Kabanata 26
"WHAT the hell, Xander?!"
Mabilis akong hinila ni Erika palayo kay Xander. Hindi ko naalis ang tingin ko sa nakangising mukha nito. Parang nawala sa pandinig ko ang ingay sa bar bumibingi sa akin. Ngayon ay tanging ang mga sinabi niya ang paulit-ulit kong naririnig.
Punong-puno ng pagkalito at tanong ang puso't isip ko, pero nawala ang lahat ng iyon ng biglang tumumba si Xander. Sabay-sabay kaming napasigaw at mabilis na lumapit sa kanya. Mabilis ko siyang dinaluhan at umupo ako sa may ulonan niya para alalayan iyon.
"Babe," nag-aalang tawag ko habang hinahaplos ang pisngi niya.
"Hindi naman 'yan basta-basta nalalasing, ah?! Ano bang ipinainom mo riyan?! Bakit mo kasi nilasing?!" asik ni Erika kay Marcus.
"Aba! Gusto niya raw malasing, eh! At hindi ako, ha! Siya mismo ang maya't maya kung umorder!"
"Huwag nang magsisihan," mahinahong ani Troy. "Marcus, Tan, tulungan ninyo ako. Buhatin natin si Xander."
Lumuhod si Troy at tumalikod kay Xander. Tinulungan ng magkapatid na isakay si Xander sa likod niya. Nakaalalay naman sila sa likod nito habang naglalakad. Nang makarating sa parking lot ay isinakay nila ito sa passenger seat ng kotse ni Troy.
"May dala kaya 'tong kotse?" tanong ni Troy kay Marcus.
"Oo yata."
"Balikan na lang bukas," ani Tristan.
Sumakay na kaming lahat at umalis na. Tumabi ako kay Xander. Tinitigan ko ito habang hinahaplos ang pisngi niya. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya kanina.
Where's your fucking father, huh?! My Mom's fucking lover!
Mariin akong napapikit at marahas na napabuga ng hangin. Ano bang sinasabi niya! Ang Daddy ko at ang Mommy niya?!
"Sam."
Napaangat ang ulo ko. Tipid na ngumiti si Erika.
"Huwag mong isipin ang sinabi niya. Lasing lang siya."
Hindi ko siya sinagot. Alam kong nag-aalala lang siya pero masyadong mahirap ang ipinapagawa niya. Dahil kahit anong taboy ko roon, dahil ayaw paniwalaan, ay nanatili na iyon sa utak ko.
Sa tambayan kami dumiretso. Pinagtulungan muli ni Troy at ng magkapatid na buhatin si Xander papasok sa tambayan. Dinala nila ito sa kwarto. Sumunod ako sa mga ito.
"Thank you," mahinang sabi ko sa mga ito nang maihiga nila si Xander sa kama.
Mahinang tinapik ni Tristan ang balikat ko bago sila lumabas. Nang makita ang pagsara ng pinto ay doon pa lang ako umupo sa tabi ni Xander. Inayos ko ang pagkakahiga nito at inalis ang suot niyang sapatos.
Pinakatitigan ko ang kanyang itsura. Namumula pa rin ang kanyang mukha, leeg at magkabilang tenga. Amoy na amoy ang alak. Iba na ang suot niya ngayon sa suot niya noong ihatid ako kagabi. Ibig sabihin ay nakauwi pa siya.
Muli kong naramdaman ang sakit sa aking likod nang maaalala ang ginawa niya kanina. Hindi ko lubos maisip na magiging marahas siya nang ganoon sa akin.
Gusto kong isipin na lasing nga lang siya kaya niya nasabi ang tungkol kay daddy at sa mommy niya. Pero hindi ko magawang iwaksi sa isip ko ang naging trato niya sa akin kanina. Kung lasing lang siya ay bakit ganoon na lang ang galit niya? Kaya rin ba ganoon ang ikinikilos niya simula noong Sabado? Ito ba ang problemang hindi niya masabi-sabi sa 'kin? Ang hindi niay matanggap?
Pero bakit? Paano nangyari iyon? Natatakot ako sa sinabi niyang iyon. Natatakot ako na baka totoo iyon. Dahil kung totoo man iyon, alam kong pati ang relasyon namin ay maaapektuhan. Dahil ngayon pa nga lang na hindi pa ako sigurado roon ay ramdam ko na ang paglayo niya. Ang unti-unti niyang paglayo.
Mabilis kong pinunasan ang aking pisngi nang marinig kong may kumatok sa pinto. Napalingon ako sa pinto. Hindi na ako nag-abalang tumayo dahil agad din naman 'yong bumukas at pumasok si Erika. Seryosong seryoso siyang nakatingin kay Xander pagkapasok, nang bumaling sa akin ay may ngiti na sa labi.
"Nagkakape sila. Gusto mo ba? Dadalhan kita rito?"
"Lalabas na lang ako, E."
Tumango siya at nanatili roon. Kinumutan ko si Xander. Isang beses ko pang pinasadahan ng palad ang kanyang mukha at dinampian siya ng halik sa noo bago ako lumabas.
Tahimik silang lahat sa sala. Kahit noong maupo kami ay walang umimik. Parang nagpapakiramdaman pa. Kita ko naman ang tahimik na pagsasalita ni Bianca sa boyfriend. Nag-aaway ang dalawa. May ibinubulong dito si Tristan at tinatapik ito sa kamay.
Tumikhim si Erika kaya sabay-sabay na napalingon ang lahat sa kanya. Bumuntong-hininga siya at tumingin kay Marcus na nakaupo sa sahig.
"What happened, Marcus? Bakit magkasama kayo ni Xander sa Avenue?" seryosong tanong niya rito.
Nagpakawala rin ng buntong-hininga si Marcus. Sumulyap ito sa akin bago ibinalik ang tingin sa pinsan ko.
"Tumawag siya sa akin kaninang alas sais. O mag se-seven na yata iyon. Hindi ko na matandaan," naiiling nitong sabi.
"Baka seven dahil iyon ang tapos ng duty mo," masungit na ani Tristan. Hindi na ito pinansin ng kapatid
"Niyakag niya akong mag-inom. Biniro ko pa nga na si Samantha pero sabi niya..." Muli siyang sumulyap sa akin bago napatungo. Nag-angat siya muli ng tingin kay Erika. "H-He doesn't want to see her." Pagkasabi ni Marcus niyon ay muli siyang tumingin sa akin at seryosong tumitig.
"What?" sabay na ani Bianca at Erika.
Nanikip ang dibdib ko sa narinig. Ayaw niya akong makita? Bakit?
"T-teka... sinabi ni Xander 'yon?" naguguluhang tanong ni Bianca.
Tumango si Marcus. Tumingin ito sa akin at tumitig. Hindi ko rin maalis ang tingin ko sa kanya. Mayroon sa akin na naghihintay na tumawa siya at sabihin na nagbibiro lang siya. Pero nabigo ang puso ko nang hindi iyon mangyari. Unti-unting nangilid ang mga luha sa mga mata.
"Wait... wait. Sinabi iyon ni Xander sa'yo?"
"Oo nga! Ayaw pang maniwala!" Inis na itong napakamot sa ulo.
"Bakit naman niya sasabihin 'yon?" parang wala sa sariling tanong ni Troy.
"And why did he push Samantha, earlier? Masakit ang ginawa niyang iyon!" galit na ani Bianca.
Natitigan ko siya. Malalim akong napabuga ng hangin.
"W-wait..." Napatingin kami kay Tristan. Tulala ito at parang may malalim na iniisip bago ito tumingin sa akin. "Ano 'yong sinabi niya kanina? Your Dad and his Mom?"
"Tristan!" asik ni Erika. Nananaway.
Napatingin ako kay Erika. Masama ang tingin nito kay Tristan. Parang binabalaan ito na huwag na ulit magsalita pa.
"May alam ka ba, E?"
Napalingon si Erika sa akin dahil sa tanong ko. Seryoso siya kaya hindi ko malaman kung ano'ng iniisip niya.
"Lasing lang siya, Sam. Iyon lang 'yon."
Tinitigan ko siya at gumanti rin ito ng titig. Para bang sa tingin niya ay sinasabi niyang paniwalaan ko siya. Napabuntong-hininga ako at nag-iwas na lamang.
Napalingon ako sa likod ko nang makarinig ng pagbukas at pagsara ng pinto. Nakatayo na roon si Xander. Hawak pa ang doorknob ng nakasarang pinto habang inililibot ang tingin sa mga kaibigan ko. Sa akin huling dumapo ang paningin niya.
"Babe." Tumayo ako. Naglulumikot ang magkahawak kong mga kamay. Nagbabalak nang lapitan siya oras na bigyan niya ako maski isang ngiti. Pero parang nalaglag ang puso ko nang mag-iwas ito ng tingin, tumalikod at dumiretso sa banyo.
Napaupo ako. Naramdaman ko ang paghawak ni Erika sa braso ko pero hindi ko siya nagawang lingunin. Hindi mawala sa isip ko ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Walang emosyon. Parang hindi ako kilala.
"Uuwi na muna siguro kami," ani Bianca kaya naman nilingon ko siya. "Anong oras na rin kasi at..." Lumingon siya sa kung nasaan ang C.R. bago muling lumingon sa akin. "Para makapag-usap kayo ni Xander."
"Mabuti pa nga. Uuwi na rin muna kami," ani Erika at tumayo. "Okay ka lang ba rito is?" tanong ni Erika. Tipid na tango lang ang nagawa ko. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"P're uuwi na kami."
Mabilis akong napalingon kay Troy na nakatingin sa likod ko kaya naman napalingon rin kami roon. Nakatayo roon si Xander.
"Sasabay na ako," seryosong aniya na hindi man lang ako dinadapuan maski sulyap.
"Stay here. Mag-usap kayo ni Sam."
Dahil sa sinabing iyon ng pinsan ko ay napatingin sa akin si Xander. Saglit na saglit lang iyon.
"Wala kaming dapat pag-usapan."
Pagkasabi niya niyon ay dire-diretso itong lumabas ng tambayan. Parang kinkuyumos ang puso ko. Nanatili akong tulalang nakatingin sa kinatatayuan niya kanina. Sunod-sunod na tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Napatungo ako sa mga kamay ko at doon napahagulgol nang malakas. Lahat ng sakit, takot, pangamba na natatanim sa puso ko ng ilang araw ay doon bumuhos.
"What the fuck is wrong with him?! Kanina niya pa ako iniinis!"
"Calm down, Hon. Walang mangyayari kung paiiralin mo ang init ng ulo."
"Paanong hindi mag-iinit ang ulo ko! Ayaw niyang kausapin ang pinsan ko tapos ganito ang asta niya!"
"Hayaan ninyo na muna siya," ani Marcus. "Hayaan ninyo munang makapag-isip 'yong isa," aniya na nasa akin ang paningin.
"Kapag 'yan ganyan pa rin bukas bibigwasan ko na 'yan!"
"Sam..." Yumakap si Bianca. Ang gaan ng yakap miya pero kulang iyon. Gusto ko ng mga oras na ito ang yakap ni Xander.
Nang magawa kong pakalmahin ang sarili ay lumabas na kaming lahat ng tambayan. Maliwanag na ang paligid. Nakita ko si Xander na nakasandal sa kotse at nakatungo.
Nag-angay ito ng ulo nang lumapit sa kanya sila Tristan pero hindi ito lumingon. Hindi niya ako hinanap.
"Let's go, Sam," mariin ang bigkas ni Erika.
"Ihahatid ko muna kayo."
"Huwag na, Hon. Malapit lang naman. Sige na, para makapagpahinga ka pa bago pumasok."
Tumango ito. Tinapunan niya ako ng tingin, wlaang sinabi at tanging malalim na buntong-hininga lang ang ginawa.
Hinila na ako ni Erika. Kapag lumilingon ako para ingnan si Xander ay hihilahin niya ako. Umuwi kaming bigo ako sa sulyap at pagkausap ni Xander.
Pagkatapos ng gabing iyon ay hinintay kong kausapin niya ako at paulit ulit akong nabigo. Simula ng gabing iyon ay hindi na siya nagparamdam pa sa akin maski sa text.
Wala na ang mga text messages niya, hndi niya na ako pinupuntahan sa building namin kapag vacant niya, hindi na siya sumasabay ng lunch kapag may pagkakataon, hindi na niya ako hinahatid o sinusundo. Lahat ng ginagawa niya noon para sa akin ay biglang naglaho. Lahat ng tungkol sa amin ay mabilis na nawala na parang bula.
"Kung gaano kabilis naging kami, ganoon rin kabilis nawala ang lahat," lumuluhang sabi ko kay Erika isang gabi. "Tama nga naman, kapag mabilis na naging sa'yo, mabilis ring mawawala," natatawa ngunit luhaang dagdag ko pa habang nakatingin sa kalangitang punong-puno ng bituin. I miss him, Dad.
"Sam..."
"Parang ipinaramdam lang sa akin kung paano ang sumaya," pagpapatuloy ko na hindi pinapansin ang malungkot na pagtawag ni Erika sa pangalan ko. "Kung alam ko lang na babawiin rin pala 'yon, sana ay hindi ko na hiniling na maging masaya. Kasi mas masakit ang balik."
"Sam, please, don't say that. Baka may problema lang si Xander at kailangan niya ng oras para sa sarili niya."
Nilingon ko si Erika na malungkot na nakatingin sa akin. "Alam nating pareho na hindi ito gagawin ni Xander kung simpleng problema lang ito, E. Alam nating pareho na tungkol ito sa nabanggit niya noon."
"What are you trying to say? Na naniniwala ka na may something kay Tito Samuel at sa mommy niya?" Parang hindi makapaniwalang tanong niya.
Ngumiti ako ng mapait. "Ayaw ko man pero hindi ko maiwasang hindi paniwalaan, E. Bakit ganito ang ikinikilos niya kung hindi? Bakit tumagal ng ganito ang pag-iwas niya kung hindi? Dalawang linggo na, E."
Matagal akong tinitigan ni Erika bago bumuntong hininga. "Kung gano'n.. Bakit hindi mo siya kinakausap tungkol roon? Bakit hindi mo siya tinatanong para maliwanagan ka?"
Muli akong tumingin sa kalangitan at naramdaman ko ang pagkabasa muli ng magkabilang pisngi ko dahil sa magkakasunod na pagpatak ng luha ko.
"Dahil natatakot ako. Natatakot ako na kapag may nalaman ako tungkol sa mga magulang namin ay tuluyan na siyang mawala sa akin."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro