Chapter 1
Chapter 1: Bracelet
4 months later...
I was serious when I said I wanted my pregnancy to be a secret. I isolated myself inside my room for the past months. Fortunately, I had a mini library here and the books kept me accompanied. The only Paragonians, Esparago Clan members, who knew about it were Lady Melendez, Abel, and his dad, the leader, Lord Bermudo.
Back to the books. I learned a lot, especially about the vampires, the history of clans, how it all started, those who ruled first, and everything. I also found out about the wolves and witches.
If there's something I have wanted to learn for a long time now and still couldn't find the specific book, it is about the pregnancy of a vampire. There were no books about it, or at least here.
"Fascinating how a life can form inside another life," said Abel when he visited me after weeks of being away.
I just smiled as I looked at the far land. Mula rito sa balkunahe ko ay kitang-kita ko ang mga matatayog na puno sa kalayuan na labas ng nagtataasang pader. This has been the only good view, aside from books and my tummy, that I kept staring at.
"Nakabalik ka na pala," puna ko habang hinahaplos ang umbok ng tiyan.
"Just now. Ikaw agad ang pinuntahan ko," sagot pa nito. "Ilang linggo lang ako nawala pero nanibago agad ako sa laki ng tiyan mo. How have you been, Astra?"
I let out a heavy sigh as my sights dropped from the far trees to my bulky tummy.
"Nothing new," I mumbled.
"You miss him huh?"
"Not a day passed that I didn't," I chortled as I looked at him. "May balita na ba kay Brix?"
Siya naman ngayon ang tumingin sa malayo. "No. I'm sorry. No one heard about him since he disappeared. Masyado rin tahimik ang Nightfall Clan."
Tumango ako. Gano'n pa man ay ramdam kong sa bawat paglaki ng tiyan ko ay siya ring paglapit ng panahon na babalik na siya. There will be a war when he returns. Though I don't want him to ignite it, I can't also blame him. They took everything from him.
Sometimes, the best way to ease the pain someone caused us is to make them feel what we felt. It gives us satisfaction when they get a taste of their own medicine.
"Are you hungry?" he asked later.
I shook my head. "I just had my dinner. Sige na, Abel. Kailangan mo na ring magpahinga."
"Yeah," he agreed but didn't move from his place. "Wala ka pa bang maipapangalan sa anak mo, Astra?"
Napangiti ako. "Meron na."
"If you wouldn't mind—"
"I don't want to say it now," I cut him out.
Tumawa lang ito bago tumango. "Got it. Sige. Pupuntahan ko muna si Tegan."
Paalis na sana siya nung may sinabi pa ako. "May I ask?"
He turned back to me. "Yeah?"
"Is there any book about the pregnancy?" I asked, curious. "Halos nabasa ko na kasi ang mga libro pero walang pa rin akong nabasa tungkol dito. I just want information."
I sensed how that question caught him off guard.
"Abel?"
"Ah? Hindi ko rin alam e," sagot nito pero alam kong pinagkakaila niya lang. "Kakausapin ko si Manang Melendez. Kapag may nakuha akong sagot sa kanya ay sasabihin ko agad."
Lumipas ang ilang araw na hindi bumalik si Abel. Malamang na wala pa rin siyang sagot para sa akin o baka hindi niya lang alam kung paano sasabihin.
That got me curious even more.
There's something wrong going on.
Kahit na alam kong wala sa maliit na silid-aklatan na ito ang sagot sa tanong ko ay sinubukan ko pa ring maghanap. Gaya ng nakaraan ay bigo pa rin ako.
Bumuntonghininga ako bago umupo at kinuha ang nakahandang dugo na nakasalin sa baso. Lately ay dugo ng hayop ang iniinom ko. Sabi ni Lady Melendez ay mas mainam daw kung mababang klase ng dugo ang iinumin ko. Ang dugo kasi ng tao ang pinakamataas na uri ng dugo. Sa katunayan ay triple ang epekto nito kesa sa dugo ng mga hayop.
Maraming pagbabago ang nangyari simula nung nalaman kong buntis ako. Madalas akong mapagod kahit na kaunti lang ang ginagawa, madalas din akong uhaw sa dugo at laging inaantok. Ang mas nakakamangha ay mas tumalas ang mga pang-amoy ko.
I could sense if someone were about to knock on the door and who it would be. I could smell things from a far distance. Hindi ko rin ma-kontrol ang pag-init ng mga mata ko.
I've been tempted to jump off the balcony many times now. Kahit na ilang palapag ang taas ko ay kaya ko 'yon, kung hindi ko lang iniisip ang anak ko.
"Astra..." Kumatok si Abel sa labas ng kwarto ko isang gabi.
Tamad na bumangon ako sa kama at pinagbuksan siya ng pinto. Nakangiti ito sa akin at napansin ko agad ang hawak niyang makapal na jacket.
"You can got out for a few hours. Sasamahan kita. Gabi naman."
"Paano kung may makakita sa 'tin?" alalang tanong ko kahit na ang kalahating parte ko ay pumayag na. Matagal ko na rin itong gustong gawin.
Umiling si Abel bago binalot sa akin ang jacket. "Sinabi ko ito kay Papa. There will be guards around. Walang makakalapit sa atin at maging ang mga guard ay malayo para makita tayo."
"Really? Tara!" masaya kong pagpayag.
Nakaalalay sa akin si Abel hanggang sa makababa kami ng kwarto ko. Dumaan kami sa likod kung saan din ako dumaan nung ginawa namin ni Brix ang ritual.
I sniffed when the cold breeze touched my face. Bigla kong naalala ang gabing 'yon. Who would have thought that would lead to this? Ang gusto ko lang nung gabing 'yon ay maging pag-aari ni Brix pero hindi lang 'yon ang nakuha ko.
We were slowly walking under the night sky. We walked inside the woods. Ngayon ay napagtanto ko kung gaano ko na-miss ito. Dinadaya ko lang ang sarili kong masaya ako sa loob ng kwarto pero mas gusto ko kung malaya ako.
"Tumaba ba ako, Abel?" bigla kong tanong.
Napatingin naman sa akin si Abel bago tumawa. "What do you expect? Buntis ka."
I pouted my lips. "So, I am no longer sexy?"
"Uh..."
"Okay," I responded as I walked faster.
Agad naman itong nakasunod sa akin. "Hey. It's fine not to be sexy. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ang laki ng katawan ang basehan ng iba sa kagandahan."
"No need for that, Abel. I get it."
"I am telling the truth!" he said, but he chuckled, so it looked like he wasn't telling the truth. "You have a gorgeous face. Sure akong mamamana ng anak mo 'yon. That's what matters the most."
"Heh. What if Brix saw me?"
"So?"
"So?" Tumigil ako para harapin si Abel. Humalukipkip ako. "What if may sexy na members ang Severus Clan? What if nagustuhan siya ni Brix? What if nakita niya akong hindi na-sexy?"
Napakamot sa batok si Abel na parang hindi alam ang sasabihin.
Humaba ang nguso ko. "What if they had sex, too?"
"You really think you were the first one whom Brix had a sex with?"
Natigilan ako. Parang may tumusok sa didbib ko dahil sa sinabi niya. Ilang sandali pa ay naramdaman kong nangilid ang luha sa aking mga mata.
"Shit." Nataranta si Abel. "I didn't mean it that way—"
"What if may anak sa labas si Brix?" Humagulgol ako. "Am I going to be a mistress?"
"Wala ka namang planong ipakilala sa kanya ang anak mo, hindi ba?"
"Kahit na!" Pumadyak ako sa pagkadismaya bago hinawi ang mga luha. "Hindi ko siya mapapatawad kapag nalaman kong nagkagusto siya sa ibang babae. I would grab her heart of her chest right in front of Brix and feed it to the wolves."
Abel eyes widened. "Y-you would do that?"
I smirked. "Should I eat it instead?"
Lumunok si Abel at umiling. "Damn. You are freaking me out."
"W-what?" Muling bumalik ang luha sa mga mata ko. "Natatakot ka na sa akin? Dahil ba tumataba na ako?"
"Oh, shit!" Lumapit agad sa akin si Abel pero tinulak ko siya.
"No!" I yelled at him.
"Ang ibig kong sabihin ay..." Nangapa ito ng sasabihin. "Your bravery is freaking me out. Mahirap kang palitan at lalo nang kalabanin, Astra. Kaya ka nagustuhan ni Brix..."
"Wait." Suminghap ako bago nagpunas uli ng luha. "Gusto ako ni Brix?"
"Hindi mo alam?"
Umiling ako. "He never told me."
Huminga nang malalim si Abel bago nagsalita. "Hindi talaga sasabihin ni Brix. Pero isipin mo 'to, Astra. He claimed you as his slave officially. He never harmed you—"
"He did!" I cut him out. Bigla kong naalala nung una akong pinakilala kay Lord Severo. "He once throttled me, Abel. In front of his Dad and sister. He never liked me!"
"He did!"
"Really?" Mapakla akong ngumiti ngayon. "Kung totoo man 'yan, bakit hindi niya ako sinama, Abel? Bakit iniwan niya ako rito?"
It could have been better if he brought me with him. Pero hindi, iniwan niya ako sa Nightfall Clan sa gitna ng sigalot. Matapos ng lahat ay iniwan niya pa rin akong mag-isa.
"Hindi ka talaga niya isasama, Astra. You were there when the incident happened. Nasaksihan mo kung paano dumanak ang dugo sa kanyang mga kamay. Kung paano siya nagalit. You were a witness of how ruthless he was."
"What's your point?"
"He was scared for you." Natahimik ako sa sinabi niya. "Nasaktan siya nang husto, Astra. Sa tingin mo ba ay pagkatapos niyang umalis ay tapos na rin ang paghihinagpis niya? No. It just started. Inisip niya ang kalagayan mo kaya sa halip na isama ka sa miserable niyang buhay, iniwan ka niya sa amin."
Naisip ko na rin naman 'yon. Pero handa naman akong makasama siya kahit na anong mangyari. Kailangan niya ng kasama nung mga panahong 'yon pero mas pinili niyang mag-isa.
"He loved you more than anything, Astra."
Wala sa sariling napangiti ako. That sounds so good. He loved me.
"Kung gusto mong tulungan si Brixton, ayusin mo ang sarili mo. Protect his child. Alam kong wala kang planong ipakilala sa kanya ang bata pero maniwala ka sa akin, Astra. One day... the beast will know about his princess."
Napahawak ako sa tiyan ako. Alam kong tama si Abel. Medyo nakokonsensya rin ako sa pagtatago ko sa anak namin pero ito ang pinakamainam sa sitwasyon ngayon. He is currently in war with a lot of big clans and I don't want our child to distract him.
I don't want my baby to get involved in the war.
This is the least thing I can do for him – protect his princess.
Mas gumaan ang pakiramdam ko dahil sa naging usapan namin ni Abel. Ngayon ay mas naging malinaw ang gusto kong mangyari. Gusto kong maisilang muna ang bata bago gumawa ng hakbang.
Isang gabi ay dinalaw ako ni Lady Melendez. Hindi ito normal na pagdalaw dahil may mga dala itong gamit sa panggagamot na hindi ko pa kailanman nakita.
"Isang buwan na lang ay isisilang mo na ang anak mo," aniya habang inaayos sa lamesa ang mga kagamitan niya. "Kailangan na natin mag-umpisa sa paghahanda."
Umupo ako sa kama at pinagmasdan lang siya.
"Kailangan po ba talaga nito?" tanong ko.
Nakita ko ang hawak na purselas na Lady Melendez. Gawa 'yon sa mga kulay itim na bato. I know that stone. I've read about it. It's the concealer stone.
"Para saan po 'yan?" takang tanong ko.
Umupo siya sa tabi ko at pinakita sa akin ang purselas. "Concealer stone. Para hindi ka gaanong masaktan kapag manganganak na. Ipapasuot ko na 'to sa 'yo ngayon para mas lumakas ang epekto."
Kukunin na sana niya ang braso ko pero iniiwas ko ito agad. "Alam ko ang gamit niyan, Lady Melendez. Ginagamit 'yan para pahinain ang kapangyarihan ng isang bampira."
Sinubukan niyang isuot sa akin 'yon pero pinigilan ko siya.
"Hindi ko isusuot 'yan..." sabi ko.
"Kailangan, Astra. Pahihinain nito ang kapangyarihan ng anak mo habang nasa sinapupunan mo ito. Ipapanganak mo siya na parang normal na bampira. Iyon ang tanging paraan para makaligtas kayo."
"Ayoko!" Tumayo ako at lumayo sa kanya. "Papatayin mo ang anak ko!"
"Magtiwala ka sa akin. Ako ang may pakana kaya ka nabuntis."
Nagluha ako sa pagkakataong ito. "P-paano nangyari 'yon?"
"Hindi maaaring mabuntis ang isang bampira, Astra. Kapalit nito ang buhay mo. Sa oras na maisilang mo ang anak mo ay siya ring oras na sinalin mo sa kanya ang buhay mo. Ganito ang nangyari kay Gracia na ina ni Tegan."
"H-hindi ko pa rin maintindihan..." Puno na ng luha ang mga mata ko. "Kung alam mo ito, bakit ginawa mo sa akin?"
"May pinainom ako sa 'yo nung gabing 'yon nang hindi niyo alam dalawa ni Brix," tukoy niya sa gabi ng ritual. "Alam ni Brix na hindi ka maaaring mabuntis pero kailangan. Nakakatakot na walang may kayang pumantay sa lakas ni Brix, pero ang anak mo... kaya niya."
Nanuyo ang lalamunan ko. "G-gagamitin mo ang anak ko laban sa kanyang ama?"
"Isuot mo itong purselas!"
Naramdaman kong nag-init ang katawan ko. Galit... ito ang labis kong nararamdaman. Hindi ko matanggap na naging kasangkapan ako bilang paghahanda laban kay Brix.
Ang anak ko ang gagamitin laban sa kanyang ama.
Hindi ko 'yon matanggap.
"Astra. Nakikiusap ako..."
Napatingin ako sa binti ko saka ako bumaling sa balkunahe. Tumaas ang hamog mula rito sa kwarto ko at ngayon ay papunta na kay Lady Melendez.
"Makinig ka, Astra. Isisilang mo nang matiwasay ang anak mo. Walang mangyayari sa inyong dalawa. Hindi ba ang gusto mo rin ay itago siya? Hindi mo siya kayang itago mula kay Brix. Sa ayaw at sa gusto mo ay maaamoy niya ito. Sa tulong ng purselas na ito ay pahihinain nito ang lakas ng anak mo at maging ang amoy ng kanyang dugo hanggang sa pagsapit ng takdang-panahon na magbabalik ang panandaliang pinagkait sa kanya."
Umabot na sa bewang ni Lady Melendez ang hamog at alam kong sa oras na maamoy niya ito ay mahihirapan na siyang huminga.
"Nakikita mo ba ang hamog na ito, Astra? Gawa ito ng anak mo. Hindi pa man siya naisisilang ay pambihira na ang taglay niyang kapangyarihan. Kailangan nating paamuhin ang kanyang lakas at sanayin muna siya dahil kung hindi ay manganganib din siya!"
Natulala ako nang makitang napaluhod na si Lady Melendez at nag-umpisa nang mahirapang huminga. Ilang segundo lang ay mawawalan na ito ng malay. Nakataas ang kamay niyang may hawak sa purselas.
"P-pakiusap..." bulong pa nito.
Pumatak ang luha sa aking mga mata.
Patawad, anak...
Lumapit ako kay Lady Melendez at tinanggap ang purselas. Nang maisuot ko ito ay unti-unti na ring naglaho ang hamog. Naramdaman kong nanlabo ang paningin ko at bago pa man ako mawalan ng malay ay nasalo na ako ni Lady Melendez.
"Darating ang araw na manunumbalik ang nakakapangilabot na kapangyarihan ng anak mo. Sa ngayon ay kailangan muna natin itong patulugin hanggang sa handa na siya..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro