Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37

Chapter 37: The Final Wave

It's been a long  and exhausting night. Though the sky was still dark, I knew it won't last anymore. The sun will illuminate this world again and I hope that war has ended by that time.

Isang malaking pagbabago ang naghihintay sa lahat sa pagsikat ng araw.

"How did you know?" tanong ni Brix.

Hinawakan ko ang kwintas na suot. "This is not just a pass, Brix. Binigyan ako ng kwintas na ito ng liwanag para makita ang mga bagay na kinukubli ng dilim. I found the truth through the help of this."

"But what if—"

"I would still believe in you," I cut him off.

Umihip ang malamig na hangin na gumalaw sa kanyang buhok. We stood there for a moment, just staring at each other. It felt like everything was just a dream.

"Wala naman akong pakialam kung hindi nila ako paniwalaan," sambit niya sa akin. "Hindi naman bago sa akin 'yon. Hanggat naniniwala ka sa akin, wala akong pakialam sa mga hindi."

I closed the distance separating us. Tumingala ako para salubungin ang kanyang tingin. "Trusting you is the best decision I've ever made. You are free now, Brix."

"Damn. My eyes..." He tilted his head.

Someone behind us faked a cough. Nung makilala kung sino ito ay nagpaalam muna ako kay Brix na hahanapin si Celeste. Bago ako tuluyang makalayo ay binalikan ko ng tingin sina Brix.

I smiled when Oscar hugged Brix.

Finally, the Cardinal brothers are back again.

This is where Lord Severo lost.

Imbes na si Celeste ang makita ko ay natagpuan ko si Nathalia. Nakasandal ito sa puno at pinaglalaruan ang mga damo sa kanyang paa.

Huminga ako nang malalim bago siya nilapitan.

"How's Brix?" she asked.

"I'm sorry..." I said.

"It's my fault," she mumbled. Hindi pa rin niya ako tinitingnan. "Masyado kong minaliit ang galit ni Mama kay Brixton. Isa ako sa dahilan kung bakit mapait ang naging nakaraan ni Brix. Ano'ng klase akong kapatid?"

"Hindi lang ikaw. It feels like..." I felt something got in my throat. "The world failed him. But it doesn't matter anymore. Ngayon na alam na nating lahat ang totoo, unti-unti na ring lilinis ang pangalan niya."

"I-I don't know what to say..." That's when she looked at me. Nanginig ang mga mata niya na pinaliligiran ng luha. "Nahihiya ako kay Brix. H-hindi ko alam kung paano siya haharapin."

Hinawakan ko ang kanyang kamay. "Hindi ko inakalang mahihiya ang isang Nathalia Cardinal. Sa dami na ng mga ilaw na sumilaw sa 'yo sa iba't ibang panig ng mundo, mga magazine na pinagbidahan... ano pa ang kailangan mong ikahiya?"

Tumitig siya sa akin. Ilang sandali ay natawa ito.

"You don't make sense, Astra. This is something else."

"Kinausap na ni Oscar si Brix," sambit ko. "Ikaw na lang ang kulang."

Binawi niya ang kamay sa akin para punasan ang mga luha. Sa dami na ng nangyari ay hindi man lang nagalaw ang ayos ng kanyang mukha.

"Go on, Lady Nathalia. The world is waiting for the Cardinal Siblings to be at peace with each other once again."

She hugged me. "Thank you for believing in him. You saved my brother, Astra."

"Wala 'yon sa mga nagawa niya sa akin."

Kumawala na ito sa yakap. "Thank you, Astra."

Tumango lang ako at pinagmasdan siyang puntahan ang mga kapatid.

Huminga ako nang malalim bago tumingala. Hindi pa rin nawawala ang pananggalang ginawa ng mga manggagamot. Ibig sabihin no'n ay marami pa kaming oras para magpahinga.

"That was overwhelming." Narinig ko si Erikson. "How you stood up for him and put your life on the line by believing in him. That was awesome."

"Hindi ako nakaramdam ng takot." Bumaling ako sa kanya. "Dahil alam kong tama ang pinaglalaban ko."

He chuckled. "You can really never go wrong with Brixton."

"Right."

"Shit. Nakakapagselos."

Tumawa ako. "I still can't believe you like me."

"Uhm. No. Wrong." He shook his head. "You know that I just don't like you."

Pakiramdam ko ay nagbalik na sa dati ang lahat. Nagagawa na naming makapag-usap nang tahimik at makipagbiruan. Pero alam kong sa oras na mabasag na ang pananggala ay kailangan na naman naming makipaglaban.

"Now you are talking about it. Curious ako. Paano magmahal ang isang Erikson Nadija?" tanong ko.

He shrugged his shoulders. "Simple lang naman."

"Paano nga?" Pabirong hinampas ko ang kanyang balikat. "Are you the sweet type of guy? The super hero type? The masochist? O 'yung deadma at hindi showy?"

Ngumiwi ito. "What are those?"

"Sige ganito." Tumikhim ako. "Paano malalaman ng isang babae na mahal mo siya?"

"Kapag tinulak mo ako pero bumalik pa rin. Kapag pinagtabuyan mo pero nanatili pa rin. When I love, I love hard. I may not as strong as Brix but I will make sure as long as you are with me no one can hurt you."

Nalula ako sa sinagot nito. "W-whoa..."

He laughed. "Gusto mo bang maranasan?"

"No. I'm good."

"Ouch."

Tumagos sa likod ni Erikson ang tingin ko. Kumunot ang noo ko nang makitang buhat-buhat ni Randolf si Celeste. Mabilis na dinaluhan ko sila.

"What happened?" I asked anxious.

"I-I don't know..." Nilapag niya si Celeste sa damuhan. "Hindi tumatalab sa kanya ang lugar na ito. Her wounds are not healing. I-I'm scared."

Nakatingin lang sa amin si Celeste. Sa mukha pa lang nito ay bakas na ang panghihina.

"Celeste!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Don't you dare."

Tumawa ito. "Napagod lang ako."

Pinagmasdan ko ang mga sugat niya sa katawan. Lahat kami ay gumaling sa tulong ng mga manggagamot pero lang sa kanya. Bakit hindi gumagaling ang mga sugat niya?

"I-I'm thirsty..." she mumbled.

Mabilis na kinagat ni Randolf ang kanyang braso at nilapit ito sa bibig ni Celeste. Nanginginig ang mga kamay ni Randolf habang pinapainom ng dugo si Celeste.

"I-I really think she's just tired," Randolf mumbled.

"Yes. I think so, too." I agreed. Pinilit kong ngumiti. "Magpahinga muna tayo rito hanggang sa makabawi ang katawan niya. It's been a rough night."

Umakyat sa dibdib ko ang kaba nang umubo si Celeste. Naitapon niya ang dugo ni Randolf.

"Hindi tinatanggap ng katawan niya ang dugo mo, Randolf," batid ni Erikson. "Kung gano'n ay isang dahilan lang kung bakit. Naiintindihan mo ba ako?"

Mabilis na tumayo si Randolf at tumakbo.

He's going to look for Oscar. Sa kanya pa rin nanggaling ang buhay ni Celeste. Kung may hinahanap man ang katawan ni Celeste, iyon ay ang dugo ng bampirang bumuhay sa kanya.

Hinilig ko sa aking mga braso ang uli ni Celeste. Pinasadahan ko ng daliri ang kanyang buhok. Sa tuwing uubo ito ay mas humihigpit ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Everything will be fine," I whispered.

"What happened, Celeste?" tanong ni Erikson.

"Hindi ko rin alam," sagot nito.

Mayamaya ay bumalik na uli si Randolf at kasama niya si Oscar. Kumunot ang noo ni Oscar. Dahan-dahan ay lumuhod ito at hinawakan ang pisngi ni Celeste.

"She needs your blood," Randolf said.

Oscar lent her the blood she needed. Hindi gaya ng kay Randolf ay tinanggap ng katawan ni Celeste ang dugo. Nahagip ng tingin ko ang isang kamay ni Celeste na nakahawak sa kamay ni Oscar.

Kumalma ako nang makitang naghilom rin sa wakas ang kanyang mga sugat. Dugo talaga ni Oscar ang kailangan niya. Malamang na sa tagal niyang hindi ito natitikman ay hinanap ito ng katawan niya ngayon.

"She's healing!" masayang sambit ni Erikson.

It was done but Celeste didn't let go of his hand.

"How are you feeling?" tanong ni Oscar.

"Better. Thank you, Milord."

"Thank you, Randolf," ani Lady Nathalia. "Mabuti ay nadala mo siya agad dito."

Tumango lang si Randolf.

"Magpahinga ka muna," ani Oscar.

Labag man sa loob ni Celeste ay binitiwan niya ang kamay ni Oscar. Napansin ko rin na hindi gustong bumitiw ni Oscar pero kailangan... hindi na sila ni Celeste. May iba nang nagmamay-ari sa kanya.

Hinarap ni Oscar si Randolf. He tapped his shoulder. "She's good. Kaunting pahinga lang ang kailangan niya. Please look after her. Thank you."

"T-thank you, Lord Oscar." Randolf bowed.

Oscar left Celeste to us.

Lumuhod si Randolf para hawakan ang pisngi ni Celeste.

"I'm glad you are fine. Tinakot mo ako."

"Salamat, Randolf."

"No. Thank you, Celeste. Thank you for being strong."

Nagpalit kami ng posisyon ni Randolf. Siya na ngayon ang nakaalalay kay Celeste. Nang mapagtanto na ayos na talaga si Celeste ay minabuti ko munang iwan sila.

"She still loves him..." ani Erikson.

"Randolf knows," I added. Bumuga ako ng hangin. "Simula pa lang ay alam niyang si Oscar talaga ang mahal ni Celeste."

Erikson let out a heavy sigh, too. "Sa tagal ko nang kaibigan si Randolf, hindi ko pa siya nakitang nagseryoso sa isang babae. Laging bago, laging may kapalit."

"I guess for the first time the bad guy didn't win," biro ko.

"Love always wins."

I looked up at the barrier. It's slowly fading into thin air.

"Ang haba ng gabing ito," bulong ni Erikson na nakatingala rin. Narinig kong humikab pa ito. "The longest night of my life. Ang daming nangyari."

"Still here we are. Standing strong..."

Naramdaman kong inakbayan niya ako at tinapik-tapik ang balikat ko. "You've come too far, Astra. Who would have thought that you were once a slave? Sa dami ng ginampanan mong papel sa mundong ito ay dinaig mo pa ang mga matagal ng bampira."

Natawa rin ako sa sinabi niya. "Is that a good thing?"

"Of course."

I know. But there's still one thing confusing me.

"Paano talaga tayo mananalo, Erikson? Paano natin sila mapapapayag sa gusto nating mangyari?"

"Paninindigan," sagot nito. "Kapag nakita nila ang paninindigan natin, tatanggapin nila ang ating pinaglalalaban. The Cloaks want to see how far we can go."

"That also means..."

"Yes. We need to win against one of The Five Cloaks."

"T-that's tough, right?"

"Seemed impossible." He shook his head. "But we have the greatest leader this vampire world has ever seen. Wala tayong magagawa kung hindi ang magtiwala kay Brixton."

The barrier was finally broken before our eyes. The glow of the place turned back into the dark. Nalanta uli ang mga bulaklak, damo at mga puno.

"This is it. Welcome to the final wave." Tumawa si Erikson.

My eyes narrowed as I noticed someone from a distance watching over us. He was wearing a black cloak covering his whole body. I could barely have a glimpse of his face due to the shadow of his hood. On his right hand was a cane with a pointy edge.

Before I could even process who it was, Erikson pulled me back.

"Step back..." Pumunta sa harapan namin si Lord Hezuera, kasama sina Lord Sentero, Barbarian at Oscar. Sa isang iglap ay pumunta lahat ng mga kasama naming pinuno sa harapan.

"It's been a long time..." Even his voice sent chills down my spine.

All the leaders gradually knelt down before him as a sign of respect.

Finally... one of the Five Cloaks showed up.

"Fifth..." Lord Vienzara stepped forward.

Nakabalik na pala sila. Mabilis kong hinanap si Lady Vienzara. Nakita kong nagpapahinga ito sa puno. Napansin niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya tinanguhan niya ako.

It was a relief she's safe. She's really something. Lady of Vienzara.

"I didn't expect Vienzaras would be involved in this."

Tumuwid uli ang tingin ko. Only Lord Vienzara remained standing among the leaders.

"It's an honor to see you again, Fifth." Lord Vienzara slightly bowed his head. "Kind of unfortunate since we know we are here for different reasons."

The Fifth slightly lifted his head. I've had a glimpse of his face. He has a scar on his left eye where nothing could be seen but disgust towards us.

"I was impressed," Fifth said. "I've been watching over you. Hindi ko ipagkakailang napahanga ninyo ako sa ipinakitang dedikasyon sa layunin. Gano'n pa man ay alam ninyo kung bakit ako narito."

"I don't think we can still resolve this through peaceful conversation," Brix stepped forward, too. He slightly bowed his head. "It's a pleasure to meet one of The Cloaks."

"Brixton Wenz Cardinal," Fifth mentioned his name.

Even The Cloaks know about him.

"Hindi naming gustong dungisan ang legadong tinalaga ninyo sa mundo natin." Brix sounded genuinely respectful towards him. "We only want a few changes. That's all, Fifth."

"You are the root of this revolution against us. You led them to this point. How sure are you that you will get the success you swore to them? To win against us?"

"I just know I can..." Brix smiled.

"Forgive us, Fifth..." Lord Oscar stood up. "Hindi kami titigil hanggat hindi naaabot ang mithiin namin. Sa kahit na anong paraan... kahit na kalabanin ka."

Sumilip ang ngiti sa labi ng lalaki. "Mukhang hindi ko na talaga kayo makukumbinsi. "Kung gano'n ay kailangan niyong dumaan sa akin. Hindi ko hahayaang mangyari ang nais ninyo."

Napansin kong umilaw ang talim ng tungkod niya. Kumunot ang noo ko nang mawala bigla 'yon sa kanyang kamay. Ilang sandali pa ay tumumba bigla si Lord Sentero.

My eyes widened. Tumagos sa kanyang katawan ang tungkod bago bumalik sa kamay ng lalaki. No one even noticed that attack. Not even Brix.

"Lord Sentero!" Mabilis na dinaluhan siya ng kanyang mga kasamahan. Nagawang makatayo ni Lord Sentero.

Natulala ako. Hindi ko pa kailanman nakita ang gano'ng bilis.

"Retreat!" sigaw ni Lord Hezuera sa aming mga nasa likod. "Mas mabuting lumayo muna kayo sa lugar na ito. Kami na ng mga pinuno ang bahala rito."

"No!" giit ni Nigel. "I will fight with you, Father."

Hinawakan ni Lord Hezuera ang balikat ni Nigel. "Just do what I told you to, Son. Lead our army back to the safe area. Leave this to me... to us."

Nigel shook his head. "Please—"

"This is a command," dumiin ang boses ni Lord Hezuera. "I am talking as your leader, lead our army back to the safe area. I am not asking you here. I am giving you the order."

Lumunok si Nigel bago tumango. "I will."

Lord Hezuera smiled. "I am proud of you, Nigel."

Humarap sa amin si Nigel. "Sumunod kayong lahat sa akin!"

Nabaling kay Brix ang tingin ko. Unti-unti naman itong lumingon sa akin. Nanlambot ako nang makita ang pangamba sa kanyang mukha. Sandali lang 'yon pero nakita kong... natakot siya.

"Please go..." he mouthed.

Imbes na sundin siya ay nilapitan ko ito. Sinalubong naman niya ako.

"H-he's fast, Brix."

He chuckled. "That's nothing, Astra. He can do more than that."

"Ang sabi mo ay mananalo tayo—"

"We will." Tumitig ito sa akin. "Mananalo tayo, Astra."

"Promise me."

"We will win. You have my word, Astra."

"No!" Umiling ako. "Promise me you will live."

"Of course."

Nangilid na naman ang luha sa mata ko. "You need to live. My daughter... our daughter needs you."

He smiled.

"I think I need to tell you this." Hinawakan niya ang pisngi ko at nilapit ang mukha sa akin. "Listen, Astra. Remember my words, okay? I won't die. Never. Because when I die, you will die, too. So... no. I will live."

My tears fell down.

Unti-unti ay binitiwan niya ako. Nginitian niya ako bago tinalikuran. Pumunta ito sa pinakaharapan kung saan nakatayo ang dalawa niyang kapatid.

The Cardinal Siblings stood in front of the line with all the leaders behind them.

All of them against one of The Five Cloaks. That says a lot about how powerful that man is.

Naramdaman kong may malamig na hangin ang gumapang sa mga paa ko. Saka ko lang napagtanto na hamog ito. The fog was spreading like a wildfire.

Buong paligid ay binalutan ng hamog.

Please be careful, Brix.

"Astra!" Hinawakan ako ni Celeste. "Let's go..."

Sa huling pagkakataon ay bumaling sa akin si Brix.

He mouthed, "Trust in me. Be safe..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro