Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32

Chapter 32: The Chaos

Hindi ko napigilang lumingon uli. Nanatili si Brix sa kinatatayuan at taimtim na nakatingin sa akin. Sa gitna ng malakas na buhos ng ulan ay dahan-dahan akong bumalik.

I stood in front of him.

"D-did I almost break my promise?" I asked.

With his low and exhausted voice, he responded, "Almost."

I forced a smile.

"I still trust you, Brix."

I could see how relieved he was by hearing that.

I reached his face and gently caressed the raindrop on it. "Lead your army now. Pupuntahan ko lang sina Celeste."

Hinawakan niya ang kamay kong nasa kanyang pisngi at nilagay sa kanyang labi. "Please, be safe..."

"You too..."

Unti-unti ay binitiwan niya ang kamay ko. Tinitigan niya pa ako nang ilang segundo bago tumalikod. Sa isang iglap ay naiwan akong mag-isa sa ilalim ng malakas na ulan.

Kinapa ko sa likod ang mga armas. Tumakbo na ako para puntahan sina Celeste at ang iba pa. Malamang na hindi pa nila alam na nagkakaroon na ng patagong pag-atake.

Naabutan kong palabas ng bagong building si Erikson.

Lumapit ako sa kanya. "Where's Celeste?"

Nagulat pa ito sa biglaan kong pagsulpot. "Nagpapahinga na. Nakahanda na rin ang kwarto mo—"

"We can't rest yet. They are starting."

He looked confused. "What? That's impossible. Bantay-sarado ang mga lagusan. Imposibleng mapasok tayo nang hindi natin alam." Bumaba ang tingin nito sa katawan kong basang-basa. "Saan ka ba galing?"

Umiling ako at suminghap ng hangin. "Hindi ko rin alam kung paano nangyari—"

"What's happening?" sumulpot sa likod ni Erikson si Randolf. Humihikab pa ito. "Why are you two outside?"

"Sabi ni Astra ay nilusob na raw tayo," hindi pa rin naniniwala si Erikson.

"How?" tanong din ni Randolf.

"Guys!" Sabay-sabay kaming napalingon kay Nigel na tumatakbo palapit sa amin. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang espada. "Pinapatawag tayo ni Brix!"

"Wait what? May paglusob nga?" takang tanong ni Randolf.

"We need to move now!" Nigel was panicking. "We need to gather everyone."

"Gigisingin ko lang si Celeste!" ani Randolf bago tumakbo pabalik sa loob.

Bumaling ako kay Nigel. "Paanong paglusob ang ginagawa nila?"

"Hindi ko rin alam, Astra—"

My eyes widened in shock when someone stabbed Nigel on his chest. Tumagos sa kanyang dibdib ang espada. Bumulagta ito sa harapan namin at mabilis na kumawala ang maraming dugo.

"N-Nigel..." Bumaling ako sa gumawa. "What did you, Yngritt?"

Mabilis na pumunta sa harapan ko si Erikson at hinarang ang sarili. "What the fuck was that for, Miss Vienzara?"

"See it yourself."

Bumaba ang tingin ko kay Nigel. I gasped when I realized he wasn't Nigel.

"Open your eyes. Trust no one." Tinalikuran na kami ni Lady Vienzara at naglaho rin sa ulan.

"You are right. Kagagawan 'to ng mga manggagamot," ani Erikson. Humarap ito sa akin. "This is not good."

"I-I know..." I swallowed.

They almost lured us in a trap.

"Listen, Astra." Hinarap ako ni Erikson. "Don't trust me. Kapag sa tingin mo ay nanganganib ka na dahil sa akin, huwag mo akong pagkatiwalaan. If you need to kill me, do it."

"They won't succeed to copy you," I smiled. "I know you well..."

"No. Malamang na kinabisado nila ang kokopyahin nila. It will be hard to distinguish who is who. So... I want you to stab me if you need to. Whatever it takes, to save yourself, do it!"

"Tara na!" Dumating na sina Randolf at Celeste.

Lumapit sa akin si Celeste at inabutan ako ng jacket. "Ayos ka lang ba, Astra?"

"Where's Nigel?" tanong ni Randolf. Bumaba ang tingin nito sa bangkay na nasa harapan namin. "Who is that?"

"We are under attack by witches. Ginagaya nila ang wangis natin para iligaw tayo," seryosong sambit ni Erikson. "Mag-iingat kayo. Muntik na tayong mabiktima."

"Shit." Ginulo ni Randolf ang kanyang buhok. "This is unfair."

"For now, we should stick with each other," I said. "Ito ang unang hakbang nila. They can't stick to this plan until the end. Naghihintay lang sila ng pagkakataon..."

A group of troops on the far side were in chaos. Halos sila-sila rin mismo ang naglalabanan. Agad kong napansin na ang iba sa kanila ay nag-aalinlangan sa pag-atake at ang iba naman ay totoo.

I reached my arrows from my back. Nagkasa ako ng tatlong pana at tinutok sa grupo ng mga kawal.

"Careful," Erikson reminded me.

I smirked as I released my arrows. It took a second and three of them fell down. Nung hindi nagawang magawa tayo ng tatlo ay alam naming tama ang hinala ko. A vampire can survive the poison of my arrows while a witch can't.

"You are getting better," puri ni Celeste.

Humarap ako sa mga kasamahan ko. "We can't just sit here, too. Tulungan natin sila. Still, we will stick with each other. Madali lang malaman ang impostor. Sila ang mga hindi nagdadalawang-isip na umatake."

"We need to use ordinary swords, too," Randolf added. "We can't use our own swords. It could kill our own kind. But with the use of ordinary swords, only a vampire can survive it. Witches are still humans but with power. They are not immortals."

"Alam ko kung saan nakatago ang mga sandata," ani Celeste. "I roamed around earlier."

"Wait. Can we trust you?" tanong ni Randolf.

Celeste rolled her eyes. "Then, don't. Iwan na natin si Mr. Wenson—"

"Joke, Milove!" Humalakhak ito.

Napailing na lang ako. Ito ang sinasabi ko kung bakit hindi ako gaanong mahihirapang kilalanin ang mga ito. Ang co-corny ng mga banat. Walang ibang makakaisip no'n kung hindi sila rin.

Habang nakasunod kami kay Celeste ay mas nakita namin kung gaano kalaki ang gulo. Gusto ko mang tumulong ay limitado ang mga palaso ko. I need to save for myself.

"Just don't look," Erikson said.

Gano'n na nga lang ang ginawa ko. Hindi ko na pinansin ang mga nagkakagulo. Nakaalalay sa likod ko ang braso ni Erikson para hindi ako mahiwalay.

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan na sinasabayan ng malakas na hangin. Ang tanging naririnig ko lang ay ang patak nito, ang pagkikiskisan ng mga espada at ang walang humpay na pagtakbo ng mga kawal.

"Here!" Hinagisan ako ni Randolf ng isang espada na nasalo ko naman.

I put my bow and arrows on my back. Hinawakan ko nang mabuti ang ispada. I may not good at this because I prefer arrows, I was still taught how to use them properly.

All credits to Abel.

"Is that enough for you?" Lumapit sa akin si Erikson. Pinaikot-ikot niya ang kanyang sandata na tila parang laruan lang 'yon para sa kanya. "May mas magaan naman."

"No. This is good." Iwinasiwas ko rin ang ispada.

"We will help them but don't get too carried away," Randolf announced. "Always watch your back. Siguraduhin niyo rin na hindi kayo maliligaw. I will always watch over Celeste. Ikaw naman kay Astra, Mr. Nadija. Huwag hihiwalay ang isa sa 'tin at kung mahihiwalay man, siguraduhin na may kasama kahit isa man lang sa atin."

Nilapitan ko si Celeste. Nakatitig ito sa kanyang sandata.

"You can do it," I said to her.

"I always wanted to hold one and to engage in a fight," she mumbled.

Randolf frowned. "Oh, come on. I can't believe you are enjoying it."

"Hindi mo kasi ako pinapahawak nito e." Sumimangot si Celeste.

Inakbayan siya ni Randolf. Nilapit nito ang bibig sa tainga ni Celeste. "Kasalanan ko pa talagang ayokong madumihan ang kamay mo?"

"Enough now!" Erikson butted in.

Humalakhak si Randolf. "Tangina talaga ni Nadija. Kung hindi kama ang kinaiinisan, lambingan naman!"

"Crap. This is not the time, Mr. Wenson!"

Tumungo ako para itago ang ngiti.

"Tinatawanan mo ba ako, Astra?"

Tumikhim ako bago inangat ang tingin kay Erikson. "Why would I?"

"Akbayan mo rin kasi si Astra, Erikson," ani Celeste. Huli na nung mapagtanto nito ang sinabi. "I mean para maging mas ligtas siya. Kailangan ay sama-sama tayo."

Bigla kaming natahimik.

Damn. This is awkward.

Erikson cleared his throat. "I think we should go now."

"Right." Tumango ako.

Nakita kong pasimpleng siniko ni Randolf si Celeste. Ngumiwi naman si Celeste at nakita kong nilabi nito, "Sorry..."

Sabay-sabay kaming lumabas ng bodega kung nasaan ang mga ispada. Gumulat sa amin ang mga nagtataasang apoy sa iba't ibang panig ng lugar. Ilang minuto lang kaming nalingat ay mas lumala agad ang mga pangyayari.

"This is not good," bulong ni Erikson.

Even the heavy rain couldn't kill the spreading fire. Ibig sabihin no'n ay may kumokontrol sa pagkalat ng apoy. Hindi ko alam kung ano ang balak ng mga maggagamot pero sa nangyayari ay alam kong maaaring lamunin kaming lahat ng apoy.

"Let's move now!"

Celeste held my hand.

"Tara!"

Our group finally joined the chaos. It was not easy as it looked from afar. It was hard to distinguish who is who because anyone would attack us at any moment. Ironically, it would be easy that way. As long as you see everyone as an enemy, you are safe.

Sinanggala ko ang patalim na patama sa akin. I was now up against a Vienzara. The last one to complete the list of clans I've fought just tonight. The rage in his eyes was enough reason for me to recognize he was not one of us.

"Kakalabanin mo ang mga kauri mo?" Bigla itong ngumisi. His appearance changed into a woman. Iyon sa tingin ko ang totoo niyang katawan. "You are a witch, Astra. You are not one of them."

"Don't listen to her, Astra!" Erikson yelled from afar.

The witch chuckled. "What a tragic story knowing, a vampire killed your own father."

"Stop blubbering!" Sinipa ko siya sa sikmura kaya pareho kaming napaatras.

She dropped her sword. I thought that was it. Pero nung makita kong umangat ang kanyang isang kamay kung saan may nabuong liwanag, alam kong gagamitan niya ako ng salamangka.

I tried to attack her but a sudden force pushed me away. Nabitiwan ko ang ispada at mabilis niya itong binato pabalik sa akin. Nakaiwas ako at mabilis na pinulot ito uli.

Shit. Hindi madali ang isang 'to.

Mula sa kinatatayuan ko ay buong pwersa kong hinagis sa kanya ang talim ng aking sandata. Gaya ng inaasahan ko ay bago pa man ito makalapit sa kanya ay napahinto na niya.

My sword was floating in the air, slightly turning its shard edge to my direction. She was about to throw it back at me. Hindi ako makakalapit sa kanya sa ganitong paraan.

"If you don't want to be a witch, you can't be a vampire either."

Mabilis akong pumulot ng sandata mula sa mga nasawing kawal at hinagis sa kanyang direksyon. Gaya ng inaasahan ko ay muli niya itong naihinto. Ngunit nung mahulog ang unang sandata ay napagtanto ko kung ano ang dapat na gawin.

I prepared two arrows and shot them straight to her. That's when she elevated both of her hands in the air. Nagawa niyang pagsabay-sabaying pigilan ang mga pag-atake ko.

Damn. I thought she could only control one object at a time.

"You can learn this if you will join us," she encouraged me. "I can see how fascinated you are."

I shook my head as I prepared another set of arrows. I narrowed my eyes, pointing it all to her. "You really have a cool ability. Admirable. But I hate manipulation so much."

Nang pakawalan ko ang mga palaso ay sumabay ako sa mga ito. Naging hudyat din 'yon ng kanyang pag-atake. Ngayon ay sinasalubong ko ang mga naunang palaso at ispada na akin ding pagmamay-ari.

Tumalon ako at kinuha ang pabulusok na ispada. Napangiwi ako nang tumama sa braso ko ang isa sa mga palaso ko pero inasahan ko na ang bagay na 'yon. I needed to be hit to get my sword back.

Now, I was running towards her. Seconds just before my arrows hit her, she achieved to stop them and pointed it all in my direction. Doon ko mas binilisan ang pagtakbo.

I need more seconds.

I suddenly froze. I couldn't feel my body.

My lips slighty parted when I felt suffocated. Tila may hindi nakikitang tanikala ang nakabalot sa katawan ko. Pasikip ito nang pasikit habang nagtatangka akong kumawala. Kahit na anong kapit ko sa sandata ay nabitiwan ko ito.

"Labag man sa kalooban kong labanan ang kauri ko ay wala akong magagawa," nakangiting sambit nito. Yumuko ito at pinulot ang nabitiwan kong ispada.

I struggled to breathe.

She pointed the edge of the sword on my neck. "Send my regards to our ancestors."

I smirked. She didn't notice it.

"Goodbye, Astra—"

One of my arrows hit her chest.

Naibaba niya ang kanyang mga kamay kaya nakawala ako. Nakahinga ako nang maluwag. Madaling pinulot ko ang ispada at nilapitan ang manggagamot na nakaluhod at hawak ang kanyang dibdib.

"H-how?" she asked.

"Hindi pantay ang bilis ng mga pinakawalan kong palaso. Sinadya kong iwan ang isa dahil alam kong ako mismo ang sadya mo. Kaya nung nahawakan mo ako sa leeg ay naging kampante ka."

Tumulo ang dugo sa kanyang bibig. "P-please don't. Nagmamakaawa ako sa 'yo, Astra."

"You are right. I'm still a witch. You deserve more seconds to live."

That's when I turned my back.

Kumunot ang noo ko nang marinig ang tunog ng ispada.

"Someone is still breathing," Albina said as she withdrew her sword on the witch's chest. Dinilaan niya ang dugo sa kanyang patalim. "Unlimited blood tonight."

I glared at her.

"Naka fifteen na yata ako..." Hinawakan niya ang baba ng ulo na tila nag-iisip. "Or no, fourteen? Pang fifteen ang babaeng 'to. She was half dead though. So, bale fourteen and a half na ang napatay ko?"

Tinalikuran ko na siya.

"Wait, Astra! Ikaw nakailan na?"

"I don't count."

"Hulaan ko. Seven? Six and a half kasi hindi mo tinuluyan 'yung isa?"

I rolled my eyes.

Sinalubong kami ni Erikson. "That was cool..."

"Thanks." Humagikgik si Albina.

"Sabi ko na hindi mo kailangan ang tulong ko e, Astra."

"Hoy! Tumulong din ako!" Umirap si Albina.

"Where's Celeste and Randolf?" tanong ko.

Bumaling si Erikson sa paligid. "I think I've lost them. Huwag mo na silang alalahanin. You got shot by one of your arrows. Hindi ba may lason ang mga 'yan?"

Kinapa ko sa bulsa ang maliit na bote. "I have the antidote."

Erikson smiled and messed my hair.

"Good girl," he praised me.

Ininom ko ang panlaban sa lason. Wala akong panahon para manghina ngayon. Marami pa kaming haharapin.

"Uhmm... guys? May nakatingin yata sa atin..." ani Albina.

Sinundan ko ang tingin ni Albina. Isang lalaking nakasakay sa itim na kabayo ang nakamasid sa amin sa malayo. Suot niya ang isang kulay asul na kapa kung saan nakaukit ang isang simbolo.

"Wait. That logo embedded on his cape looked familiar," I noticed.

I've got goosebumps and when he started to go towards us.

Hindi ko alam kung bakit pero sobrang kinabahan ako.

"They have arrived," Erikson said.

I've got goosebumps when I finally understood what he meant by that.

Mabilis na tinago kami ni Erikson sa kanyang likod. Napahawak ako sa kanyang braso. Nangatog ang mga tuhod ko sa sandaling ito. Marami na akong nakaharap ngayong gabi pero iba ang isang 'to.

"I bet his blood tastes sweet," Albina chuckled.

"Don't." Pinigilan ni Erikson si Albina. "You can't handle him alone."

"You are being scaredy-cat, Mr. Nadija!" Tumawa si Albina.

"He's right, Albina," I muttered.

Suminghap ako ng hangin. Kahit na tingin pa lang nito ay nakakakilabot na.

"Wait. Okay, seriously? Who is he?"

"Lord Viero of Vienzara Clan. One of the elders and followers of The Five Cloaks."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro