Chapter 2
Chapter 2: The Fog and The Crows
According to the book of Immortality: A Journey to Infinity, vampires grow three times faster than humans. When a vampire turns one year old, the physical and mental capability of it is already equivalent to a three-year-old human. So, once a vampire reaches the age of thirteen, he's already a grown-up man. To sustain a good and well-built physical appearance, drinking enough blood is needed, especially human blood.
The book also reveals that centuries ago, vampires could interact with humans. It's hard to believe that two completely different worlds were once united to help each other— something that didn't also last when humans started to get envious of the superiority of vampires to everything. That started a revolution that has been only sealed by a treaty that both parties agreed on – The Humans and Vampires Treaty.
Since vampires are immortal and much more powerful than humans, vampires agreed to humans to stop the growing population at them that time. That's when the pregnancy prohibition of vampires has been promised. To make it up for vampires, humans swore to keep the secrecy of vampires' existence. That's how they kept the peace between the two.
To sum it up, Lady Melendez lied when she said that a vampire can't get pregnant, we can. No matter if you are a pureblood or a slave, you can get pregnant. The only thing that will kill us is the law and the promise we swore.
Sa kondisyon ko naman ay pinoprotektahan ako ni Pinunong Bermudo. From my pregnancy, until I give birth, it will be a secret that only us know. This also serves as one of the purposes of the bracelet, to conceal the blood I shared with my daughter once I give birth.
"Astra..."
Nakasandal ako sa ulunan ng kama habang nagbabasa nung pumasok ng kwarto ko si Abel. Nakapangbukid itong damit na may kaunting butas at pingpapawisan pa.
"Sorry. Amoy pawis ako,"puna nito.
Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang papel.
"Ah.May sulat ka nga pala," aniya.
Mabilis kong binitiwan ang librong binabasa para tanggapin ang nakarolyo na papel na may tali pa. Dali-dali ko itong binuksan at tama nga ako. Galing kay Erikson ang sulat na ito.
I was shaking in excitement when I read it.
From Mr. Erikson Nadija, Nightfall Clan.
To Astralla Martin, Esparago Clan.
Hey, I hope you are Astra.
How have you been? Sorry. Medyo naging busy kasi ako nitong mga nakalipas na buwan kaya hindi kita nabisita. I hope you are good and happy there. In case you are wondering, ayos din naman ako. I just miss my friend. You know? Nakaka-miss na napapakamot na lang ako sa batok kapag may ginagawa kang kapabayaan. How's your training there? You promised to be back stronger. Gusto kong i-try kapag nakita na kita ah? Huwag mong isipin si Brix. He's good. Come on. It's Brixton Wenz Fucking Cardinal. Kidding. Yep. That's all. I just really miss you. If you can write back, please? I can't wait to see you again... friend.
I got teary-eyed while reading his letter. I didn't know how much I missed him too until now. Siya ang lagging nariyan sa akin kapag nalalagay sa alanganin ang buhay ko. From the very start until now, he has been my companion. He is one of the few vampires I can trust my life with.
I looked up at Abel. "Can I write back?"
"Sure." He smiled.
Tiniklop ko uli ang sulat galing kay Erikson saka ako umupo sa tapat ng nightstand. Kumuha ako ng malinis na papel at panulat saka nag-umpisa sa aking dalawang pahinang sulat.
"Wow. Two pages. You miss him that much huh?" Abel teased when he took the letter on my hand.
I just nodded. Nitong mga nakaraang araw ay madalas akong hingalin at minsan ay nahihirapang huminga. Malimit na ring mangawit ang likod ko. Ito ang mga senyales na ilang araw na lang ang natitirang araw bago ako magsilang.
"I should go now," said Abel.
Imbes na sumagot ay dumapo lang ang tingin ko sa purselas na nakasuot sa palapulsuan ko. I can't get it off no matter what I do. Mas sumisikip lang ito kapag tinatangka kong hubarin. The enchantment on the bracelet will only break after I give birth and my daughter will inherit it.
Sa halip na umalis na ay umupo si Abel sa kama ko at nakaharap ngayon sa akin.
"We can continue the training after you give birth," he mentioned.
Dinama ko ang mga bilog sa purselas gamit ang aking mga daliri. No. I am not thinking about the days I spent that instead of training, I am here and just waiting.
"I will go back to Nightfall Clan after I give birth, Abel," I spilled what has been going on inside my mind. That's when I turned to Abel. "Alone..." I added.
That's my plan. Kung magbabalik si Brix, alam kong doon agad siya pupunta. Saka masyadong tahimik ang Esparago Clan na hindi ako sanay. Gusto kong makakalap ng impormasyon na sa Nightfall Clan ko lang masasagap.
"Are you ready?" he asked.
I've got goosebumps when I heard that question.
Am I?
I am. I know. I can say that I am better now. Mas marami na akong alam kesa sa dati, sa lahat ng bagay. But sometimes, no matter how ready we are, there are circumstances that will catch us off guard.
"We are never ready, aren't we?" I questioned.
He stared at me for a moment before a smile formed on his lips. "You have really improved that much, Astra."
Napangiti na lang din ako.
"I remember when I first met you. You were lost, confused, and making up stories full of loopholes," he snickered, shaking his head. "You seemed to follow a plan without a plan at all. But now, look at yourself..."
"I am bulky," I laughed, too.
He shook his head. "You look prepared for whatever the outcome is. You are no longer that messy, reckless woman, Astra." Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. "Your daughter is helping you with that..."
Wala sa sariling napahimas din ako sa tiyan ko.
"It's all for her..." I mumbled.
"That's the unbreakable plan," he pointed out which I agreed on. "Anyway, I need to send this letter before the day ends." He stood up and was ready to leave. "You may rest now..."
Bago siya umalis ay hinawakan ko muna ang kamay niyang may hawak sa sulat ko. Napatitig ito sa akin at halatang gulat sa ginawa ko.
"You must have loved her that much," I said.
Payak na ngiti ang sumilip sa kanyang labi. "I still regret I did..."
"If you were given a chance to change it, Abel. Would you?"
It only takes a second for him to answer that, "I am happy now. That's what matters to me."
Sa bawat oras na lumilipas ay pataas nang pataas ang kaba sa dibdib ko. Pansin ko na rin ang mga namumuong hamog sa paligid ng Esparago Clan. Kahit na tanghali ay hindi naaalis ang mga hamog na tila naghihintay rin sa pagsilang ko.
"Hindi hahawakan ng hamog ang anak mo habang suot mo ang purselas," ani Ginang Melendez. Mas madalas na siyang bumisita ngayon sa akin para tingnan ang kalagayan ko.
Tinanggap ko ang inalok niyang dugo na nakabaso. Uminom ako sandali bago nagsalita, "Pareho sila ng ama niyang tila kaibigan ang hamog, hindi ba, Ginang Melendez?"
Bumuntonghininga si Ginang Melendez bago umiling.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumunta ito sa balkonahe at sinilip ang labas. "Hindi magkapareho ng hamog ang mag-ama, Astra. Kung susuriin mong mabuti... ang hamog ng iyong anak ay tila may sariling buhay. Hindi hamak na mas madilim kesa sa kanyang ama... mas matindi ang apekto."
Kahit na kasalukuyan akong umiinom ng dugo ay tila nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Napansin ko rin 'yon. Mas madilim ang hamog sa labas... maihahalingtulad sa madilim na ulap at namumuong-bagyo.
"May isa pa pala, Ginang Melendez..." banggit ko.
Humarap sa akin si Ginang Melendez. "Ano 'yon, Astra?"
Lumunok ako. "K-kasi tuwing madaling-araw... nagigising na lang ako na may nakatingin na itim na uwak sa labas ng bintana. Minsan ay dalawa pa nga."
Naguluhan ang mukha ni Ginang Melendez.
"I mean... marami namang uwak dito sa Esparago Clan, hindi ba? Baka napapadaan lang." Tinapalan ko ng tawa ang kaba sa dibdib.
"Itim na uwak..." banggit ni Ginang Melendez. "Baka nga, Astra. Huwag mo nang isipin 'yon."
Habang mas tumatagal ay pakapal nang pakapal ang hamog sa paligid. Hindi naman nakakasakal ito. Parang normal na hamog lang. Ramdam ko na rin na malapit na akong manganak.
Isang gabi ay nagising ako uli nang makarinig ng iyak ng uwak. Tamad na bumangon ako sa kama at tumingin sa balkunahe. Nangilabot ako nang makita ang napakaraming uwak doon... sa akin lahat nakatingin.
I don't think this is still coincidental. There's something strange about this.
Nabingi ako nang sabay-sabay na umiyak ang mga ito. Pagkatayo ko ay may naramdaman akong umaagos sa binti ko kasabay ng pag-atake ng isang nakakapangilabot na sakit sa katawan ko.
Umawang ang bibig ko at agad din na napaupo.
Shit!
Inabot ko ang tela sa gilid at kinagat para hindi mapasigaw sa sakit. Hindi rin nagtagal ay may nagbukas sa pinto. Dali-daling pumasok si Ginang Melendez kasama si Abel. May dala silang mga gamit sa panganganak.
"Manganganak na siya, Ginang Melendez!" si Abel na halatang excited.
Lumuhod sa harapan ko si Ginang Melendez at sinilip ang ibaba ko. Nagmadali rin itong tumayo at nilapitan ang kanyang mga kagamitan. Natigilan ito nang mapagawi ang tingin sa labas ng bintana.
"B-bakit ang daming uwak?" takang tanong ni Abel.
"Ihiga mo na lang si Astra, Abel," utos ni Ginang Melendez. Nilapitan niya ang bintana at ibinaba ang kurtina. Hindi nagpatinag sa pag-iyak ang mga uwak, mas lalo pa ngang lumakas.
Hingal na hingal ako habang marahan na hinihiga ni Abel sa kama.
"It's going to be fine..." he whispered.
Pumatak ang luha sa mga mata ko kasabay ng pag-umpisa sa proseso ng panganganak. I am so hurt right now, physically and emotionally. I wish Brix was here. I wish he would witness this. All this time... I wish he was with me.
Hawak ni Abel ang kamay ko habang si Ginang Melendez ang nagpapanganak sa akin. Paulit-ulit na pinaalala sa akin ni Abel na magiging maayos din ang lahat... na sa wakas ay mailalabas ko na ang anak ko.
"You still rememeber when you said you were pregnant with Sev's child?" Abel asked, tring to divert my thoughts. "You lied but it came true later but with Brixton's. You really need to be careful what you wish for."
I closed my eyes and forced myself to push it even more. Hindi rin nagtagal ay tila nabingi na ako. All I could hear was my pounding heartbeat, the wrecking pain, my longing feelings... the thought of how I wish someone else was with me during this time.
I am about to give birth to our princess. I really wish you were here.
"Malapit na! Kaunti na lang, Astra!" ani Ginang Melendez.
The excruciating pain... it felt like I could pass out anytime. But no. I don't want to sleep without hearing her cry first. Gusto ko muna siyang mahawakan.
I waited for this. I have endured it for a long time, I just need to push it a little bit more.
Ilang sandali pa ay tumigal na sa pag-iyak ang mga uwak... at isang bagong tinig na iyak ang narinig ko. Nanginig ang mga labi ko nang ibaba ko ang tingin sa hawak ni Ginang Melendez.
"It's done..." Abel whispered.
After a few moments, Lady Melendez gave me a baby wrapped in white diaper. Tears of too much joy streamed down my face. Her tiny cries is melting my heart.
I embraced it on my arms as I stared at my princess for the first time.
This is the best thing that happened to me.
Hinaplos ko ang kanyang pisngi bago dahan-dahan na hinagkan.
Naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng purselas na suot ko. Kinuha ito ni Ginang Melendez at sinuot sa munting kamay ng aking anak. Mas lalong lumakas ang iyak nito.
Hinaplos ko uli ang kanyang pisngi at dahan-dahan na hinawakan ang kanyang mga labi. Her lips slightly parted, giving me the entrance. It's the instinct that pushed me to put my finger inside her little mouth. I felt a needle-like pain penetrated my finger and before I even knew... she was sucking my blood.
I smiled when I noticed blood of mine leaked down her lower lip.
"You are the best thing that ever happened to me, Hyacinth..." I whispered.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro