Kabanata 5
"EXCUSE me, please!"
Mabilis akong napalingon sa aking likuran nang marinig ang baritonong boses na iyon. Napaatras ako nang makita roon ang isang matangkad na lalaki. Hanggang dibdib lang ako nito kaya halos tingalain ko na 'to. Seryosong seryoso ang mukha na akala mo'y hindi alam ang salitang ngiti.
Natitigan ko ang kanyang itim na mga mata. Matapang ang bawat titig niya. Tingin niya pa lang ay kusa ka nang uurong at hindi na gugustuhing mapalapit sa kanya. May hikaw ito sa gilid ng ibabang labi at maski sa isang tenga. Bad boy type. Ganoon ang awrang nakikita ko sa kanya. Nagsalubong ang makakapal niyang kilay na siyang lalong nakapagpatapang sa itsura niya.
"I said excuse me, Miss!" muling aniya. May diin na ngayon na labis kong ikinabahala.
Para akong natauhan at mabilis na napalingon sa kaliwa't kanang gilid ko. Doon ko napagtanto na hindi pa talaga ako nakakaalis sa daraanan niya. Nakaramdam ako ng pagkapahiya kaya naman mabilis akong gumilid. Agad niya akong nilampasan at dumiretso sa sala. Umupo ito sa single sofa, nagdekwatro na pangbabae at pumikit.
Napabuga ako at nakahinga nang maluwag. Inalis ko ang tingin sa lalaking iyon. Nakita ko ang papalapit na si Erika galing sa kusina. Napalingon ako sa likod nang makarinig na parang nagtatalo. Pumasok ang isang maganda at petite na babae at isang gwapo ring lalaki na may bitbit na dalawang box ng pizza.
"Hi, beb!" bati ng babae kay Erika at nakipagbeso rito. Lumingon ito sa akin. Nakangiti itong kumaway. "Hi!"
Tanging ngiti ang naiganti ko sa kanya. Masyadong mataas ang energy niya at hindi ko pa 'yon kayang pantayan. Ang totoo... nahihiya lang ako.
"May maganda tayong bisita," nakangiting ani ng lalaki. Kumpara kay Troy at sa isang lalaki ay makulit itong tingnan. Lalo pa't palangiti ito. "Pakilala mo naman siya sa amin, Ava." Nakangising baling niya sa pinsan ko.
Umirap muna ang pinsan ko rito. "Guys, this is my cousin, Samantha. Kararating niya lang from Manila yesterday." Umakbay sa akin si Erika. "Sam, they're my friends. This is Bianca and Tristan," banggit niya habang itinuturo ang dalawa.
Itinuro ni Bianca ang lalaki sa sofa na hanggang ngayon ay nakapikit. Hindi na ako magtataka kung natutulog na 'yon. "And that guy right there is Alexander Shaun."
"Just call him Mr. X. X for Xander," seryosong ani Tristan at ginawa pang X ang mga braso.
Hindi ko napigilan ang matawa roon lalo pa't napakaseryoso ng mukha niya habang ginagawa 'yon. Kahit sila Erika ay mahinang natawa rito.
"Marinig ka niyan, ewan ko na lang sa'yo."
"Alis nga! Puro ka kalokohan." Mahinang itinulak ni Bianca si Tristan. Nakangiti itong lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Welcome here in Santa Clara, Sam."
"At dito sa tambayan," ani Tristan na mabilis na nakalapit sa tabi ni Bianca na ikinagulat ng huli. Napangiwi ako nang hampasin niya ito. "Aray naman!" nakangusong daing niya. Mahina muli akong natawa roon. Makulit nga.
"Basta welcome na welcome ka rito, Sam," nakangiting muling baling ni Bianca sa akin.
Tikom ang bibig akong ngumiti. "Salamat!"
"Bakit ba nandiyan kayo?"
Nilingon namin si Troy na naglalakad palapit sa sala. May bitbit itong tray na may lamang isang pitchel ng juice at mga baso.
"Tara nga doon! Bakit nga ba nandito tayo," ani Tristan na nauna na sa paglalakad papunta roon.
Pinaupo ako ni Erika sa isang one-seater sofa. Silang dalawa ni Troy at Bianca ang magkakatabi sa three-seater at sa sahig naman si Tristan.
Hindi kayo nagbreakfast?" tanong ni Erika.
"Itong isang 'to." Turo ni Bianca kay Tristan.
"Tapos pizza agad, Tan?" masungit na ani Erika.
"Ito ang gusto ni Bianca, eh," parang nagsusumbong na ani Tristan habang binubuksan ang box.
"Sabi ko lang na gusto ko ng pizza. Bakit hindi ka bumili ng pagkain mo?" mataray na ani Bianca.
"Eh, nagmamadali ka kamo kasi nandito na sila Erika."
"Hindi ko na kasalanan 'yon..."
Naaaliw kong pinanood ang pagtatalo ng dalawa. Hindi pa man nagtatagal na nakilala sila ay parang alam ko na ang araw-araw nilang ginagawa.
"Ang ingay ninyo! Kumain na nga lang kayo!" naiiling na ani Troy na nauna pang kumuha roon.
Agad silang kumuha rin ng pagkain. Natampal pa ni Bianca ang kamay ni Tristan nang pareho sila ng nahawakang slice. Nanghahaba tuloy ang nguso nito habang masamang tingin ang ipinupukol kay Bianca. Nakangiti akong napailing. Hindi lang pala makulit tingnan 'to si Tristan, mukha ring bata umasta minsan.
"Are you gonna stay here na for good, Sam?" tanong ni Bianca habang nagsasalin ng juice sa baso niya.
Tumango ako habang nakatakip ang palad sa aking bibig at ngumunguya. Mabilis ko 'yong nilunok at uminom ng softdrinks.
"Ibig sabihin dito ka na rin mag-aaral?" muling tanong niya. Bakas ang excitement sa boses at bahagyang nanlalaking mga mata.
Nakangiti akong tumango. "Oo."
"Exciting!" nakangising ani Tristan.
"Exciting ka riyan!" masungit na ani Erika na mahinang sinipa ang binti nito.
"Ano na namang kasalanan ko, Ava!"
"Huwag ang pinsan ko, Tristan Matthew!"
"Grabe! Sinabi ko lang na exciting!" Parang maiiyak na sambit ni Tristan na muli kong ikinatawa. Hindi pa man ako nakakaisang oras rito ay panay na ang tawa ko.
"What course are you taking up, Sam?" tanong ni Troy.
"BS Architecture."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Bianca at naitakip pa ang kamay sa bibig. "Oh, my gosh! Really?"
Nakangiti akong tumango. Nagtaka naman ako nang maglahad siya ng kamay pero tinaggap ko rin iyon.
"BS Architecture. Third year college this coming June."
Napanganga rin ako nang marinig ang sinabi niya. Nakaramdam ako ng tuwa sa simpleng kaalalam na pareho kami ng kurso at taon.
"Third year na rin 'yan si Sam. Baka mamaya niyan maging classmates pa kayo," ani Erika habang pinupuno ng hot sauce ang isang slice ng pizza niya.
"Exciting nga kung gano'n!" Napapabungisngis pang sabi ni Bianca.
Nagpatuloy ang pag-uusap namin tungkol doon. Napag-alaman ko rin na Political Science ang kurso ni Troy. Balak nitong mag abogado. Si Tristan naman ay Nursing at pagkatapos niyon ay kukuha ng Medisina. Natupad ni Erika ang pangarap niyang kurso na Fashion Design.
Napatingin ako kay Xander. Nakapikit pa rin ito simula noong umupo roon. Naka-crossed arms at nakadekwatro na pambabae. Iniisip ko kung ano kaya ang course niya o kung nag-aaral ba siya. Sa itsura niya kasi ay para siya 'yong tamad na estudyante. 'Yong mas gugustuhing matulog kaysa makinig sa Professor. 'Yong mas gugustuhing tumambay rito kaysa pumasok sa school.
Kailan ka pa naging judgemental, Samantha?
Inalis ko ang atensyon sa kanya. Mula sa kinauupuan ay tiningnan ko ang white board na puno ng mga litrato nila. Tumayo ako at nagtungo roon. Pinagmasdan ko iyon na may ngiti sa labi.
Silang lima na magkakasama sa mga litrato. Puro group pictures iyon. Mayroong nasa tuktok ng bundok, sa swimming pool, sa beach, sa school, sa gym, sa loob ng sasakyan, sa loob ng restaurant at mayroon ding nandito sa tambayan. Mayroong mga nakagown and suit sila na mukhang nasa party at mayroong nasa ibang bansa. At ang pinaka-nagustuhan ko ay ang group pictures nila noong gumraduate sila ng kindergarten, elementary at high school. May pictures din doon nang manligaw si Troy kay Erika. May hawak si Bianca, Xander, Tristan at Troy ng cards na may nakasulat na 'Can I Court You?'
Nakakatuwa ang mukha ni Tristan na ngiting ngiti sa lahat ng litrato. Ang parating nakawacky na sina Erika at Bianca. Ang maliit pero halata mong masayang ngiti ni Troy. Ang palaging seryosong mukha ni Xander. Iyon ang mas nakapagpaganda sa mga litratong ito. Ang kislap ng saya sa mga mata nilang lahat, nakangiti man o hindi.
"Ang cute ninyong lahat dito, E," nakangiti kong sabi kay Erika nang masulyapan ang pagtabi niya sa akin. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa tagiliran ko. Ikinawit ko naman ang braso ko sa bewang niya.
"Sa susunod mga litrato naman namin na kasama ka ang pagmamasdan natin dito."
Mabilis akong napalingon sa kanya. Naantig ang puso ko sa sinabi niyang iyon dahilan para mamasa ang mga mata ko. Kumalas siya sa pagkakayakap at nakangiti akong hinarap.
"Bawi tayo ngayon, Sam. Let's create happy memories together."
Nakangiti akong tumango. "Babawi tayo."
Sabay kaming mahinang natawa. Muli niya naman akong niyakap at hinarap namin ang mga litrato nila. Inusisa ko siya tungkol doon at sinagot niya naman ang mga tanong ko.
At nang sabihin niyang we will create happy memories together, tinupad namin iyon. Hindi lang kaming dalawa. Kasama rin ang iba niyang kaibigan. Ang mga bagong kaibigan ko.
Hindi ko lubos na inaasahan na magiging masaya ang pamamalagi ko rito sa Santa Clara. Halos araw-araw naming kasama ang apat na iyon. Kung hindi sa tambayan ay bigla na lamang magyayakag si Troy sa beach. Gustong gusto naman ni Tristan ang nagro-road trip na palagi ring nasusunod. Si Bianca at Erika ay mas trip ang magshopping at bumisita sa book stores.
Naranasan ko na ang magsaya kasama ang mga kaibigan ko na dati ay pinapangarap ko lang. Aaminin kong minsan ay nakakaramdam ako ng takot dahil baka pansamantala lamang ang lahat ng ito, pero agad ko rin 'yong binubura sa isip ko. Paulit ulit kong sinasabi sa aking sarili na kung pansamantala lamang ang lahat ng ito, masaya pa rin akong nakilala sila at may mababaon akong masayang alaala na kasama silang lahat.
Pero minsan, kahit gaano pa kalakas ang tawa ko at kahit gaano pa kalapad ang ngiti ko. May mga oras pa rin talaga na nabubura iyon at napapalitan ng sakit at hikbi.
"Sam?"
Napalingon ako sa aking likuran. Nakita ko si Tita, naniningkit ang mga nito at parang kinikilala pa ako.
"Ako nga po, Tita."
Napahawak ito sa dibdib. Naglakad naman siya palapit sa akin.
"Akala ko kung sino. Ano'ng ginagawa mo rito sa balkonahe? Alas tres na. Hindi ka ba makatulog?"
"Nakatulog na po ako at nagising lang. Kumuha po akong tubig." Ipinakita ko sa kanya ang hawak kong baso.
Tumango-tango ito. Mas lumapit siya sa 'kin at tiningala ang kalangitan.
"Namimiss mo ang daddy mo?"
Malalim akong bumuntong-hininga. "O-Opo."
"Masakit pa rin ba?"
Hindi ko agad nagawang sumagot. Napatungo ako . Nag-iinit ang mga mata ko at nagbabara ang lalamunan. Ano mang oras alam kong papatak na sila.
"Sobrang sakit pa rin, Tita. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang maiwan akong mag-isa. Nawala si mommy... Nawala si daddy. Ang hirap tanggapin. Kahit anong pagsasaya ko, dumadapo pa rin sa puso ko ang sakit ng pagkawala nila."
Tumango-tango ito. Rinig ko ang malalim niyang pagbuga ng hangin.
"Time heals all wounds, but sometimes it is not the time... It is ourselves. Ikaw mismo, Samantha. Kung paano mo tatanggapin ang mga pangyayari, kung paano ka magpapatawad at kung paano mo tatanggapin ang pagkawala. Kapag alam mo na ang sagot sa mga iyon saka darating sa puso mo ang paghilom."
Kinuha Niya si daddy para hindi na ito mahirapan pa.
Palagi kong itinatanong sa Kanya kung bakit niya ba kailangang kunin agad si daddy. Ngayon ay nagkaroon na ako ng sagot doon at natutunan kong tanggapin 'yon, unti-unting nabura ang hapdi sa puso ko.
Sa paglipas ng mga araw ay masasabi kong para akong binigyan ng bagong buhay. Binura ang lungkot sa puso ko at pinalitan iyon ng labis na saya. Inalis ang sakit at kagaanan ng loob ang ibinigay. At hindi mangyayari iyon kung hindi dahil kay Gerald, sa mga bagong kaibigan, at nila Tita. Mga taong ibinigay Niya sa oras na kailangan ko ng makakapitan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro