Chapter 16
Chapter 16: Flickering Lights
There are so many things going on in my head and it's adding weight to my chest. I thought I could clear up some questions tonight but it just got more complicated.
With my quaking hands, I pulled the reins of my horse and altered course. I couldn't feel Abel next to me so I pushed the strength even more so I could make at least create a huge distance between us.
I don't want to return yet. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko kay Aya. Hindi pa naman sumisikat ang araw kaya may kaunting oras pa ako para makapag-isip.
When I made sure Abel didn't manage to follow me, I halted Servena. Tumalon ako pababa at hinila siya palapit sa sapa. Tinali ko ang lubid niya sa bato at siniguro kong mahigpit na 'yon para hindi na siya makawala.
I stepped back as I watched her drink on the flowing water. That's when I realized this is the same spot where I stopped last time when Brix and I were being chased by an archer.
Time flies fast. I am in a different situation now. No one is chasing me. No one is with me but my clouded mind.
I sat on the rock as I soaked my feet in the freezing water. Suminghap ako bago pinatong ang baba ng mukha sa aking tuhod. Pinagmasdan ko ang pag-agos ng malinaw na tubig.
Aya needs to endure the pain until she learns how to control it. It sucks when I can't do anything to help her. What's worse is I can't even be with her for a long time.
I need to go and leave soon.
I wiped the tears on my face. Ang dami kong kasalanan sa kanya. Hindi ko talaga alam kung paano ipapaintindi sa kanya ito balang-araw. Kung paano ko ipapaliwanag na... ang buhay niya ay isang malaking pasakit lamang sa kanya.
In other news, Lady Melendez is missing for an unknown reason, too. Kung ano man 'yon ay alam kong may kinalaman sa amin. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang rason.
That Lady Majika, too.
I immediately shook my head.
I came here to seek answers. Pero mukhang aalis ako nang may mas marami pang katanungan. Pakiramdam ko ay sa bawat pagdaan ng araw ay palubog ako nang palubog. The only thing that keeps me in sane is my daughter.
I gasped when I felt a splash of water on my face. Bumaling ako kay Servena na nakatingin sa akin. Muli niyang sinipa ang tubig papunta sa akin. Napangiti ako sa ginawa niya.
"I'm fine, Servena. It's just..." I shrugged my shoulders. "I don't know. I really don't know."
"Andito ka lang pala..."
Hindi ko nilingon si Abel. Naramdaman kong tinali niya rin ang kabayo niya sa tabi ni Servena saka tumabi sa akin. Tinupi niya ang kanyang pantalon para ibabad sa tubig ang mga binti.
"I knew you were not heading home," he said.
Tinuon ko lang ang atensyon sa umaagos na tubig. Ramdam ko na ang lamig sa aking mga binti. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko dahil kagabi pa ang huli kong inom.
"Are you leaving tomorrow?" he asked.
That's when I grasped... my time here is almost over. Bukas din ay may panibago na naman akong kakaharapin. That also means... I need to leave my daughter again.
"Hindi nakakarating sa amin ang mga balita sa labas. Maaari ko bang malaman ang mga nangyayari, Astra?" mababang boses na pakiusap ni Abel. "Kung hindi ka rin naman kumportable—"
"Pupunta kaming Severus Clan bukas," putol ko sa kanya. "If you are not aware yet, that's the clan Brix leads."
Awtomatikong napalingon sa akin si Abel pero sa tubig pa rin ang atensyon ko. I know that's disturbing. Halos kalaban ng lahat ang Severus Clan. Maging ako...
"With Nightfall Clan?"
I nodded. "And with all our alliances."
"Damn."
I chuckled. "Yeah."
Hinawakan niya ang balikat ko at hinarap ako sa kanya. He looked so worried.
"You are a Nightfall. No matter who is Brix to you... you two are enemies."
Natigilan ako. He's right.
One of the reasons why I am here too is because of that. I don't see Brix as an enemy even though we are. No. He is still my master. But I am a Nightfall. I also don't see Oscar as a rival.
I am torn.
I gulped the lump in my throat. "Do you think, Abel. May pag-asa pa bang magkaayos ang lahat? Alam kong masyado nang malalim ang lahat pero... may pag-asa pa kaya?"
Tumitig ito nang ilang segundo sa akin. "H-hindi ko rin alam, Astra. Brixton has all the reason to attack and Lord Oscar has all the reason to defend his land either."
"If one of them yields—"
"None of them will yield." Abel shook his head. "Unfortunately... that's not how I see it."
Bumagsak uli sa tubig ang tingin ko. Then I don't how this one will end. Natatakot akong mas lumala pa ang lahat... kung hindi pa malala ang nangyayari.
"You will meet him again..."
I remained unresponsive. If the situation was not as cruel as what we are in right now, I would be anticipating meeting him again. But I know... meeting him is another problem.
"Anyway... what happened back there?" Nag-ipa ang topic niya. "What about the bird?"
Umiling lang ako.
"Come on, Astra. You looked so anxious. Wala akong nakitang ibon. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy mo." Sandali siyang tumigil, naghintay ng sagot. Nung napansin niyang wala akong balak na sumagot ay nagpatuloy ito. "Nasa mundo nila tayo kanina, Astra. Lahat ng nakita natin ay likha nila."
"Then... why didn't you see the bird?" Tumingin ako kay Abel at nagtaas ng mga kilay. "Were you too focused on something else that you didn't even notice the burning bird flying across the sky?"
Umawang ang labi niya at hindi agad nakapagsalita.
Huminga ako nang malalim. "Forget it."
"I don't know. Sorry. Wala akong napansin—"
"It could be just a hallucination," sabi ko na lang. Umangat ang tingin ko. "Paangat na rin ang araw. Maybe we should return now? Gusto ko pang makasama si Aya."
Nauna nang tumayo si Abel at naglahad ng kamay sa akin. "I know you are confused right now. Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo. I just want to say... Esparago Clan is waiting for you. Your daughter is waiting for you. I am waiting for you, Astra..."
Napangiti ako sa sinabi niya. That's somehow made me feel a bit better. Knowing there's still a place I can run to when everyone else turns their back on me.
Tinanggap ko ang kanyang kamay. Napasinghap ako nang hatakin niya ako. Napasandal ako sa kanyang dibdib. Umangat ang tingin ko sa kanya.
"Always..." he whispered.
Tumango lang ako bago humiwalay. Suminghap ako ng hangin bago nilapitan si Servena at kinalag ang lubig. Sumakay na ako sa kanya at hinintay na matapos din si Abel.
After we returned in Esparago Clan, I immediately went to see Aya. Naabutan ko siyang akay-akay ni Lady Aida at palabas ng kwarto. Ang sabi nito sa akin ay nag-aaral daw maglakad si Aya 'pag ganitong oras.
We went on the green field. Dahil sa damo ay hindi masasaktan si Aya kahit na madapa.
I watched how she playfully tried to walk as we cheered for her. She's so eager to walk! Sa tuwing bubuhatin siya ni Lady Aida ay agad itong magpapababa. She also crawled on the grass.
"No!" I laughed when she tried to put grass on her mouth. "That's not food, baby. Are you thirsty?"
Tumayo ito uli at naglakad-lakad. Huminto muna ako sa paghabol sa kanya. Hinayaan ko siyang makalayo. Tuwang-tuwa ito dahil malaya. Ako naman ay nakangiti lang.
I leaned my back against the trunk of a tree as I observed my daughter play on the field. I could hear her giggles from here. I don't want to think of leaving right now but...
"I will miss this..." I whispered.
"Aalis ka na naman ba, Lady Astra?" tanong ni Lady Aida.
Tumango ako. "I need to..."
I don't know how to leave for the second time but I need to.
Napansin kong tumigil sa paglalakad ang anak ko. Nanatili lang itong nakatayo at nakatalikod sa amin. Akala ko ay napagod lang ito. Kumunot ang noo ko nang mapansin na nakakuyom ang kanyang mga kamao.
"Aya?" I called her name.
Napatayo ako nang may makitang hamog.
Kumabog ang dibdib ko. Nagkumahog akong lumapit sa kanya. Mabilis ko itong binuhat at nilayo. Naglaho rin agad ang hamog sa damuhan. Iniwan nito ang isang walang buhay na ahas.
What?
Did Aya just kill the snake? With the help of fog?
I faced my daughter. She just stared at me back.
"Lady Astra?" Napatingin ako kay Tegan. May dala itong basket at palapit sa punong kaninang inuupuan ko. "Nagdala ako ng pagkain baka gutom na kayo! Kain muna!"
Muli kong sinulyapan ang ahas. Bigla itong gumalaw at gumapang palayo.
She didn't kill the snake. Malamang na nawalan lang ito ng malay gawa ng hamog.
"Uhmm!" Nagpumiglas sa bisig ko si Aya kaya binaba ko siya. Patakbo naman itong lumapit kina Tegan.
Sumunod din ako agad. Umupo si Aya sa damuhan at pinanuod na maglabas ng pagkain si Tegan. Umupo naman ako sa tabi ng anak ko. Mukhang ayos lang naman ito.
"Here..." Tegan gave Aya bread.
Kumuha rin ako at gano'n din si Lady Aida.
"Mukhang tuwang-tuwa si Aya ah," puna ni Tegan.
Kumagat ako sa tinapay bago muling tiningnan ang tinayuan kanina ni Aya. Wala namang hamog do'n. I wonder if she can summon a fog or call it from nature. But one thing is for sure... the fog saved my daughter from harm.
"Lady Astra?" Naagaw ni Tegan ang atensyon ko. "Aalis ka na raw uli bukas?"
Marahan na tumango ito.
Naramdaman kong sumandal sa akin ang anak ko. Mayamaya ay dumausdos na ito at nakatulog. Hiniga ko siya sa hita ko. Yumuko ako para halikan siya sa pisngi.
I brushed her hair as I gazed at her face. She's growing so fast. Natatakot akong mas malaki na siya sa susunod na pagbalik ko. O baka may muwang na siya at nagtatanong.
"Aya is so pretty like you..." Tegan complimented.
Tumawa si Lady Aida. "Ang daming babae sa paligid pero si Aya pa lang ang sinabihan mo niyan, Tegan."
"What about it?"
"Wala lang. Binata ka na talaga—"
"Ayan ka na naman, Lady Aida. Lagi mong pinapaalala sa akin na naging baby ako."
Nang-aasar na tumawa si Lady Aida. "Bakit parang kinakahiya mong naging baby ka?"
Sumandal ako sa puno. Hindi ko pa rin tinitigilan ang paghawi sa buhok ni Aya na mahimbing ang tulog. Hawak pa rin nito sa kanyang kamay ang tinapay. Mukhang napagod siya nang husto.
Sa loob ng isang araw, huling araw na makakasama ko si Aya, ay maraming nangyari. Sinigurado kong nag-iwan ako ng dugo kung sakaling hanapin man ito ni Aya. Buong araw akong nakipaglaro sa kanya. Hindi ko naramdaman ang pagod.
Ngayon ay inuugoy ko ang kuna ni Aya na mahimbing ang tulog. As usual, why we were playing in bed, she suddenly fell asleep. Ayoko man na matulog agad siya ay hinayaan ko na lang.
She must be exhausted.
It's night now. That means... I only have hours left here.
Kung paano napagaan ng lugar na ito ang pakiramdam ko nung bumalik ako, gano'n na lang din kung bumagsak ito ngayong kailangan ko na namang umalis.
I don't know when will I be back but one thing is for sure. Things won't be the same again. But just like what I promised before, I will always make way for her. Nothing I can't do just to be with her.
"Kaunti lang," paalala na naman ni Abel.
Umiling ako bago muling tumungga sa alak. Sa halip na matulog ay inaya ko na lang si Abel na uminom ng alak. He was hesitant at first because I need to travel after this but he also approved after.
We were sitting on a bench and staring at the farm. I could feel the cold breeze of the night but my body refused to shiver. My body could feel anything just like humans, it's just I can withstand it.
"I-I don't want to go..." I whispered after letting out a heavy sigh. Tumitig ako kay Abel. "I wish I could just forget everything and be with my daughter. Sana ay pwedeng gano'n na lang talaga."
"Your daughter is safe. Iyon ang lagi mong tatandaan."
"I know..." A bitter smile formed on my lips. "I wish she was also safe with me."
"She is—"
"Never safe while I am around," I cut him off.
Bumuntonghininga na lang si Abel. Uminom din ito sa kanyang alak bago tumuwid ang tingin.
Suminghap ako bago tumungga uli. Alam kong tatamaan na ako ng alak. Kailangan ko lang nang ilang oras na idlip at alam kong bababa rin ang epekto nito. May oras pa naman.
"I am sorry if you need to endure this alone," Abel said after the long silence.
I chuckled. "No one knows though. Including her father..."
"Now that you are going to meet again—"
"Aya will remain a secret," madiin kong sambit. "I can't trust anyone, even her father."
Abel nodded. "You know that we can protect Aya from everyone except from him. If he wants something, he gets it easily."
"That's why I need to be more careful."
"On the other side, what if si Brix ang makatulong sa inyo—"
"No." Tumawa ako habang umiiling. "You don't know Brix. He's not scared of anyone or anything. If he finds out about Aya, I'm afraid he can't keep it to himself. Ang tanging kailangan ni Aya ay katahimikan. Marami pa siyang dinaramdam, Abel. Ayokong dagdagan pa ito."
Aya needs peace the most.
She can't face the outside world just yet.
"I know..." Lumungkot ang boses ni Abel. "But I am a father, too. I know how it feels when your kid calls you father. I think... Brix deserves to feel that, too. No matter what..."
"That day will come. I know."
Matapos ang inuman namin ni Abel ay bumalik ako sa kwarto ni Aya. Tulog pa rin ito. Medyo umiikot na ang paningin ko. Hindi ko hinawakan ang kuna niya dahil baka magalaw ko at magising ito.
When I was sure she's safe, I lied down in bed. Tumingala ako sa kisame. Huminga ako nang malalim bago tumagilid at hinarap ang anak ko na nasa kuna.
My lips trembled. I don't want to go yet.
Damn. Ang sakit.
Ang sikip sa dibdib sa tuwing iisipin kong hindi ko na naman siya makikita.
"I love you, Aya..."
Nagising ako nang marinig ang iyak ni Aya. Pansamantala akong natigilan nang mapansin na nababalutan ng hamog ang buong paligid. Nang makabawi ay dali-dali akong tumayo at lumapit sa kuna.
Wala si Aya sa kuna.
"Aya!" I screamed her name.
The fog is preventing me to have a clear vision. I can't feel her presence here so I immediately stormed out of the room. With my pounding heart, I went out to look around.
To my surprise, everything seemed so peaceful outside. Wala akong makitang hamog. Tahimik.
Something is wrong...
"Aya!" I screamed her name again.
My knees startled to tremble. Shit.
Napansin ko ang isang anino na papasok sa gubat. Mabilis na sinundan ko 'yon.
I saw a woman holding my daughter. She's running so fast.
"Ibalik mo ang anak ko!" sigaw ko.
"Astra!"
Napabangon ako at hingal na hingal. Tumingin ako kay Abel na nag-aalala. Dali-dali akong tumayo at tinungo ang kuna kung saan nadatnan ko si Aya na mulat ang mga mata.
Nakahinga ako nang maluwag.
"What's wrong?" Abel asked.
May kung ano ang bumara sa lalamunan ko. The next think I knew... I was already crying. Binuhat ko si Aya at niyakap nang mahigpit. Walang patid ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
I gasped for more air. Ramdam ko pa rin ang kabog sa dibdib.
Hinagot ni Abel ang likod ko. "Panaginip lang 'yon. Kalma..."
I sniffed. Gusto kong isipin na gano'n lang talaga 'yon.
"S-someone is trying to get my daughter..."
My lips quivered. It was just a dream but it felt real. My daughter is in my arms. She's safe. Pero hindi ito naging sapat para patahanin ang naghuhuramentadong dibdib.
"Aya..." I called my daughter. "Oh, God. Please no..."
"Sshhh..." Kinuha sa akin ni Abel si Aya saka ako hinarap sa kanya. "Look at your daughter." Napatitig ako kay Aya. "She's safe. Nothing can harm her. She's good. She will always be..."
Imbes na tumahan ay mas lalo akong naiyak. Hinawakan ko ang pisngi ni Aya at tinitigan siya sa mga mata.
"No one can take you away from me, Hyacinth. I promise you. No one. Hanggang nandito si Mama, walang makakakuha sa 'yo..." I whispered hoping someday, she would understand my words. "Hear me, Aya? Mama is always here. "
Saka ko lang napagtanto na umaga na pala. Mataas na ang sikat ng araw. Masyadong napalalim ang tulog ko. Kailangan ko nang bumalik sa Nightfall Clan.
My time here is over.
Mahigpit ang yakap ko sa anak ko habang hinihintay ang kumuha kay Servena. Nasa bungad na kami ng tarangkahan. Kailangan ko nang umalis pero hindi ko pa rin mabitiwan si Aya.
"Malulungkot na naman ako..." reklamo ni Tegan.
"Shut it, Tegan. Mas umiiyak ka pa kesa kay Aya," ani Abel.
"Hays. Si Papa na naman ang makikita ko lagi."
"Tegan..."
Narinig ko na ang mga yabag ni Servena. That's it. I need to go now.
Hinarap ko si Aya. Nakatitig lang ito sa akin. Pinakatitigan ko siya. Hindi ko alam kung ano ang susunod kong dadatnan. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa pagbabalik ko. Pero isa lang ang sigurado ako.
Babalik ako.
I smiled at her. "D-dito ka lang ah? May kailangan lang gawin si Mama. Pangako. Babalik ako."
I pinched her cheek and that made her giggle. Pinaulanan ko siya ng halik sa pisngi. Tuwang-tuwa ito habang ang puso ko ay tila dinudurog.
Suminghap ako. Nararamdaman ko na naman ang mga luha.
"Mama loves you so much, Aya. I hope you know it."
Lumapit na ako kay Abel.
"Mag-iingat ka, Lady Astra," ani Tegan. "Balik ka rin ah? Gusto kitang isakay sa kabayo ko!"
"Sige na, Astra. Please take care..." Si Abel.
Tinitigan ko ang anak ko sa huling pagkakataon bago dahan-dahan kong binigay kay Abel. Hindi pa rin natitinag ang tingin sa akin ni Aya, walang kamuwang-muwang na aalis na naman ako.
"I love you... Hyacinth."
Yumuko ako at agad na tumalikod. Hindi ko kayang makitang lumalayo sa akin ang anak ko.
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang may marinig na maliit na tinig.
"Mam...a"
Tuluyang bumagsak ang mga luha sa mata ko. Sa halip na humarap ay sumakay na ako kay Servena. Tumakbo na ako palayo... nang hindi lumilingon sa pinanggalingan.
My tears have become the footsteps as I ran away. I fought the urge to look back. I could feel my heart tearing apart. I struggled to breathe properly. Still... I didn't stop.
Tumigil lang ang mga luha sa aking mata nang makalabas na ako ng kakahuyan. Huminga ako nang malalim habang tinatanaw ang malaking tarangkahan.
The territory of Nightfalls.
Ilang araw lang akong nawala ay sobrang daming pagbabago ang nangyari sa Nightfall. Lahat ng mga tagapagsilbi ay napalitan na rin. Hindi ko na nadatnan sina Lola at Blessy.
Everyone is busy preparing for the departure later. Every clan will bring their best members. I could feel the looming tension hovering around. The subtle fear is visible too.
"Lady Astra!" Napalingon ako kay Nigel. Siya lang talaga ang masaya sa mga nangyayari. "Nakabalik ka na pala!"
Tumango lang ako.
"Excited na ako..." bulong niya.
Gumilid ang mga kawal nang may dumaan. Pinagmasdan ko si Lady Grenda na kasama ang kanyang mga alipin. Tila nag-iba ngayon ang tingin ko sa kanya. Hindi siya basta-basta.
Luminga-linga ako sa paligid at hinahanap si Erikson.
"Si Mr. Nadija ba?" tanong ni Nigel. "Kasama siya kanina ni Lord Oscar..."
Oh. Mukhang ginawa niya ang gusto ko.
Speaking of Lord Oscar. I hope he feels better now. May malaki pa siyang kailangang alalahanin.
Bumalik muna ako sa tinirahan ko. Ang sumalubong na katahimikan ay nakakapanibago. Bakante na ang mga kama. Napailing na lang ako. Hindi ko inakalang mami-miss ko ang ingay ni Blessy at ang pagtutupi ng damit ni Lola.
Habang nagtitipo ng mga damit ay napahawak ako sa kwintas na bigay ni Lola. If she's a witch, that means there's something interesting about this necklace. Right. Ito ang naging dahilan para papasukin kami sa mundo ng mga manggagamot.
Natigilan ako sa pagtutupi nang bumukas ang pinto.
Nakangiting sinalubong ako ng yakap ni Lady Celeste.
"Are you coming, too?" I asked.
Umiling ito. "Hindi e. Marami kasing gagawin dito..."
"Gano'n ba?"
Bumukas uli ang pinto. Si Erikson na naman ang pumasok.
"Damn. I can finally breathe..." he chuckled. "Buti naman bumalik ka na!"
Tumawa ako. "Did you miss me?"
Sa halip na sagutin ako ay bumaling ito kay Lady Celeste. "Hindi ka ba talaga isasama ni Lord Oscar, Lady Celeste? He doesn't have a personal accompany. Wala na si Lady Feera..."
"That doesn't change the fact that he's no longer my master."
"Still... he's your leader."
Lady Celeste shook her head. "I was assigned to be left here. Maraming bagong tagapagsilbi na naghihintay ng gabay ko."
I could see that Lady Celeste wanted to come but she doesn't have the opportunity too. Pero mas maganda na rin ito. Ayokong madamay siya sa kung ano man ang maaaring mangyari sa pupuntahan namin.
Nagtanong-tanong pa si Erikson tungkol sa mga ginawa ko sa Esparago Clan. Tipid at pili lang ang mga naisagot ko sa kanya. He also asked me if I made up my mind. Kung kanino ba talaga ako kakampi.
I don't know yet.
Maybe I can decide after we get there but right now... I still can't choose between the two.
At exactly 2 in the after noon, after lunch, we gathered in Battle Arena. Lahat ay handa na sa paglalakbay patungo sa Severus Clan. Hinihintay na lang namin ang signal ni Lord Oscar.
Nagsasalita si Lord Vienzara sa harapan. Nagbibigay ng mga paalala pero hindi ako makapakinig nang maayos dahil sobrang daldal nina Nigel at Erikson.
"Aanuhin mo 'yang pen, Mr. Prince Nigel Hezuera?" tanong ni Erikson.
Ngumisi si Nigel. "Ando'n si idol..."
"Magpapa-autograph ka?!" Humalakhak si Erikson.
"Syempre! Hindi ba, Lady Astra? Tutulungan mo ako?"
Inirapan ko siya. "Bakit pen? Pwede ka naman niyang i-autograph sa braso gamit ang espada."
Mas lalong lumakas ang tawa ni Erikson.
Ang pagtitipon na ito ay paghahanda sa pagpasok namin sa teritoryo ng kalababan. Kasalanan ng dalawang tukmol na ito kapag napahamak kami dahil hindi kami nakasunod sa palatuntunin.
Natahimik lang sila nang si Lord Oscar na ang nasa harapan.
He looked better now. I wonder how he feels when he's about to meet his brother again? Does it somehow bring light feelings to him? Or he sees all these as nothing but a mere part of the game?
"Hindi dadanak ang dugo sa paglalakbay na ito," may diin na sambit nito. "The Unus is an annual celebratory of united clans. We are united here. This tradition can never be tainted with blood. But don't let your guards down. We are being watched."
I wonder how's Severus Clan looks like. Paano mamuno ang isang Brixton Wenz Cardinal?
May mga sinabi pa si Lord Oscar bago nagsigawan ang mga kawal. Napangiti ako nang makita kung paano siya respetuhin ng lahat. Lahat ng mga katagang lumalabas sa kanyang labi ay niyayakap ng lahat.
Well done, Lord Oscar. You are becoming a true leader.
The time has come. We are on our way to Severus Clan now.
I don't know what to feel. Magulo.
Naka-grupo kami base sa clan. We, Nightfall Clan, is leading the way. Nasa pinakaharapan sina Lord Oscar at Lady Grenda at nasa likod nila ang mga Seniors ng Nightfalls. Kami nina Erikson at Randolf ay nasa likod.
"Walang kasama si Lady Celeste do'n ah?" puna ni Erikson.
"She can handle herself," proud na sabi naman ni Randolf. "Sayang. Malungkot ang mga magdadaan kong gabi."
"Malayo ba ang Severus Clan?" tanong ko.
Tumawa si Randolf. "Severus Clan is inside another powerful clan. They aren't on their own land."
"What?"
"Luminous Clan and Severus Clan are alliance now. We are heading to Luminous Clan where Severus Clan is."
I was stunned for a moment. I didn't know that. But... that clan sounds so familiar.
"Luminous Clan is huge, too," ani Erikson. "Plus, marami na rin silang kaalyado na ibang clan."
Ilang minuto bago ko napagtanto kung anong clan ang Luminous Clan. That's the clan of that weirdo! Albina Montereal. Iyong babaeng patay na patay kay Brixton na may hiningi pang pabor sa akin.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa lubid ni Servena. So... they are together all this time?
"What's wrong?" asked Erikson.
"I smell blood..." I chuckled.
Kumunot ang noo nito.
After hours of non-stop traveling through the woods, we finally made it in the clear. Huminto kami sa isang malaking tarangkahan kung saan may naghihintay sa amin na matandang lalaki.
My chest tightened. It's hard to grasp... we are here.
"Milord..." The old man bowed his head. "I am Elder Entiango. Welcome to Luminous Clan."
Malakas ang kabog sa dibdib ko habang palaki nang palaki ang puwang sa tarangkahan. Nung tuluyang mabukas ito ay tumambad sa amin ang mga babaeng tagapagsilbi na nakahilera sa daan.
Everyone bowed their heads on us.
I blinked in surprise. I didn't expect them to be this welcoming.
"Damn. We are here..." Ramdam ko ang kaba kay Erikson.
Naglakad kami sa harapan ng mga nakayukong tagapagsilbi. Sa pinakadulo ay may mga naghihintay sa amin. Nagpakilala ang mga ito pero wala ako gaanong maintindihan dahil hindi ko matuon ang atensyon doon.
It's hard to swallow that I am in his territory.
I roamed my eyes around. Hindi gaano marami ang mga bantay. Pansin ko rin na hindi mahigpit ang seguridad. Less on work. More on interaction. That's how I see it.
"He's not around..."
Nakuha agad ng mga nag-uusap ang atensyon ko.
"What do you mean he's not around?" I heard Lady Grenda ask.
Ngumiti ang lalaki. "He barely shows himself here, Milady."
"What?" I mouthed.
Are they talking about Brixton?
"Then, what's the purpose of this?" Ramdam ko ang inis sa tinig ni Lady Grenda. "We are having The Unus and the leader of Severus Clan is not here? Are you kidding me?"
Marahan na tumawa ang lalaki. "I'm sure... he's just around."
Napasinghap ako nang dumiretso sa akin ang tingin ng lalaki.
Hinatid nila kami sa aming tutuluyan. May kanya-kanya kaming silid. Hindi naman kami magkakalayo. Katunayan ay sa harapan lang ng silid ko ay kwarto ni Erikson.
After unpacking my things, I stormed out of the room even though we were ordered not to. I casually walked out. I can't stay in my room for too long. I want to walk around.
I know I am a stranger to all those who live here but whenever I passed by someone, they smile at me. We are actually enemies but I doubt they are aware. This clan is giving me the vibes the same as with Esparago Clan.
Everything seems so simple and peaceful.
May dumaan na tagapagsilbi sa akin. May dala itong basket na naglalaman ng mga prutas.
"Gusto mo ba ng mansanas?" tanong niya sa akin.
Nakangiting tinanggap ko ang alok niya. "Salamat po..."
"Sana ay masiyahan kayo sa pananatili rito. Huwag kayong mag-alala. Nakabantay sa atin si S..."
Tumango lang ako.
I find it ironic how I feel more comfortable in the territory of the enemy rather than in my own clan.
I realized something. While we were freaking out and disturbed by what might happen, Severus Clan was relaxed and collected. Habang nangangamba kami sa mga maaaring mangyari, hindi nila naramdaman ang takot dito.
All this time... they never thought of anything about war.
Tumingala ako sa kulay kahel na kalangitan. Naramdaman kong may malamig na hangin sa batok ko kaya mabilis akong napalingon. Wala naman akong nadatnan.
Where is he?
Nagkaroon ng kaunting seremonya bago ang kasiyahan nung unang gabi namin. Pinamunuan ito ng leader ng Luminous Clan. Everyone is drinking their wines. Maraming pagkain. Kapansin-pansin din kung paano makihalubilo ang mga ibang kawal sa iba pa.
Why do I find this strange?
I am kind of frustrated that I can't see what I was expecting.
Is this really what Severus Clan is?
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin sila tumitigil. Magkakasama ang mga pinuno sa iisang lamesa. Maya't maya kong naririnig ang halakhak ng leader ng Luminous Clan.
"Hays." Nabaling kay Nigel ang atensyon ko. Katatapos lang uli niya kumain. "Wala naman yata si idol."
"Idol?" tanong ni Randolf.
"Si Brix..." natatawang sagot ni Erikson bago uminom ng alak. "Ang gagong anak ni Lord Hezuera ay idol ang kalaban."
"Sshhh!" Baka may makarinig sa 'yo.
"I still can't believe we are here now..." I mumbled.
Sumandal sa akin si Erikson. "Yeah. I wonder where is he?"
I shrugged my shoulders.
Nagpaalam ako na magc-cr lang. Nagtanong ako sa nakasalubong na babaeng tagapagsilbi kung saan matatagpuan ang CR. Nagprisinta pa itong ihahatid ako pero hindi na ako pumayag.
Napailing na lang ako.
Ito ba talaga ang kalaban namin?
Sobrang tahimik ng hallway na nilalakaran ko. Halos lahat kasi ay nasa labas. Natigilan ako nang may maramdaman na malamig na hangin sa aking batok. Wala namang kung ano sa likod ko.
For some unknown reasons... my heartbeat started to pound abnormally against my chest.
The lights on the hallway started to flicker.
Nanuyo ang lalamunan ko at patakbong pumasok sa loob ng CR. I immediately locked it. Tumingala ako sa ilaw. Kumikislap pa rin ito. Ilang sandali pa ay wala namang kakaiba na nangyari.
Hindi naman ako uminom ng alak. Why am I acting paranoid?
Napatukod ang mga kamay ko sa lababo. Something on my chest is rumbling.
I felt someone's presence.
Maybe I am not acting paranoid after all.
Madiin akong pumikit.
"Show yourself..." I said.
I heard him chuckle.
"Stop playing with me..."
I tried to stay calm even though my chest is about to explode.
Tuluyan nang namatay ang mga ilaw.
Napasinghap ako nang may humawak sa braso ko at sinandal ako sa pader. Napapikit ako nang maramdaman ang kanyang mainit na hininga sa leeg ko. Sobrang lapit nito...
"Say my name..." he whispered on my ears.
Nanlambot ang mga tuhod ko nang gumapang sa hita ko ang kanyang kamay.
I tried to open my eyes. It was all dark. I thought vampires could see through the darkness? Why am I suddenly blinded now? Gano'n pa man ay alam kong sobrang lapit niya sa akin.
"I've been waiting for you to be alone..." he mumbled.
Tears fell down my eyes.
Bumukas uli ang mga ilaw.
The devil was staring at me intently.
Muntik nang bumigay ang mga tuhod ko. Mabuti na lang at nakawit niya agad ang kanyang mga kamay sa aking bewang. Sinandal niya ako sa pader at diniin ang sarili sa akin.
He leaned closer to my face.
"Say my name..."
I gasped for air.
"A-asshole..." I mumbled.
He smirked.
"Milady..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro