ay nilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan ang noo ko.

"Until again... friend," he whispered.

"Good luck on your journey, Mr. Nadija."

Unti-unti ay binitiwan na niya ako. Umatras siya nang kaunti bago yumuko at... naglakad palayo.

Just like that, Erikson is gone, too.

I covered my mouth with my hands.

I will surely miss you, Erikson. Thank you for always being there for me. I appreciate it so much. Until again... friend.

Naramdaman kong may yumakap sa likod ko. Pinatong niya sa aking balikat ang baba ng kanyang ulo. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko.

"Shall we go now and meet our princess?" Brix asked.

Humarap ako sa kanya. "This is too much..."

Tumawa ito. "What a cry baby."

"Let's go?" aya ko na.

"Shit. Sure, Milady."

Hindi ko alam na pinahatid pala ni Brix si Servena rito. Iniwan niya ang kanyang sasakyan. Si Servena ang sinakyan namin pabalik... at pauwi sa piling ng aming anak.

Sumandal ako sa likod ni Brix. Umaapaw ang pakiramdam ko ngayon. Parang maiiyak na lang ako sa sobrang saya. Sa wakas ay andito na kami sa dulo.

"I'm thrilled..." Brix whispered.


"You are shaking..." Natawa ako.

"Stop teasing me!"

Inabot din kami ng hapon bago nakarating sa Esparago Clan. Hindi namin inakalang alam pala ni Pinunong Bermudo na darating kami. Sinalubong nila kami sa harapan.

Napangiti ako nang makita sina Abel at Tegan sa gilid ni Pinunong Bermudo. Kumaway sa akin si Tegan. Ginala ko ang tingin ko, hindi ko nakita ang sadya ng mga mata.

Where is she?

"Maligayang pagdating sa pangkat ng Esparago, Haring Brixton..." Everyone respectfully bowed to us. "Isang karangalan na patuluyin kayo rito."

Naunang bumaba ng kabayo si Brix. Nag-abot ito ng kamay sa akin.

"Thank you, Milord..." ani Brix.

"I'm sure you are looking for someone," wika naman ni Abel.

"W-where is she?" Brix stuttered.

Napatingin ako sa batang babaeng nagtatago sa likod ni Tegan. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa mga binti niya. Halatang nahihiya.

Unti-unti ay humakbang si Brix palapit.

Sumilip si Aya sa likod ng mga binti ni Tegan. May kinakain itong strawberry. Ngumunguya ito habang nakatingin kay Brix. Kumurap-kurap ito.

"A-Aya..." Brix mentioned her name.

Dahan dahang lumabas si Aya mula sa likod ni Tegan. Unti-unting ay naglakad ito sa harapan ni Brix. Tumingala ito at nag-abot ng strawberry.

That King knelt down before his Princess.

Brix accepted the strawberry. "Sa akin ba 'to?"

Tumango si Aya.

Tears streamed down my face.

"T-thank you, My Princess." His voice broke.

Napatingin sa akin si Aya. Nilagpasan niya ako ng tingin at bumaling kay Servena. Biglang lumiwanag ang mukha nito. Yumakap siya kay Brix at tinuro si Servena.

"Horse..." she said.

"Oh. You want to ride it?" Brix chuckled.

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ni Aya kay Brix habang tinuturo ang kabayo. Binuhat niya ito at naglakad palapit sa amin. Nakita kong tumulo ang isang butil ng luha sa mga mata ni Brix.

Tuwang-tuwa si Aya nang isakay siya ni Brix kay Servena. Sumakay rin siya rito bago bumaling sa akin.

"Shall we, Milady?"

Hinawi ko ang luha sa mga mata at tumango. Sumakay rin ako sa likod at pareho ko silang niyakap. Naramdaman ko ang mga maliit na kamay ni Aya na humawak sa akin.

"Ready, Aya?" tanong ni Brix.

"Uh huh!" sagot ni Aya.

"Ready, Milady?"

"Always, Milord..."

We hurtled towards the sunset where a new beginning was waiting.

I have no idea what's waiting for us at the end of this road or after we came back but one thing is for sure... we will live. Whatever happens, we will survive.

We will live forever.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro