Chapter 38
Chapter 38: Cold and Dark
Celeste and I held each other's hand as we followed the rest. My heart felt so heavy knowing we would abandon them while they were up against a powerful man but what else could we do?
Truth be told, wala kaming maitutulong sa kanila. Ang tanging magagawa lang namin ay bawasan ang mga magbubuwis ng buhay para sa laban na ito.
Trust them.
Trust him.
We will win it.
Sinalubong kami nina Erikson at Randolf. Tinabihan ako ni Erikson at si Randolf naman ay kay Celeste. Ngumiti sa akin si Erikson kaya tumango ako.
"Are you good now?" I heard Randolf asked.
Doon lang uli pumasok sa isipan ko ang kalagayan ni Celeste.
Celeste slightly nodded. "I feel better now."
"Wait..." I roamed my eyes around. "Where's Lady Vienzara?"
"Hindi ba siya kasama nina Nigel?" tanong din ni Erikson.
"Hindi ko siya napansin." Luminga pabalik si Randolf. Napailing ito. "I think she stayed there."
Natigilan ako sa paglalakad. Did she stay there?
Erikson shook his head at me. "You can't go back, Astra."
"Pero nanghihina pa rin siya." An image of her leaning against the trunk while panting hard flashed in my head. "If she stayed there, may posibilidad na madamay siya."
She's one of the reasons why our chances of winning were even possible. Kinumbinsi niya ang kanyang Ama na samahan kami sa laban na ito. We can't just leave her after all that she has done for us.
"Fuck it!" Erikson grabbed my arm. "We can't go back. You hear me?"
"But—"
"Kung hindi siya nakumbinsi ni Lord Vienzara na sumama sa atin, paano pa tayo? Paano niya tayo pakikinggan?" Bumuntonghininga si Erikson. "Can you listen to me for once, Astra?"
Shit. Mas malala pa talaga sa akin ang babaeng 'yon. Aminado akong minsan ay padalos-dalos ako ng desisyon pero alam ko namang limitahan ang sarili.
"She's with her father. Hindi siya pababayaan ni Lord Vienzara," pangungumbinsi rin ni Randolf. "I know you are worried but we need to do what we are told to. Para sa kaligtasan din natin 'to."
Tumango ako. "I'm sorry."
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Randolf is right. Hindi pababayaan ni Lord Vienzara ang anak. Bakas man ang pagod kay Yngritt kanina ay alam kong kaya niya pa ring makipagbakbakan.
"Randolf..."
"I know, Mr. Nadija."
I didn't need to ask. Naramdaman ko rin na may mga umaaligid sa amin kaya mas binilisan namin ang paglalakad para makasabay sa mga kawal nina Nigel.
"Enclose everyone in a circle!" Nigel ordered the troops. Nakulong kami sa gitna nang paligiran ng mga kawal. "Punan ang bawat puwang. Don't let anyone get inside. Don't let your guards down!"
There were eyes staring at us from the thick fog. Kung tama ang pakiramdam ko ay hindi hamak na mas marami pa sa amin ang mga ito. We were outnumbered.
I could hear the guards who were protecting us panting hard. Hindi lang kami ang pagod, maging sila. We were not just outnumbered but outpowered, too.
"Listen, Mr. Nadija, Mr. Wenson," Halos bumulong sa amin si Nigel. "You need to get out of the castle. Isama niyo sina Astra at Celeste. Halos nasa labas ang iba pa nating kasama. The troops we have here can't handle them longer. Do you understand?"
Kumunot ang noo ko. "How about you?"
"I can't leave my army here."
"You are being a hero now?" I forced a laugh. "Hindi. Sumama ka sa amin, Nigel."
"Astra is right, Mr. Hezuera," Erikson agreed. "You can't save these troops anymore but you can save yourself. There's no space for acting like a hero here."
"Fine! You are cool!" ani Randolf. "You have been cool to me since the war started. But enough now. Sumama ka sa amin. Malalagot kami kay Lord Hezuera kapag may nangyaring masama sa 'yo."
The enemies finally stepped out of the thick fog, preparing to crash our shields. They were all wearing black cloaks. If my hunch was right, these are followers of The Five Cloaks.
Mabilis na dinikitan kami nina Nigel nang sumugod na ang mga kalaban. They were attacking all at once. Habang patagal nang patagal ay paliit nang paliit ang bilog na bumabalot sa amin.
"Our swords aren't working!" sigaw ng isa sa mga bantay.
"Go for the head!" sigaw ni Erikson saka hinawakan ang kamay ko. "Once the shield has broken, we will run inside the woods. Hawakan mo si Celeste, Randolf. Hindi na dapat tayo magkahiwalay sa pagkakataong ito. We are all tired. We need each other."
"Noted that!"
Nakita ko ang panlulumo sa mga mata ni Nigel habang pinapanuod na isa-isang tumutumba ang kanyang mga kakampi. That's when I held his hand, too.
Napatingin siya sa akin. He was on the verge of crying. Mabigat ang paghinga nito.
"You have been a good leader, Nigel," I told him. "But this is war."
"One..." Erikson started to count.
"Have you heard your father? He's proud of you." I smiled.
"Two..."
"Mas marami ang umaasang mabubuhay ka. Naghihintay ang mga kasamahan mo sa inyong pangkat. You need to live to tell the story of how these troops fought for your clan, for the freedom and for the next generation. You must live to relive their legacy."
"Tara na!"
A drop of tear fell from Nigel's eyes as we ran away.
There are so many things I've learned this night alone. One of those is how powerful our eyes are. It's amusing how our eyes can tell different emotions, stories, and things our lips can't voice out.
"Stick together!" Erikson didn't let go 0f my hand.
"I will lead the way!" Nauna sa amin si Nigel. Napansin kong nakakuyom ang kanyang mga kamao. "They are going after us. Hindi ko kayo masyadong mababantayan sa likod kaya sumunod lang kayo!"
But they are fast. I could feel them slowly closing the distance between us. We still have a long way to go before we can finally get out of the woods. Hindi namin sila matatakbuhan.
"Can you still hold Celeste?" dinig kong tanong ni Randolf kay Erikson.
"Fuck you, Mr. Wenson! Ikaw ang humawak sa kanya!"
"Kailangang may pumigil sa kanila o lahat tayo'y maaabutan!" sumbat nito. "Celeste is still recovering! She can't fight yet!"
Mas humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Erikson. Alam kong alam niyang tama ang sinabi ni Randolf pero dahil sa gagawin niya ay maaari siyang mapahamak.
"We have no time, Mr. Nadija!"
"Damn it. Fine!"
"N-no—"
"Susunod din ako agad, Celeste. I will just buy you enough time. I promise."
Walang nagawa si Celeste nang hawakan siya ni Erikson at bitiwan ni Randolf. Narinig kong humikbi ito.
"Tangina mo, Randolf! Sumunod ka agad!"
"I will. Ikaw na muna ang bahala kay Celeste. Please, be safe!"
"M-maghihintay akong bumalik ka, Randolf," ani Celeste.
"Please do... Milove."
Bumagal ang pagtakbo ni Randolf hanggang sa tumigil na ito. Binalikan ko siya ng tingin. He stood there, just watching us as we ran away. He smiled, let out a heavy sigh and turned around to run back.
"He will be fine," Erikson tried to convince Celeste.
We kept going as we told to.
Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kalawak ang sakop ng hamog na gawa ni Brix. Kung hanggang dito ay abot ito, ibig sabihin ay buong kaharian ngayon ang nababalutan ng hamog.
Suminghap ako. Malayo-layo pa kami sa bukana ng gubat.
"Hold on guys! Keep going!" Si Nigel.
"Wait, Celeste! Bakit ka bumibitiw?" Napukaw ni Erikson ang aming atensyon. "Damn it. What are you doing?"
"What?" Inalis ko ang pagkakahawak sa akin ni Erikson at lumipat sa tabi ni Celeste. Nakayuko lang ito at humihikbi pa rin. "It's fine, Celeste. Are you tired?"
I could carry her on my back. Kaya ko pa namang buhatin siya.
"N-no..." she responded in a feeble voice.
I held her hand.
I felt something.
"Wait. Stop!" sigaw ko.
"What's wrong?" Lumapit din sa amin si Nigel. "Are you okay, Celeste?"
Sa halip na sumagot ay mas lalo lang itong umiyak.
"Shit. Ayos ka lang ba?" kinakabahang tanong ni Erikson.
"I-I'm sorry guys..." Humagulgol ito.
Lumunok ako bago umupo. Tinaas ko ang telang tumatakip sa kanyang binti. Napaupo ako at nanlumo nang makitang nangingitim na ang kanyang mga binti.
"What the fuck?!" Erikson bursted out. "N-no."
"P-please go..." Celeste tried to push me away. She stepped back and shook her head. "Don't mind me. I can't run anymore."
Panandalian akong natulala. Ang rason kung bakit kinailangan niya ng dugo ni Oscar ay ito ang pinakamabisang dugo, ang dugong bumuhay sa kanya. Ang rason kaya hindi niya tinanggap ang dugo ng iba ay dahil masyado na siyang mahina.
"W-where's the dagger?" I asked.
"Tangina naman!" mura ni Erikson.
Unti-unting nililis ni Celeste ang damit pataas at pinakita sa amin ang kanyang tagiliran. "I-I've got this when you were trying to save Albina. Nagpakawala rin ng punyal ang pinuno at tumama sa akin. I just kept it dahil alam kong wala na rin namang magagawa. I'm sorry."
The dagger was almost inside her body.
Tumango ako. Hinawakan ko siya at dahan-dahang inupo sa gilid. Sinandal ko ang ulo niya sa puno. Umupo rin ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay.
Her hands were trembling that she could barely grip on me. No. She wasn't trying to let go of Erikson's hand. Kusang kumakawala ang kapit niya.
"It's been a long night. Magpahinga muna tayo," bulong ko.
"No, Astra. You need to go," pangungumbinsi ni Celeste. Pinunasan niya ang luha bago pilit na ngumiti. "I will just rest here. Hihintayin ko rito si Randolf."
"Hindi lang ikaw ang pagod, Celeste," sambit ko. "We need to rest, too."
Celeste coughed blood. Napapahawak ito sa tagiliran sa tuwing inuubo. Napapangiwi ang labi habang iniinda ang sakit. Humihinga nang malalim para pakalmahin ang nanlalamig na dibdib.
"S-Sorry..." bulong nito.
Hindi ko mabuka ang bibig ko. Isang salita ko lang ay bibigay na ako.
Erikson let out a heavy sigh. "Prepare, Mr. Hezuera."
"I know..." He faced Celeste. "Please rest, Milady."
Lumapit sa amin si Erikson. Lumuhod ito sa harapan ni Celeste at pinunasan ang dugo sa kanyang labi. Ngumiti ito. "I've seen you grow as a vampire, Celeste. Naaalala ko pa nung baguhan ka pa lang. Takot na takot ka sa lahat."
Celeste chuckled. "Takot na nga ako tapos tinakot mo pa ako lalo."
"Nakakatuwa ka kasing takutin. Bigla kang iiyak at magsusumbong kay Oscar." Hinawi niya ang buhok ni Celeste. "Minsan na rin akong binugbog ni Oscar dahil sa 'yo."
I tilted my head and wiped my tears.
"They are coming, Mr. Nadija," Nigel announced.
"What's your surname again?" Erikson asked Celeste.
"Whoa. Someone got interested in my surname."
Tumawa si Erikson. "I mean, you are good as Celeste alone."
"I am Celeste Merjudio," Celeste introduced herself. "Kinupkop ako ni Lord Oscar nung mga panahong mag-isa na lang ako sa buhay. I lived in the Mansion of Nightfall Clan where I served one of the Cardinals... with all my heart. I am happy now with Randolf Wenson."
"It's a pleasure to be with you, Lady Celeste Merjudio." He kissed the back of Celeste's hand. "I am glad that I met you. I won't be sorry for scaring you when you were still a new vampire. Thank you..." Erikson bowed his head.
"You've been..." Natigilan ito nang umubo. "You've been good to me, Mr. Nadija. Thank you."
Just like that, we were already surrounded by enemies. Tumayo na rin si Erikson at tinabihan si Nigel. They did everything to protect us. I watched how a blade cut through Erikson's back and the sharp edge got into Nigel's chest.
"Stay back!" sigaw ni Erikson nang makitang napuruhan si Nigel. "Tumabi ka muna kina Astra!"
"No!" Nigel spat blood out his mouth.
"Fuck it!" Tinabihan ni Erikson si Nigel. "Tumabi ka lang sakin para mabantayan kita!"
"A-Astra..." bulong ni Celeste.
"I'm here." I squeezed her hand.
"Go and help them. I will be fine here."
"No." Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanyang kamay.
"Please? They can't hurt me anymore. You know..."
Suminghap ako nang makitang tumamo uli ng saksak si Nigel. Mabilis siyang hinila ni Erikson papunta sa kanyang likod at nilabanan ang mga nasa harapan.
"Please?" Celeste begged.
Napapikit ako nang makitang napaluhod si Nigel at nagsuka ng dugo. I've heard Erikson screamed something. Was it run? Was it stay back? Was it a curse? I don't know.
Parang nabibingi na ako sa dami ng nangyayari.
"T-thank you for staying with me, Astra. Just know that I see you as my sister. Please live. Your life is just starting..." Binawi na niya ang kamay sa akin. "Salamat sa lahat, Astra."
Tumayo na ako at kinuha ang mga palaso sa likod. Tinira ko sa ulo ang isang lalaking nagtangka sa likod ni Erikson. Tumabi ako sa kanila at pumulot ng ispada.
"What the fuck, Astra? Stay back!" Erikson screamed.
Hindi ko siya pinansin. I fought beside them until I ran out of arrows. Ilang ispada ang nabitiwan ko dahil sa lakas ng mga kaaway. Parang hindi sila nauubos. Hindi ko nga masabi kung nabawasan ba namin sila.
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong tumayo si Celeste. Nilapitan niya si Nigel at inakbayan para itabi sa puno. Pinunit niya ang tela ng kanyang pantalon at tinali sa sugat nito.
"Astra!"
Kumunot ang noo ko nang mapansin na may tumutulong dugo sa bibig ko. Basta ang alam ko lang ay tinulak ako ni Erikson at binunot ang patalim na tumama sa dibdib ko.
"Tangina!"
Mabilis akong nakabawi at pumulot uli ng ispada. Nagawa ko pang makabawi hanggang sa narinig kong maging sa likod ay nakapunta na ang mga kalaban.
Nabitiwan ko ang sandata nang makitang buhat-buhat na ni Nigel si Celeste.
"S-she fell on the ground..." he told me.
Umawang ang mga labi ko nang makitang tumagos sa dibdib ni Nigel ang isa pang ispada. Hindi lang isa... dalawa... tatlo. Hanggang sa napaluhod ito at nabitiwan si Celeste.
The tears from his eyes turned blood.
It felt like the world has stopped spinning for a while.
It's too much to handle.
I screamed so loud but I didn't hear anything.
Napansin kong tumaas bigla ang hamog at binalot nito ang buong paligid. Narinig kong nahirapang huminga ang mga kalaban namin at napilitang umatras.
Tumakbo ako at dinaluhan sina Nigel at Celeste.
"S-she won't last anymore..." Gumapang si Nigel. Dumura ito uli ng dugo bago tumawa. "Shit. I'm tired."
I stared at Celeste. She could barely move.
"I-I want to see Randolf..." she mouthed.
"I'm here, Milove." Binitiwan ni Randolf ang kanyang ispada at umupo. Pinatong niya sa kanyang hita ang ulo ni Celeste at hinawi ang buhok nito. "I'm just here..."
Sa isang direksyon ay nanatiling nakatayo si Oscar at nakatingin sa amin.
"Where the fuck is Mr. Nadija?" tanong ni Nigel.
Sabay-sabay kaming napalingon sa lalaking nakahilata sa damuhan.
"Don't think I'm dead. I'm just resting!" sigaw ni Erikson.
Nigel chuckled.
Nangawit ang likod ko kaya humiga rin ako sa damuhan.
Is it done yet?
I just closed my eyes.
"I-I can't feel my body anymore..." Celeste whispered.
"Yes. Ang lamig nga," sagot ni Randolf.
"The sky was spinning, Randolf."
"Oh. I wish I could see it, too. I bet it's awesome, Milove."
"My eyelids felt so heavy..."
"Mine too."
"It's getting cold and dark here..."
"I think that's good. You have been fighting all night. Masarap matulog diyan."
"Okay lang ba, Randolf? Dito na lang ako?"
"Oo naman, Celeste. Don't worry about me."
"Hindi na kita masasamahan sa world trip na pangarap natin."
"Okay lang. Ang pangarap ko lang naman talaga ay makasama ka."
"I'm sorry, Randolf."
"Pero itutuloy ko pa rin 'yung world trip, Celeste. I will take a lot of pictures and earn a lot of memories."
"Please do..."
"I will..."
Celeste didn't respond anymore.
"I will, Milove."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro