Chapter 22
Chapter 22: Emotions
Tinuon ko ang atensyon sa mga binti habang naglalakad pabalik. Ramdam ko ang nanunuot na lamig sa loob dahil basa ang mga pang-loob ko na tinakpan lang ng pang-labas.
Narinig kong suminghap si Brix.
"Can I insist again?" he asked.
"Sa bungad lang ng gubat, Brix. We can't get out of here together."
"Damn." He sounded so upset. "I can't be proud of you even in my own kingdom. What a shame."
That's when I looked at him. Seryoso lang ang tingin nito sa daan. Wala itong pang-itaas na damit. Nabasa kasi ang damit niya at ang katwiran nito'y mas lalamigin siya kapag sinuot pa 'yon.
"That was fun..." I smiled.
He grumbled and said, "Don't say that."
"Why?" I chuckled.
Bumaling siya sa akin. Magkasalubong ang kanyang mga makapal na kilay. Ilang sandali pa ay sumimangot ito at muling tinuwid sa daan ang atensyon.
"Next time will be more fun..." he mumbled.
"Sure."
Huminto na ako nung nasa bungad na kami palabas ng kagubatan. Dito na ang hangganan ng paglalakad namin nang magkasama. Marami nang maaaring makakita sa amin paglabas dito.
Hands inside the pocket of his pants, Brix turned to me. He stared at me for a moment before a dashing smile formed on his lips. Without saying anything, he moved forward and embraced me.
"Forget what I've said earlier..." he whispered on my ear. "I wouldn't die for you."
"Oh. You regret it now?"
"No." Hinawakan niya ako sa balikat at hinarap sa kanya. "I will live for us, Astra."
Those were the sincerest words I've ever heard from him.
Lumapad ang ngiti ko. If only I could stop the time here and be with him longer. Naramdaman kong unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa balikat ko at hanggang sa binitiwan na niya ako.
I sniffed. "See you around, S."
"I am always around, Lady Astra."
Tumitig ako sa kanya nang ilang segundo bago tumango. Nilagpasan ko na siya. Hindi lumingon pabalik, nagawa kong makabalik sa tinitirahan namin.
Hahawakan ko na sana ang busol ng pinto pero nakaawang na ito nang kaunti. Umakyat sa dibdib ko ang kaba dahil siniguro kong nakasarado ito nang iwan kanina.
Someone got inside my room before me.
I gulped and opened the door. Sumalubong sa akin si Erikson na nakaupo sa kama ko, nakasandal sa ulunan at nagbabasa ng libro. Nanatili itong nakatingin sa libro, hindi ako nilingon.
I stepped inside with a lump in my throat. Dahan-dahan na sinarado ko ang pinto na tila takot na mahuli ng mga magulang dahil ginabi ng uwi. Nanatili akong nakatayo.
"Basa ka. Magpalit ka na ng damit," aniya nang hindi ako nililingon.
Tumango ako bago lumapit sa cabinet. Kumuha ako ng pantulog at dali-daling pumasok sa loob ng CR. Napabuga ako ng hangin nang makandado ang pinto.
Shit. He really waited for me here. Pakiramdam ko ay nahuli ako ng parents ko galing sa galaan. He's giving me that over protective parents vibe.
Nagbanlaw ako sandali at mabilis na nagpalit ng damit. Tumikhim ako bago binuksan ang pinto at lumabas ng CR. Naabutan ko si Erikson sa kaninang posisyon.
"You forgot your arrows..." bungad ni Erikson.
Bumagsak ang tingin ko sa mga sandata ko. Napangiwi ako. "Paanong nakarating 'yan diyan?"
"S brought it here."
Damn. Really, Brixton? Ano pa ang saysay ng paghihiwalay namin kanina para walang makakita sa amin? He really brought my arrows back here by himself.
"Okay. Sleep now." He suddenly closed the book and stood up. Nag-stretch ito ng katawan na animo'y nangawit na sa pagkakaupo. "Mauuna na ako. Lock the door..."
Napayuko ako. "I'm sorry..."
"For what?"
Umangat ang tingin ko sa kanya pero walang lumabas sa bibig ko.
"Nah. You are good." He grinned. "I hope you somehow eased his loneliness. And I hope you two had fun, too."
"Pinapahirapan mo talaga ako..." For some reason, I suddenly feel emotional. "I want this war to end but at the same time..." Lumunok ako. "I don't want you to leave."
"Aw." He stepped closer to me. "You are fine."
"What if there's more war after this? But that time... I don't have you anymore?" I asked.
"Listen, Astra. Life is a messy war. Hindi lahat ng kakampi mo ngayon ay makakasama mo sa lahat ng laban. That's why..." Hinawakan niya ang mga balikat ko. "You need to be strong. The greatest wars are the ones you fight alone."
In the blur of my sights, I smiled. "I still don't want you to go. Wala akong pakialam kung hindi mo na ako tutulungan. Kahit wala ka ng gawin para sa akin. I just want you to be there..."
"Hays. Listen, Astra—"
"Am I being selfish?"
"No." Mabilis itong umiling. "Nasanay ka lang na lagi akong nasa tabi mo. Pero kapag wala na ako... masasanay ka rin. Sanayan lang talaga 'yan. You are just starting, Astra."
"I get it." Hinawi ko ang luha sa aking mga mata. Suminghap ako bago tumango. "Sorry. I understand, Mr. Nadija. Sobrang na-o-overwhelm lang ako sa mga pangyayari."
Tumawa ito bago ako niyakap. "Pinagod ka nga siguro nang husto ni Brix."
Napaatras ito nang sikmuraan ko siya. Nagpaalam na rin ito na magpapahinga na. Pagkasarado ko ng pinto ay umupo ako sa kama at inabot ang suklay para magpatuyo ng buhok.
Hindi ako nakatulog. Hindi naman talaga namin kailangang matulog, kailangan lang namin ay pahinga. Nasanay lang ang katawan ko na natutulog 'pag gabi.
Maaga akong nagising at nakapag-agahan. Ngayon ay narito kami sa isa sa mga hardin at ang mga lalaking kasama ko ay naglalaro sa pangunguna ni Nigel.
"Ang baba!" angal ni Randolf. "Throw it higher!"
Nilalaro nila ang isang bote na ihahagis sa itaas at kailanga'y nakatayo kapag bumagsak. Kanina pa sila naglalaro pero ni isa ay wala pang nanalo. Paano kasi mas matagal pa ang pagtatalo nila kesa sa laro.
"Mataas na 'yon ah?" reklamo rin ni Erikson. "Si Nigel nga hindi man lagpas sa atin!"
"Wala akong pakialam doon. Kahit na sobrang baba ng hagis niya riyan ay hindi pa rin niya maitatayo. You can do better, Mr. Nadija. This is a competition between us."
"Is that an insult?" asked by Nigel.
"Ihahagis ko na..." saad ni Erikson.
Huminga nang malalim si Erikson at nag-focus sa bote. Hinagis niya 'yon at kaming lahat ay nakaabang na bumagsak. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay nawala nang parang bula ang bote sa hangin.
"Holy shit. Where did it go?" Humawak si Nigel sa laylayan ng damit ni Erikson. "Ayoko nang maglaro. Alis na tayo rito!"
"Bitiwan mo nga ako!"
"Where's the bottle, Mr. Nadija?"
"Alis kasi na tayo!"
Kumunot ang noo ko at luminga-linga sa paligid. Hindi pa rin namin mahanap kung nasaan ang bote. Hindi naman mataas ang paghagis ni Erikson kaya imposibleng mapunta 'yon sa malayo.
"This is how you do it, boys."
Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses at sabay-sabay rin na bumagsak ang mga panga namin sa nadatnan. Kumurap-kurap pa ako para patunayan na totoo ang nakikita.
She elegantly threw the bottle up in the air and it landed on the ground, standing perfectly.
"Whoa." Nigel got flabbergasted and couldn't help but to clap for her. "That was smooth as fuck. How did you do that?"
"Did I win? Oh, my feels. I did it!"
"Yeah!" Nigel laughed. "You are good!"
"L-Lady Nathalia..." Kumurap-kurap si Erikson. "Kailan ka pa bumalik?"
"It's good to see you back, Milady..." Nakangiting bumati si Randolf. "You look gorgeous as ever."
"Stating what's obvious, Mr. Wenson?" Humalukipkip si Nathalia.
Tumawa si Randolf. "Not that you didn't like it."
Marahan na tumawa si Nathalia. "Of course. You really know me."
Tumikhim si Nigel. "I am Prince Nigel Hezuera. The heir of Hezueras Clan. May I know your name? Are you from other clan? What a shame. Bakit ngayon lang kita nakita?"
Ignoring everyone, Nathalia turned to me. She screeched and approached me immediately. Muntik pa kaming matumba nang pabagsak itong yumakap sa akin.
"I missed you, Sis Astra!" Hinarap niya ako sa kanya. Mabilis na nangilatis ang kanyang tingin. "Humaba na ang buhok mo. Malambot pa rin naman. Oh, you didn't use sun protection cream? I see. You've had enough blood to sustain the flawless skin. You are gorgeous!"
I should be the one saying that but no words escaped my lips. I remember her in ash gray hair but this new chestnut brown looked perfect for her red modern fashion.
Her beauty never failed to strike me. I've seen a lot of faces but hers was the most captivating one and I was not even exaggerating. A star in red modern fashion, the queen of red lips, Nathalia Cardinal.
Humarap siya sa mga lalaking nakatulala pa rin sa kanya. She smiled at them and said, "What did I miss except that one of my brothers has built another clan and my dearest father was dead?"
If I was surprised with her sudden arrival, Nigel, on the other hand, looked confused as hell.
"I-I don't know what to say," si Erikson. "Mas mabuting si Lord Oscar na lang ang kausapin mo. Wait. Hindi pa ba kayo nagkita? Who guided you here?"
"Right. Where is Oscar?"
Nanlaki ang mga mata ni Nigel. "Milady, call him with respect. It should be Lord Oscar."
Pasimpleng siniko ni Randolf si Nigel.
Nathalia frowned. "Isa pa 'yang si Brix. Oh, my feels. What a mess. I came here for a vacation but anyway. Samahan mo muna ako sa kanila, Mr. Nadija."
"It's S! Kahit na maganda ka—"
Napasinghap si Nigel nang sa isang iglap ay nakalapit sa kanya si Nathalia. Hinawakan siya nito sa panga, mahigpit. Hinaplos din niya ang mga labi ni Nigel.
"Don't open your mouth unless I told you to, kiddo."
"Hey! Calm down. He's just a kid, Lady Nathalia," awat ni Erikson kay Nath at tinulak si Nigel palayo. "Let's go. Sasamahan na kita kay Lord Oscar."
Natahimik si Nigel. I could tell he was shocked that a looking graceful lady like her was this aggressive. If I would put a label on the Cardinal siblings, I could say Nath is the brutal one next to Brix.
I think she could be more ruthless than Brix.
Nakangiting humarap sa akin si Nathalia. "It's nice to see you again, Sis Astra. Let's hang out later. Uunahin ko lang ito." She rolled her eyes. "Let's go, Mr. Nadija. I need to bathe too."
Hanggang sa makaalis sila ay hindi ako nakapagsalita.
"S-she's really back..." I muttered.
"Who is she?" Nigel asked.
"One of the Cardinal siblings," answered by Randolf.
Nanlaki ang mga mata ni Nigel. "You mean... kapatid ni idol?"
"Hush. Don't label her like that. She has her own identity worldwide. She's more than just the only girl of Cardinals. Her existence doesn't just revolve around vampires. Even half of the human population knows who is Lady Nathalia Cardinal."
I've got goosebumps. I know she's a Hollywood supermodel but I didn't know she was that known.
"Damn. Paano pag nalaman ni idol na nabastos ko ang kapatid niya?"
"As if he cares." Humalakhak si Randolf.
Huminga ako nang malalim. Now she's back, what's going to happen? Kanino siya kakampi? She's obviously a Nightfall but I know she cares for Brix, too.
I haven't heard from her for the next few hours. Maging si Brix ay hindi ein nagpakita. Hindi naman kami maaaring pumasok sa kastilyo nang hindi pinapapunta.
Everything was peaceful so far. Then... why would I feel it somehow bothersome? Maybe because I am not used to not experiencing complications each time.
After dinner, I decided to have a walk. Sumama sa akin si Nigel.
"There's a lake here," he mentioned.
Tumango ako.
Habang papunta roon, naalala ko ang sinabi ni Brix tungkol kay Magda. Gusto kong magbukas ng topic tungkol doon pero natatakot akong baka hindi ko mapigilan ang bibig ko.
"You think idol is mad at me?" Nigel suddenly asked.
Nakaupo kami ngayon sa damuhan sa gilid ng ilog. Kumuha ako ng maliit na bato at tinapon ito sa tubig. Tumalbog 'yon nang ilang beses bago lumubog.
"For what?" I asked.
"Kasi hindi ko nakilala ang kapatid niya? That was so impolite of me."
Natawa ako. "Why do you idolize him that much?"
"He's so strong..."
"Aside from that?"
Napaisip ito.
"We are somehow the same? Not with the ability huh? Damn. How I wish."
"That's why you need to train more. Take it seriously. Wala namang nag-umpisa na mahusay agad. Nahahasa lang 'yan habang nagkakamali ka. Huwag ka lang matakot na sumubok uli."
Niyakap ko ang mga tuhod ko habang nakatingin sa tubig. Madilim na ang paligid. Malakas ang hangin dito dahil malapit sa palayan. Nakakagaan sa pakiramdam ang tunog ng pag-agos ng tubig.
"I don't know..." he mumbled. "It just feels like... I am not the rightful heir."
That got me. "What do you mean?"
Wala akong nakuhang sagot.
Posible kayang si Magda ang mas matanda sa kanilang dalawa at kung sakali ay siya ang karapat-dapat na hahalili sa trono? Ito ba ang rason kaya siya nagloloko sa pag-eensayo? He thinks he doesn't deserve it?
"Hey." Humarap ako sa kanya. "You can't say you are not the rightful one without even trying...."
"You don't get it. What I mean is..." Tumingin siya sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kalungkot. "What if there's someone out there who deserves it more?"
Doon ako hindi nakasagot. I don't know how to comfort him. I can't comfort him with lies. Gusto ko mang sabihin sa kanya na alam ko ang mga nangayayari at naiintindihan ko siya ay hindi ko magawa.
"This is how they treated him, right? But in his case, he was the rightful heir of Nightfall Clan. Pero inagaw ito sa kanya. Maybe we are not the same after all. He is better in every aspect."
"Geez. Stop comparing yourself."
Umangat ang tingin namin sa nagsalita.
Nanlaki ang mga mata ni Nigel.
"M-Magda..."
Ngumiti si Magda. "Why is the heir of Hezueras Clan is self-pitying?"
Bumaba ang tingin ko sa kanyang tiyan. Natuwa ako nang makita na naroon pa rin ang bata. Malaki na ang tiyan niya. Sa kabila ng mga dinanas niya ay mas pinili niya pa ring buhayin ang bata.
"Magda!" Tumayo si Nigel at niyakap ito.
This is the first time I've seen Magda smiled like this. Nung nasa Nightfall kami, seryoso lang ito lagi at parang laging nangangamba. She looked more peaceful now. This is I think the Severus effect. She knows no one can hurt them here.
"Are you crying, Nigel?" she asked. "You never changed."
Napansin kong nanginginig nga ang mga balikat ni Nigel. He's crying.
Bumaba ang tingin sa akin ni Magda kaya nginitian ko siya. Gano'n din ang ginawa niya.
Tumayo na ako at nagpagpag ng mga kamay. Pinagmasdan ko uli ang magkapatid bago tumalikod at naglakad palayo. Kailangan nilang makapag-usap.
If Nigel could see himself in Brix, meanwhile, I could see myself in his sister, Magda. We are somehow the same. Ang pinagkaiba lang ay alam ng ama ng anak niya ang tungkol sa bata.
Pero hindi katulad ng estado ni Brix ang ama ng anak ni Magda. Brix... has a lot of enemies who are willing to do anything just to finish him. Ayokong gamitin nila ang anak namin laban sa kanyang ama.
I know Brix is capable of protecting us but I don't want to risk my daughter. Ayokong madamay siya rito. Mas safe siya kung walang ibang nakakaalam tungkol sa kanya.
For now... I still want her to be a secret.
"What an emotional scene..."
Napatingin ako sa nagsalita. Lady Grenda appeared in red veil. I didn't even notice her until now. Pakiramdam ko tuloy ay lagi siyang nakasunod sa akin.
Mabilis na umakyat sa dibdib ko ang kaba.
"I see. Prince Nigel Hezuera has a sister," aniya pa habang naiiling. "Does Hezueras know about this? I bet no. She's pregnant. That would be a disgrace for Hezueras."
"What do you want?"
"To answer your question."
Hindi ako sumagot.
Ngumiti ito sa akin bago inalis ang talukbong sa ulo.
"You were wondering why witches don't see me as one of them anymore?" Lumapit siya sa akin. "Pero bago ang lahat, gusto lang kitang batiin. You are good at putting scattered pieces into their places. Madali mong mapagdugtong-dugtong ang mga pangyayari. Commendable."
Hindi natinag ang kabog sa dibdib ko. Hindi ko alam kung gusto kong marinig ang sagot niya. I am curious but nervous at the same time. Masama ang kutob ko.
"But be careful, Lady Astra." She smiled. Hinawakan niya ang braso ko at hinaplos. "Some shattered pieces could cut through your skin while putting them together. Be careful with the pieces."
Hinablot ko ang braso ko at umatras.
Imbes na mainsulto ay mas lumapad ang ngiti niya.
"They took my ability when I failed to help them at their lowest point," she stated, clearly talking about why witches don't longer see her as one of them. "If I was just there, their lives wouldn't put at jeopardy. Maaaring naligtas ko pa ang iba sa kanila. My absence during that crucial moment had pushed them to take away my ability."
"That's it. That's all I want to know."
Natawa ito. "Why in hurry?"
"Baka hinahanap na nila ako."
"Scared."
"Why would I be?"
"Ayaw mo bang malaman kung sino ang nasa likod ng dahilan kung bakit kinailangan nila ng tulong ko? Don't you want to know who slaughtered half of them?"
Tumalikod na ako at naglakad palayo.
"Put the pieces together, I hope you won't bleed," pahabol nito.
Hindi ako agad dumiretso sa tirahan. Lumiko ako at pumunta sa ibang bahagi ng ilog. Umupo ako at niyakap ang mga tuhod ko. Nanginginig ang katawan ko.
"No." My lips quivered.
"Andito ka lang pala..."
Yumuko ako sa mga tuhod ko.
"What's wrong? Oh. My sister?"
Hindi ako sumagot.
"Astra. What did I do now? Are you mad again?"
Umiling ako, nanatili pa ring nakayuko.
"Then, what?" Sinubukan niyang iangat ang ulo ko pero hindi ko ginawa.
Hindi naman ito nagpumilit.
"I-I'm just tired..." I muttered.
"Sure. Ihatid na lang kita..."
"No." Inangat ko ang tingin ko. "Kaya ko na ang sarili ko, Brix."
Tinitigan niya ako. "Are you avoiding me?"
Napatitig din ako sa kanya.
I already have the answer why Lady Grenda doesn't practice witchcraft anymore. Nasagot na rin ang tanong ko kung bakit tila galit sa kanya ang mga kauri niyang manggagamot.
I only have one question left.
"Astra? I'm not good at guessing. I can't read your mind anymore. Say it. Hurtful? I don't care. Whatever it is... just say it."
Why witches loathe this man so much?
"I'm worried, Astra. I avoided you the whole day. May nagawa na naman ba akong hindi mo nagustuhan?"
"Brix. How did you get your fog ability?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro