Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Chapter 14: The Lady in Red

It was a relief that my daughter is still a baby and couldn't question things. I didn't need to explain why I was not around and why I had to go somewhere and leave her here. But that didn't halt the guilty feeling creeping around my chest like a chain that gets tighter as time passes by.

Pinakawalan ko sa mahigpit na yakap ang anak ko saka hinarap. Hinaplos ko ang kanyang pisngi bago siya hinalikan doon. Pinaglapat ko ang mga noo namin.

"I miss you so much, My little flower..."

And I'm sorry.

After a few moments, Aya resisted from my arms. I couldn't explain how horrifying it was when she stepped back. Those curious little eyes were silently asking who I am and why a stranger is hugging her.

Something squeezed my heart. She doesn't even recognize me.

Umupo si Tegan at hinarap si Aya. Nakita kong ngumiti uli ang anak ko sa kanya. Gano'n din ang ginawa ni Tegan. Hinaplos niya ang pisngi ni Aya bago hinalikan sa pisngi.

"Go to your Mom, Baby Aya. She has a lot of stories to tell for you. Mahilig kang makinig ng kuwento, hindi ba?" mahinahon na pakikipag-usap ni Tegan kay Hyacinth.

"N-no. It's fine, Tegan." I gulped the lump in my throat. I didn't know I would say this. "You can't force her to come with a stranger."

"Nangingilala na kasi," pagsali ni Lady Aida sa usapan. "Matapang ang anak mo, Lady Astra. Ilang beses ko pa lang siya narinig na umiyak, bihira para sa isang paslit."

That put a smile on my face. Mukhang namana niya ito sa kanyang ama.

Bumaba sa purselas niya ang aking tingin. Naroon pa rin ang bato. Hindi ba siya nasasaktan? Binulabog na naman ba siya ng hamog? Ano ang mga nangyari habang wala ako?

"Sige na, Baby Aya," pagtutulak pa ni Tegan.

Hindi pa rin lumalapit sa akin ang anak ko. Gusto kong panghinaan ng loob pero alam kong wala akong panahon para doon. Hindi ako makakahiram pa ng sandali para makasama siya. Kailangan kong sulitin ang araw na makakasama ko siya.

I have no idea when I will meet her again.

Sinugatan ko ang aking daliri kaya lumabas doon ang dugo. Napasinghap sina Lady Aida at Tegan pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ay paglingon ng anak ko. Hindi katulad ng dalawa, nanatiling normal ang kulay ng mga mata niya.

She recognized the smell of my blood. I could tell that.

"My blood is all yours, My little Cardinal..." I whispered.

Dahan-dahan uli ito naglakad palapit sa akin. Mula sa aking mga mata, bumaba ang kanyang tingin sa daliri kong dumudugo. Tumigil siya sa harapan ko at hinawakan ang aking kamay.

"I love you..." bulong ko.

She sniffed and couldn't help but taste the blood on my finger. That's when her peaceful eyes turned bloody red. Tumaas uli sa aking mga mata ang kanyang tingin.

She looked at me as if asking for permission.

"Whenever you like it, baby..."

She put my finger on her mouth and I felt her tiny fangs penetrated my finger. I wouldn't want to shed blood but for her, I would give it all until the very last drop.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinila ko uli si Aya sa aking mga braso. Tumayo ako at binuhat siya. Sumandal ito sa akin at pinatong sa aking balikat ang kanyang ulo.

I felt at ease. Finally.

This is all I need.

A hug from my daughter.

Nakatulog si Aya sa balikat ko pero gano'n pa man ay hindi ko siya binitiwan. Nagsuhestyon na si Lady Aida na ilagay sa kuna ang anak ko pero hindi ako pumayag.

"Kumain ka muna, Lady Astra," ani Lady Aida habang inaayos ang kuna ni Aya.

Ginala ko ang tingin ko sa loob ng silid ni Aya. Kulay lila ang lahat. Mula sa carpet na kulay lila hanggang sa mga punda ng unan, kumot at kurtina. Ayon kay Lady Aida ay si Abel daw mismo ang nagdisenyo ng silid na ito.

He really is a man of his words.

"H-hindi pa ba nakakapagsalita ang anak ko?" kabadong tanong ko.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung sakaling marunong na siya. Matutuwa ako, panigurado pero mas dadagdag ito sa bigat ng dibdib ko. Hindi ko man lang narinig ang unang salitang lumabas sa kanyang bibig.

Umiling si Lady Aida. "Hindi pa naman, Lady Astra."

Tumango ako. "M-may kakaiba bang nangyari sa kanya?"

"'Yung hamog ba ang tinutukoy mo?" takang tanong ni Lady Aida. "Sabi ni Abel ay may iba raw na kakayahan si Aya." Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulo.

"G-gano'n na nga, Lady Aida."

"Wala naman. Bakit, Lady Astra? Paanong may gano'n na kakayahan ang anak mo?"

That's when I knew, she didn't know that Aya is Brixton's daughter or I bet she doesn't know his ability. Sa halip na sagutin ko pa siya ay binitiwan ko na ang anak ko sa kanyang kuna. Binigyan ko siya ng mayayakap na unan.

Panatag akong malaman na hindi na siya binulabog pa ng hamog.

"Where's Abel?" I asked, still eyes on Aya.

"Hindi ako sigurado. Pero baka nasa paligid lang siya...'

I let out a heavy sigh. Labag man sa kalooban ko ay pinaubaya ko muna si Aya kay Lady Aida. Lumabas ako ng silid at balak ko sanang hanapin si Abel pero hindi na kailangan.

"Astra!" Sinalubong ako ni Abel. He was about to hug me when he realized he's covered with mud. Malamang na galing na naman siya sa farm. "Darn. I am happy you are back."

"Maligo ka muna, Papa! Nakakahiya kay Lady Astra!" asik ni Tegan sa kanya.

Ngumiwi si Abel. "Maputik nga ako. Maliligo lang ako a?" Saka siya bumaling sa anak. "Samahan mo muna sa kusina si Lady Astra nang makakain siya, Tegan."

"Sure. Just go and wash yourself, Dad. Ako ang nahihiya sa 'yo— oops!" Umatras ito nang aktong yayakapin siya ni Abel.

Tumawa lang si Abel bago umalis.

Hindi ko namalayan na nakangiti pala ako. I really like their relationships.

Parang may bumara sa lalamunan ko. Bago na naman ako mag-isip ng kung anu-ano ay sumunod na ako kay Tegan papunta sa kusina. Habang naglalakad ay ginagala ko ang tingin ko. Nakakamangha na tila talaga walang pagbabago sa lugar na ito.

"Hanggang kailan ka mananatili rito, Lady Astra?" tanong ni Tegan.

Pansin kong napapalingon sa kanya ang mga babaeng tagapagsilbi. Mana ang isang 'to sa kanyang ama.

"Just for a few days," I answered.

"Uhmm."

"What?"

He chuckled. "Y-you are gorgeous."

I chortled too. Pabiro ko siyang hinampas sa balikat.

"Binata ka na talaga. Marunong ka nang mahiya!"

"Mukha ba akong walang hiya?" umismid ito.

"Hindi naman. May girlfriend ka na, Tegan?"

He shook his head. "Haven't I told you that I will never fall in love?"

"Yeah?" I responded. Humahabol ako sa bilis niyang maglakad. "I mean, it's not all about love. Sometimes, we need to have fun, too, Tegan."

"Risky," he mumbled. "Saka I made a promise with Aya."

"What promise?"

"I will wait for her to grow up before I engage myself with other girls."

"Wait. You don't need to do that, Tegan." Bumaling ako sa kanya. Diretso lang ang tingin nito sa daan. "Aya will be fine as long as she's here. You should live your life, too."

Hindi na siya sumagot matapos no'n. Pumunta kami sa kusina at pinaghain nila ako ng pagkain. Pinagmasdan ko ang mga tagapagsilbi. Hindi pa ba bumabalik si Ginang Melendez?

"Kain na," ani Tegan na umupo sa tapat ko. Meron din siyang pagkain. Ngayon ko lang napansin na sleeveless pala ang kulay puting tee na suot niya. His broad arms were firmed looking as he moved them.

I can barely remember how he looked like back then.

"May problema ba?" tanong ni Tegan nang mapansin na hindi pa rin ako kumakain.

Umiling ako. Kumain na rin ako. Naparami ang kain ko dahil sobrang sarap nilang magluto rito. I didn't know how much I missed the serenity of this clan until now.

We were drinking our bottle of blood when someone sat beside me. It was Abel. Napasinghap ako. Amoy na amoy ang shower gel na gamit niya. Basa pa rin ang buhok niya.

"So..." From Tegan, his gaze turned to me. "What are you guys talking about?"

"Masyado kang malapit kay Lady Astra, Papa," puna ni Tegan na tamad na umiinom sa kanyang baso.

"Mangabayo ka muna, Tegan. Ako na muna ang bahala kay Lady Astra."

"Meh. Ayoko—"

"Tegan..." Abel gave him the warning look.

"Fine!" pabagsak na binitiwan ni Tegan ang kanyang baso sa lamesa. "Tsk. Maiwan ko muna kayo, Lady Astra. Mangangabayo muna ako kahit na tinatamad ako."

"Just go!" si Abel.

Tegan pouted his lip as he walked away. Nang makalayo si Tegan ay hinampas ko sa balikat si Abel.

"You don't talk to your boy like that!"

He just smirked.

"Anyway... are you hungry too?"

He shook his head. "Not at all."

"Can we have a walk?"

"Yeah. Sure," he agreed.

Lumabas kami ng kusina at naglakad-lakad. Isa rin sa mga magandang bagay rito ay pwede kang maglakad-lakad kahit na tanghaling-tapat dahil ang mga pathway ay napapaligiran ng mga puno kaya may lilim.

"How have you been?" He broke the silence.

Bumaba sa mga gumagalaw na binti ko ang aking tingin.

"I'm fine. I missed this place."

"Iyon lang ba ang na-miss mo?"

"Of course Aya ang Tegan, too."

He cleared his throat. "And?"

"I don't know. Wait. Hindi pa ba bumabalik si Ginang Melendez?" Umangat ang tingin ko sa kanya. "Magmula nung umalis ako, hindi na ba siya nagbalik dito?"

"Weird but she disappeared after you gave birth."

That's really strange. Why did she disappear?

Oscar's words suddenly popped in my head. It could be connected to that. Ano ang kapalit ng paglaya ko sa pagiging alipin? Nasaan na si Ginang Melendez? Ano ba talaga ang nangyari?

"Okay ka lang, Astra?"

"Do you know how to free a slave?" I asked.

He looked confused when he shook his head. "I don't know. Hindi ako familiar sa tradition ng ibang clan. In here, Esparago Clan, we are not in favor of slavery. We sustain our needs by working hard."

I kind of expected that answer. I don't think I will have the answers right away. Isa lang ang makakasagot ng mga ito. Si Lady Melendez. Pero ang problema ay hindi ko alam kung saan siya hahagilapin.

"What's bothering you?" Abel asked again.

"A lot." I forced a smile.

Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. "Hey. You are here for a rest, right? Pagpahingahin mo rin muna ang isipan mo, Astra. You have a baby girl to take care of. Just think of her."

Napatitig ako sa kanya. I don't think these thoughts will leave me alone. Hindi lang pagpapahinga ang pinunta ko rito. I need answers to some of my questions too.

"You are right," I said instead.

He smiled. "Didn't you miss me too?"

"Medyo."

"Medyo lang?" nagtaas siya ng kilay.

Tumawa ako bago yumakap sa kanya. "Thank you for taking care of my daughter, Abel. Thank you for accepting her as one of you. I appreciate it so much."

Niyakap niya rin ako pabalik. "No need for that. Pati si Papa ay todo bantay rin sa anak mo. I mean... as we all should. Once something bad happens to her, our entire clan will be put at risk."

I chuckled. Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. That's what I want to hear.

Marami-rami rin kaming nagpag-usapan ni Abel. Gaya nga ng sinabi ni Lady Aida, hindi na uli dumalaw ang hamog. Tahimik daw si Aya pero palangiti sa lahat.

"What I find amusing is how she can already control herself," said Abel. "Even Tegan, kapag binigyan ng dugo dati sa baso ay hindi pwedeng hindi magiging pula ang kanyang mga mata. It would trigger his blood and he would unconsciously break the glass. That never happened with Aya."

Yeah. That's what I noticed too a while ago.

"How about the bracelet?" I asked.

"That?" Tila napaisip naman siya. "Minsan ay naaabutan kong tinatangka niyang hubarin 'yon."

"T-talaga?"

"Yeah. But don't worry. Malabong maalis niya 'yon."

Yeah. That's for now. Kung sa ganitong edad pa lang ay ramdam na niyang may kakaiba sa purselas na 'yon, natatakot akong habang lumalaki siya ay mas maging interesado siyang hubarin 'yon.

That would be a nightmare for both Aya and Esparago Clan.

"Wala na ba kayong ibang manggagamot dito maliban kay Ginang Melendez?" tanong ko.

"Uhmm. Meron naman. Pero... iba si Ginang Melendez. She's not just good at medicine. She can play with magic spells, too. Siya lang ang nakakaalam sa kalagayan ni Aya."

Then I really need to find her.

Magkasama kami buong gabi ni Aya. Halos hindi ako nakatulog dahil nilalaro ko siya, maging siya naman ay active buong magdamag. Kinabukasan ay sabay kaming naligo. May maliit siyang bath tub. Pareho kaming hubad at naglalaro.

"You smell good."

She giggled as I kissed her cheek. Pinanggigilan ko ang kanyang pisngi.

I like how she's comfortable with me again.

Pinaglalaruan niya ang bula sa tubig. Napapikit ako nang hampasin niya ang tubig kaya natalsikan ako sa mukha. Napangiti ako nang marinig na tumawa ito nang malakas.

I stared at her while she's laughing.

I wish I could spend more time with her. There's still so many things I want to do with her. I want more sleepless nights with her. I still want to hear her laughs.

I know leaving the second time will be harder.

Habang umiinom si Aya ay sinusuklay ko ang basa niyang buhok. Gusto ko sanang itali kaso mukhang ayaw niya. Natigilan lang ako nang mapansin na iba na ang pinagkakaabalahan niya.

I got stunned when I noticed that she was trying to remove the bracelet. Kinakamot niya 'yon. Hinawakan ko ang kamay niya at pinagmasdan ang purselas doon.

I saw the bracelet made a mark on her skin. Bumabakat sa kanyang pulsuan ang purselas. Doon ko napagtanto na sa tuwing tinatangka niyang hubarin 'yon ay mas lalo lang itong sumisikip.

Nanikip ang dibdib ko. She must be hurting all this time. Hindi lang namin alam.

"A-Aya..." I pulled her for a hug.

Umawang ang mga labi ko. That bracelet is hurting her.

"A-are you hurt?" I confronted her again. My lips trembled.

Hinaplos ko ang mukha niya habang nakatitig lang siya sa akin. Hinalikan ko ang maliit niyang kamay. Tahimik pa rin ito. Ayokong isipin na ang dahilan kaya lagi siyang tahimik ay nasasaktan siya.

"Tell me where it hurts, baby. Here?" I kissed her bracelet. "Does that feel good?" I kissed it again. "Oh, my little Cardinal..."

She suddenly bursted into tears.

Nataranta ako. Binuhat ko siya pero hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak. Sobra na akong nag-aalala. Humiga kami na lang kami sa kama at niyakap ko siya.

Siniksik niya ang mukha sa leeg ko. I felt a pinch there. Tumigil ito sa pag-iyak.

I didn't know Aya, sucking my blood would hurt. Dugo ko lang ang nagpapatahan sa kanya sa tuwing nasasaktan siya. Paano kapag wala ako? Paano naiibsan ang sakit na nararamdaman niya habang wala ako?

She fell asleep on my arms. May bakas pa ng luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Nilagay ko siya sa kuna. Saka naman dumating si Lady Aida. Binilin ko muna sa kanya si Aya bago ako patakbong lumabas. Hinanap ko si Abel na naabutan ko namang papunta sana sa farm.

"Hey. What's wrong?"

"The bracelet..." I gulped. "It's hurting her."

Natigilan ito.

I held his hand. "Kailangan kong mahanap si Ginang Melendez. I need her help, Abel. Please?"

"A-Astra..."

"I can't leave like this, Abel." Desperado na ako sa pagkakataong ito. "Siya lang ang makakatulong kay Aya. The bracelet is hurting my daughter! She just can't speak about it but she's fucking hurting in silence!"

I couldn't contain my emotions. Bumuhos ang luha sa mga mata ko.

"Fine." Hinaplos niya ang kamay ko. "Alam ko kung saan nakatira si Ginang Melendez bago siya napadpad dito. Sasamahan kita mamaya sa kanila. We will try. Promise. Tahan na."

Suminghap ako.

"Why are you crying, Lady Astra?" Dumating din si Tegan.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata. "Nothing, Tegan."

"D-did something happen?" he asked again.

Bumaling na lang ako kay Abel na nakatitig lang din sa akin.

"Nasa kwarto lang ako ni Aya. Please, I want to go today. I can't let the day pass like this."

Tumalikod na ako at naglakad pabalik sa kwarto ni Aya. Tatangkain sanang sumunod ni Tegan subalit pinigilan siya ni Abel. Naabutan kong bahagyang dinuduyan ni Lady Aida ang kuna.

Sinilip ko ang anak ko. Mahimbing pa rin ang tulog nito.

"Sino ang ama ni Baby Aya, Lady Astra?" biglang tanong ni Lady Aida.

"You may leave now, Lady Aida. Ako na muna ang bahala kay Aya," sabi ko.

Ramdam kong napatingin ito sa akin pero pinanatili ko ang tingin sa anak ko. Ilang sandali pa ay lumabas na rin ito ng silid.

Bumuntonghininga ako bago umupo sa kama. Napasapo ako sa ulo ko. Suminghap ako nang magbadya na naman ang mga luha. Hindi ko inakalang ganito pala kasakit kapag nakikita mong nasasaktan ang anak mo.

Hindi katulad ng madalas ay medyo matagal ngayon ang tulog ni Aya. Paggising niya ay bumalik na naman ang sigla niya. We were playing in bed when Abel suddenly knocked in.

He sat beside me. Aya crawled and sat on his lap. Nilaro din siya ni Abel.

I was just smiling while watching them.

"What a waste Brix wouldn't experience this." That thought suddenly slipped out of my mouth.

"I bet he wouldn't leave her alone if he was here," Abel chuckled.

I would like to see that.

Sinundo ako ni Abel nung gabing 'yon. Gaya ng pinangako niya ay sasamahan niya ako ngayon sa dating tirahan ni Ginang Melendez. Pinaubaya ko uli si Aya kay Lady Aida.

"Hindi naman malayo 'yon pero mag-iingat pa rin kayo," ani Pinunong Bermudo. Bumaling ito kay Abel. "Mailap sila sa mga bampirang gaya natin, Abel. Hanggat maaari ay huwag niyo silang bibiglain."

"Naiintindihan ko, Ama."

"S-sino ba talaga si Ginang Melendez?" tanong ko.

Nagkatinginan ang mag-ama.

"She's a witch," Abel responded. "I mean every clan has a witch."

"Not Nightfall..." I said.

"Nightfall had one..." Ngumiti si Pinunong Bermudo.

"Really? I didn't know."

Ngayon na nalaman kong meron, gusto kong malaman kung sino. Ano ang nangyari sa kanya?

"Well... she's right there now," ani Lord Bermudo uli.

"What?"

"A breed of both witch and vampire. She was once the most powerful witch."

Maging si Abel ay tila naging interesado rin.

"Do you know her?" I asked.

"Of course."

"Who?"

"The Lady in red. Lady Grenda Cardinal."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro