Chapter 3
Chapter 3: Little Flower
If I would say my life had turned three hundred sixty degrees after the night when Hyacinth was born, I wasn't exaggerating. Mula sa paggising at hanggang sa pagtulog ay siya ang kasama ko. Hindi ko siya mabitiwan kahit na ilang minuto lang. I could even stare at her face for a whole day without getting tired.
Hinaplos ko ang pisngi ni Hyacinth na mahimbing ang tulog sa kuna. Katatapos lang niyang uminom ng dugo sa ikaapat na beses ngayong araw. Lagi itong uhaw na sabi ni Ginang Melendez ay normal para sa isang bagong silang na bampira.
It still feels surreal that I am staring at none other than my own daughter.
For the nth time, I felt the tears looming around my eyes just by staring at her. God knows how much happiness this little angel brought to me since when she was born but it comes with a huge responsibility, too. I would protect her from everything. I would put my life on the line if I needed to, too. Anything... in any way.
Still... I am bothered.
When Hyacinth was born, she also inherited everything that has been going on around. From her mother being a slave to her being wrongfully born according to the rules.
How will she understand this?
"I-I'm sorry Aya..." I whispered to my sleeping angel.
Ngayon pa lang ay humihiningi na ako ng kapatawaran sa mga sasapitin niya sa mundong ito. Alam kong wala akong magagawa kapag ang mundo na ito ang humagupit pero sisiguraduhin kong naroon ako para sa kanya.
Mabilis kong hinawi ang mga luha nang marinig ang pagbukas ng pinto. Nanatiling kay Aya ang tingin ko hanggang sa makalapit sa akin si Abel. Sinilip din niya si Aya na nasa kuna.
"She's growing fast," puna nito.
"If she could only stay this little," I chuckled.
"Ngayon pa lang ay lumilitaw na ang pagkakahalingtulad niya sa ama, Astra. I fear that she might inherit everything from her dad and get nothing from you." Mahinang tumawa si Abel.
Mapait na napangiti na rin ako. No matter how we conceal the smell of Aya's blood or her identity being the child of Brixton Wenz Cardinal, her physical appearance is screaming the name of the beast.
"She's so pretty..." I mumbled as a gentle smile formed on my lips.
"Really. Can you believe it's been weeks?" Abel mumbled, astonished at how fast time had passed. "Like... that fast when Aya was born. Baka ilang linggo na lang din ay gumagapang na rin si Aya gaya ni Tegan."
Suminghap ako bago bumalik sa kama at umupo. Nanatiling nakatayo naman si Abel sa gilid ng kuna ni Aya. Alam kong may iba siyang sadya sa pagpunta rito.
"Have you decided yet?" he asked finally, still eyes on my baby.
I let out a heavy sigh. "Can she only be Hyacinth for now, please?"
Tumingin sa akin si Abel. "Napag-usapan na natin ito, Astra. Hindi habang-buhay na nakakulong dito sa clan si Aya. Sooner or later... she needs to go out and get an identity."
Matapos kong maisilang si Hyacinth ay kinausap ako agad ni Abel tungkol sa kung paano namin mailalabas ng silid na ito ang anak ko. Ang plano ay palalabasin naming napaslang ang asawa ko sa isang labanan kaya kami na lang ng anak ko ang natira. The rule only says to maintain the balance of the population. Nung nawala ang asawa ko sa mundong ito, kinuha ng anak ko ang lugar niya. Magagawan ng paraan para pareho kaming mailigtas pero kailangan kong isunod ang pangalan ng anak ko sa kanyang ama... kay Brix na hindi namin maaaring gawin. So, we need to make up a surname of someone else for her.
"I know. But..." I gulped the lump in my throat. "You know that I am hiding her from everyone... especially to her Dad. Out of respect for Brix, Hyacinth will remain only Hyacinth until she can already claim as a Cardinal. That's what I want."
"That would be suspicious, Astra. Come on. You just need to get a surname and she will recognize you as her mother. Ang kailangan lang natin ay palabasin na namatay ang ama niya."
"I have an idea!" I said, still trying to fight for what I want. "W-what if..." Sumikip ang dibdib ko. "Natagpuan lang natin siya sa labas ng clan at iniwan ng isang bampira dahil takot ito sa responsibilidad? That's the reason why she doesn't have an identity. We will name her... just Hyacinth."
"Are you serious now?"
Muling nangilid ang mga luha sa mata ko. "I would rather choose that plan even though it hurts than to give her an identity that's not hers. Please, Abel? Pwede bang gano'n na lang?"
Tumitig ito nang ilang segundo sa akin, tila ba binabasa kung gaano ako kasigurado sa desisyon na ito. Alam kong nakakagawa na naman ako ng kasalanan kay Aya pero ito lang ang tanging paraan para hindi siya matali sa akin.
Umiling si Abel. "No. Hyacinth will remain as your daughter. Kikilalanin ka niya bilang kanyang ina. Damn it, Astra. Huwag mo naman saktan nang ganito ang sarili mo!"
Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. "She's not safe as long as she knows that I am her mother, Abel!"
"She is but how about you? Paano mo masisikmura na hindi ka kilalanin ng anak mo bilang kanyang ina?"
Lumambot ang boses nito bago dahan-dahan na lumapit sa akin. "Please just give her another surname so you can still be her mother. Kaya ka naming protektahan. What we can't is when somebody finds out that she's Brixton's child. We need to secure her identity as soon as possible."
Natulala na lang ako sa pagkakataong ito. If she can't be a Cardinal, she can't be my daughter, too. That's the only way to protect her. Shit. Ngayon pa lang na maliit pa siya ay napakakomplikado na ng buhay niya.
"Or..." Napatingin ako kay Abel nang magsalita ito. "You know the last possible solution."
Lumunok ako. "Lock her inside this clan..."
Abel nodded. "She's safe as long as she's inside this clan. Her lack of identity will harm her outside the border. She could be labeled as insurgent because of that. Do you want to lock your daughter inside this clan, Astra?"
"F-for how long?"
"If you agreed on this, the rule will be effective immediately. That means... for seven years, Hyacinth will be forbidden to get out of this place. No one can break this rule. Only time can."
Napatayo ako nang umiyak si Aya. Mabilis akong lumapit sa kanya at binuhat ito. Naramdaman niya yata na nakaakay ako sa kanya kaya tumigil ito agad sa pag-iyak. Nakatingin sa akin ang mga mulat na mata nito.
She giggled as she tried to reach for my face. Nakikita ko sa kanya ang mapang-asar na si Brix. My daughter keeps reminding me how much I miss her father.
I gave her a small kiss on her cheek as I came up with my final decision.
I know I will be selfish to take freedom away from her but... "Hyacinth will be locked inside the Esparago Clan until she's ready to claim the rightful identity for her."
"Sigurado ka na ba?"
"Hyacinth Martin Cardinal is going to be locked inside this clan," I repeated as I turned my head to Abel. My lips trembled. "She has everything inside this clan anyway. I'm good with that for now..."
Tumitig pa nang ilang segundo sa akin si Abel bago tumango. "Hyacinth is still a Paragonian. We will protect her as long as she's here for sure. How about from Brixton?"
Dahan-dahan kong inugoy sa aking mga bisig ang anak ko.
"Maitatago natin siya mula sa labas pero paano kay Brixton? Kapag pumunta siya rito—"
"That's why I need to leave here as soon as possible," I cut him out. "Hindi na pupunta rito si Brix kapag wala na ako. Habang malayo ako sa anak ko... mas ligtas siya."
Napakagat sa labi si Abel, tila nababagabag din sa mga desisyon ko. "Shit. I'm sorry you have to do this—"
"I'm fine." May bumara sa lalamunan ko kaya lumunok ako. "Ginagawa ko ito para sa anak ko. I will still visit her here often. But for now... I really need to get away from her. That's... what I am going to do."
Napayuko si Abel bago bumuntonghininga at tumango. Tumayo na rin siya.
"Kung iyan na talaga ang pasya mo... sasabihin ko kay Papa ang desisyon mo." Payak na ngumiti ito. "But hey, Hyacinth is safe here. Iyon ang lagi mong iisipin."
Tumango ako bago tumalikod at humarap sa labas ng balkunahe. Nawala na rin ang mga hamog magmula nung magsilang ako. Bumalik sa dati ang lahat.
"Sa isang araw rin ay aalis na ako," banggit ko pa bago bumaba ang tingin sa anak."I just need more time with Aya."
"T-that fast?"
"I need to."
"Okay. Fine. You know better anyway. Hays. Sige. Mauna na muna ako," aniya bago ito umalis nang tuluyan.
Bumuga ako ng hangin bago nilaro ang anak ko. Tahimik na ito at nakatingin lang sa mukha ko. My chest tightened again. I kissed the tip of her pointed nose.
Hinaplos ko ang purselas sa kanyang kanang kamay. "Mama loves you so much, Baby Aya. I hope you understand why I am doing this. I also hope you will forgive me."
Buo na ang pasya kong lisanin ang Esparago Clan para mailayo sa akin ang anak ko kaya sinusulit ko ang bawat sandaling kasama ko pa siya. Kung pwede ko na nga lang siyang itakas pero alam kong mas manganganib siya.
Abel is right. Esparago Clan is the safest place for my princess.
"Here?" Tegan pointed his finger on my tummy. Madalas siyang bumisita ngayon sa silid ko at alam din niya ang tungkol kay Aya. "Dito galing si Baby Aya, Lady Astra?"
I nodded. "That's right, Tegan. Wait. Why are you here? Wala ka bang pinag-aaralan ngayon?"
"Tumakas ako," kaswal na sagot nito bago lumapit uli sa kuna ng anak ko. "Paulit-ulit na lang kasi ang tinuturo sa akin ni Lady Aida. I asked her to teach me how to ride a horse but she didn't."
"Maybe you can ask your Dad for that?" I suggested.
Nagpatuloy ako sa pagtupi ng mga damit ng anak ko. Bagong laba lang ang mga ito na dala ni Ginang Melendez kanina. Hindi na rin siya gaanong bumibisita sa akin dahil may ginagawa raw siya. Wala naman na siyang dapat ikabahala.
"Why does she have a bracelet?"
"My gift for her," I answered.
"Why?"
"Because I love her..."
"Why didn't I receive one from Mom then?"
Natigilan ako sa ginagawa ko at napatingin kay Tegan. Seryoso lang itong nakatingin kay Hyacinth habang hinahawakan ang kamay nito. I could tell the grief on his voice when he asked that.
"That's just a bracelet, Tegan. My greatest gift for my daughter is love. I'm sure your Mom loved you so much and she wished she could spend more time with you..."
Just for a short period of time, I could tell Tegan has matured. Mula sa pangangatawan nito, pag-iisip at pananalita. Ang bilis talaga ng mga pagbabago sa mundong ito na minsan ay nahihirapan akong makisabay. Paano kung sumapit na ang ganitong gulang ni Hyacinth? She will start asking things.
"They killed her right?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya na 'yon. "It's against the rules that I was born. As a punishment, instead of me, Mom took the blame. Maybe she really loved me..."
"Y-yeah... for sure."
Nagpatuloy ako sa pagtutupi ng mga damit. Bigla kong naisip si Abel. Paano niya nasasagot ang mga katanungan ni Tegan? His questions are deep and even though we are not related, I am having a hard time answering them. Paano pa kaya kay Abel?
"Love..." Umangat ang tingin sa akin ni Tegan. "It's because of love, right?"
Wala na naman akong nasagot sa kanya.
"Love ruins everything," he added as he shook his head. "That's why... I will never fall in love."
"Tegan, there are different type of love—"
"Never..." he cut me off. Muli niyang tiningnan ang anak ko. "I hate love. I think love is a toxic feeling that we shouldn't invite in. We kill it first before it kills us."
For countless time, his words left me speechless. Bigla kong hinanap ang Tegan na tanging strawberry lang ang kinahihiligan. It feels like I am talking to a different person now.
"You will never know, Tegan."
"Baka mamaya pa magising si Aya. Aalis muna ako, Lady Astra." Nilayuan na rin niya sa wakas ang kuna ni Hyacinth. "Babalik ako mamaya ah? Gusto kong mabuhat si Aya."
"Sure."
Bumuntonghininga ito. "Do you think Dad likes you?"
"What?"
"Never mind." He smiled.
I heard it clearly. What's with that question?
Hindi pa rin ito lumalabas. Ilang segundo lang ay nagsalita ulit siya.
"I will protect Aya from the boys, Lady Astra."
Napangiti ako sa sinabi niya. "Thank you..."
"Kaya nga pagbubutihan ko ang pag-eensayo ko para mas lumakas ako at nang sa gano'n din ay mas maprotektahan ko siya. Tapos magpapaturo din ako sa pagtatanim ng strawberry para mabigyan ko siya."
"Aw. Can you give me a hug?"
He ran towards me and I welcomed him with my arms wide open. I patted his back as I tightened the hug. It must have been hard for him just by thinking about these things. I know it's hard to grow without your Mom beside you.
That's why I will try my best to be there for Hyacinth as she grows up.
"I know your Mom is proud of you, Tegan," bulong ko.
Pagkaalis ni Tegan ay siya namang paggising ni Aya. Tinigil ko ang ginagawa ko para akayin ito. Hindi pa rin ito tumigil sa pag-iyak kaya kinuha ko ang inumin niyang dugo. Tinikman niya lang ito at agad ding tinanggihan.
"What do you want, baby?" I asked her.
Hiniga ko siya sa kama para tingnan kung may laman ang lampin niya pero wala naman. What's wrong? Dumapo ang tingin ko sa kanan niyang kamay na nakakuyom. Ang kaliwang kamay niyang walang purselas ay nakabukas naman.
Wait. Posible kayang dahil ito sa purselas?
"Are you hurt, baby?" I asked again.
Lumipas ang isang oras nang hindi siya tumitigil sa pag-iyak. Ginawa ko na ang lahat pero hindi pa rin ito tumatahan. I was tempted to remove the bracelet but I knew it would make things worse.
Bumukas ang pinto at pumasok si Abel. "I heard her crying. May problema ba?"
"Hindi ko alam. Bigla na lang siyang umiyak." Hindi ko naitago ang pangamba sa boses ko. "Look at her right fist, it's clenched. Hindi ko maintindihan pero tingin mo ba ay may kinalaman ang purselas?"
Lumapit sa akin si Abel at hinawakan ang kanang kamay ng anak ko. "Mainit ang kamay niya. Sandali. Tatawagin ko lang si Ginang Melendez," aniya bago patakbong umalis.
Umupo ako sa kama nang mangawit. Wala akong magawa kung hindi ang tingnan si Aya na umiiyak. I wish I could do something to ease her pain. Damn. It hurts seeing her like this.
Nakaramdam ako ng panlalamig at bago ko pa man maintindihan ito ay nakaakyat na pala sa kwarto ang hamog. Umabot ito hanggang sa itaas ng kama. Kinilabutan ako.
What's happening?
Binitiwan ko muna si Aya sa kama para isarado ang bintana pero bago ko pa man magawang gawin 'yon ay bigla itong tumahan. Pagkalingon ko ay nakita kong pinaliligiran siya ng hamog na animo'y pinoprotektahan.
Natulala ako nang marinig ang paghagikgik ng anak ko.
Muling bumukas ang pinto at iniluwal no'n sina Abel at Ginang Melendez. Pare-pareho kaming natulala kay Hyacinth na tila nakikipaglaro sa hamog. Her giggles were echoing in the fogs.
"A-ano po ang nangyayari, Ginang Melendez?" tanong ko.
"Is she playing with fogs?" asked Abel.
"Kahanga-hanga..." bulong ni Ginang Melendez. "Tumatagos sa purselas ang kanyang kakayahan na makipag-usap sa hamog. Ang hamog na nakapaligid sa anak mo ang siyang nagpapatahan sa kanyang kalooban."
"Kailangan bang alisin ang purselas?" tanong ni Abel.
"Hindi maaari. Hindi niya pa kayang kontrolin ang buong kapangyarihan nito. Sa ngayon ay ito pa lang ang nakakayanan niya..." makahulugang sagot ni Ginang Melendez. "Ilang sandali lang din ay aalis na ang hamog."
Gaya ng sinabi ni Ginang Melendez, ilang minuto lang ay naglaho na rin ang hamog. Tumahan na sa pag-iyak si Aya at nung makalapit ako ay napagtanto kong nakatulog na uli siya.
Naluha na naman ako. Niyakap ko siya.
"N-natatakot ako..." bulong ko bago tumingin kay Ginang Melendez. "Paano kung mas malala pa ang mangyari sa susunod? Paano kung umpisa pa lang ito?"
"Kaya hindi maaaring maalis ang purselas sa kanyang kamay," seryosong sabi ni Ginang Melendez. "Pero gaya lahat ng bagay sa mundong ito... may hangganan ito. Sasapit din ang isang araw na mapipigtas na ang purselas at kailangan nating siguraduhin na handa na siya bago pa man ito sumapit."
Sa ikalawang pagkakataon ay napayakap na lang ako kay Aya.
Ilang araw akong hindi pinatulog ng nagyaring 'yon. Gising ako nang sunud-sunod na gabi at pinagmamasdan ang anak ko. Hindi ko na rin binuksan ang bintana. Natatakot akong mangyari ulit ang pagpasok ng hamog.
I know her ability is to control the fog just like her Dad but as much as possible, I want her to stay away from that. Kung pwede nga lang alisin ang kakayahan niyang 'yon ay ginawa ko na.
Isang buwan ang lumipas...
Pagbalik ko sa kwarto matapos maligo ay hindi ko naabutan ang anak ko sa kanyang kuna. Mabilis akong kinain ng pangamba. Hinagilap ko ito agad. Naabutan ko siya sa gilid ng kama at hawak ang bote na may dugo.
Aya stopped drinking for a moment when I caught her but she continued later. Nakatingala ito sa akin habang umiinom. Mabilis ang pag-inom niya na tila uhaw na uhaw kaya tumagas ang iba sa kanyang bibig.
Lumuhod ako sa harapan niya at pinunasan ang gilid ng kanyang labi. "Were you thirsty? Sorry natagalan ako sa pagligo ah?" tumawa ako.
She just stared at me without blinking.
Binuhat ko siya at inupo sa kama. Hindi pa rin niya tinitigil ang pag-dede ng dugo sa bote. Habang umiinom siya ay nagsusuklay naman ako ng buhok.
Biglang sumagi na naman sa isipan ko ang binalita sa akin ni Abel kani-kanina lang. May paglusob na nangyari sa isang clan at ang sabi pa ay biglang naglaho lahat ng naroon.
It's starting...
I heard Aya yawned. Paglingon ko ay nakahiga na ito at nakapatong sa kanyang dibdib ang bote. Pumipikit-pikit pa ito at hindi kalaunan ay nakatulog na.
Kinuha ko ang bote sa kanyang dibdib at pinatong sa nightstand. Pinalitan ko ng damit si Aya bago binuhat. Hinalikan ko siya sa pisngi bago nilagay sa kuna.
"I'm going to miss you so much, my baby..." Tinitigan ko siya nang ilang segundo bago bumuntonghininga.
Nang makapagpatuyo ng buhok ay nag-umpisa na rin akong mag-impake ng damit. Hindi na ako maaaring magtagal dito. Nagpaparamdam na ang digmaan na mangyayari. Ayokong madamay si Hyacinth.
Nang matapos makapag-impake ay sinigurado ko munang tulog si Aya bago lumabas ng kwarto. Lumabas ako kung saan naabutan ko si Abel na papasok sana.
"Meron na ba?" tanong ko.
Tumango ito. "Naihanda na namin ang kabayo na gagamitin mo. Sigurado ka na bang aalis na talaga?"
"It's starting, Abel. Kung hindi ako kikilos agad ay baka madamay ang anak ko. I'm good now." Dinaan ko na lang sa nginiti ang pagsikip ng dibdib.
Huminga ito nang malalim bago tumango. "Bukas na talaga?"
Mapait na tumango ako. "Bago sumikat ang araw bukas ay aalis na rin ako."
"Kung 'yan na talaga ang pasya mo ay wala ka na kaming magagawa."
"I-ikaw na ang bahala kay Aya ah?"
"Ano ka ba?" Tumawa ito. "Syempre naman. Don't worry, Astra. So, please... be safe, too, Astra. Your daughter needs you. Please... come back for her."
"I will... for sure."
I have a reason to stay alive. I will live.
Buong magdamag kong kinulit si Aya para hindi makatulog. Matatagalan pa ang susunod na pagkikita namin. Hindi ako nakuntento sa loob ng kwarto ko kaya lumabas kami. Ito ang unang pagkakataon na nakalabas si Aya ng kwarto.
Umakyat ako sa itaas ng puno kung saan tanaw na tanaw ang bilog na buwan.
"Look at the moon, baby..." I smiled as I pointed my finger to the moon. Bumaling ako sa anak ko. Imbes na sa buwan ang tingin nito ay nakatitig siya sa akin. "Oh. That's sweet. Do you prefer to look at me?"
A tear escaped my eyes.
"Oh, I am going to miss you so much, my little Cardinal..." My lips trembled. "Please, be a good girl, aright? If possible, don't talk to fog. Mom just needs to go somewhere..."
Umawang ang bibig ko sa sobrang sikip ng dibdib ko.
"I will always come back for you..."
Pinunasan ko ang luha kong pumatak sa kanyang pisngi.
Suminghap ako bago muling tiningala ang buwan. Bumababa na ito Kanluran. Hindi rin magtatagal ay liliwanag na... sisikat na ang araw... at kailangan ko nang umalis.
I looked down at my daughter again.
Nanlabo ang mga mata ko pero gano'n pa man ay nakita kong ngumiti ito sa akin.
"I will meet your father again, Aya. I wish I could tell him about you... how gorgeous you are. I wish you could meet him soon. But for now... you will live away from us."
Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko.
Suminghap ako bago niyakap uli si Hyacinth.
"No storm could stop me from being with you again. I will always bring the rainbow for you, my little flower. You have my word and my life... goodbye for now, Hyacinth."
I came in Esparago Clan with a ruined heart and had no choice but to stay and I left with a heart full of love and a strong will to come back alive whatever it takes.
I pulled the reins to halt the horse as I stared at the huge gates of the Mansion from a far. This place is a nightmare to me yet here I am back again.
"It's been a long time, Nightfalls..." I smirked.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro