Chapter 30
Chapter 30: The Fall
Standing on the side cliff, my eyes got enthralled by the spectacular scenery of dark sky and the seemingly infinite body of water. The whirling wind kept swaying my hair back.
"Another day without the moon," said by Brix who stood beside me.
I shut my eyes to feel the serenity of the night. It was all calm but I knew it wouldn't last long. Just like the sky heavy covered by dark looming clouds, rain would fall any moment.
Brix held my hand and squeezed it gently.
"After all, I still underestimated you..." I whispered in the wind.
Binitiwan niya ang kamay ko at umikot sa likod. Saka niya ako kinulong sa kanyang mga braso. Pinatong niya ang baba ng kanyang ulo sa aking balikat.
"If only you knew how much I wanted to be with you two..." he mumbled in my ear. "If only you knew how much I restrained myself to show up and hug you."
I smiled as I said, "I think I know the reason now why you barely show up here."
Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. "I can't wait to end this war and be with you. Ako ang magtuturo kay Aya na makipaglaban. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maihanda siya sa laban ng buhay niya."
Kumawala ako sa yakap at humarap sa kanya. Pinulupot niya uli ang kanyang mga braso sa bewang ko at diniin ang sarili sa akin. Kitang-kita ko ang kinang ng kanyang mga mata.
Stars disappeared from the sky just to shine in his eyes.
"Do you think you can keep a secret from me?"
"You are still an asshole for pretending to know nothing," I chuckled. "Hindi mo alam kung ilang beses kong tinangkang sabihin sa 'yo pero lagi akong pinangungunahan ng takot."
Gumaan ang loob ko... sa sobrang gaan nito ay parang gusto kong halikan ang lalaking siya ring dahilan kung bakit sobrang tagal kong ininda ang bigat nito.
His expression turned worried when he questioned, "Do you think she will like me?"
I should be sympathizing but I burst into laugher.
Sumimangot si Brix. "No, I guess? I mean, not surprising."
"Work it out," I replied.
"What if—"
"Bakit parang takot na takot ka sa anak natin?"
"Why not?" Halos umirap ito. "You are her mother."
"So, you are telling me—"
"Hindi ba dapat pinapagaan mo ang pakiramdam ko?" Bakas na ang pagkairita sa kanyang boses. "Tinatakot mo pa ako lalo. You are so heartless, Astra."
Nanlaki ang mga mata ko nang talikuran niya ako at nilapitan si Servena na nakatali sa puno. Kinalag niya ang tali at halatang lilisan na kaya mabilis akong sumunod.
"She will like you!" agap ko.
"I don't think so..." pagtatampo nito.
"Brix naman. Sa dami ng aalalahanin mo—"
Napasinghap ako nang humarap siya sa akin. "Paano kung magkatotoo ang sinabi mo? Mas kilalanin niyang ama si Abel? Jesus. I don't want to kill anymore after this war."
My jaw literally dropped.
I remember when I told him I would rather have Abel as the father of my child when he knew all along... it's him. He must have felt so hurt that time and he couldn't say it.
Thinking about it now, hindi lang ako ang nasasaktan sa tuwing pinagkakaila ko si Aya.
"Hyacinth will be proud to have you as her father," I said with all sincerity.
Brix bit his bottom lip but he failed to hide that smile.
"Really?"
"Imagine Brixton Wenz Cardinal as your father?" I closed the distance between us. "Anyone would be proud..."
"Enough now." Umiwas ito ng tingin.
Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko. Hindi na ako makapaghintay na magkita silang dalawa. Iyon na siguro ang magiging sukdulan ng kasiyahan ko.
We stayed there to talk about Aya more. Finally... I could open up about her anymore. It felt like... she's finally free. Kahit na si Brix lang ang nakakaalam, pakiramdam ko ay malaya na ang anak namin.
I found out Brix never planned to bring Aya in this world. Gaya ng sinabi ni Ginang Melendez, siya ang may pakana kung bakit nabuntis ako. She got him off guard too when he found out.
Maybe her plan worked after all.
"My original plan was only to give insurgents chance to prove themselves," he told me. "You know some part of my past. I've become an insurgent. Sa tagal na nakasama ko sila marami akong natutunan."
Tumango ako. Nakasakay ako kay Servena habang si Brix ay naglalakad at hawak ang lubid. Mula rito ay tanaw ko na ang malaking kastilyo sa hindi kalayuan. Kitang-kita ko ang pinsalang ginawa ng apoy.
"Swerte pa rin ako kung ikukumpara sa ibang pinalayas dahil nakaahon ako," aniya pa. "Unlike them, they need to survive in the world where everyone else sees them as traitors... enemies."
"It must have been a horrible experience..." I muttered.
"Not at all." He chortled. "With them, I felt accepted. Something I didn't experience even in my own clan. It was... a wild ride experience. Laging may gulo... laban. You could say almost the same as when I was still in my clan but no. Everytime we survived, it was an achievement. Maliit na tulong lang ang nagawa ko, pupurihin nila ako. They never expected anything from me but if I did something... they could see it. No matter how small it was, they noticed."
Ngayon ay mas naramdaman ko kung gaano kalapit ang lalaking ito sa mga 'yon. Mas napagtanto ko ang kahalagahan ng pagtatayo niya ng kaharian para sa kanila.
I didn't know I could be more proud of this man.
"After I built that, I would claim you. Iyon lang ang nasa isipan ko nung mga panahon na 'yon."
"But then something happened..." I laughed.
Bumuntonghininga ito. Tinigil niya si Servena at naglahad ng kamay sa harapan ko. Tinanggap ko 'yon kaya inalalayan niya akong makababa. Hinawakan niya ang kamay ko at sa isa pa ay si Servena. Sabay kaming naglakad sa pagkakataong ito.
"Kailan mo pa nalaman, Brix?" tanong ko.
"Kind of late. Nung lumisan ako sa Nightfall Clan, hindi ako kailanman bumalik dito. I was tempted but I didn't return yet. Those were the darkest days of my life. Pakiramdam ko ay madadamay ka kapag nagkita tayo. I isolated myself... from everyone."
I nodded. "You just found out when Aya was already born..."
"I have eyes for you but Esparago Clan kept me blind. I must commend them for keeping you as secret as possible. I was not totally healed yet when I found about about our daughter but I also realized... I didn't need to heal. My daughter is not safe. You are not safe. There's no perfect time to move... to wait."
"She's safe..."
"As long as no one knows I am her father." Hinarap niya ako sa kanya at tinitigan sa mga mata. "I might tend to keep everything about me a secret but, this is something I can never. Bakit ko ipagkakaila ang isang bagay na dapat ay ipagmayabang ko?"
Nangilid na naman ang mga luha sa mata ko. "You are bragging now huh? Of all your achievements..."
"This is not an achievement. This is the peak of my life." For a vampire who has been living for centuries now, that was everything. He wiped the tears on my face. "Hold on, Milady. I am about to build a world where you and our princess can live freely."
I pulled him into a hug. "Please live... My King."
He hugged me back.
"Forever..."
Marami pa kaming pagdadaanan bago namin maabot ang kapayapaan pero ngayon pa lang ay panatag na akong mangyayari ito. Alam kong magtatagumpay kami.
A lot of things happened that night. Tinawag na rin ng mga kaalyado naming pangkat ang iba pa nilang mga kawal sa iniwan nilang lugar. Habang palalim nang palalim ang gabi ay pasikip nang pasikip ang mundo namin.
"Have a safe trip, Milady..." Brix bowed his head to Lady Grenda.
Sa halip na sagutin ito ay bumaling siya kina Lord Oscar at Lady Nathalia. "Hindi ko alam kung ano ang nakita niyo sa lalaking 'to at bakit nakuha niya ang loob ninyo pero alam kong ngayon pa lang ay pagsisisihan niyo na ito."
Napansin kong kumuyom ang mga kamao ni Brix.
"Magtatalaga ako ng mga kawal ko na gagabay sa inyo—"
"Stop acting like a saint, Brixton. Hindi ko kailangan ng tulong mo."
"Be safe, Mom." Lumapit si Lady Nathalia. Humalik ito sa likod ng kanyang kanay. "I'm sorry..."
"Ayaw mo ba talagang sumama—"
"Please keep her safe," ani Lady Nath sa isang kawal ng Phoenix Clan.
Lumapit din si Lord Oscar para humalik sa kamay ni Lady Grenda. "Take care of yourself."
"Mabuti pa ay maglakbay na kayo," ani Brix. "Maraming salamat sa pagdalo—"
"Let's go." Hindi niya pinatapos si Brix, hinila na ni Lady Grenda ang kanyang kabayo at naunang umalis. Nagsunuran naman agad ang kanyang mga alalay.
Hindi ko maalis ang tingin ko kay Brix. Tumalikod na lang ito at saka na rin umalis.
After all... he still wanted to be noticed by her.
"Dinner?" alok ni Erikson sa akin. "Kanina pa kita hinahanap."
"Ako rin!" Umakbay sa kanya si Randolf. "Ikaw, Mr. Hezuera?"
Napatingin ako kay Nigel na kausap ang kanyang mga kawal. Nagpaalam ito sandali para lumapit sa amin. "Hindi na muna. Marami pa kasi kaming hinihintay na kasamahan na darating din ngayong gabi."
"Whoa. Okay, Lord Nigel," biro ni Randolf.
"Totoo na ba 'yan?" pang-aasar din ni Erikson.
"Oo nga—"
"Bakit parang kabado ka?" tanong pa ni Erikson.
Lumunok si Nigel. "Kasama ko sa laban si idol. Ang pangit naman kapag nakita niya akong madapa, hindi ba?"
Sabay na humalakhak sina Erikson at Randolf at pinagsasapak si Nigel sa balikat. Galing man kami sa iba't ibang pangkat, hindi 'yon naging hadlang para mabuo ang isang pagsasamahan.
Napangiti na lang ako. Kidding aside, I know he's doing it for his sister. You've come a long way, Mr. Hezuera. Your father must be proud of you. Even Magda and her son.
"Lady Astralla Martin!" Napatingin ako sa sumigaw ng buo kong pangalan at dahil sa sobrang tining no'n na maging ang iba naming kasama ay napalingon.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang parating at nakasakay sa kabayo kasabay ang iba nilang kasamahan.
"L-Lady Celeste!"
"Milove!" sigaw rin ni Randolf.
Tumalon pababa ng kabayo si Celeste at mabilis na yumakap sa akin.
"Wow. Mas na-miss mo si Astra kesa sa akin?" pagtatampo ni Randolf.
Hinarap ako ni Lady Celeste. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata.
"I was worried. Alam kong matatag ka pero minsan ay padalos-dalos ng desisyon," aniya habang pinipisil ang mga kamay ko. "I'm so happy to see you again."
"How about me, Milove?"
"Bakit nandito ka?" tanong ko.
Tumawa ito bago hinawi ang buhok. "Adventure time."
"Yowoo. Your Milove is here too!" Humarang sa harapan ko si Randolf para maharap si Celeste. "What the heck? Are you just going to ignore my existence?"
Celeste smiled and hugged him. "Of course, Mr. Wenson. I missed you, too!"
Erikson yawned. "Not another love birds."
"Join us in dinner!" paanyaya ko.
"Sure. This will be a long night..." Randolf smirked.
"Tangina. May langitngit ng kama na naman mamaya!" madiin na reklamo ni Erikson at ginulo-gulo niya pa ang kanyang buhok dahil sa pagkadismaya.
"Buong magdamag, Mr. Nadija!" pagmamayabang pa ni Randolf.
"Ulol. Humanap naman kayo ng mas tahimik na lugar!"
Habang nagtatalo sila ay ginala ko ang tingin ko. Hindi ko na makita si Brix. Malamang na kasama na niya ang mga pinuno para maghanda. Ayon sa narinig ko ay biglaan kung kumilos ang mga kalaban kaya kailangan ay laging alerto.
We are not only up against The Five Cloaks. Even those retired leaders of other clans. This will be hard knowing those elderly leaders can fight well too. To sum it up... this is the battle of past and present going to the future.
"Cheers to our last peaceful night!" Erikson raised his wine glass.
"We will win this!" ani Lady Celeste.
"For S..." said by Erikson.
I raised my glass too. "For the next generation..."
Nigel also came to join. Nagulat din kami nung sumalo sa amin si Lady Vienzara. Ang maliit na salo-salo ay lumaki nang lumaki. It was... a fun night. I was anxious that something might happen but thankfully, it was peaceful.
Just like what Erikson said, that was our last peaceful night.
Kinabukasan ay isang mensahero ang dumating. Patakbo kaming pumunta sa Dome. Ayon sa narinig ko ay galing daw mga nakakataas ang mensahe na dala.
Nadatnan namin ang isang lalaki. Nakatayo ito sa harapan ng mga pinuno at hawak-hawak ang isang papel. Malamang na 'yon ang pahayag ng mga nakakataas ukol sa gusto naming mangyari.
"If you came here to threaten us, we can fight..." ani Brix.
Alerto ang mga kawal kung sakali mang patibong ito.
Kumunot ang noo ko. Hindi ko maramdaman ang presensya ng lalaking nakatayo. Nakikita ko siya pero hindi ko maramdaman. Hindi ko alam kung posible ba 'yon.
"They heard you..." He broke his silence.
"Kung gano'n alam niyong hindi niyo kami makukuha sa ganito," ani Lord Oscar. "Kung ang sulat na 'yan ay nagpapahayag ng pagkabigo sa aming mithiin, hindi namin ito matatanggap."
"Erikson... " tawag ko. "Who is he?"
"An elderly vampire. One of the retired leaders."
That confused me more. Why couldn't I feel this vampire?
"Makakaalis ka na," saad pa ni Lord Oscar. Tumayo na ito at handa nang umalis. "Iparating mo rin sa mga nakakataas na hindi kami aatras sa laban na ito."
Hinanap ng mga mata ko si Elder Entiango. Titig na titig din ito sa lalaki. Alam kong ramdam din nito na may mali sa lalaking nagpakilalang mensahero ng mga nakakataas.
"But I have a message you haven't heard yet..."
I saw a flicker of light emitting on the paper he's holding. Napaatras ako sa gulat.
"Astra? Ayos ka lang?" alalang tanong ni Erikson.
"T-the paper ..."
"What?"
No. They couldn't see it.
"Stop right now!" Humakbang sa harapan si Elder Entiango. Hinanda nito ang kanyang kamay kung sakaling ipagpatuloy ng lalaki ang ginagawa. "You are not a messenger from them."
The furtive man smirked.
Just before the explosion happened, Elder Entiango managed to bound us inside a barrier. Mula sa loob ay kitang-kita ng mga mata ko ang pabagsak ng mga tipak-tipak na bato mula sa itaas... hanggang sa tuluyang bumagsak ang Dome.
Napaluhod si Elder Entiango nang bitiwan ang harang. Halatang nanghina ito sa sobrang lawak ng ginawa niya. Dinaluhan naman siya ng mga kawal at sinamahan paalis.
"Astra! You okay?" alalang tanong ni Erikson.
Tumingala ako. Wala na ang Dome.
"Close all the gates!" yelled by Lord Sentero.
Kumilos ang lahat ng mga kawal.
Tinangka akong hawakan ni Erikson pero inalis ko ang kamay niya.
"Let's go. It's not safe here..."
"Mauna ka na," sabi ko.
"What? Not again!"
"Susunod din ako agad!" pasigaw ko na sabi bago sinundan ang mga kawal na may dala kay Elder Entiango.
Sigurado akong may ilaw na lumitaw sa papel ng lalaki bago nangyari ang malaking pagsabog. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit ako lang at si Elder Entiango ang nakakita roon.
"Pwede ba akong pumasok?" tanong ko sa nagbabantay sa silid ni Elder Entiango.
"Nagpapahinga—"
"Papasukin niyo," wika ni Elder Entiango sa loob.
Walang nagawa ang nagbabantay kung hindi ang papasukin ako. Nadatnan ko si Elder Entiango na nakaupo sa kama. May iniinom itong sa tingin ko ay halamang gamot.
"Ito ang kinakatakutan ko," aniya.
"Po?"
Tumingin siya sa akin. "Hindi lang ang mga nakakataas ang kalaban ni Brix. Maging ang mga manggagamot ay pupuntirhin na rin siya. Nakita nila ang pagkakataon na ito para gawin 'yon..."
I gulped. "I-Is it because of that?"
Tumango ito. "Ang pinag-aalala ko ay baka magsanib-pwersa ang mga manggagamot at nakakataas para pabagsakin si Brixton. Pero dahil sa nangyari ngayon... mukhang gano'n na nga."
"Siya nga..." Mapait na ngumiti ako.
"Hindi ako magtataka kung babawiin din nila ang kakayahan ko. Sa tuwing ipinagtatanggol ko si Brix, tinatalikuran ko ang pinanggalingan ko." Malungkot na ngumiti. "Hindi ako magtatagal sa tabi niya."
"Kakayanin naman ni Brix. May kakayahan din siya nang parang isang manggagamot!"
Tumitig siya sa akin. "It won't last anymore..."
"W-what do you mean?'
Tumayo ito at hinawi ang kurtina ng bintana. Mula rito ay kitang-kita ang bumagsak na Dome. Sa isang iglap ay naglaho ang isa sa pinakamatayog na bagay sa lugar na ito.
It's just the start. Pakiramdam ko ay mabubura ang lugar na ito bago pa man matapos ang digmaan.
Lumunok ako. "Paano mo nasabing hindi magtatagal ang kakayahan ni Brix?"
"Dahil isang hiram lang ito!" Bumaling sa akin si Elder Entiango. "Hindi talaga para sa kanya ang kakayahan na ito."
"H-hindi ko maunawaan..."
"Ngayon na isinilang na ang totoong may ari ng hamog, unti-unti na itong babawiin kay Brixton." Humakbang siya palapit sa akin. "Unti-unting babawiin ng anak niyo ang kakayahan na para sa kanya."
Bumigat ang pakiramdam ko matapos marinig 'yon.
"Mapaglaro talaga ang tadhana..." mapait na ngumiti ito. "Sino ang mag-aakala na ang totoong anak ng hamog at ang nanghiram ay mag-iisang dibdib?"
Napaatras ako. Nanginig ang mga labi ko.
"Tama, Astra. Ikaw ang totoong anak ng hamog ngunit mas pinili ng katawan mong tanggapin ang pagiging bampira. Kaya nung nagkaanak kayo, nagkaroon ng ibang paraan ang kakayahan na 'yon para pumunta sa kadugo mo."
"P-paano niya hiniram ang kakayahan na ito mula sa aking ama?"
Madiin na tinitigan niya ako.
"Alam mong hindi maaari..."
Doon bumagsak ang mga luha sa mata ko. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig.
"Hindi ito kusang ibibigay..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro