Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

Chapter 27: False Truth

I hate endings.

But everything has to.

You can't stop it in a time that favors you.

I have no idea what the ending has for us but if I could wish one thing, I wouldn't ask for a happy one. I would rather have a justified ending  than a happily ever after.

An acceptable ending was all I wanted.

Brix fell asleep. I should, too. Pero hindi ako dinadalaw ng antok. Tila mas pinili ng katawan ko ang manatiling mulat at pagmasdan ang tanawin sa harapan ko.

Inabot ko ang kanyang mukha at hinaplos.

"You are the best man I've ever met..."

I hope you know how much you mean to me. I don't say it often, but I would give the world for you. You deserve it the most. You deserve every drop of happiness.

Yumakap ako sa kanya at siniksik ang sarili sa didbib niya. Naramdaman kong gumapang naman ang braso niya sa likod ko at mas diniin ako sa kanyang dibdib.

We were both naked so we could feel each other.

Suminghap ako.

"Sleep, Astra..." he whispered in a hoarse voice.

"Brix?"

"Uhm?"

"Know that I am always here for you..."

He chuckled and tightened the grip.

That's when I closed my eyes.

I fell asleep.

Nagising ako sa ingay sa labas. May mga nagsisigawan at dinig na dinig ko ang mga yapak ng mga kawal na tila nagmamadali. Bumangon ako sa kama. Napagtanto ko na hindi pa rin sumisikat ang araw.

Bumaling ako sa tabi ko. Wala na si Brix.

Sumilip ako sa labas ng bintana. Nakita kong nagkukumahog ang mga kawal. It's so unusual for Severus to act like this. They have never shown aggressiveness towards us.

What's happening?

Nagmadali akong nagpalit ng damit at lumabas ng kwarto. Sumalubong sa akin si Erikson. Mukhang nagbabantay ito sa labas ng kwarto ko. Naabutan ko siyang tila malalim ang iniisip.

"Hey. What's happening?" untag ko.

Napatingin ito sa akin.

"Sunog sa kastilyo."

"Paanong nagkasunog?"

"It's not an accident. Someone lit the fire..."

Magpapatuloy sana ako sa paglabas nang hawakan ni Erikson ang braso ko. Umiling ito sa akin. "You better stay here..."

"Pero—"

"Stay. It's not safe."

Mapait na napangiti ako. "I was never safe..."

"You are. Habang nasa tabi mo ako, ligtas ka. So, please? Can you just stay inside?"

Bumuntonghininga ako bago tumango. Bumalik ako sa loob ng kwarto ko... at kinandado ang pinto.

Bumaling ako sa bintana. I can't just stay here.

"I'm sorry..."

Dali-dali kong binuksan ang bintana at tumalon pababa. Sumabay ako sa mga kawal na tumatakbo papunta sa kastilyo. Sandali pa akong natigilan nang matanaw ang malaking apoy.

Shit. Almost half of the castle was on fire. Buong paligid ay nabalutan ng itim at makapal na usok. Kahit na malayo ang kastilyo ay nakarating dito ang usok.

"What's happening?" tanong ko sa isang kawal.

"Hindi ako sigurado—"

I gasped when I saw a sword penetrated his chest. Bumagsak ito sa lupa.

The next thing I knew... we were under attack by masked men.

"Back off now!" Tinulak ako ng kawal nang may sumugod sa akin. Sinalo niya ang espada gamit ang kanyang kalasag. "Bakit nakatayo ka lang diyan? Lumikas ka na!"

Mabilis na tumakbo ako palayo roon.

I've heard an explosion. Sa sobrang lakas no'n ay dumagundong ang lupa.

Tumingala ako sa pinanggagalingan ng makapal na usok. Natulala ako at nanlumo ako nang makita ang building na tinutuluyan ko... tinutupok ito ng apoy.

"E-Erikson..."

Tumakbo ako papunta sa nasusunod na building pero pinigilan ako ng mga kawal na nakabantay. Sinimulan na rin nilang apulahin ang apoy. Sobrang ingay.

"Lumikas muna kayo, binibini! Hindi ligtas dito!"

"No. Nasa loob ang kaibigan ko!"

"Guards! Isama niyo ang babaeng ito sa mga ililikas!"

That's when I pushed him and ran away. Tumakbo ako palayo sa nasusunog na building. Sobrang lakas ng pinting ng puso ko. I know Erikson is safe. A simple fire can't hurt him.

But where is he?

"Astra!"

Napatingin ako kay Nigel. May mga kasama itong kawal.

"Damn. I thought..." Lumunok ito at hinawakan ang braso ko. "Sumama ka sa akin. I know a safe place..."

Binawi ko ang braso ko. "Have you seen Erikson?"

"He can handle himself. Sumama ka muna sa amin!"

I stopped resisting. Sumama ko sa mga kawal na inatasan ni Nigel. Dinala ako nito sa likod kung nasaan ang iba pang mga tagapagsilbi. Maraming kawal ditong nagbabantay.

"Elder Entiango!"

Napatingin ako sa lalaking sinalubong ng mga kawal. Siya rin ang sumalubong sa amin nung pumasok kami rito. Sa tingin ko ay siya ang pinunong manggagamot.

"Labas mga kawal!"

Humakbang ang mga kawal palabas.

Bumaling sa amin si Elder Entiango.

"Narito na ba lahat?" tanong nito.

"Hindi pa. Pero mas mabuting gawin mo na at para ligtas na rin sila," sagot ng kawal na sa tingin ko ay ang pinuno. "Sa labas kami ng mga kawal ko para may bantay."

Tumango si Elder Entiango.

He raised his hands. I saw a flicker of light looming above us. Palaki 'yon nang palaki at unti-unti kaming pinaliligiran. It was a barrier so outsiders can't get in. That also means we can't get out of here.

Naramdaman ko ang mga matang nakatingin sa akin. Bumaling ako sa likod. May isang lalaking nagtatago sa likod ng puno. Alam kong hindi siya kaalayado namin.

With the current radius of the barrier, he will also lock in here. That's what I think his idea. It will be easy for him to do something if he gets lock-in here with us.

Labag man sa loob ko ay sinugod ko ito. Mabilis din itong tumakbo palayo sa akin. Hindi ko na siya sinundan nang maglaho ito sa mga malalaking puno.

What was that?

Pagkaharap ko sa mga kasamahan ko ay huli na. Nabuo na ang harang... at nasa labas ako.

I tried to touch the barricade but my hand got burned. Napangiwi ako at napaatras. Pinagsamang matinding init at boltahe ng kuryente ang ngayo'y dumadaloy sa harang.

My eyes darted at Elder Entiango. He was also staring at me.

He looked frustrated.

Ibababa niya sana ang kamay nang pigilan siya ng mga nasa loob. Kapag binaba niya 'yon ay mawawala rin ang harang. Ramdam ko ang takot ng mga nasa loob.

I can't put them at risk.

Mabilis na umiwas ako nang may maramdaman na palaso na patama sa direksyon ko.

I looked at the masked men. I thought he ran away. No. He just lured me outside the barricade.

"Who are you?" I asked him.

He ran inside the woods and that's when I followed him. Mabilis itong kumilos pero nakahabol ako. Napahinto na lang ako nang bigla itong humarap sa akin at nagpakawala ng palaso.

Sa halip na iwasan ay sinalo ko 'yon gamit ang aking kamay. Muli itong nagpakawala ng sunod-sunod na palaso at lahat ng 'yon ay sinalo ko sa aking mga kamay.

"Bakit niyo ginagawa ito?" tanong ko.

"Bumabawi lang kami." He prepared another set of arrows.

"Para saan?" Binitiwan ko ang mga palaso sa lupa. "Ano ang pinaglalaban ninyo?"

"Hustisya..."

"Hustisya sa paraan na maging ang mga inosente ay nadadamay?" Naramdaman kong tila nasusunog na ang mga mata ko. "You burned down the castle. Sa tingin niyo ay hustisya ito?"

It took me a second to reach him. Inagaw ko sa kanya ang mga palaso at sinakal siya pasandal sa puno. Inangat ko siya sa lupa... hindi ito nagpumiglas.

"Ano'ng hustisya ang nais niyo?"

"P-para sa aming pinuno..." Ngumiti ito.

Nanliit ang mga mata ko. "You are a member of Behemoth Clan..."

"Brixton beheaded our leader. We are just avenging him. Kung hindi namin siya makukuha..." Mas lalong lumaki ang ngiti sa kanyang labi. "Ikaw ang kukunin namin."

Nabitiwan ko siya nang may tumamang palaso sa aking binti. Napaupo ako sa lupa habang pinagmamasdan ang iba pang mga nakamaskarang lalaki. They were all pointing their arrows at me.

"Sumama ka na lang sa amin nang hindi ka masaktan..."

Inalis ko ang palaso sa binti ko. Mabilis na naghilom ang sugat pero alam kong naiwan ang lason sa loob. Tumayo ako at nagtangkang tumakbo pero pinaligiran nila ako.

"Sumama ka na lang sa amin at titigil na kami. Ikaw lang naman ang pakay namin."

Umiling ako. Yumuko ako at pinulot ang sandata ng isang lalaki na nahulog. I prepared my arrows. Alam kong sa oras na magpakawala ako nito ay magpapakawala rin sila. Pinaliligiran nila ako Mahihirapan akong umiwas kung sakali.

"Give it up or we will fire our arrows all at once..."

I smirked. "Hindi ko maiiwasan pero mapapatumba ko ang ilan sa inyo..."

"We will count. Lay your armor down or we will fire..."

"Count then..."

"One..."

I roamed my eyes around.

"Two..."

I sniffed. Fire it assholes.

Mabilis na dumapa ako nang pakawalan nila ang mga palaso. Bumalik sa kanila ang mga palaso at natamaan ang iba sa kanila. Gumulong ako at pinakawalan ang mga palaso sa mga nanatiling nakatayo.

I winced when I got shot in my shoulder. I crawled from the ground and ran away. Nakasunod sila sa akin at patuloy na nagpapakawala ang mga palaso na iniiwasan ko.

I was shot several times and I removed the arrows immediately. Sa kabutihang palad ay hindi agad umeepekto ang lason. Kailangan ko silang mailigaw.

A scream escaped my lips when someone grabbed my legs. Nawala ang balanse ko at nahulog sa lupa. Gumulong ako sa mga bato at agad kong naramdaman na may tumulong dugo sa noo ko.

Mabilis na bumangon ako at tumakbo uli palayo. Sa pagkakataong ito ay bumagal na ako. I ran out of arrows. The bleeding on my forehead wasn't healing.

Kahit na makalayo ako ay masusundan nila ako dahil sa dugo ko.

Pinagmasdan ko ang sarili. Puro putik na ako. Kung makikita lang ako ni Nath ngayon ay malamang na mahihimatay ito. Napailing ako at binagalan ang pagtakbo.

Hindi na ako pwedeng tumakbo. Magsasayang lang ako ng lakas.

I stopped running. It took them a second to surround me again.

Mukha ring naubusan na sila ng mga palaso.

Lumapit sa akin ang isa sa kanila. "It's over. Sumama ka na sa amin."

"I ran out of arrows but not energy..."


"You are outnumbered. Stop being brave now."

I grinned. "Are you just good in archery? How about close combat?"

"You are so brave for a woman. I see why the asshole is so into you..."

Tinangka ko siyang lapitan para umatake, nagawa ko pero bumigay ang mga tuhod ko. Nanlambot ako at napaluhod sa harapan niya. Lumabas na ang epekto ng lason.

My body was starting to get numb.

Fuck it. Not now.

He looked down at me.

"Bitch." Napayuko ako nang humampas sa mukha ko ang kanyang palad. Hinawakan niya ang buhok ko at inangat ang tingin ko. "Your lover killed our leader. Mararamdaman na rin niya ngayon ang nararamdaman namin..."

"Leader?" I chuckled. "A leader wouldn't sell his army!"

Napatiim bagang ito. "Ano ang sinasabi mo?"

"Lord Bueno was planning to sell you. Oh, you didn't know?"

"Lies. Lies." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa buhok ko. "Sa tingin mo ay mapipikot mo ako?"

"No? But I don't think you are stupid enough to not consider that."

Kinuha niya ang espada at tinutok sa leeg ko. I felt its cold edge. Isang maling galaw ko lang ay ikapapahamak ko. Wala akong nagawa kung hindi ang titigan siya.

Alam na niyang tama ako pero ayaw niya lang aminin. They have come this far to stop. The only thing that drove them now was the thought of whether they give up or not... it's too late. Marami na silang nagawa.

"Kill me and avenge the leader who tried to sell you. He would be happy to have such a loyal army..."

"Talk back and I will cut your throat."

Naramdaman kong gumapang sa dibdib ko ang dugo mula sa leeg ko. Bumagsak na rin ang mga braso kong nawalan na ng pakiramdam. I don't think I could still walk in this condition.

"Do it now!" dinig kong sambit ng isa sa mga kasamahan niya. "Kailangan na nating tumakas."

Kumurap lang ako at wala na ang lalaki sa harapan ko. Gumulong sa tabi ko ang kanyang ulo na nakamulat pa ang mga mata. Umagos sa putikan ang kanyang dugo.

Isang pares ng mga paa ang tumambad sa akin. Unti-unti kong inangat ang aking ulo. Napatiim bagang ito at mas humigpit ang hawak sa espadang may bahid ng dugo.

"E-Erikson... you are alive." Pakiramdam ko ay nawawalan na rin ako ng boses. Gano'n pa man ay napangiti ako. Alam kong hindi siya napahamak sa pagsabog pero ang makita siyang maayos ay iba ang dating.

He roamed his eyes around. "You dug your own grave the moment you touched her assholes."

"T-they didn't know..." I mumbled.

Tumingin sa akin si Erikson. His bloody eyes got furious even more. Binitiwan niya ang espada at yumuko sa akin. Hinawi niya sa mukha ko ang dugo.

May kinuha ito sa kanyang bulsa. "Drink..."

Pinainom niya ako ng isang bote ng dugo. Napansin kong nanginginig ang kanyang kamay.

"I can't let it slide..." he whispered.

That's when he stood up. Hinarap niya ang mga natirang lalaki. Sumugod sa kanya ang mga ito pero nanatili siyang nakatayo. Bumaling ito sa akin. Mula sa galit ay napalitan ng lungkot ang kanyang tingin.

"Close your eyes..." he mouthed.

I closed my eyes.

I heard the noise slowly disappearing.

Bumagsak na ako sa lupa. Suminghap ako.

I couldn't feel my body anymore.

"You are good..." I heard him say.

Erikson put me in his arms.

Gamit ang mga nanlalabong mata ay binalikan ko ng tingin ang lugar.

Mapait na napangiti ako. I knew he was capable of this. Alam kong pinipigilan niya lang ang sarili para sa akin. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi niya pinigilan ang sarili.

No one among the masked men remained standing.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro