Chapter 4
Chapter 4: Welcome Back
I halted the horse in front of the gate being guarded by bulky men in a red uniform. I could tell that they were not guards from Nightfall Clan just by the colour of their clothes. They were probably guards from a different clan who made an alliance with Nightfalls.
"I know you, Miss," approached one of them. He crossed his arms on his chest as he stared at me scornfully. "Astralla Martin. The beast's chosen slave. What are you doing here?"
Bumaba ako at hinawakan renda ng kabayong sinasakyan.
"I am a Nightfall," I said, calmly.
Tumaas ang mga kilay nito. "Your master is no longer a Nightfall, Miss Martin. May I remind you that everyone who sees Brix as an ally is our enemy. Umalis ka na rito."
"I still chose to be a Nightfall," sagot ko na naman. "Binitiwan na ako ni Master Brix. I was once a Nightfall, I still am. Hindi ako kailanman tumiwalag sa clan na ito. I am sorry but I came here to stay."
"We don't need you—"
"Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo?" Nagtaas ako ng kilay at hinigpitan ang pagkakahawak sa lubid ng kabayo. "You are forbidding a Nightfall to enter the Mansion? Baka nakakalimutan mo kung ano ang katayuan mo rito. I am an original Nightfall while you are here for a shelter only because you are scared to be outnumbered by Brixton's army."
Umigting ang mga pula niyang mata. His fangs were ready to touch my skin anytime. "We are one here, Miss Martin. Kailangan din ng Nightfall ang pwersa naming mga Hezueras."
I put a smile on my face. "So, we are allies then?"
Lumapit pa sa amin ang isa sa mga guard. "Let her in. She's right. Lord Oscar didn't revoke her membership yet."
Lord Oscar. Hearing his name suddenly sounded so strange to me.
Tinitigan ako ng guard nang ilang sandali pa bago pumayag na papasukin ako. Kinuha ko ang mga gamit ko sa kabayo dahil hindi na ito maaaring ipasok sa loob. Pinaubaya koi to sa isang guard. I was escorted by the guard who interfered my entrance. Bakas pa rin ang pagkayamot sa kanyang mukha.
I roamed my eyes around as we walked on the narrow pathway surrounded by bushes. Things don't really change that much in this world. It's been what? Almost a year since the last time I had been here.
If there's something I find odd, it's the guards in different uniforms hovering around. Masyadong mahigpit ang seguridad sa lugar na ito. Maraming mga mata ang nakatingin sa paligid.
"Ilang clan na ang sumapi sa Nightfall?" tinangka kong tanungin ang lalaking nauunang naglalakad sa akin.
I thought he wouldn't respond, "Seven major clans including Phoenix Clan."
Oh. Not surprising that Lady Grenda joined the force to protect his real son. The visual of the last time I saw her suddenly flashed back in my memories. But... seven major clans? That's huge. Hindi ko inakalang ganito na kalakas ang Nightfall Clan.
"Whoa!"
I stepped back when a man riding horse passed in front of me. Sinundan ko ng tingin ang lalaking nakasakay sa kabayo. Inikot niya ang kabayo at bumalik sa direksyon namin. Ang akala ko ay dadaan na naman ito pero huminto ito sa harapan ko.
"Sorry, first time." He grinned at me.
I just nodded.
"Sir Nigel." Lumapit ang guard na kasama ko sa lalaking nakasuot na kulay brown na leather jacket. "Pasensya na dahil nakakalat ang babaeng 'to sa daan. Nasaktan ka ba?"
Umiling ang lalaking si Nigel daw.
"Hindi naman." Saka ito uli bumaling sa akin. "Sa susunod ay matuto kang tumingin sa dinadaanan mo ah?"
Tikom pa rin ang bibig ko.
"Tinatanong ka ni Sir Nigel," sabi ng guard sa akin.
No. I don't want to say something.
"Don't you know how to talk?" Nigel asked.
I sniffed and shook my head. "Okay, Nigel."
"Sir Nigel," the guard tried to correct me.
Kumunot ang noo ni Nigel. "Aren't you going to apologize, Miss?"
"Apologize because it's your first time to ride a horse? My apology then, Sir Nigel."
"Oh..." I could hear a gasp from the guard.
Bago pa man makapagsalita uli si Nigel ay may sumigaw naman sa hindi kalayuan. "Sir Nigel! Bumalik ka na rito!"
Nanatili pa rin sa akin ang tingin ni Nigel. "Your name?"
"Astralla Martin." I almost rolled my eyes when the guard answered for me. Anyway, wala naman akong planong sagutin ang tanong niya. "She's a Nightfall, Sir Nigel."
"Familiar..." Nagsalubong ang kanyang mga kilay.
Humarap na ako sa guard.
"Shall we proceed now?" I asked politely.
"Wait! You are Brixton's slave?!" Nigel wheezed.
"Sir Nigel!" Palapit na sa amin ang mga tumatawag kay Nigel. "Hindi pa po tapos ang training niyo! Malalagot kami sa Papa mo kapag nalaman niyang nakatakas ka na naman!"
"Uh. Tsk. See you around, Miss Slave." Napalingon ako kay Nigel dahil sa sinabi niya at bago pa ako makaangal ay tumakbo na rin ito palayo sa mga humahabol sa kanya.
Huminga ako nang malalim.
"He's Prince Nigel Hezuera. The son of Lord Hezuera of our Hezueras Clan," introduced by the guard. "That naughty boy has been training for forever now. Hanggang ngayon ay tila wala pa rin siyang natututunan."
"Right. Pwede na ba tayong magpatuloy?" tanong ko uli.
We went into the main Mansion but the men guarding the entry stopped us from getting in. Hindi ako sanay na may nakabantay sa pinto ng Mansion at mas lalong hindi ako sanay na pinagbabawalang pumasok sa loob.
"Lord Oscar isn't here," said one of those men guarding the main.
"Gano'n ba?" Bumaling sa akin ang kasama kong guard. "Wala pa raw si Lord Oscar. Hindi ko alam kung saan ka ilalagay habang wala siya. May tirahan ka ba rito?"
I gulped. "I used to stay inside," tukoy ko sa main.
"Nagbago na ang lahat nung umalis ka, Miss Astra. Slaves are not allowed in the main anymore," paliwanag nito. "My suggestion is you can stay with us as we wait for the come back of Lord Oscar."
"I can wait here."
"Bawal ang mga gumagala sa lugar na ito. You are not under the training. Dinadakip ang mga kawal at babaeng naninilbihan na nahuhuling gumagala sa labas."
I wanted to resist but I was left with no choice but to come with him. Hindi pa man kami nakakalayo sa main ay nakasalubong ko ang isang lalaking pula ang buhok. I remember him.
"Astra?" asked Callum the Freak. Tumingin ito sa guard na nasa tabi ko bago bumalik ang tingin sa akin. "You are back? Akala ko ay tuluyan ka nang tumiwalag sa clan na ito."
"Same question, Callum. I didn't know you are back after you spilled the truth to obey the late Lord Severo," I smirked at him. I remember what I've overheard. "What is it this time?"
His gaze turned to the guard. "Ako na ang bahala sa kanya. You can go back to your designated post."
"She wants to see Lord Oscar, Mr. Benzon," sabi ng guard.
"Ako na ang bahala," ulit ni Callum.
Nung makaalis ang guard ay sa akin uli napunta ang atensyon ni Callum. "Arrow and bow. You are into archery?" puna niya sa mga palaso na nakasabit sa likod ko.
"I need a place to stay in," I said directly.
Tumitig ito nang ilang segundo bago tumango. "You are still a slave and you don't serve anyone here anymore. Mapupunta ka sa pundar ng mga babaeng tagapagsilbi. Are you good with that?"
"Yeah. Kahit saan basta may matuluyan."
Habang naglalakad kami papunta sa mga makakasama kong tagapagsilbi ay hindi ko sinayang ang pagkakataon na magtanong.
"What's up here?" I asked.
Callum gawked at me and shrugged his shoulders. "I don't know how to describe it. It seems like the angel of death walked in and stole the peace of this place. Everyone has been acting paranoid. Non-stop training and invitation for other clans to join is. You know what for."
"Have you heard about the sudden disappearance of an entire clan?"
He smirked. "It's starting, right?"
"Do you think..." Lumunok ako bago nagpatuloy. "It's his doing, right?"
"Sino pa ba?" Mahina itong tumawa.
"May balita na ba sa kanya?" tanong ko.
"Why don't you say his name?" pang-aasar nito. "The Big White Cock also known as Brixton Wenz Cardinal. I don't know. Wala pang anunsyo ang mga opisyal."
Tumango ako. "It's been almost a year..."
"What happened to you?"
"Nothing much," I replied. "I just needed to cope with everything that happened, had a short training, study. You know? Just not to be a dumb slave anymore."
Gumilid kami nung may dumaan ng mga magmamartyang mga kawal. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang iba pa na nag-eensayo. They really took it that seriously huh?
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Malayo na kami sa Mansion.
"How's Oscar?" I couldn't help but ask.
"Lord Oscar," pagtatama niya sa akin habang naiiling pa. "He has changed a lot."
"As he should. Hindi biro ang kalaban niya."
"Two Cardinals fighting against each other," Callum mumbled.
Nagtagumpay talaga ang yumaong si Lord Severo na paglabanin ang magkapatid. Ngayon ay sino ang mananaig? Oscar knew how powerful Brix was so I don't think he would still underestimate him.
"Kailangan muna nating puntahan ang Punong Tagapagsilbi dahil siya ang magbibigay ng trabaho sa 'yo," paliwanag ni Callum.
Pumasok kami sa isang silid kung saan nadatnan namin ang mga babaeng tagapagsilbi. Kumalam ang sikmura ko nang maamoy ang mabango nilang niluluto. Andito pala kami sa kusina.
"There she is..." Callum pointed his finger to a woman who's busy with ingredients. Nakatalikod ito sa amin kaya nilapitan namin siya. Her figure looked familiar.
"Excuse me?" asked Callum.
Nung pagkaharap ng babae ay lumiwanag ang mukha ko.
"C-Celeste!"
"Astra!"
We didn't waste time hugging each other. Of all the odd things I have witnessed in this place, being with her brought so many memories back when things were still tolerable.
"I forgot that you knew each other," I heard Callum say.
Hinarap ako ni Celeste na naluluha. "I missed you, Astra! Buti naman bumalik ka na."
"Ikaw na pala ang Punong Tagapagsilbi?" mangha kong tanong na ikinatawa niya.
She nodded. "You are here to stay?"
"Yes!"
"Finally!" she giggled.
Natigilam kami nung tumikhim si Callum. "Ikaw na ang bahala kay Astra, Lady Celeste. Wala siyang matutuluyan at bigyan mo rin ng trabaho para may silbi naman siya."
"Sure. Ako na ang bahala."
He let out a heavy sigh. "I don't think it's a good thing that you came back but it's still nice to see you again, Miss Martin. Iiwan na muna kita rito dahil may gagawin pa ako."
"Thank you, Mr. Benzon."
He nodded before skedaddling the room.
Hinawakan ni Celeste ang kamay ko. "Are you good now?"
Tumango ako.
"Sorry bigla na lang akong nawala. I haven't had the chance to say goodbye," aniya sa malungkot na boses.
"Wala 'yon."
"Oh. Yeah. Kailangan muna kitang ihatid sa titirahan mo bago kita itatalaga sa trabaho."
Pumunta kami sa dormitoryo ng mga babaeng tagapagsilbi. Ayon kay Celeste ay may apat na babae sa bawat kwarto kaya ilalagay niya ako sa isang grupo na kulang ng isang myembro.
"It's not that fancy anymore," biro pa niya.
Ngumiti lang ako. I have a lot of questions in my mind but I know that it's not the right time to voice it out.
Pumasok kami ni Celeste sa isang kwarto na may nakakagay na numero 14. Wala kaming nadatnan doon maliban sa dalawang bunk beds na may kulay puting bed sheet. May isang maliit na pinto sa dulo na malamang na CR. May mga cabinet din na paglalagyan ng damit.
"Ito ang bakante," turo ni Celeste sa kaliwang lower part ng bunk bed. "Ang tatlo mong kasama ay nasa trabaho. Makakasama mo lang sila tuwing gabi. Don't worry. We are all friendly here."
"Mukhang hindi ako nabibilang dito ah?" biro ko.
Binuksan ni Celeste ang isang cabinet na walang laman. "You can put your things here. Saka tungkol pala sa mga equipment mong dala. Unfortunately, we are not allowed to possess those."
"Gano'n? Itatago ko na lang. Pwede ba 'yon?"
"Okay. Please, don't let anyone see those. They will confiscate it or worse punish you."
"I get it." Binitiwan ko ang bag ko sa kama at umupo. Nagpakawala ako ng mabigat na hininga. "I can't believe I'm here again. Welcome home to me." I chuckled.
Umupo sa tapat kong kama si Celeste.
"You look better now," she complimented. There, the familiar gentle smile. "Kumusta ka naman, Astra? Kumusta ang buhay mo sa clan na pansamantala mong tinirahan?"
"They are the best," I responded, proudly.
"Any place that's not here is best."
I cleared my throat. I can't hold it back anymore.
"Nakapag-usap na ba kayo uli?" Finally, I questioned.
Tanging iling lang ang nasagot nito.
"How about you, Celeste? How have you been?" pag-iba ko agad sa tanong dahil mukhang hindi siya kumportable.
"Good." She bobbed her head. "I serve a Class A master. He treats me well. You see? Naging punong tagapagsilbi ako dahil sa tulong niya."
I just stared at her as I scrutinized her emotion. Well... she's telling the truth. She doesn't look miserable at all. Sa katunayan ay parang mas nakahinga siya nang maluwag ngayon na wala na siya sa pundar ni Oscar.
"If you are pertaining about Lord Oscar..." Nagkibit-balikat ito. "Masyado na siyang mataas para maabot ko. Kuntento na ako sa tuwing nasisilip ko siya. I think his new slave is treating him well, too."
"Good to know."
Kumalam bigla ang sikmura ko na pareho naming ikinatawa. Iniwan ko na ang mga gamit ko sa kwarto para sumama kay Celeste. Tinanong niya ako kung saan ako magaling. I can cook so I asked her to assign me in the kitchen.
"This is Lady Astra," pakilala sa akin ni Lady Celeste sa pinuno ng kusina. "May pwesto pa ba para sa kanya?"
Tinitigan ako ni Lady Lena. "What's your name, Lady?"
"I am Astra, Lady Lena."
She knew about me. I could tell just by her reaction.
"So... you are the infamous slave of Brixton?"
I just put a smile on my face.
"Anyway, sure. You are welcome here." Luminga ito sa paligid. "You can join our team. May plano ka bang mag-umpisa ngayon? You can start by tomorrow if you want."
"I think mas maganda kung bukas na lang." Si Celeste ang sumagot para sa akin. "Kararating lang niya kasi."
"I understand."
Matapos akong maipakilala ni Celeste kay Lady Lena ay hinila niya ako sa isang lamesa para ipaghanda ng pagkain. Maraming napapatingin sa aking babaeng tagapagsilbi rito.
"A-ako na, Celeste," pigil ko.
"Hindi na, Astra."
"Nakakahiya naman na inaasikaso ako ng Pinunong Tagapagsilbi."
"Wala 'yon. Ano ka ba?"
Nilunon ko ang hiya nung nag-umpisa na akong kumain. Gutom ako kaya naparami ang kain ko. Hindi ko na lang pinansin ang mga mapanuring tingin ng mga kasamahan ko.
Nagpaalam naman si Celeste na aalis lang sandali.
I was in the middle of drinking my first pack of blood for this day when a strange woman entered the kitchen. I don't know pero base sa reaction ng mga tagapagsilbi ay may posisyon ang babaeng ito.
She sat down on the table across to mine. Nagkumahog ang mga tagapagsilbi sa paghahain ng pagkain niya. She has this bitchy presence. Iyon tipong kontrabida sa isang nobela.
Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya bumaling siya sa akin. Pinatotohanan niya ang aking hinuha nang magtaas ang kanyang mga kilay. Tumayo ito at lumipat ng pwesto sa table ko.
"What's your position?" she asked.
Alam kong manlalait ito kapag sinabi kong tagapagsilbi lamang ako. Kapag naman hindi ako sumagot ay mas lalo itong maiinis. I didn't know my temperance would be tested in my first day here.
"She's our new lady." Nakalapit na pala sa amin si Lady Lena.
"A slave?" Her brows arched.
"That's right, Miss Christy Morales."
Morales? Is it possible that this bitch is the daughter of the former leader, Lord Morales, of Phoenix Clan which being led now by Lady Grenda? I mean... it could be since she looked spoiled and her attitude was screaming privilege.
"Kidding." She chuckled. "I know her. Duh. Astralla Martin of Nightfall Clan."
Inubos ko na ang laman na dugo ng supot at handa na ring umalis kahit na anong minuto. Dumating din si Celeste na gulat sa presensya ni Christy. Kumunot ang noo ko.
What's up with them?
"What do you want, Miss Morales?" asked by Celeste.
"I just want to talk with Astra." Ngumisi ito. Kumuha siya ng straw at pinasok ito sa loob ng plastic ng dugo. Nakataas ang isa niyang daliri habang umiinom. "You were once under Brixton. How does he taste like?"
Hindi pa rin ako sumasagot.
"You know what? I can get any man I want. It's been easy for me. And... I also want to try him. So, tell me, Miss Martin. Is he worth it?"
"He's not like any other man you've had before," sagot ko.
Natigilan ito sa pagsipsip sa straw. Sa halip na mainsulto ito ay tumawa pa siya. "Excellent! That's what I want anyway."
"Let's go, Lady Astra," aya na sa akin ni Celeste.
"I bet he tastes better than Lord Oscar."
Automatic na napatingin ako kay Celeste na natigilan.
Christy giggled. "Lord Oscar is... wild. A rough monster in bed."
I knew it. May alam ang babaeng ito. Alam niya ang tungkol kina Celeste at Oscar. She's trying to make Celeste feel uncomfortable. Oh, God. She's worse than I thought.
"I can tell that the last woman whom he shared the bed with just bored him. What a lame woman. Lord Oscar doesn't deserve that!"
That's it.
Tumayo na ako at hinila na si Celeste palabas doon. Ramdam kong nanginginig ang kamay ni Celeste.
Hinarap ko si Celeste nang makalayo kami. "Okay ka lang?"
Hindi ito nakasagot.
"Don't mind her. She's clearly clowning you. Hindi papatol sa gano'n klaseng babae si Oscar," pangungumbinsi ko.
"Why not?" she laughed. "She's gorgeous."
Bumuntonghininga ako. "Pwede bang ipaliwanag mo sa akin kung sino ang babaeng 'yon?"
"She's Christy Morales, daughter of the former Lord Morales of Phoenix Clan, na kasalukuyang asawa ni Lady Grenda. They also call her Princess of Diamond."
"Wait. What?"
"Yes."
"Anak din siya ni Lady Grenda?"
Tumawa si Celeste bago umiling. "Walang anak sina Lady Grenda at Lord Morales. Anak ni Lord Morales si Christy sa dati niyang asawa."
"Incest..." I cringe.
"Not at all."
I just rolled my eyes. Hindi ko pa man nakakalahati ang araw ng pananatili ko rito ay marami na akong nakilalang hindi kaaya-ayang character. That spoiled Nigel of Hezueras Clan and now this bitch Christy Morales of Phoenix Clan. Who else is going to be included in the list?
Celeste gave me a tour around the new places here inside the Mansion of Nightfall Clan. May kanya-kanyang kampo rito ang mga clan. Nagamit ang buong lupain ng Nightfall para sa mga kaalyadong pangkat.
The seven major clans that joined Nightfalls are Phoenix Clan, Barbarian Clan, Hezueras Clan, Vienzara Clan, Behemoth Clan, Sentro Clan and Taurus Clan. They almost have the top ten most powerful clans.
Umabot kami ng hapon sa paglilibot.
"Kailangan ko nang bumalik, Astra," ani Celeste. "Bumalik ka na sa dorm niyo para makapagpahinga. Bukas din ay mag-uumpisa na ang bagong buhay mo rito sa Nightfall."
"Wait."
"Bakit?"
"I haven't seen Erikson yet," pansin ko.
Natigilan ito. "Y-you don't know yet?"
"What?"
"Sasamahan kita sa kanya."
Sumama ako kay Celeste. Nung pumasok kami sa isang madilim na lugar ay alam ko na kung bakit. Nanlambot ako nang makita si Erikson sa likod ng rehas. Nakayuko lang ito sa dulo.
"E-Erikson..." parang naging hangin lang ang boses ko.
Sapat naman 'yon kaya umangat ang tingin nito.
Kumunot ang kanyang noo habang kinikilatis ako.
"Astra?"
Parang may bumara sa lalamunan ko kaya umiwas ako ng tingin. Tumingin ako kay Celeste. "K-kailan pa siya kinulong?"
"Simula nung umalis ka..."
Napalunok ako.
"Astra? Ikaw ba 'yan?"
Kaya pala hindi siya nakabisita sa akin kahit na isang beses.
Lumapit sa akin si Erikson. Marumi ang mukha nito at ramdam kong sobrang lungkot niya.
He got teary-eyed but he managed to put a smile on his lips.
"E-Erikson..."
"Welcome back... friend."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro