Kabanata 13
"SAM, malapit na ang birthday mo, 'di ba?"
Naudlot ang pagsubo ko sana ng tuna pasta at napaangat ang tingin ko kay Bianca. Ngiting ngiti ito. Kahit ang iba ay nakatutok ang paningin sa akin.
"Oo nga, Sam. Next next week na 'yon. Ano'ng balak mo?" si Erika.
"Uh..." Kunwari'y nag-isip pa ako. "Hindi ko pa alam, eh." Sa totoo lang ay wala.
"Bakit naman? First birthday mo 'yon na kasama kami. Dapat maging memorable 'yon," ani muli ni Bianca. "Dapat nagbabalak na tayo. Mag party kaya tayo? Ano bang gusto mo? Swimming? Beach party kaya?" masayang suhestiyon niya.
As usual, si Bianca ang unang nagbabalak. Ito rin ang palaging nagpa-plano ng mga lakad pagkatapos nilang magkasundo kung saan nila gustong magpunta. Hilig niya lang talaga iyon.
"Oo, beach party na lang. Namimiss ko na ang mag beach," ani Troy.
"Parang kagagaling lang natin sa Tali Beach two weeks ago?" mataray na ani Erika sa boyfriend niya.
"Oh! I miss that place!" ani pa ni Troy na hindi pinansin ang pagtataray ng girlfriend niya.
"Bar na lang tayo, Sam. Doon sa bagong bar sa bayan. Balita ko maganda roon," suhestyon ni Tristan.
"Huwag ang bar. Swimming na lang or road trip? Or out of town kaya?" sabi muli ni Erika.
"Bakit hindi kaya si Sam ang tanungin ninyo," ani Troy. "Ano ba usually ang ginagawa mo kapag birthday mo, Sam?"
Napangiwi ako nang marinig ang tanong na 'yon. Napabuntong-hininga pa nang makita ang masayang mukha nila habang nakatingin sa akin. "S-Sa totoo lang, h-hindi kasi ako sanay na mag celebrate ng birthday ko," pag-amin ko. "Normal na araw lang ang birthday para sa akin at hindi na kailangan pang magsaya pa para roon. Lilipas din naman iyon. Ang mahalaga ay dumaan." Ang gusto ko lang noon ay magising si Daddy. Iyon lang ang tangi kong hiling.
"Eh, ano lang ginagawa mo tuwing birthday mo?" malungkot na tanong ni Bianca.
"Uh, trabaho? Nagbabantay rin kay Daddy." Napangiti ako nang may maalaala. "Madalas din kaming kumain ni Gerald ng streetfoods. The best iyon!"
"Sino si Gerald?" tanong ni Bianca.
"Kaibigan niya na taga Manila," sagot dito ni Erika, hindi na nag-abalang lingunin 'to at nanatili ang tingin sa akin.
Sabay na buntong-hininga ang narinig ko. Hindi ko na nga sigurado kung kanino iyon. Mabilis na nabura ang ngiti ko nang makita ang seryoso na nilang mukha.
"Kailan ka huling nakapag-celebrate ng birthday mo?"
Napalingon ako kay Xander. Seryoso itong nakatingin sa akin. "A-ah... Noong ten ako?" Tama. Ten years old ako. Magarbo ang naging pagdiriwang ko niyon. Pero hindi ko inaasahan na huli na iyon. Dahil ilang araw lang matapos niyon ay naaksidente si daddy.
Pumungay ang mga mata niya. Matagal siyang tumitig sa akin. Lumingon ako sa iba at pare-parehong lungkot ang nakarehistro sa kanilang mukha habang nakatingin sa akin.
"Ano ba kayo! Celebration lang naman 'yon!Hindi naman porke walang handa or party ay hindi na birthday 'yon. Tingnan ninyo nga at tumanda pa rin ako," natatawa kong ani.
Walang umimik sa kanila. Tahimik silang yumuko at nagpatuloy sa pagkain. Unti-unting nabuta ang ngiti ko at isa-isa silang tiningnan pero nanatili silang tahimik. Tipid na ngumiti sa akin ni Troy. Si Xander ay nanatili ang malungkot na tingin sa akin. Naiilang akong nagpatuloy na rin sa pagkain.
Ako na ang nagpresintang maghugas ng mga pinagkainan. Lumabas naman sila para magpahangin. Iniisip ko ang nangyari kanina. Dapat bang nagsinungaling na lang ako?
"Hindi ka matatapos niyan."
Napalingon ako sa kanang gilid ko nang makita ang pagdating doon ni Xander. Patalikod itong sumandal sa gilid ng lababo at nagkrus ng mga braso.
"Ang lalim yata ng iniisip mo. May problema ba?"
Nagpatuloy ako sa pagsasabon ng hawak kong pinggan kasabay ang malalim na buntong-hininga. "Nagkamali yata ako na nabanggit ko pa ang tungkol sa hindi ko pagce-celebrate ng birthdays."
"Bakit naman?"
"Hindi mo ba nakita ang mga pagmumukha nila kanina?"
Malalim itong bumuntong-hininga. Humarap ito sa sink at tinulungan ako bilang tagabanlaw. Nanlaki pa nga ang mga mata ko dahil ngayon ko lang siyang nakitang humawak ng plato para maghugas no'n. Bumaling naman ang atensyon ko sa kanya nang magsalita siyang muli.
"They are just sad for you, Samantha. Siguradong iniisip nila ngayon na sila ay magarabong nakakapagcelebrate at masaganang nakakakain tuwing kaarawan nila, pero ikaw ay ganoon." Tiningnan niya ako. "They're just sad and they wish they were there to make you happy on your special day. They love you that much, Samantha."
Doon ko naramdaman ang lungkot.
Pumatak ang luha ko. Ngayon lang nagsink in sa akin na ganoon nga ang nararamdaman nila. Pupunasan ko na sana ang mukha ko gamit ang likod ng palad ko nang hinawakan niya ako sa braso. Dumukot siya sa kanyang bulsa at siya mismo ang nagpunas sa aking mukha gamit ang kanyang panyo.
"Napaka-iyakin," nakangising biro niya. Dahan-dahan niyang pinupunasan ang pisngi ko na akala mo'y mukha 'yon ng sanggol na dapat ingatan.
Napairap ako. "Ngayon mo nga lang ako nakitang umiyak."
"Sino'ng may sabi?" Ibinulsa niyang muli ang panyo niya.
"Kailan mo pa ako nakitang umiyak? Ngayon lang naman, ah?"
"Tuwing nanonood kayo ng mga drama," nakangising aniya.
Humarap ako sa sink. "Natural na 'yon. Syempre nakakaiyak 'yong palabas."
"Lahat iniiyakan mo, Sam. Noong nagkaasaran si Tristan at Bianca. Maski noong unang beses mong nakita si Nala. Kahit nga mga litrato natin iniiyakan mo."
Napalingon sa bagong white board na nasa tabi ng luma. Napangiti ako nang makita ang ilang group pictures naming anim. "Syempre masaya lang ako," sabi ko at ipinagpatuloy na muli ang ginagawa. Ngunit natigilan ako at napatitig sa mabula kong kamay. Bakit alam niya ang lahat ng iyon?
Napangisi ito at umiling. "Nakakaloko nga dahil kahit umiiyak ka ay gandang ganda pa rin ako sa'yo."
Hindi pa man nakakabawi sa kaalamang alam niya ang mga pag-iyak moment ko ay bumanat pa siya ng ganito. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ang ingay mo!"
"Malamang kausap kita."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Tumikhim ako para pawiin ang pagkailang. "Maayos ka namang kausap. Bakit nananahimik ka lang palagi kapag nag-uusap usap sila?" Pagbabago ko ng usapan.
"Hindi pa ba sapat ang ingay nila?"
Mahina akong natawa. "Nagmumukha ka kayang walang pakialam."
Umarko ang isang kilay niya. "Ganoon ang tingin mo sa akin?"
"Oo," mabilis kong sagot.
Matunog siyang ngumisi. Tiningnan niya ako sa mga mata nang matapos siya sa ginagawa. "Mas masarap kang kausap kaysa sa kanila."
Nakanganga akong natawa at hinampas siya sa braso. "Loko. Baka marinig ka nila," pabulong ko pang sabi.
Umangat ang isang gilid ng labi niya. "Sa palagay mo hindi sila nakikinig sa atin ngayon?"
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napalingon sa sala. Nakita ko sa nakabukas na bintana ang nakasilip na tatlong pares na mga mata. Mabilis at sabay-sabay na tumalikod ang tatlong makukulit.
Mabilis din akong humarap sa lababo at ipinagpatuloy na ang ginagawa. Pakiramdam ko'y namumula na ang mukha ko. Napakainit ng pakiramdam ko roon kahit sa magkabilang tenga ko.
"Ang cute mo palang mahiya, Samantha. Nagiging robot ka," natatawang ani Xander.
Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya nang lingunin ko siya. "Tumigil ka nga!" banta ko. Nagkatinginan kami at sabay na natawa.
Ipinagpatuloy namin ang ginagawa habang inuusisa niya ako sa pinapangarap kong birthday party. At nang mga oras na iyon ay hindi ko napigilan na isatinig ang manatagal ko nang pangarap na isang birthday celebration.
--•--
Nakangiwi kong pinapanood si Erika. Naghu-hum ito at mahinang gumagalaw pakaliwa't kanan ang katawan habang nakaupo sa kama. Nakapatong sa hita ang kanyang laptop. Kanina pa ito nagtitipa roon.
Pagkapasok ko pa lang ng kwarto niya ay ganito na ito. Nag-aalala ako kanina dahil baka maaalala niya ang napag-usapan kanina sa tambayan. Mabuti na lamang at mukhang nakalimutan na niya ang tungkol doon kaya nakahinga ako nang maluwag.
"Anong ginagawa mo?"
Hindi siya sumagot. Tutok pa rin ang paningin sa laptop. Mabilis akong lumapit sa kanya at sisilipin na sana ang laptop niya pero mabilis niyang isinara iyon. Nagsalubong ang kilay ko.
"Huwag kang chismosa, Samantha."
"Baka kung anong pinapanood mo riyan, ha," biro ko.
"Loka!" natatawang sigaw niya.
Tumingin pa siya sa akin. Parang binabantayan kung sisilipin ko ba ang laptop niya. Kunot-noo akong bumalik sa pagkakasandal sa headboard. Ipinagpatuloy niya naman ang ginagawa.
"Bakit parang ang saya mo?"
"Syempre masaya ang puso mo."
Tumaas ang isang sulok ng labi ko. "Matagal nang masaya ang puso ko."
"Iba ang tinutukoy ko," pakantang sabi niya.
Salubong ang kilay ko pero nasa labi ang ngiti. "Ewan sa'yo."
Tiningnan niya ako. "Pakisabi naman po ang secret kung paano mapadaldal ang isang Xander?"
"Ganda, Erika Ava Javier. Ganda!"
Napanganga siya. Maya-maya ay malakas siyang humagalpak ng tawa. "Oh, my gosh! Gumaganyan ka na ngayon, Samantha Alison Cruz?"
"Syempre. Masaya nga ang puso, 'di ba?" nakangisi kong ani.
"Mommy, dalaga na si Sam!" malakas niyang sigaw kaya natatawa ko siyang nilapitan at tinakpan ang bibig niya.
"Puro ka kalokohan."
"Akala mo, ha," natatawang aniya.
Sabay kaming napalingon sa cellphone ko na nasa gilid ko. Malakas 'yong tumutunog hudyat na may tumatawag. Mabilis ko 'yong diampot. Agad akong napangiti nang makita kung sino ang tumatawa.
"Gerald!" masigla kong bati nang sagutin ang tawag niya.
"Samantha!" mas malakas na bati niya rin na ikinawata ko. "Kumusta?"
"Mabuti. Ikaw?"
"Ito... pogi pa rin," sabay naming bigkas sa tatlong huling salita.
"Yabang!" singhal ko.
"Sabi mo rin, ah? Teka, malapit na ang birthday mo, ah. Anong ganap?"
"Wala."
"Wala kang handa? Ano ba naman 'yan, Samantha! Akala ko pa naman kapag sumama ka sa iba ay magiging maginhawa na ang buhay mo! Poorita ka pa rin pala!"
Malakas akong napahagalpak ng tawa. "Loko!"
"Kailangan ko pa lang magbanat ng buto para next year ay may panghanda ka na sa birthday mo," seryosong aniya na ikinangisi ko.
"Kahit walang handa, basta malulusog tayo. Okay na ako roon," nakangiti kong sabi.
"Eh, 'di sige. Kung 'yan ang gusto mo! Akala mo pipilitin kita?"
Kahit kailan talaga ang isang ito. "Baliw ka talaga!" Naging tipid ang ngiti ko at malalim na napabuga ng hangin. "Miss na kita, Ge. Kahit makita ka lang sa birthday ko, masaya na ako roon."
Narinig ko ang pag-ngisi niya. "Namimiss na rin kita pero pasensya na, Miss, hanap ka na lang muna ng iba."
Matunog akong napangiti at napailing na lamang sa sinabi niyang iyon. Kahit gustong gusto siyang makita ay nagtitiis na lang muna ako. Nag-iipon na rin naman ako para makadalaw sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro