Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 22

SERYOSONG seryoso ang mukha ng daddy ni Xander kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi ko mabasa kung galit ba siya o ganoon lang talaga ang kanyang mukha. Mag-ama nga sila ni Xander. Ganitong ganito rin kasi ang isang ito noon, kaya nga sobrang ilag ako sa kanya.

Nialalamon man ng kaba pero pinilit ko pa ring magbigay ng magandang ngiti at makapagsalita nang maayos, "Good evening po, Sir. Ikinagagalak ko po kayong makilala."

"Just call me Tito James," baritono ang boses na anito. Nilingon niya si Xander bago ako muling tiningnan. "Have a sit," aniya pa at nauna nang umupo.

Nagsimulang kumain si Tito kaya kumain na rin kaming lahat. Lumapit naman ang isang katulong at nilagyan ng wine ang mga wine glass.

"How old are you, Samantha?"

Natigilan ako sa paghihiwa ng steak dahil sa gulat. Napalingon ako kay Xander, na nakangiting lumingon sa akin, bago ako tumingin sa daddy niya. Maski ito ay nakatingin na sa akin habang ngumunguya.

"I- I'm twenty years old now, T-tito."

Parang kahit banggitin ang Tito ay nakakatakot gawin. Ganito ba talaga ang makipagkita sa magulang ng nobyo? Palihim akong bumuntong-hininga.

Nilingon niya ang cake sa lamesa. Marahil ay napansin na iyon kanina. "It's your birthday?"

"Yes, Tito."

Tumango-tango siya. "Are you still studying?"

"Yes, Tito. B.S. Architecture," tuloy kong sagot. Pakiramdam ko ay hindi ako matutunawan sa sobrang kaba.

Tumango muli siya. "How did you two meet?" tanong muli nito pero kay Xander na nakatutok ang paningin. Maging si Xander ay seryosong nakatingin sa ama niya.

Pasimple akong bumuga ng hangin nang mawala sa akin ang tingin niya.

"She's Erika's cousin."

"Erika? Erika Javier?" kunot-noong tanong niya na nasa akin na muli ang paningin.

"Yes po. Kapatid po ni Tita Agnes ang Mommy ko."

Ang bumagal na pagnguya ni Tito ay unti-unting natigil. Mataman itong tumitig sa akin. Tumikhim siya bago uminom ng wine.

"What's your parents do for a living? Do they have a business?"

"Dad!" mariing saway ni Xander.

"What? I'm just asking her so I can get to know her better," natatawa nitong giit.

"Is that even necessary?" yamot na tanong ni Xander. Agad ko 'tong hinawakan sa braso.

"Okay lang, babe," bulong ko rito. Salubong ang kilay niya nang lingunin ako. "Ano ka ba, wala namang masama roon."

Napahilamos 'to sa mukha at sumandal sa kinauupuan. Bumaling akong muli sa daddy niya.

"A-ah, w-wala na po akong mga magulang, Tito. Uhm, my mom died when I was four and my father died l-last year."

Nangunot ang noo niya. "And you're living with your Tita Agnes?"

Hindi agad ako nakasagot. Pakiramdam ko, kapag um-oo ako ay hindi niya magugustuhan ang ideyang iyon.

"Yes. She's living with them," si Xander na ang sumagot.

Tumango-tango si Tito. Wala na itong naging tanong pagkatapos niyon. Hindi ko malaman kung makakahinga ba ako nang maluwag o mas palalalain niyon ang kaba ko dahil sa huling napag-usapan.

Hindi niya naman ako aayawan para sa anak niya dahil lang wala na akong magulang at nakikitira lang sa mga Tita ko, hindi ba?

'Hindi naman siguro, Sam. Mabait naman ito base sa mga sinasabi ng mga kaibigan ninyo,' pampalubag-loob ko sa sarili.

Nagpatuloy ang pagkain. Nag-uusap si Xander at ang daddy niya. Tungkol nga lang iyon sa plano ni Xander kapag nakatapos na ito kaya parang tamad na tamad sumagot ang katabi ko. Kami naman ni Tita ay tahimik na pinag-usapan ang tungkol sa mga nakahaing pagkain.

Maya't maya akong tinatanong nila Xander kung may gusto ba ako kaya nabawasan niyon ang ilang na nararamdaman ko.

"Sam, try this," nakangiting ani Tita Grace nang kumakain na kami ng dessert. Ipinaglagay niya ako ng parfait bites sa bread plate.

"Thank you po, Tita." Tinikman ko agad iyon. Nanlaki ang mga mata ko. "Ang sarap po nito, Tita!" mangha kong sabi.

"I'm glad you like it," masayang aniya.

"Let's go, babe. May pupuntahan pa tayo," bulong ni Xander matapos ng paghahapunan.

"Saan?"

Ngumisi ito. "Secret!"

Tiningnan ko 'to sa mga mata at pinagkunutan ng noo. Sumusuko naman itong umuntong-hininga.

"To celebrate our anniversary."

"Akala ko ba ito na?" gulat kong tanong.

Nangunot ang noo niya, mayamaya ay natawa. "It's our first anniversary, Sam. I want it to be special and memorable."

Tumitig pa ako rito ng ilang segundo bago tumango. Nahihiwagaan sa sinasabi niyang celebration. Nagpaalam naman agad kami kina Tita Grace at Tito James. Inihatid pa nila kami hanggang sa gate. Nang makalabas ay hinarap naming muli ang mga ito.

"T-Thank you," naiilang na ani Xander sa daddy niya. Tinapik lang ni Tito ang balikat niya. "Thank you for the foods," baling niya kay Tita.

"You're always welcome, Xander."

"Maraming salamat po, Tita... Tito."

Tipid ang ngiti ni Tito nang tumango sa akin. Lumapit naman sa 'kin si Tita at yumakap.

"We'll go ahead," ani Xander.

"Enjoy!" sigaw pa ni Tita habang ipinagbubuksan ako ni Xander ng pinto. Kumaway ako rito.

"Saan tayo pupunta?" Nilingon ko si Xander nang makasakay kami pareho sa kotse.

"Somewhere," nakangiting aniya. Tutok sa kalsada ang paningin.

Taka ko siyang tiningnan pero hindi na lang ako umimik. Tahimik kaming dalawa sa biyahe hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang bahay. Bumaba siya. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako nito at bumaba na rin agad. Tiningnan ko ang bahay na nasa harap namin. Maliwanag sa loob at labas niyon pero tahimik at parang wala namang tao roon.

"Ito 'yong bahay last year, 'di ba?"

"Yeah."

Kaya pala pamilyar ito dahil dito ako nagcelebrate ng birthday ko last year.

Ikinawit niya ang braso sa bewang ko. "Let's go."

Sabay kaming naglakad papasok ng gate. Hindi ko ito napagmasdan noong unang punta ko rito dahil walang bukas na ilaw noon. Pero ngayon ay maliwanag ang buong paligid kaya nakita kong mabuti ang labas ng bahay. Napakaganda niyon. Nakapakaraming halaman at bulaklak sa paligid.

"Kaninong bahay 'to?"

"Mine. Isa ito sa naiwang property ni Mommy na sa akin nakapangalan."

"Ibig sabihin wala ng nakatira?"

"Wala na."

"Pero marami pang bulaklak."

Nagkibit-balikat siya. "Pinaaalagaan ni Tita Grace."

Sa halip na sa main door ng bahay ay dumiretso kami sa gilid at dumaan sa stone pathways. Lalo akong namangha sa ganda niyon dahil napakaraming bulaklak sa magkabiling gilid. Maliwanag ang daan dahil sa mga ilaw na nasa magkabilang side ng pathway. May nadaan pa kaming flower arch na ikinamangha ko rin. Para 'yong sadyang naroon.

"This is the real celebration, babe."

Nakarating kami sa backyard at mangha kong pinagmasdan ang paligid. Maliit lang ang backyard pero napakaganda ng ginawa roon. May mga golf ball string lights na nakasabit sa mga puno at napakaraming petals na nakakalat sa sahig. May nakalatag na puti at makapal na tela sa sahig at may mga throwpillow din doon. Sa harapan niyon ay may mga nakahaing pagkain at champagne. Mayroon pang projector screen.

"Babe."

Mabilis na nangilid ang mga luha ko dulot ng labis na saya. Namamangha pa rin ako nang lingunin ko si Xander nang marinig ko ang pagtawag nito. May iniabot siyang isang bouquet ng iba't ibang uri ng bulaklak. Kinuha ko iyon at nakangiting tinitigan dahil sa ganda niyon.

"All those flowers symbolize love." Nakangiti siya habang titig na titig sa akin. Hinawakan niya ako sa kanang pisngi at marahang hinaplos iyon. "My life before you was so dull, Samantha. Dahil sa'yo ay natuto akong mangarap, pahalagahan ang mga tao sa paligid ko at natuto akong pahalagahan ang sarili ko. You make me see the world in a way no one else ever has. Thank you for coming into my life, babe. I love you so damn much!"

Napasinghot ako dahil kanina pa tumutulo ang mga luha ko. Parang naging falls iyon nang marinig ko ang mga sinabi niya. Sweet na tao si Xander pagdating sa akin. Kahit sino pang kasama namin ay wala siyang pakialam basta maipakita niya kung gaano niya ako kamahal. Araw-araw ay hindi siya nagsawang iparamdam iyon, sabihin at ipakita. Pero ngayon, kahit sanay na dapat ako sa mga ganitong salita niya ay hindi ko pa rin maiwasang maluha. Dahil ngayon ko lang naramdaman ito. Siya lang ang nakapagparamdam sa akin ng ganitong kaligayahan.

"Thank you rin, babe." Suminghot ako. Nakangiti niyang pinunasan ang mga luha ko. "You know that I went through a lot until I no longer knew how to be happy." Napatango siya roon. "But ever since I met you, hindi mo lang ako tinuruang maging masaya, tinuruan mo rin akong magmahal." Panay ang pagluha ko habang sinasabi ang mga iyon. Panay naman siya sa pagpunas doon. Ngumiti ako at mas lumapit sa kanya. "You've shown me what unconditional love feels like, Xander. Thank you for letting me experience what it feels like to be loved by someone. I love you, babe."

Tumingkayad ako at humawak sa magkabilang balikat niya. Kusang pumikit ang mga mata ko bago pa man maglapat ang mga labi namin. Hinapit niya ako sa bewang kaya lalo akong napalapit sa kanya. Ang kamay niyang nasa pisngi ko ay nalipat sa panga ko. Lumalim ang halik namin at damang-dama ko ang init ng katawan niya sa kabila ng lamig na dulot ng hangin. Bago pa lumalim iyon ay kusa na itong tumigil.

Nakangisi na siya nang muling humarap sa akin. "Habang tumatagal sumasarap ang halik mo, ah. Lalo akong naaadik sa'yo."

Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niyang iyon. Sinamaan ko siya ng tingin. "Gago! Tara na nga!"

Narinig ko pa ang malakas niyang tawa. Napailing na ako at hindi na lamang pinansin iyon dahil lalo niya lang akong tutuksuhin.

Pagkaupo nami ay agad siyang nagsalin ng champagne. Ibinigay niya ang isang glass sa akin. Dinampian niya ako ng halik sa labi bago ako nakangiting hinarap muli. "To more years, babe."

Napangiti rin ako at tumango. "To more years."

Natigilan ako sa pagsimsim ng alak nang hawakan niya ang kanang kamay ko. Napatungo ako roon. Nasulyapan ko nang may kinuha siya sa bulsa ng suot niyang pantalon. Napanganga ako nang nang buksan niya ang isang kulay sky blue na box. May laman 'yong dalawang gold na singsing.

"I hope this ring reminds you my promise to never stop loving you, Samantha. And I'm always yours... and yours alone." Isinuot niya sa ring finger ko ang isang petite gold diamond ring.

"Xander." Luhaan akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Para saan 'to."

"It's a promise ring. My gift for you. Here. Put it on me."

Iniabot niya sa akin ang isa pang gold ring. Simple lang iyon at makapal ng kaunti kumpara sa isinuot niya sa akin. Umiiyak kong kinuha iyon sa kanya at hinawakan ang kanan niyang kamay.

"I'll always love you... no matter what, babe."

Nag-angat muli ako ng tingin sa kanya matapos ko 'yong isuot sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi ko at nakangiti akong napapikit nang dinampian niya ako ng halik sa noo bago ako mahigpit na niyakap

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro