Chapter 24
Chapter 24: Go Downhill
Nakahilig ako ang ulo ko sa hita ni Brix habang pinagmamasdan ang ilaw sa munting gazebo na tinuluyan namin. Umambon kanina kaya sumilong kami rito pero ngayon ay tumila na.
Mula sa ilaw ay tumuwid ang tingin ko kay Brix na tahimik lang habang hinahawi ang buhok ko. Nakatitig lang din siya sa mukha ko pero alam kong malalim ang iniisip niya.
I decided to break the silence. "Brix?"
"Uhmm?" His voice was low.
"Bakit ako ang pinili mo?"
I really had no idea what happened that night. Ang alam ko lang ay nasaksak ako sa dibdib at nagising kinabukasan nang parang walang nangyari. That's all.
"I didn't choose you," he paused for a moment. "Wala lang talaga akong ibang pagpipilian nung gabing 'yon."
Tumawa ako at hinampas ang kanyang dibdib. "Seryoso kasi! Bakit nga?"
"Uhm..."
"Uhmm?"
"You were courageous I guess?"
"Oh..." I giggled. "So, napamangha na pala kita sa unang pagtatagpo pa lang natin?"
"Maybe..." He chuckled, too. "Courageous in a dumb way. How irresponsible of you to go after an armed man just to help someone you barely know?"
That put a vivid image in my head. I kind of knew what happened but not all the details. So... he saw that incident. I wonder if he had been watching me the whole time?
"Nakita ko kasing kinuha nung lalaki 'yung bag nung babae. It was my initial reaction to help her. It was my instinct that pushed me to run after that man..."
I didn't need to know her to help.
"Didn't your instinct tell you to mind your own business?"
"Oh, you should have also told that to your instinct when you revived me, Mr. Cardinal."
"Oh damn." Napatawa ko siya nang malakas.
Nakatitig lang ako sa kanya habang tumatawa siya. Aside from that incident, I could also vibrantly remember how dominant and stern this man was. Sinong mag-aakala na ang lalaking 'yon at ang lalaking ito ay iisa lang? He looked... so natural now.
"Damn. You got me there." He bit his lower lip, halting the laugh.
"Pinainom mo ako ng dugo mo para mabuhay uli?" paglilinaw ko. "That's how you turned me into a vampire?"
Tumango ito. "Not just that. I dressed you, too..."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Oh. Just the clothes. Hindi ko pinakialaman ang mga underwear mo," pag-alalay niya agad sa kanyang mapusok na sagot. "Wala talaga..." Saka siya ngumiti.
"Bastos. Hindi mo man lang tinanggal ang price tag!" Umirap ako.
"Really? Si Oscar ang nagdala nung damit mo."
"Oh. You were with Oscar that time..."
He bobbed his head. "You also woke up that time. Sigaw ka nang sigaw ng tulong, hindi ka naman namin ginagalaw. Binato mo pa nga ako ng sapatos."
I felt embarrassed just by hearing that.
"Masyadong maliit ang pasensya ko sa 'yo no'n. I just showed you my fangs and you passed out... again. Doon ka na namin hinatid sa bahay mo..."
"Wait. Paano mo nalaman ang bahay ko?"
"Nabasa ko sa isipan mo..." Tipid itong ngumiti.
I gasped. "How?"
"The moment I touched you, I knew you were trouble..."
"And?"
"That you were living with your auntie and cousin. You have school projects you delayed to do. You were mourning about your Mom... that you missed her so much... that you even think you wanted to end everything. You were not afraid to die."
Natutop ako sa kinahihigaan. Tumagilid ang tingin ko sa ilaw.
So... he had seen it all. That brought an uncomfortable feeling.
"That's one of the qualities I was looking for a slave. Someone who has nothing to lose. Nang sa gano'n ay kapag naging bampira na rin siya ay hindi na niya kailangang isipin ang mga maiiwanang mortal."
"Just because we feel lonely doesn't mean we are alone, Brix." Tumuwid uli ang tingin ko sa kanya. "Humans tend to lose something and feels nothing. But that doesn't mean we are giving up in life. It's just part of growing... a process... going to a new chapter."
Tumikhim ito. "So, you really hated me when I turned you into like us?"
If I would be honest. "Hate is too shallow to define it."
"Do you still hate me, Astra?"
"I hated you to death but bearing it until now is just pointless." Umalis ako sa kanyang kandungan at tumuwid ng pagkakaupo. "After all..." I smiled. "You turned it into beautiful memories."
"I didn't know I saved myself when I saved you..." He smiled, too.
"I am always with you, Mr. Cardinal."
He claimed my lips, swiftly. Hinawakan niya ang batok ko para mas idiin ang halik.
Naramdaman kong gumapang sa laylayan ng damit ko ang kanyang isang kamay pero agad itong huminto. Lumayo siya sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang pagkairita.
"W-what?" I asked, confused.
"Didn't Lord Hezuera teach you not to eavesdrop?"
That's when I realized someone's watching us behind the trees. Unti-unting lumabas doon si Nigel na nakayuko. Napansin kong nanginginig ang kanyang mga tuhod.
"I-idol— S. Sorry!" Bigla itong lumuhod at yumuko. "Sorry na! Sorry talaga!"
Tinapalan ko ang bibig ni Brix nang aktong papagalitan niya pa ito. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at sinenyasan na tumigil na. Tumayo ako at lumabas ng gazebo para lapitan si Nigel.
"It's fine. Tumayo ka na, Nigel. Maputik."
"I-is he mad?" bulong nito.
"No?"
"Damn. I am."
I turned to the guy who remained seated and mumbled, "Shut up, Brix."
"Hala. Sorry na!" Mas lalong nag-panic si Nigel.
Umupo ako at sinubukang itayo si Nigel pero ayaw nito. Napansin ko ang pen na mahigpit niyang hawak. Gusto kong isipin na napagawi lang siya rito pero mukhang sinadya niya ito.
"Tumayo ka na," anyaya ko pa.
"I-I'm scared..." he whispered.
"Dapat lang," dinig ko na namang sabi ni Brix.
Tumayo ako at humarap kay Brix. "He is the heir of Hezueras Clan. The son of Lord Hezuera. Hindi ba dapat marunong ka ring gumalang sa mga pinuno? Maging sa kanilang mga anak?"
Brix didn't show any interest with my threat. "Did I ask? He eavesdropped, Astra. Paano kung sa iba niya 'to gawin? You think sorry can save his nuisance ass?"
No. That's not just it.
Brix really looked frustrated. I know where his feeling was coming. Alam ko naman na nabitin siya pero hindi sapat para takutin niya ang bata. Idol pa naman siya ni Nigel tapos ganito ang asta niya. Hindi magandang halimbawa.
"No. Hindi ko 'to palalagpasin, Astra."
"Waaa!" Napasinghap ako nang biglang yumakap sa likod ko si Nigel. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan. "Astra sabihin mo sorry. Napadaan lang talaga ako! Promise wala akong narinig."
Naging limitado ang kilos ko dahil nakakulong ang mga braso ko sa yakap ni Nigel.
Kumunot ang noo ni Brix. "Ganito ba siya lagi sa 'yo kapag natatakot? Yayakap?"
"You are scaring him, Brix."
Mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa likod ko ni Nigel.
"Fine!" Bumuntonghininga si Brix. "You are forgiven, Mr. Hezuera. Release my lady now."
Sumilip si Nigel mula sa likod ko. "T-talaga?"
"I said don't hug her," may diin na sambit ni Brix.
Mabilis na kumawala sa pagkakayakap si Nigel pero nanatili ito sa aking likod.
"You may go now," utos ni Brix.
"Wait! Idol ka niya, Brix." Humarap ako kay Nigel at inagaw ang pen sa kanya bago muling tumingin kay Brix. "Baka pwede mong pirmahan ang damit niya?"
Tumamad ang tingin ni Brix.
"Please?" I pleaded.
"I don't have signature," he told me.
"Just your name is enough," sagot ni Nigel.
Hinawakan ko ang braso ni Nigel at hinila siya palapit kay Brix. Tinangka kong iabot kay Brix ang pen pero tinitigan niya lang ito. Kinuha ko ang kamay niya at pwersahang pinahawak ang pen.
"Kahit pangalan mo lang..." Hinila ko paupo sa tabi niya si Nigel. "Sa damit na lang niya, puti naman ito. Sige na, Brix."
Gusto ko na ring tigilan ako ng lalaking 'to. Ito lang naman ang pakay niya sa pagsama rito.
Nakayuko lang si Nigel habang hawak ang nakaangat na damit.
"Damn." Padabog na hinila ni Brix ang damit ni Nigel, bahagya pa itong napunit. "You should know how to respect privacy, Mr. Hezuera. Not a good trait for a soon to be leader."
Napangiti ako nang makitang nagsulat na si Brix.
"P-pwedeng may star?" request pa ni Nigel.
Kinagat ko ang labi ko para iwasang matawa. Kunwari pang nahihiya si Nigel pero ang daming request. Pagkatapos mai-drawing ni Brix ang... star? Hindi ko alam kung star ba 'yon o asterisk. Binitiwan niya rin ang pen.
"Alis na..." ani Brix.
Nanatiling nakaupo si Nigel.
"Nigel? May pirma ka na," paalala ko.
Umangat ang tingin ni Nigel kay Brix. "P-pwedeng pa-hug?"
Napangiwi ako.
Suminghap si Brix. "Astra. Ilayo mo nga sa akin ang lalaking 'to..."
"Shake hands na lang!" dagdag pa ni Nigel.
"Sige na, Brix. Para makaalis na rin siya..."
Tumitig sa akin si Brix. "Last na 'to ah?"
"Last na," sagot naman ni Nigel. Nag-abot ito ng kamay. "It's a pleasure to meet you, S."
Inabot ni Brix ang kanyang kamay.
"Good luck to your journey, Mr. Hezuera."
"A-aw..." Umangal si Nigel nang higpitan ni Brix ang pagkakahawak sa kanyang kamay.
Ngumisi si Brix bago siya pinakawalan. "Off you go..."
Nigel stood up and bowed his head. "Thank you, S."
Brix just nodded.
Humarap sa akin si Nigel na malaki ang ngiti. Aktong lalapit ito sa akin para yumakap pero tumigil din ito agad. Tumikhim siya at nagpaalam na rin sa akin.
I sat beside Brix. Finally. It's done.
Sumandal ako sa upuan at bumaling kay Brix na nakatingin lang sa akin. Nagtaas ito ng mga kilay.
"Bakit?" tanong ko.
"I was kissing you—"
"Stop. Baka nandyan pa si Nigel."
He frowned before leaning his back. Tumagilid ang ulo niya sa akin. Hinawakan niya ang baba ng ulo ko at ginawaran ang aking labi ng isang halik.
"Damn." Brix muttered a cuss again. "Another one..."
"Makikisilong lang..."
Napatingin ako sa nagsalita. Oscar appeared outside the gazebo. He was wearing a brown leather jacket. Mahigpit ang hawak niya roon. Nagtaas ito ng kilay nang hindi kami umimik.
"S-sure, Lord Oscar!" Gulat man ay nagawa kong tumayo at yumuko. "Please, have a seat."
Oscar chuckled. "Well... thanks I guess?"
Pumasok si Oscar at umupo sa ibang panig ng upuan.
Pagkaharap ko kay Brix ay nakasimangot ito. I heard him even muffled, "She can't even bow to me like that..."
Bumalik ako sa pagkakaupo.
"Tomorrow night will be the longest night of this year," Oscar mentioned. "Mukhang may bagyo rin kaya baka magtagal ang mga pag-ulan."
"Thank you for informing us, Mr. Weather Boy."
Pasimpleng hinampas ko ang hita ni Brix.
Damn. Lord Oscar really caught me with our enemy. It's not like he was clueless what's going on around, alam kong alam niya. Pero iba ang harap-harapang nakita niya ang pagtataksil ko.
Yumuko ako at kinagat ang pang-ibabang labi. Shit. What an embarrassing moment.
"Why can't you sleep, Lord Oscar? Does my clan bother you?"
"Not at all. Just one of those days..."
Umangat ang tingin ko kay Oscar. Nakasandal ito sa upuan, nakangiti habang nakatingala sa ilaw. Nakapasok sa bulsa ng kanyang jacket ang mga kamay.
That's just when I realized... I was with the two Cardinals.
The ambiance suddenly hit different. Magkapatid sila pero magkaaway. Magkadugo sila pero nasa magkabilang panig. Why does it have to be like this?
Lord Severo really won. He made them turned their backs on each other.
"Maybe you are right..." Tumuwid kay Brix ang tingin ni Oscar. "I find everything bothersome."
"Be specific, Milord. I don't want my visitors to feel threatened in my own clan."
"I didn't mean it like that, my brother..."
Nagsalikop ang mga kamay ko. Pakiramdam ko ay hindi dapat ako nandito. Should I leave now?
"You are still that enigmatic king." Mahinang tumawa si Oscar. "I thought I've improved my capacity to think from a wider angle, my assumption about things and how I perceive what might happen..."
Mula kay Oscar, lumipat ang tingin ko kay Brix.
Oscar was right. This guy was full of mystery.
"My plan was never secret, Milord..." Ngumiti si Brix.
"But it's never obvious at the same time." Tumuwid ng pagkakaupo si Oscar nang hindi pinuputol ang tingin kay Brix. "You are slowly stealing all my alliances. I doubt it's your way of revenge. By taking everything I have..."
Now. I really need to leave.
Tatayo pa lang ako nang mahawakan ni Brix ang braso ko at binalik ako sa pagkakaupo. Ginawa niya 'yon nang hindi man lang bumabaling sa akin.
Wala akong nagawa kung hindi ang pumirmi sa upuan.
"You are building a kingdom..." Ngumisi si Oscar. "You know that's impossible, Brix. Mula noon, nasanay na tayo na hati-hati ang mga panig. You can't unite everyone and expect everything will align accordingly."
Bahagyang umawang ang mga labi ko. What? Brix was planning to unite all clans and build a kingdom?
"Trust me, I can..."
"Brixton..."
"And I will do it..."
Mula sa kalmado ay napalitan ng galit ang mga mata ni Oscar. Galit? O pag-aalala? I don't exactly know what he was feeling. Basta ang alam ko ay tutol ito sa kung ano mang plano ni Brix.
"You will create a revolution..." madiin na banggit ni Oscar.
"Hindi pa ba sapat ang panahon na binagay ko sa inyo? I've already warned you all before I left a year ago. When I come back, brace for impact." Tumawa si Brix.
"Y-you are out of your mind!"
"You know where this one is heading to..."
Suminghap si Oscar. "N-no. Brix. Stop..."
"I already have the signal unfortunately." Brix took a glimpse at me. "It shall happen soon..."
"W-what's your reason?" tanong ni Oscar.
"My fears..."
Naguluhan ang tingin ni Oscar.
Napatitig ako sa mukha ni Brix.
He's doing it for me and for some unknown reasons.
That's why he asked for my signal.
Things were still vague but the feels were starting to make sense.
Biglang pumasok sa isipan ko ang mga katagang binitiwan ni Ginang Melendez nung minsan niyang tinangkang tingnan ang aking kapalaran.
Nanginig ang mga tuhod ko nang magbalik ang mga alaala na 'yon.
"Mag-iingat ka, Astra. Ikaw ang susi para tuluyang mabuksan ang lagusan patungo sa madilim na yugto..."
My lips trembled.
"I-I need to go now..." bulong ko.
"Okay. Ihahatid na kita."
"No." Umiling ako kay Brix. "Ako na lang mag-isa..."
Kumunot ang noo ni Brix pero hindi nagpumilit. Mag-isa akong lumabas ng gazebo at naglakad sa madilim na daan. Tulala lang ako. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
I would stand with Brix whatever it takes.
I swore to.
I have so many reasons.
But...
It felt like standing with him would just lead everything downhill?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro