Chapter 15
Chapter 15: The Woman in White Cloak
Lady Grenda was a witch... literally. Not just a witch but she was once the most powerful one. Bakit ngayon ko lang ito nalaman? Wala pa akong narinig na ganito kahit na kanino.
"As far as I know, she stopped practicing witchcraft a long time ago," saad pa ni Pinunong Bermudo. "I don't know the reason behind but that doesn't mean... she can no longer play with spells."
Kung gano'n ay masyado ko siyang minaliit. She shouldn't be taken lightly. I wonder if Brix knew about this or even Oscar?
"We should go now," pagputol ni Abel sa paglalim ng iniisip ko. "Kailangan nating makabalik bago sumikat ang araw. Hindi naman malayo 'yon pero hindi magiging madali ang pagpasok sa teritoryo nila."
Tumango ako. Inalog ko ang ulo ko. Ang dapat ko munang isipin ngayon ay ang kalagayan ng anak ko. Kailangan naming mahanap si Ginang Melendez dahil siya lang ang makakatulong sa amin.
Dinala sa akin ng isang kawal si Servena at ang isa namang kabayo pa ay kay Abel. Nauna akong sumakay sa kabayo. Bumaling ako kay Abel na nahuli kong nakatingin din sa akin.
"What?" I asked him.
Umiling ito. "Brix is so lucky to have you."
"Why?"
He just shrugged his shoulders.
Lumabas na kami ng tarangkahan. Nauuna sa akin si Abel habang nakabuntot lang ako sa kanya. Inisip ko ang mga maaaring mangyari. Lady Melendez is a witch and that means the territory we are about to enter in is the place of witches.
"Will they let us it?" I asked.
Witches and vampires are never in a good agreement. Though the rivalry between them is not as tough as with werewolves but still. I really don't think this will be easy.
"We will try," Abel responded. "Hindi tayo titigil hanggat hindi natin nakukuha ang sagot sa tanong."
"Hindi natin sila guguluhin, Abel," agap ko dahil parang nagbabanta ang boses nito. "We won't force them. They need to let us in voluntarily."
I heard him chuckle. "Of course."
After almost two hours of running inside the woods. Abel finally halted his horse. Hininto ko rin si Servena. I roamed my eyes around. I can't see anything aside from the trees.
"Andito na ba tayo?" tanong ko.
"Dito na nga."
Suminghap ako. I knew their place will be strange but I didn't expect it to be like this. Pakiramdam ko ay may salamangkang nakabalot sa paligid at ito ang dahilan kung bakit mga puno lang ang nakikita namin.
"Can you let us in?" Abel asked.
The gushing wind became sturdier as we stood here longer. Tila umaalon ang mga sanga ng puno dahil sa lakas ng hangin. Gano'n pa man ay walang nagpakita sa amin o sumagot man lang.
"Wala kaming ibang kailangan sa inyo. We just need a few answers to our questions," Abel continued talking to the wind. "We are from Esparago Clan. Alam kong alam niyo ang pangkat na 'yon."
Mas lalong lumakas ang ihip ng hangin, parang tinataboy na kami nito palayo.
Suminghap ako bago nagsalita. "Kailangan naming makausap si Ginang Melendez."
Biglang tumigil ang pag-ihip ng hangin. Ngayon naman ay tila hinigop lahat ng hangin kaya bumigat ang paghinga namin. Mabilis na may naamoy akong presensya sa paligid.
"Ano ang kailangan niyo?"
Hinila ko si Servena at tumalikod. Naabutan ko ang isang lalaking may hawak na lampara. May kwintas itong suot na umiilaw. Nakakapa itong kulay itim. Seryoso ang tingin nito sa akin.
I gulped. He knew about me.
"N-narito ba si Ginang Melendez?" tanong ko.
"Bigla na lang siyang naglaho matapos ang isang gabi," pagpapatuloy ni Abel. "Nagbabakasakali kaming narito siya. May mga katanungan lang kaming nais na malinawagan."
His gaze darted on Abel's direction. "Mabuting kaibigan ang iyong ama, Ginoong Abel. Kung may maaari man akong papasukin ay ikaw lamang 'yon." Bumalik sa akin ang kanyang atensyon. "Bilang bantay ay hindi ko maaaring papasukin ang babaeng ito."
"Binigyan din siya ng patnubay ni Ama," pagdidiin pa ni Abel. "Alam kong may hinuha na kayo kung sino siya pero maipapangako kong hindi siya gaya ng iba. Mapagkakatiwalaan mo si Astra..."
"Pero hindi ang dugong nananalaytay sa kanya." Mariin ang tingin sa akin ng lalaki. "His blood runs in your blood, too. You are not just a vampire. You are his vampire."
"I am a freed slave—"
"Hindi nito mababago ang dugong nananalaytay sa iyo," maagap niyang putol sa akin. "He just took the curse of being a slave from you but you are still two linked to each other. You two are somehow connected."
"Ginoong—"
"Antigo," putol ng lalaki kay Abel. "Ako si Ginoong Antigo at ako ang tagapangalaga ng lagusan. Ako ang magpapasya kung sino ang maaari at hindi maaaring pumasok sa mundo namin. Ang tungkulin ko ay ang protektahan ang lagusan sa mga masasamang-loob."
Lumuwag ang kapit ko sa lubid ni Servena. Base sa nababasa ko ay mukhang hindi talaga ako hahayaan ng lalaking 'to. Ayokong mapunta sa wala ang pagpunta namin dito.
"What do you want me to do?" I asked, feeling hopeless.
"Paumanhin, Binibining Astra." Tumalikod na sa amin si Ginoong Antigo. "Ang kaligtasan ng mga kasama ko ang aking tungkulin."
Naramdaman kong may kung anong kakaiba sa leeg ko. Napatingin ako sa kwintas na bigay ni Lola. May munting liwanag na nanggagaling dito. Iyon din ang dahilan kung bakit muling napalingon sa akin si Ginoong Antigo.
"Kailan ka pa nagkakwintas, Astra?" tanong ni Abel na namamangha rin.
Lumunok ako. "Bigay ito sa akin ng isang kaibigan..."
"Kaibigan?" Umangat ang tingin ko kay Ginoong Antigo. Naging interesado ang kanyang reaksyon. Tila alam nito ang hiwaga ng kwintas ko. "May kaibigan kang manggagamot?"
Umawang ang bibig ko. May dugong manggagamot si Lola?
"Ang kwintas na suot mo..." Madiin na pumikit si Ginoong Antigo bago uli tumingin sa akin. "One of the hardest things to get in this world is the trust of a witch. She gave you her necklace. That means... she trusted you."
"Ibig bang sabihin niyan ay maaari mo nang papasukin si Astra?"
Tumitig muna sa kain nang ilang segundo si Ginoong Antigo bago nagsalita.
"Wala rito si Ginang Melendez," aniya. "Pero sa tingin ko ay matutulungan kayo ng Pinuno namin. Sumunod kayo sa akin..."
Nag-umpisa na siyang maglakad kaya sumunod kami. Nakasakay pa rin kami sa kabayo. Tumabi sa akin si Abel at pinagmasdan ang kwintas na suot ko.
"Malapit talaga ang loob mo sa mga manggagamot, Astra."
"H-hindi ko inakalang mangggagamot ang kaibigan ko," saad ko. Wala sa sariling hinawakan ko ang kwintas. "Pero nagpapasalamat ako sa kanya. Kung hindi dahil dito ay hindi natin siya makukumbinsi."
"Narito na tayo..."
Out of nowhere, we stood in the middle of a meadow barefoot and without our horses. I looked up at the clear blue sky as the gushing wind swayed in my plain white dress which was not even my clothes. It felt like I was on cloud nine and playing with clouds.
"This place never failed to captivate me," Abel whispered.
Bumaling ako sa kanya. I caught him staring at me. Ginagalaw ng hangin ang kanyang buhok. Medyo naniningkit ang kanyang mga mata dala ng hangin at sikat ng araw.
"You have been in this place before?" I asked.
"Once..."
Right. He knew where this place is located in the first place.
"Maligayang pagdating sa mundo namin..." Natuon kay Ginoong Antigo ang atensyon namin. Unlike when we were in the dark forest, he was smiling at us now. "Halikayo..."
Habang pababa kami sa bayan ay pinararagasa ko sa damuhan ang aking mga hubad na paa. Ngayon ay mas napagtanto ko kung bakit gano'n na lang kung maghigpit si Ginoong Antigo. I wouldn't even want to ruin this peaceful place, not even a scratch.
"Iyon ang bayan..." Umangat ang tingin ko sa tinuro ni Ginoong Antigo.
My lips slightly separated as I've witnessed breathtaking scenery. Pine trees were scattered around the small cabins. We were in the upper part of the hill and from here, we would walk through the colorful flowers down to the flat area where cabins stood.
"If vampires could smell danger, witches could feel it through your eyes. As much as possible, don't look in their eyes. I'm sorry but I still don't think bringing you two here is a good idea. Some witches are terrified of the presence of vampires."
"Where are we even going?" I asked.
Bumaling sa akin si Ginoong Antigo. "Kay Pinuno. Siya ang makakatulong sa inyo."
Oh. We are going to meet the leader.
"Hindi pa ba bumabalik si Ginang Melendez magmula nung sumama siya sa amin?" tanong uli ni Abel.
"Sa pagkakaalam ko ay hindi pa, Ginoong Abel. Maging ako ay nagtataka dahil ayon sa ulat mo'y bigla itong naglaho sa inyong pangkat."
Nung malapit na kami sa mga cabin at madadaanan na ang ibang mga manggagamot ay yumuko ako. I could feel them staring at us but no one dared to interfere. Nung may nagtanong naman kay Ginoong Antigo kung sino kami ay ang sagot niya'y dayuhan lang kami mula sa ibang panig.
As much as I wanted to roam my eyes, I remained bowed.
Natigilan ako nang may humawak sa kamay ko. Hindi sinasadyang mapatingin ako sa batang nakatingin sa akin. Nakangiti ito at ilang sandali pa ay napaatras. Natulala ito sa akin.
Oh, shit. I scared her.
I was about to apologize when Abel grabbed my arms. Hinila niya ako dahil nakakalayo na sa amin si Ginoong Antigo. Binalikan ko ng tingin ang batang babae na sinundan lang kami ng tingin.
"I-I think I scared her..."
"You would scare them even more if you stood there longer," ani Abel bago binitiwan ang braso ko.
Nakayuko na lang ako habang naglalakad. Kahit na nakayapak kami ay hindi masakit sa talampakan. Biglang pumasok sa isipan ko ang mga kabayo namin. Nasaan na sila?
"This the Castle of Covens," dinig kong banggit ni Ginoong Antigo.
My head stayed bowed. Gusto kong makita ang tinutukoy ni Ginoong Antigo pero natatakot akong may mabiktima na naman. Hanggang sa naramdaman kong may humawak sa ulo ko at kusang inangat.
"You can look up now," Abel chuckled.
I blinked my eyes as I stared at the huge castle standing before our eyes. Hindi ko makita ang tuktok nito na natatakpan na ng makapal na ulap. How could I not notice this tremendous castle up in the hill?
"The castle is being protected by a strong spell," said by Mister Antigo. "You can't see it from a far." Humarap siya sa amin. "Ang buong mundong ito ay hindi nakikita sa labas. That's how we keep our peace. That's the reason why I can't just let someone get in. One wrong move and the spell that bounds this world can be broken and all the witches that live in here will be put in danger."
"This is not the only place where witches live, right?" tanong ko.
He nodded. "Just like any other beings, witches have different groups, too. Shall we proceed now?"
Tumango kami ni Abel. Just when I thought I could get in the castle, Mister Antigo's direction turned the other way. Nagkatinginan kami ni Abel pero nagkibit-balikat lang ito sa akin.
Umikot kami at muling pumasok sa mapunong bahagi. Kumunot ang noo ko. Malayo na 'to sa bayan. Saan niya kami dadalhin?
Mayamaya pa ay nakarinig ako ng pag-agos ng tubig hanggang sa makalabas kami sa mapunong bahagi. Namamangha ang mga mata ko habang nakatingin sa mataas na talon.
"Oh. Wow..." Abel gasped.
Bumaba ang tingin ko sa babaeng lumulutang sa ibabaw ng tubig. Nakapikit ang mga mata niya habang naka-indian sit. She was wearing a white cloak wrapped around her body.
"Lady Majika. May mga panauhin ka..." mahinang banggit ni Ginoong Antigo.
Naghintay kami ng sagot pero wala.
Bumaling sa amin ng tingin si Ginoong Antigo. "Sa tingin ko ay hindi pa tapos si Pinuno. Maaari muna kayong magpahinga sa lilim habang hinihintay siyang matapos."
Wala na kaming nagawa kung hindi ang sumilong muna. Umupo ako sa ugat ng puno at muling binalikan ng tingin si Lady Majika na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagalaw.
"Lumulutang ba talaga siya?" dinig kong tanong ni Abel.
Tumawa lang si Ginoong Antigo.
Naramdaman kong tinapik ako ni Abel. "Lumulutang nga yata talaga siya, Astra..."
"She's a witch, Abel. It's a basic spell for them."
"You are right." He let out a heavy as he leaned his back against the trunk. "I really think witches are cooler than vampires. I mean... in terms of this ability. Truly fascinating."
Bumaling ako kay Ginoong Antigo na nakaupo sa kabilang puno. Nakatingala ito at pinagmamasdan ang matayog na punong inuupuan. Bigla kong naalala ang sinabi niya kanina, ang isa sa mga dahilan kung bakit takot itong papasukin ako rito.
Lumunok ako. "You know Brix—"
"Sshhh," he immediately cut me off. "We don't say his name here."
"What did he do?"
He shook his head. "Nothing. Huwag ka nang magtanong, Lady Astra."
Hindi na rin ako nagpumilit pa. What did Brix do to them and why they loathe him this much? They don't even want to hear his name. I get it. Hindi nila kasundo ang mga bampira pero iba ang dating ni Brix sa kanila. It felt like there's more than him being a vampire.
If so, what?
Alam kong marami pa akong hindi alam tungkol kay Brixton. My knowledge about him is just a drop from the wide ocean.
Napahikab ako. Ilang oras ba ang kailangan naming hintayin para matapos siya?
Bumaling ako kay Abel na nakapikit. Narinig ko ang mahinang paghilik nito. He really feel asleep in this position. Hindi ko naman siya masisisi. Sobrang tahimik dito at sariwa ang hangin. Nakakagaan din sa pakiramdam ang agos ng tubig.
"Ang oras sa katawan niyo ay nakabase sa labas ng mundong ito kaya nakakaramdam kayo ng antok," pagpapaliwanag ni Ginoong Antigo. "Maaaring pasikat na ang araw pagkalabas niyo rito."
Tahimik lang kami hanggang sa nagtanong uli si Ginoong Antigo.
"Maaari ko bang malaman ang ibang sadya niyo rito?"
Suminghap ako at hindi sumagot. Kahit na kalaban sila ng mga bampira ay hindi pa rin ako panatag na sabihin sa kanila ang sikreto ko. Wala akong ibang mapagkakatiwalaan tungkol kay Aya kung hindi ang mga nakakaalam na.
"Maiwan mo muna kami, Ginoong Antigo."
Napatayo kaming dalawa ni Ginoong Antigo. Hindi ko napansin na nakalapit na pala sa amin si Lady Majika. Nangilabot ako nang mapatingin sa kanyang mga mata dahil buong puti ito.
"Maghihintay ako sa labas..." Yumuko si Ginoong Antigo bago naglakad palayo.
Pasimple kong sinipa si Abel na natutulog pa rin. Nalingat naman ito at umangat ang tingin sa amin. Nanlaki ang kanyang mata mata bago dali-daling umayos ng tayo.
"Gising ka na pala, Lady Majika," bati ni Abel. "Ako nga pala si Abel at ito naman si Astra—"
"Wala rito ang hinahanap ninyo," putol niya sa amin.
I couldn't tell if she's staring at me or what but one this is for sure, she knew the reason why we are here. She knew Abel. She knew me. I doubt if she knew even our darkest secrets.
"May alam po ba kayong lugar na maaari niyang puntahan?" tanong pa ni Abel. "May importante po kasi kaming kailangan—"
"Isang pagkakamali na ipinanganak siya. Ang sakit na nararanasan niya ngayon ay walang-wala sa mararanasan pa niya," may diin na sambit nito. Tumagos ito sa aking mga buto.
"G-gano'n na lang ba 'yon?" tanong ko. "Kailangan na lang ba niyang tiisin ang sakit buong buhay niya?"
Huminga siya nang malalim. "Matutunan din niyang laruin ang kanyang kakayahan. Ang sakit na nararanasan niya dahil sa purselas ay maliit na porsyento lamang sa maaari niyang maranasan 'pag nabasag ang salamangka."
"M-may paraan ba para—"
"Paumanhin, Binibining Astra. Ngunit walang sino man ang makakatulong sa anak mo para mawala ang sakit na nararanasan niya. Ang makakatulong lang sa kanya... ay ang sarili niya."
Bumukas ang mga nakakuyom kong kamao. Mukhang gano'n na nga lang talaga. Alam kong matutunanm din ng anak ko ang pagtanggap dito pero umasa pa rin akong may ibang paraan.
Pero may isa pang katanungan ang bumabagabag sa akin.
"T-tinulungan ako ni Ginang Melendez na makawala sa tanikala ng pagiging alipin—"
"At alam mong may kapalit 'yon."
Tumango ako. "Ang hindi ko mauwanaan... ay ano?"
Ano ang kapalit ng paglaya ko?
Napasinghap ako nang hawakan niya ang braso ko. Sobrang lamig ng kanyang kamay.
"Hindi ano..." bulong niya.
Umawang ang mga labi ko.
"Ang kasagutan sa tanong mo ay malalaman mo rin sa takdang panahon, Binibining Astra." Hinaplos niya ang balat ko at naramdaman kong nanuot ang lamig doon. "Napakaraming tanong sa isipan mo. Magulo—"
Mabilis na binawi ko ang braso ko at umatras. Nanginig ang mga tuhod ko. Alam ko kung ano ang ginagawa niya. Binabasa na niya ako. Hindi. Ayokong malaman kung ano ang paparating. Minsan na itong ginawa sa 'kin ni Ginang Melendez.
Mahina itong tumawa dahil sa naging reaksyon ko. "Sa dami ng katanungan mo ay may nakaligtaan ka..."
"U-umalis na tayo, Abel..." pakiusap ko.
Ayoko nang marinig kung ano man ang sasabihin niya. Walang ibang makakatulong kay Aya kung hindi siya rin mismo. Matatag ang anak ko. Alam kong kakayanin niya ito.
"Iyon lang ba ang kailangan mong malaman, Astra?" tanong ni Abel. "Narito na rin tayo."
Umiling ako. "I-I want to leave now."
"Ni minsan... hindi ka ba nagduda sa iyong pagkatao, Astra?"
"Stop!"
"Sino ka nga ba, Astra?"
Tumingin ako kay Abel at nung hindi pa ito kumilos ay ako na ang gumalaw. Patakbo kong nilisan ang lugar na 'yon. Tinawag pa ako ni Abel pero hindi na ako lumingon pa.
Tumigil ako nang manlambot ang mga tuhod. Inalog ko ang ulo ko.
"Astra." Nakahabol sa akin si Abel. "Ayos ka lang ba?"
I drew a deep breath before responding, "I'm fine. M-medyo... hindi ko rin alam. Ayoko nang mag-isip pa, Abel. P-pakiramdam ko ay..." Parang may bumara sa lalamunan ko.
"Aya is a strong girl. Alam kong makakayanan niya itong dalhin." Binigyan ako ni Abel ng maliwanag na ngiti. "Ikaw kaya ang ina niya. I've seen how brave you are. I'm sure... she will surpass you."
Kahit papaano ay nagawa niyang pahupain ang kaba sa dibdib ko.
Lumabas na kami sa gubat kung saan naghihintay si Ginoong Antigo. Sinalubong niya kami at agad na nagtanong.
"Ano ang nangyari?"
"Maaari mo na kaming ihatid palabas, Ginoong Antigo." Si Abel ang sumagot.
Humarap sa akin si Ginoon Antigo. "Nakuha mo ba ang sagot sa iyong mga tanong?"
Marahan akong tumango.
Napangiwi ako nang may marinig na malakas na ibon. Tumingala ako sa kalangitan kung saan nakita ko ang isang malaking ibon. Tila nagliliyab pa ito habang tumatawid sa himpapawid.
"Astra?" Napalingon ako kay Abel na nakakunot ang noo. "May problema ba?"
Naguluhan ako.
Napatingin ako kay Ginoong Antigo na nakatulala rin sa akin. Nakaawang ang mga labi nito at halatang gulat.
Biglang sumakit ang ulo ko.
"Kailangan na naming umuwi," ani Abel.
"S-sige. Ihahatid ko na kayo..."
Muli kaming umakyat sa itaas. Pansin ko ang maya't mayang pagsulyap sa akin ni Ginoong Antigo. Alam kong napansin na rin 'yon ni Abel. Nung nasa tuktok na kami ay hinarap niya kami.
"Nawa'y nakuha niyo ang inyong pakay sa pagpasok dito," aniya sa amin. Huminga ito nang malalim bago ngumiti. "Mukhang hindi rin ito ang huling pagkakataon na makakaapak kayo rito."
"May gusto ka bang sabihin sa amin, Ginoong Antigo," tanong ni Abel na nagdududa na rin.
Umiling lang si Ginoong Antigo.
"Hanggang sa muli..."
Sa isang iglap ay naglaho ang liwanag. Nadatnan namin ang sarili sa kaninang posisyon sa loob pa rin ng madilim na kagubatan. Humigpit ang pagkakahawak ko sa lubid ni Servena.
"T-that was weird," Abel mumbled. "Tara na ba, Astra?"
Wala sa sariling tumango ako.
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ni Abel nang magtanong na naman ako.
"Abel..."
He turned his horse in my direction.
"Bakit, Astra?"
My hands shivered.
"N-nakita mo ba 'yung malaking ibon kanina nung paalis tayo?"
Kumunot ang kanyang noo.
"What?" he asked, confused.
Mabilis na umiling ako.
Hinataw ko ang kabayo at nauna nang umalis sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro