Kabanata 9
Kabanata 9:Trial Assassin (Part 2)
“Marami ako kayang gawin, Win. Mas maalam ako sa ibang Assassin na kaluluwa na nandito kahit hindi ako makapangyarihan tulad ng iba. Ngunit makakaasa ka sa akin na higit pa sa inaakala mo.”
“Hindi ko na kailangan ang tulong mo. Kaya ko naman siya itago sa paraan alam ko.”
Sa paanan ni Ziwin nabuo ang magic circle at may muli lumitaw sa kaniyang tabi na magic circle. Hindi nag tagal lumitaw ang lagusan at lumabas ang isang babae.
Naglaho ang lagusan na tuluyan makalabas ang babae. Akmang tatawagin niya si Ziwin subalit napansin niya ang kaluluwa.
“Sino ka?!”
Nagpakawala ng malakas na aura si Mush na naging sanhi na pag atras ng kaluluwa. Lumikha ng panangga si Valencia upang pansamantala pigilan ang aura na tumagos sa katawan. Iniiwasan niya na may malaking pagsabog na mangyari sa pagitan ng pagbanggan ng magkabilang aura.
“Master, sino ang nilalang na iyan?”
“Kumalma ka, hindi siya kalaban. At isa pa may kasama tayong bata.”
Naglaho ang malakas na aura nang binawi ni Mush ito. Kaagad humingi ng paumanhin sa magawa padalos-dalos na atake.
“Higit pa sa inaasahan ko. Inaakala ko ma baba pa ang iyong potensyal subalit nagkamali ako. Kahanga-hanga hindi ako nagkamali ikaw ang napili ko labanan.”
“Mush, samahan mo ang batang yan dito. Sasama ako sa kay Valencia, huwag kang babalik sa mundo mo pinagmulan hanggat hindi ako bumalik dito. Ako ay aalis na, alagaan mo mabuti ang bata, Mush. Inaasahan kita.”
Natahimik ang babae, sinubukan niya pigilan si Ziwin ngunit hindi ito nakinig sa kaniya. Wala siyang magawa kung hindi titigan ang papalayo pigura ng binata na may mapait na ngiti.
“Inaasahan ko, ang pangako mo, master!” huling sambit niya bago naglaho sa kaniyang paningin ang binata na hindi man lang lumingon.
“Ate babalik pa ba siya?”
Napatingin si Mush sa bata na may masayang tingin. Hindi makasagot sa halip tumango na lang ito.
Samantala kabilang banda umabot si Ziwin sa sinasabi ng kaluluwa na pugad ng mga Assassin na magbigay ng Trial Assassin. Kapansin-pansin ang malinis na kapaligiran kahit patuloy umuulan ng niyebe. Maraming kawayan ang may magandang katangian ang nagkalat sa paligid ng kilala tahanan ng Trial Assassin.
“Valencia, bakit walang ako makita na kahit isang tao sa labas? Sigurado ka ba ito ang tinutukoy mo?”
“Hindi ako maari nagkamali. Kahit isang kaluluwa na lang ako, ngunit malinaw pa rin ang aking alaala. Maghintay lang tayo dito sa labas ng tarangkahan na may lalabas. Masyadong mapanganib kung tutuloy tayo na walang pahintulot ng isang Assassin.”
“Hmmm… Sige, pero habang naghihintay tayo dito. Pwede mo ba ako kwentuhan tungkol sa iyong nalalaman sa Assassin. At kung sakaling makapasa ako sa Trial, may kaalaman na ako na higit pa sa isang baguhan, kung papayag ka? Malaking tulong ito para sa akin at sa iyo.”
Bahagyang napatawa saglit ang kaluluwa. Pinagmasdan niya maigi ang binatang nasa harapan niya. Nararamdaman niya ang malaking potensyal nito para mabilis maabot ang ranggo ng isang tunay na Assassin. Nanabik na siyang makita pa sa hinaharap ang mga kaya gawin ni Ziwin. Hindi mapigilan ngumiti sa mga iniisip nito.
“Wala ka bang balak mag salita dyan.”
“Paumanhin, may naisip lang ako. Bweno palaging mo tandaan sa oras na tumapak ka sa teritoryo ng Assassin wala ng atrasan. Sapagkat kamatayan ang hatol nito. Paalala ko lang sa iyo huwag kang gumawa ng gulo kung hindi mo kaya panindigan ito sa dulo. Maraming tuso sa loob na kating-kati pumatay lalo na sa tulad mo na hindi mula sa Assassin na Angkang. Huwag ka mag pakita ng kahinaan sa kahit ano sapagkat ito ang dahilan ng pag bagsak mo sa kamay nila. ”
Natahimik ang binata, pinakinggan mabuti ang bawat salita na lumalabas sa bibig ng kaluluwa. Uminit bigla ang katawan ni Ziwin na malaman ang pangunahing trabaho ng isang Assassin ang pumatay. Ngayon sigurado na siya may nag utos sa mga Assassin na pabagsakin ang Angkang niya. Nanumbalik siya sa katinuan ng bumukas ang tarangkahan.
“Nandyan na siya, Ziwin. Mag ingat ka sa bawat kilos mo.”
Hindi niya pinapansin si Valencia sa halip nakatitig lang si Ziwin sa tarangkahan, naghihintay na lumabas ang hinihintay niya. Hindi nagtagal lumabas ang isang lalaki na may mahabang buhok at mata na kulay itim.
“Maligayang pagdating sa Trial. Bago kita papasukin sa loob. Nais kong magpakilala ka muna upang masiguro ko, kung ikaw ay tunay na may hangarin makapasok sa loob.”
Lumapit si Ziwin na may maliwanag na ekspresyon. “Maraming salamat sa pagbati ginoo. Ako nga pala si Ziwin Stellar, nais kong sumali sa pangkat ng mga Assassin, nararamdaman ko na dito ako nararapat mapabilang. Kung tatanungin mo ako kung saan ako kabilang na angkang. Paumanhin wala ako kinabibilangan na angkang,” masayang pahayag ni Ziwin.
“Ginoong Stellar, kung hindi ako maaaring magkamali. Isa ka bang Rogue Adventure?”
Napayuko saglit si Ziwin bago muli mag salita. “Ganoon na nga po.” Lumakad muli siya palapit sa lalaki.
“Ngayon kilala na kita, Ginoong Stellar. Hmm… Nakalimutan ko magpakilala, tawagin mo na lang ako sa pangalan Evan. Evan ang tagapangasiwa ng Trial Assassin.”
Palinga-linga sa palibot si Evan, nag baka sakali may iba pang darating ngunit sa kasamaang palad ay wala ng dumating bukod kay Ziwin.
“Sumunod ka sa akin.”
Pamasok silang dalawa kasabay naman kusa nagsara ang tarangkahan. Bumungad kay Ziwin ang magagandang tanawin ngunit na may kakaiba disenyo ang mga bagay-bagay nakita niya. Mula sa hindi kalayuan tanaw niya ang ibang kabataan na nagsasanay ng kanilang mga sandata habang walang tigil kakasalita ang kalbong lalaki sa mga ito.
Huminto sila sa mahabang hagdan patungo sa tuktok. “Kaya mo ba maglakad patungo sa tuktok? Kung hindi, maaari ako sumabay sa iyo hanggang sa makaabot tayo.” Nagsimula maglakad si Evan, sumabay naman si Ziwin na may galak sa puso at isip na gawin ito.
“Para sa akin parang unang pagsasanay na ito.”
Napahinto si Evan na marinig ang sinabi ni Ziwin. Ngumiti siya bago muli magpatuloy.
“Mukhang magkaroon ng magandang trial ngayon taon. Sa karamihan ng kabataan pumasok ngayon taon para sumubok sa trial may malaking potensyal. Kabilang na itong kasama ko,” mahinang smabit nito sa hangin.
Habang patuloy sila sa paglalakad. Tahimik nakikinig si Ziwin sa mga sinasabi ng kaluluwang si Valencia na bigay kasiyahan at pag-asa na matuto sa mabilis at madaling paraan.
“Ziwin. Umaasa ako sa iyo na makapasa ka sa trial, kung nahihirapan ka mamaya hindi ako mag dalawang isip na tutulungan kita. O nga pala huwag ka gumamit ng mataas na taktika sa iyong elemento baka mahalata nila na hindi ka nararapat turuan ng mga pangunahing antas.”
“Maraming salamat sa iyong babala. Bweno bakit hindi ka nakikita nila?”
“Ano ka ba? Isa na ako kaluluwa na pag may-ari mo. Walang makakita sa akin bukod sa iyo. Hindi ko pala nasabi, ang tanging makakita sa amin ang may kakayahan na kontrolin ang mahika ng kadiliman.”
Nahinto saglit si Ziwin na malaman. “Hindi kaya ang pag talo ko sa isang yun?” Nagtataka naman nakinig sa kaniya si Valencia na kasalukuyang tahimik na nagmamasid sa paligid.
“Nandito na tayo, Ginoong Stellar. Alam ko nanabik ka na sumalang sa trial ngunit bago yun, mag tungo ka sa bandang doon. Kung saan nakaupo ang tulad mo nasusubok na makapasa sa trial. Ito ang yun numero.” Binigay sa kaniya ang isang kutsilyo na may nakaukit na numero labinlima. Tinanggap niya bago mag tungo sa upuan.
Habang palapit siya sa pwesto ng iba pang adventure, hindi niya maiwasan manabik lalo na nararamdaman niya may potensyal ang bawat nandito.
Umupo siya sa tabi ng lalaki tahimik lang. Hindi niya na ito pinansin sa halip ang buong atensyon niya nasa loob ng battle field. Naka tayo ang kalbo kanina nakita niya gumagabay sa mga nag eensayo. Malaki ang kaniyang pagtataka kung paano ito nakarating sa maikling panahon.
“Magandang araw sa ating lahat. Bago ko simulan ang trial, ako nga pala si Shao ang taga anunsyo sa trial ngayon taon.
Alam ko nanabik na ang bawat isa sa inyo na sumalang dito sa battlefield ngunit hayaan niyo ipakilala ko muna ang mga hurado, sa kanila nakasalalay ang inyong resulta sa trial.
Unang hurado si Master Kwagi, ikalawang hurado si Winkie at panghuli si Evan. Ngayon kilala niyo na ang tatlong hurado, simulan na natin 'to!
Lahat ng kalahok ay pumasok sa battlefield. Kung makikita niyo ang mga bandila ng Assassin nasa tuktok ng Formation rock. Kung sino man ang nakakuha nito at mailgay sa gitna ng battlefield awtomatiko ay pasado. Isa, dalawa, tatlo…”
Nagsimula kumilos at lumaban ang lahat ngunit maliban kay Ziwin nanatili nakatayo habang nakatingin sa mga bandila nasa itaas ng Formation rock. Nag-iisip kung ano pwede gawin sa mabilis at madali makaabot doon na hindi napapansin ng iba.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro