Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Chapter 31: Pouring Memories

I couldn't wrap my head around everything I've heard. Pumunta ako rito para itanong kung ano ang liwanag na nakita ko kanina at kung bakit tila kami lang dalawa ang nakakita noon.

I've got the answer. That cryptic man was one of the witches. Tanging may dugong manggagamot lang ang makakakita sa kakayahan ng isa pang manggagamot. Tanging manggagamot lang din ang makakakita sa hiwaga ng isa pa.

"Your father, Errold, was a good witch," Elder Entiango added. "Hindi man siya ang pinakamatino sa amin, kadalasan ay sakit sa ulo, pero gagawin niya ang lahat para mailigtas ang kanyang mga kasamahan. He was one of the strongest candidates to be a leader."

Pinunasan ko ang mga luhang lumandas sa pisngi. Tumango ako at pilit na ngumiti.

"W-wala ako gaanong alam tungkol sa kanya..." sambit ko, nanginig din maging ang aking boses. "Gusto man kitang guluhin pa tungkol sa kanya, alam kong mas gusto mong makapagpahinga."

"Patawad, Astra. Hindi kayo kailanman nagkaroon ng pagkakataon para magkita."

"Isang tanong na lang, Elder Entiango." Huminga ako nang malalim. "Ang hiram na kakayahan ni Brix ay maglalaho, hindi ba? Hindi ba ito makakaapekto sa kanya?"

Tumitig ito sa akin. "Siya pa rin ang iniisip mo..."

"Paano ang anak namin?" sunod kong tanong. "Wala naman sa kanilang dalawa ang manganganib, hindi ba? Babawiin lang ng anak ko ang kakayahan, gano'n ba?"

"Walang epekto kay Brix ang pagkawalan niya ng kakayahan sa hamog. Hindi niya na lang ito magagamit." Bumuntonghininga ito nang dumapo sa leeg ko ang kanyang tingin. "Nagkita na rin pala kayo ni Lola."

"K-kilala mo ang nagbigay sa akin nitong kwintas?"

"Si Lola, nakatatandang kapatid ni Rold. Isa ang anak niya sa mga nasawi nung araw na 'yon..."

"Okay." Tumango ako. I don't think I still want to hear what he's about to say. "Salamat sa pagsagot sa mga tanong ko, Elder Entiango. Magpahinga na po kayo."

"Alam kong may lamat ang nakaraan ninyong dalawa ni Brix. Ngunit sana ay alalahanin mo ang anak mo, Astra. Isantabi mo muna ang nalaman dahil may mas mabigat kayong kalaban."

"Alam ko po. Salamat."

Tumalikod na ako at lumabas ng silid na 'yon.

Nanigas ako sa kinatatayuan nang makita si Erikson sa gilid ng pinto. Base sa kanyang reaksyon ay alam kong narinig niya ang lahat ng pinag-usapan namin sa loob.

"A-Astra..."

Nilagpasan ko na lang siya. Dirediretso akong lumabas pero mabilis din niya akong nahabol. Sinubukan niya akong iharap sa kanya kaya mabilis akong yumuko.

He suddenly pulled me into a tight hug.

It felt like that was a signal for me to break down.

I was given so many signs but I ignored them all. Maybe I kind of hoped things would be different in other words. Maybe I just didn't want to accept it. Or maybe because... out of all... I couldn't accept it's him.

"Damn. I'm sorry..." Erikson whispered.

Kinailangan ko lang nang ilang segundo para pahupain ang nararamdaman. Kumawala rin ako agad sa yakap at inayos ang sarili. Wala akong panahon sa ganito.

"Wala bang nasaktan sa pagsabog?" tanong ko.

"A-Astra..."

"May bago tayong dapat abangan. Not just The Cloaks. Witches will join the force, too." I couldn't hide how anxious I was. "Malamang na alam na 'to ngayon ni Brix."

"Of course. He knew exactly what he did to them."


"Erikson."

"Sorry." Umiling ito. "Hindi ko lang maatim ang narinig. I'm really sorry, Astra. I was so dumb—"

"We have no time for this!" Hinawakan ko ang kanyang kamay at tinitigan siya sa mga mata. "Side with Brix. Ngayon na alam nating posibleng maglaho ang hamog na kakayahan niya, mas kailangan ka niya."

"Paano ka?"

Umiling ako. "I have the necklace of a witch. They won't hurt me. If about The Cloaks, they are going after him, too. Si Brix ang ipit sa laban na ito."

"Y-you are so brave..."

"This is all I can do." I chuckled. " Please keep what you've heard secret. Huwag mo munang banggitin sa kanya. Ayokong alalahanin niya ang nararamdaman ko."

He probably doesn't know yet. Malamang na hindi niya alam na sa ama ko nanggaling ang kanyang kakayahan. Ayokong maging pabigat pa ito sa kanya.

I can still handle it.

"Sige na, Erikson. Pupuntahan ko lang si Celeste."

"P-pwede ko bang malaman ang pangalan niya?"

Napangiti ako sa tanong na 'yon. "Hyacinth. Her name is Hyacinth."

Doon din napawi ang alala sa kanyang mukha.

"Goddess. I can't wait to meet her." Huminga ito nang malalim. "For her, I will side with Brix."

"T-thank you..."

Tumalikod na ito sa akin at umalis.

Nanatili ako sa kinatatayuan. Unti-unti nang nabubunyag ang anak ko. Natatakot akong tuluyan itong mabunyag nang hindi pa tapos ang laban. Kailangan nang matapos ito. Kailangan na naming manalo.

Naabutan ko sa kusina si Lady Celeste. Tumutulong siya sa paghain ng mga pagkain para sa mga darating naming kaalyado. Matapos ng pagsabog ay walang naiwang tulala. Bagkus ay naging hudyat 'yon para kumilos ang lahat.

"Astra." Napalingon ako sa bumanggit ng pangalan ko.

Albina approached me.

Bumaba ang tingin ko sa mga armas kong hawak niya. Inabot niya 'yon sa akin.

"Nakita kong may lamat na ang mga armas mo. Pinaayos ko 'to sa kakilala ko. May ibang klaseng lason din ang mga palaso. Sapat ito para mapatumba ang isang bampira."

Pinagmasdan ko ang mga talim ng palaso. Kung sapat ito para mapatumba ang isang bampira, mas lalong sapat ito para mapatay ang isang normal na nilalang.

"Brix needs his queen to live..." she said. "Please do."

"T-thank you..."

"I'm still salty about your relationship with him but forget it. I want our leader to be happy. Sa ilang beses na pagpapakita niya rito, hindi ko pa siya nakita na ganito kasigla. We all know it's because of you. So... thank you."

Napangiti ako sa sinabi niya.

Sumimangot ito. "Saka gusto ko na ring matapos ito. Nasusuka ako sa tuwing nakikita ang pagmumukha ni Nathalia—"

"You are bitching again, Miss Montereal." Lady Natha appeared ouf of nowhere. May hawak itong mansanas na pumantay sa kulay ng kanyang mga kuko at labi.

Albina rolled her eyes and she turned to her. "You are really a curse, Lady Nathalia. Sa tuwing babanggitin ko ang pangalan mo bigla ay kang lilitaw."

Lady Nath looked at her from toe to head. "Oh, my feels. Your skin looks dry!"

"FYI, lagi akong inuutusan sa labas! Hindi mo naman ako katulad na walang ginagawa sa buhay kung hindi ang rumampa sa harapan ng mga ilaw."

"Pathetic. Survive this war so you can regenerate your skin. Do you want to die ugly?" Lady Nath gasped like as if that thought worried her more than the war itself.

"Fuck you, Miss Cardinal! I am never ugly!"

Lady Nath gracefully bit the apple. "Because you have always been..."

Nanlaki ang mga mata ni Albina. "H-how dare you—"

"Survive and I will help you enhance your beauty. Don't worry, my treat."

"T-totoo ba 'yan?"

Lady Nath rolled her eyes. "Kahit na mamatay ka, ako na ang bahala sa make up mo."

"Hoy! Walang bawian!" Tumawa si Albina. "Narinig ni Astra 'yon! Ililibre mo ako sa pagpapaganda!"

Lady Nath chuckled. "Whatever."

Nakangiting umalis si Albina. Narinig ko pang sinabi nito na maliligo siya.

"I love that bitch," Lady Nath mumbled.

Tumikhim ako. "Can you treat me, too?"

"Is that an insult? Your skin looks immune to any damage."

"I just want to hang out with the most famous Hollywood model."

Natigilan ito sa pagnguya. "No."

"Please?"

"Fine."

"Yes!"

Naglakad siya sa malapit na trashbin at tinapon doon ang natirang bahagi ng mansanas. Mabilis na may nag-abot sa kanya ng isang baso ng wine. Instead of directly drinking from it, she dipped a metal straw.

Nilingon ko si Lady Celeste na busy sa paghahain. Halos lahat sila ay busy maliban lang sa amin. Maya't maya rin ang pagdating mga kawal sa iba't ibang clan

"Can we have a walk?" Lady Nath asked me.

Hindi nito hinintay ang sagot ko. Tumalikod na ito kaya sumunod ako sa kanya. Pumantay ako sa kanya. Naglakad kami sa pathway na pinaliligiran ng mga puno.

"You must be wondering why—"

"I don't," I cut her off. Tumungo ako sa mga paa ko. "Alam kong nasa maayos siyang pangangalaga. Hindi rin ako magpapasalamat sa 'yo dahil binuhay mo siya."

Huminto si Lady Nath para tingalain ang mga sanga ng puno. Nakasalikop sa kanyang likod ang mga kamay. The sun rays peeking in between of leaves looked like tiny spotlights pointing at her face.

"Humans are really fascinating..." she muttered as a glimpse of a smile flashed on her red lips. "That's all I can say after spending time with one."

"What a classic thought for a modern woman," I chuckled.

"We need to win this war." That's when she looked at me. "So, I can go without thinking about this place. I've been living here since then. It's time for me to move somewhere, don't you think?"

Marahan akong tumango.

"Damn. Oscar is really a leader now, as well as Brix." Umiling-iling pa ito na tila hindi makapaniwala. "It's hitting different now. I can't believe after centuries of being together, the time will come that we need to go separate ways and live our lives."

"That must be hard for you."

She let out a heavy sigh. "Ikaw na ang bahala kay Brixton. Mahirap siyang pakisamahan, madalas ay mahirap intindihin pero kapag nagmahal siya... hihigitan nito ang mga imposibleng bagay. He doesn't need to be loved. All he wants is to be accepted for who he is. For him... that's enough."

"I know..."

She faced me. "I love my brother, Brixton, more than that dumb asshole even knows, and right at this moment... I am passing this duty to you. I am not asking you, Astra. I am giving you this role."

"That's what I swore. Always."

Lady Nath beamed. "You can claim the victory as long he's with you."

"Lady Nathalia! Astra!"

Sabay kaming lumingon kay Erikson. Base sa reaksyon nito ay alam kong may dala siyang masamang balita. Mabilis na umakbay sa dibdib ko ang kaba.

"Phoenix Clan is here!" he announced.

"What?" asked by Lady Nath. "Paano nangyari 'to?"

"They swore to help us."

"W-where's my mother?"

Erikson swallowed. "Phoenix Clan is being led by Lord Morales now."

Nagmadaling umalis si Nathalia.

Lumapit ako kay Erikson. "Ano ang ibig mong sabihin? Binawi na ni Lord Morales ang Phoenix Clan mula kay Lady Grenda?"

"Mukhang gano'n na nga, Astra."

"What happened to Lady Grenda?"

"They said... she vanished. Halika na!"

Gulong-gulo ako sa pangyayari. Paanong naglaho na lang bigla si Lady Grenda?

Naabutan namin sa harapan ng tarangkahan ang mga pangkat ng Phoenix Clan. Sa harapan ay isang matikas na lalaki ang nakasakay sa kulay itim na kabayo. Sa tindig nito ay alam kong siya ang ama ni Christy, Lord Morales. Kausap nito sina Lord Oscar at Lord Bardos.

"What do you mean she just disappeared?" Lady Nath confronted him. "Please enlighten us, Milord."

"Tumanggi itong tumulong sa inyo. Nakiusap ako sa kanya pero mas pinili niyang bitiwan ang katungkulan kesa ang pumanig sa inyo. Iyon lang ang nangyari. Hindi na namin siya nakita matapos no'n."

"Mabuti pa ay papasukin na natin sila," ani Lord Oscar.

Bumaling sa kanya si Lady Nath. "You heard him. Our mother is missing."

"Hindi natin hawak ang desisyon niya, Nathalia. We have a much bigger problem to focus on." Tumuwid ang tingin niya kay Pinunong Morales. "We are honored to fight with you, Lord Morales."

Mabilis na tumalikod ako at patakbong umalis. Imposibleng maglaho na lang nang parang bula si Lady Grenda. Alam kong may nangyari. Alam kong hindi ito basta-basta susuko.

"Kailangan ko uling makausap si Elder Entiango," banggit ko sa kawal na nagbabantay ng kanyang silid. "Sandali lang ako. May kailangan lang akong itanong."

Pumayag naman agad ang kawal. Pagpasok ko ay naabutan kong nakahilata sa kama si Elder Entiango. Umaagos ang dugo sa sahig mula sa kanyang kama.

Shit!

I gasped when I saw him bathing in his own blood. Base sa sugat sa leeg niya ay alam kong ginilitan ito para hindi makalikha ng ingay. Naiwan pa ang kutsilyo na ginamit.

My whole body shivered in terror as I stared at the open window. Behind the swaying curtain was a silhouette that also disappeared after seeing it.

Bumagsak ang mga balikat ko. Someone has been watching us. Alam nitong maaari pang may masabi si Elder Entiango kaya inuhan na nila ito.

"Tapos na?" tanong sa akin ng kawal nung pagkalabas ko.

"H-he's dead..."

Sumilip ito sa loob. "Elder Entiango!"

Napapikit ako nang marinig na dumating ang mga kawal. Nabalik na lang ako sa huwisyo nang may humila sa akin. Si Lady Celeste na may hawak ng tray na pagkain. Binitiwan niya ito para harapin ako.

"Ayos ka lang, Astra?"

Mapait na ngumiti ako. "H-he has all the answer to my questions. Paano na ang mga katanungan ko ngayon?"

"Don't cry," she told me.

"I-I'm now scared—"

"It's a feeling that should only be felt and not said," Lady Vienzara appeared, too. "Once it comes out of your lips, it becomes a power that can be used against you."

"She's right, Astra. You still have us... Brixton."

Brixton. That name should calm me.

Napapikit ako nang dumapo sa pisngi ko ang palad ni Lady Vienzara. "Make up your mind, Lady Astra. Marami nang nagbuhos ng buhay para sa laban na 'to. Ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob?"

Natulala ako sa mga sandaling 'yon.

Tumagos ang tingin ko sa labas. Bumuhos ang malakas na ulan. Dumilim ang paligid. Gano'n pa man ay hindi ko nakitang sumilong ang mga kawal na nagbabantay. Nanatili ang mga itong nakatayo.

"Hindi kami lumalaban lang para inyo o sa mithiin ni Brixton. Lumalaban kami para sa amin. Tinaya ko na ang karangalan ng pangkat namin, Lady Astra. Hindi ako makakapayag na matalo tayo rito."

"All slaves will be freed when we win," said by Lady Celeste. "I came here to fight for my freedom."

Panandaliang lumiwanag ang paligid nang kumidlat. Kasabay no'n ang nakakabinging kulog.

"Kung magiging sagabal ka sa pagkapanalo, paumanhin ngunit ako rin mismo ang makakalaban mo." Saka na ako tinalikuran ni Lady Vienzara. Sumuong ito sa ulan at naglaho sa kadiliman.

Bumagsak ang tingin ko sa kamay ni Celeste nang hawakan niya ako.

"Matutupad na rin ang pangarap ko, Astra. Makakalaya na rin ako."

Ngayon ay mas nalinawagan ako kung gaano kalawak ang laban na ito. Hindi lang ito para sa akin o para sa anak ko. Ang laban na ito ay para din sa mga nakikipaglaban.

Gumilid kami nang dinaan ang bangkay ni Elder Entiango.

Tila natauhan ako kung bakit ako narito. Tungkol kay Lady Grenda. Ngayong wala na si Elder Entiango, wala akong aasahan kung hindi ang sarili.

"Magpahinga ka na muna, Celeste. May panahon pa," sabi ko.

Tumango ito. "Ikaw rin, Astra. You looked exhausted, too."

I just smiled.

Kinuha niya ang tray na may pagkain. Mukhang siya ang naatasan na magdala ng pagkain para kay Elder Entiango ngunit maging siya ay huli na rin.

Lumabas ako at dinama sa 'king mga kamay ang patak ng ulan.

Humakbang ako pasulong sa ulan. Sa una ay nadama ko ang patak ng ulan hanggang sa biglang namanhid ang katawan ko. Unti-unting lumiwanag ang kalangitan. Naging malabo ang mga imahe hanggang sa magbago ang lahat.

"Mama!" Napatingin ako sa batang tumatakbo sa gitna ng tirik na araw. Sinalubong naman ito ng isang babaeng namukhaan ko agad. "Sabi mo sasama mo ako sa labas, hindi ba?"

Tumawa ang ina ng bata. "Bawal pa. Alam mong delikado sa labas. Kailangan mo munang matutunang gamitin ang pagkumpas ng mga kamay."

Sumimangot ang bata. "Sabi ni Tito Rold ay marami raw guwapo sa labas."

"Naku talaga 'yang Tito mo."

Humalakhak ang bata. "Saka raw may mga bampira!"

"Halika na nga! Lagi kang nakadikit sa kanya kaya puro kalokohan ka na rin!"

Humagikgik ang bata nang buhatin siya ni Lola.

Napangiti ako na mabilis din naglaho. Sa isang kisap-mata ay nasa iba na akong eksena. Nakaluhod si Lola sa lupa, yakap-yakap ang anak na puro duguan.

Napaatras ako nang mapagtanto na nagtatakbuhan ang lahat.

"Lumikas na kayo!"

"Pumasok kayong lahat sa kastilyo!"

Sa una ay naguguluhan ako pero nang makita ang lalaking naglalakad ay pumatak ang mga luha sa mata ko. Kulang na lang ay hindi ko siya makilala dahil nababalutan ito ng dugo. Sobrang pula ng kanyang mga mata.

"Stop..." I begged. My heart felt so heavy seeing this scene. Alam kong isa itong ilusyon. Alam kong pinapakita sa akin ang nangyari nung araw na 'yon.

Pinikit ko ang mga mata ko nang makitang lapitan niya ang isang manggagamot. Nagsisigaw ito sa takot... umiikot... umaalingawngaw ang sigaw ng takot sa utak ko.

"W-why are you doing this? Please get me out of this place..." Umupo ako at tinakpan ng mga kamay ang tainga. "Ayoko na. Ayokong makita ito."

Ang sigaw ng pagmamakaawa ay unti-unting nalusaw.

"Enough please..." I pleaded.

The chaos continued. I was so scared to open my eyes.

"Enough now, Brixton!"

That roaring voice caught my attention.

Isang lalaki ang nasa harapan ko ngayon. Nasa likod niya ako kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Pero base sa pakiramdam ko... alam kong siya ito. Ito ang aking ama.

"Give me the power I need," Brix said.

"We will curse you before you even get it."

Nanlaki ang mga mata ko nang umatake si Brix. Sa kagustuhan kong tumulong ay humarang ako. Napapikit ako nang tumagos lang siya sa akin.

Napasinghap ako.

Nanginig ang katawan ko.

Pagmulat ko ng mga mata ay madilim na uli. Natulala ako sa lalaking nakatayo rin sa ilalim ng ulan. Diretso ang tingin nito sa akin. Pareho kaming basang-basa.

"B-Brix..."

Dahan-dahan itong lumapit sa akin. Madiin na hinawakan niya ang mga braso ko.

"What are you doing?" he asked.

Tumagos sa likod niya ang tingin ko. Mabilis na tumalikod ang isang lalaking nakabalabal at naglakad palayo.

"Astra. What's happening?" bakas ang pag-aalala sa kanyang boses.

Napaatras ako nang tila nag-iba ang paningin ko sa kanya. Biglang bumalik ang mga imahe kanina. Ang duguan niyang katawan... ang pag-atake.

"A-Astra..."

It felt like a lightning struck me.

"T-they will do it, too," gulat kong pagtanto. "Kung ano ang nangyari nung araw na 'yon ay ibabalik nila ito sa 'yo."

"What?"

"Napasok na tayo ng mga maggagamot, Brix."

"What about it?"

I had no idea what got in my head but I grabbed him on his neck.

Instead of fighting back, he just gave me the confused look.

"A-Astra..."

I saw the pain crossed his eyes.

Napaatras ako.

"Tell your troops we are under attack," I said as I turned my back.

I walked away with a heavy heart.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro