Kabanata 7
Kabanata 7: Ghost Of The Forest
Lumipas ang mga araw na paulit-ulit ang sitwasyon kahit mahirap pilit hinahanap niya ang daanan pauwi ngunit umuwi na naman siya sa munting tahanan na bigo. Habang tumatagal walang tigil ang pag-ulan ng niyebe na naging dahilan ng takpan ang daan at mga puno ng niyebe. Paminsan minsan lumilitaw ang buhawi sa kung saan saan lalo na kung minsan lilitaw ito sa kalagitnaan ng gabi sa malapit sa tahanan ni Ziwin. Ngunit hindi naman ito malaking epekto subalit malaking tulong ito sa kaniya upang masanay siya sa lamig.
Ang Wolfgang summoner ay nanatili nakabantay sa labas kahit anong pilit paalisin ni Ziwin ang nilalang ngunit bumabalik pa rin ito sa hindi malamang dahilan. Hindi naman ito abala pero natatakot ang batang kasama ni Ziwin na naging dahilan para paulit-ulit mawalan ng malay. Hindi nabahala siya sa nangyayari sa bata sa halip gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing nawalang ito ng malay. Hindi pa niya magagamit ang kaunting lakas niya natitira galing sa paghahanap ng pagkain kasama ang Wolfgang summoner. Sa ilang araw na nananatili sa kagubatan hindi nakatagpo si Ziwin ng mga beast maliban sa mga Wolfgang, kaya puro prutas at gulay ang kinain nila.
Unti-unting na sanay ang katawan ng binata sa tag-lamig ng temperatura ngunit hindi kaya tumagal sa labas ng Limang oras. Kakaiba ang lamig na dulot ng pag-ulan ng niyebe sa tuwing sasapit ang gabi. Napabuntong hininga ang lalaki nakatingin sa labas ng bintana habang walang tigil kaka iling sa wolf nakatitig sa kaniya.
Hindi niya maunawaan ang paghihintay nito sa kaniya sa araw-araw na para bang bantay. Hindi naman siya nakipag sundo para gawin spirit beast ang Wolfgang summoner. Kahit ganoon pa man may parte sa kaniyang pagkatao na gusto niya makipag kontrata. Nanliit ang mga mata ng lalaki na matanaw sa hindi kalayuan ang isang pigura na kasalukuyang papalapit sa munting tahanan. Hindi nakaramdam ng pangamba kung sakali masama ang pakay nito. Na alerto ang Wolf, tumalikod sa kaniya saka tinapunan ng masamang tingin ang pigura. Nanatiling tahimik lang ito pero ang awra pinakawalan ay handa pumatay ng kahit sino.
Malakas ang hangin sumabay pa ang mahinang pag-ulan ng niyebe. Hindi masyado malinaw kung ano o sino ang paparating. Tumayo ang Wolf, lumipas ang tatlong segundo sunod-sunod ang pag tahol nito. Hindi nag tagal nakarating ang pigura sa harap ng wolf ngunit huminto na mapagtanto may nilalang na nag abang sa kaniya.
Samantala napataas ang magkabilang kilay ni Ziwin na makita ang isang tao na balot ng niyebe sa buong kasuotan nito. Pinakawalan niya ang kaniyang pandama subalit hindi akalain mas mataas ang ranggo ng taong ito, kaysa sa kaniya.
Hindi nag kampante si Ziwin na kumilos ang bagong dating. Sa kisap mata nawala ang niyebe nakabalot sa kasuotan nito. Bumungad sa kaniya ang kaawa-awang sinapit ng lalaki, sugat-sugat ang mukha nito na parang galing sa matinding labanan. Kapansin pansin ang mga maliit na insekto ang malaya gumapang sa kamay nito. Ang hawak nito na espada ay sira–sira na pero ang lakas ng awra nito ay hindi maihahalintulad sa basura kung hindi sa isang martial artist.
Tumalon ang Wolf kasabay nag pakawala ng skill pero walang kahirap hirap na sinangga ito ng lalaki. Kahit nag durugo na ang balikat dahil sa kamot ng wolf ay nagawa pa nito nakangiti. Napaatras ang Wolf na simula ikilos ang kamay ng lalaki.
“Hindi ko alam na nagbago na pala ang aking munting kalaban. Ngayon mismo papatayin kita gaya ng iba.”
Buong pwersa hinampas ng lalaki ang espada na naging sanhi nag karoon ng enerhiya pumalibot nito. Sa pag tama sa wolf, isang malaking pag sabog ang nagawa kasabay nong ang pag tilapon ng wolf.
Akmang pupunta ng lalaki ang nanghihina wolf ngunit napansin niya ang lalaki nakatingin sa kaniya mula sa munting tahanan. Walang alinlangan na binato ang espada sa direksyon ni Ziwin pero bago pa man ito tumama nabalutan ito ng tubig saka bumagsak na walang tunog ang nagawa.
“Hindi ko alam kung sino ka pero mali ang tumapak sa sakop ng aking tahanan.”
Na bigla ang lalaki pero kaagad naman ito nakabawi na mapagtanto bago ang mukhang nasa harapan niya ngayon. Hindi niya ito nakita ng maraming taon ang lumipas.
“Pangahas ka baguhan para sagot-sagutin ako. Sisiguraduhin ko may kalagyan ka sa akin bata.”
Sa pag galaw ng kamay ng lalaki nasira ang nakabalot na tubig sa espada na walang kahirap-hirap. Sa pag kuyom ng kamao ng lalaki kusa naman bumalik ang espada sa harapan nito. Sa pag bukas ng palad ay dumanpi ang espada na naging sanhi nakagawa muli ito na pag sabog.
“Bata pala ah,” nainis si Ziwin sa sinabi nito, pero napatawa ito sa nasa isip kahit mataas ang antas ng kalaban, hindi natakot sa halip nanabik pa siya labanan ito kahit walang kasiguraduhan ang pagka panalo. Lumabas si Ziwin sa bahay upang hindi madamay ang batang kasama nito.
Samantala ang lalaki umayos na ito sa posisyon na gagawin na atake. Sa pag tadyak sa niyebe, nakagawa ng usok at pag labas ng enerhiya sa gagawin atake.
“External Sword”
Matapos sambitin ng lalaki ang skill ay lumitaw sa isa pang kamay ang espada na kahawig nang na una. Tumakbo ang lalaki ng paikot-ikot pasulong kay Ziwin. Mabilis at mabigat ang bawat pinakawalan atake ng lalaki pero ang lahat ng iyong nagawa ni Ziwin sanggain.
Nagkasalubog ang magkabilang atake na naging sanhi ng pag atras nila dalawa sa sobrang lakas ng enerhiya pinakawalan halos nag siliparan ang niyebe sa lupa.
“Pagsisihan mo lumaban ka pa sa akin…!”
Itinutok ng lalaki ang dalawang espada sa eri. Paatras atras ang lalaki na sumasayaw. Huli na mapagtanto ni Ziwin na pigilan ito sa balak na atake. Umayos ng tayo si Ziwin sa tamang paraan na porma ng mga paa at kamay upang mapantay ang ang lakas na inilaan sa katawan.
Mabilis ang bawat kilos ng lalaki sa kisapmata nasa harapan ngunit nagawa muli sanggain ni Ziwin at bahagya pa siya na atras.
“Ikaw lang ba?”
Mula ilalim ng lupa may humawak sa magkabilang binti ng lalaki na naging dahilan na hindi ito makagalaw.
“Anong ginawa mo sa akin? Bakit hindi ako makagalaw? Ako ang multo ng kagubatan ito kaya hindi maari mangyari.”
Kahit anong gawin ng lalaki mas lalo humigpit ang hawak. Hindi nagtagal gumawa ng paraan ang lalaki na ikinabigla ni Ziwin. Ang pamilyar na Techniques na minsan na niya nasilayan sa kanilang angkan na minsan dumalaw ang mga Monar para ipakita ang kakayahan sa Membre. Nanginginig ang buong katawan ni Ziwin, hindi inaasahan nag init ang buong katawan na napagtanto ang nasa harapan niya, kabilang sa mga kalaban.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro