Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5

Kabanata 5: Healing Skill

Isa na naman panibago araw ang kahaharapin nila. Maaga nagising ang Spirit ni Ziwin na si Mush upang mag handa ng makakain subalit ang lahat ng kaniyang plano nabigo.

“Hindi gumagana ang aking kapangyarihan sa unang pagkakataon. Kung dati rati kahit malamig ang panahon na gagawa ko pang mag patubo ng mga Mushroom.”

Walang nagawa ang babae spirit kung hindi ang tumingla sa kalangitan na walang tigil na pag bagsak ng mga niyebe. Bumalik siya sa loob ng munting tahanan na gawa ni Ziwin.

“Kakaiba ang klima ng panahon dito.”

Lingid sa kaniyang kaalaman kanina pa may nagmamasid sa malayo. Hindi niya maramdaman ang presensya ng nilalang na ito. Unti-unting humihina ang pandama ng Spirit, sa huli bumagsak na lang ito sa Sahig, na naging sanhi nakagawa ng ingay na ikina gising ni Ziwin.

“Mush anong nangyari sa iyo?” takang saad niya. “Parang may iba nandito bukod sa amin,” bulong ni Ziwin sa kaniyang sarili.

“Pasensya ka na, Master. kailangan ko bumalik sa spirit dimension na kinalalagyan ko,” paalam nito.

Sa harapan ni Mush may lumitaw na lagusan, inilapat ang palad nito na dahan-dahan hinigop siya nito papasok sa lagusan. Bahagya na pa ngiti si Ziwin na maglaho ang lagusan.

Maingat na kumilos siya na maramdaman ang papalapit na enerhiya sa kaniyang tahanan na ginawa. Bago pa man ito makalapit, biglaan naglaho na parang usok na wala ang bakas na iwan nito.

Lumabas si Ziwin na may seryosong ekspresyon. “Kung magtatagal pa ako nito sa gitna ng tag-lamig baka hindi kayanin ng katawan ko sa oras na pwersahan ko gamitin ng sabay ang mag ka salungat na elemento.”  napa lingon siya na marinig ang pag-ubo ng bata.

Hindi naman ito ganoon kalala ang kalagayan para pag tuonan pa niya ng pansin pagalingin. Sa tulong ng kaniyang bagong skill madali lang ito magamot sa pamamagitan sa pag iisa ng kaniyang elemento tubig at pag gamot na skill.

Lumapit na siya dito na makita umubo ito ng dugo. “Ayos ka lang?” hindi makasagot ang bata sa halip tumango lang ito habang nakatingin sa kaniya.

“Alam kong hindi. Ayos lang yan, hindi magtatagal maging ayos ka rin ng tuluyan. Mag tiwala ka lang sa akin.”

Pilit mag salita ang bata pero pinigilan na ito ni Ziwin sa kadahilanan sumuka ito ng dugo sa tuwing ibuka ang bibig nito.

Ipinatong niya ang kanang kamay sa noo ng bata. Pumikit ang mga mata ng mariin para makapag pokus sa kaniyang gagawin. “Huwag ka gumalaw,” nanginginig ang kaniyang boses na saad nito.

[Healing Outer Self ]

Mula sa kaniyang Inner core may munting liwanag na kulay berde na may halong itim. Kaunti na lang para maabot ang hangganan niya subalit lumipas ang isang minuto bumitaw siya nararamdaman dahan-dahan sumakit ang kanang kamay niya.

Pumasok ang enerhiya mula kay Ziwin patungo sa noo ng bata. Bago pa man ito kumalat nawalang na ito ng malay.

“Wala ng problema sa kaniyang Inner core subalit labis na pinsala ang aking ener ki.”

Ang ener ki ay isang extra energy ng Ibang skill lalo na kung hindi pa sanay gumamit ang isang nilalang. Sa sitwasyon ni Ziwin sinubukan niya pag isahin ang ener ki at enerhiya kaya malaki ang pinsala ng kaniyang spiritual na katawan mula sa kalooban loob nito.

Ito ang unang pagkakataon na gumamit ng ener ki ni Ziwin ngunit hindi siya pa bihasa at kulang sa kaalam ukol nito. Habol hininga inilibot ang tingin niya sa loob ng tahanan. Hindi niya naramdaman ang magkabilang kamay nito. Napag pasyahan niya umupo sa sahig sabay pikit ng mga mata.

[Healing Inner Self]

Nakahinga siya ng maluwag na kumalat sa boung Inner Core niya ang kakaibang enerhiya na dahan-dahan nag hilom ng sugat mula sa loob at pag balik ng kaniyang enerhiya subalit bumaba naman ang kaniyang ener ki. Sa pagkakataon ito hindi niya magamit ang ibang skill na walang kinalaman sa kaniyang elemento sapagkat ang pinagmulan ng lakas ng ibang skill ay mula sa ener ki na kasalukuyang maliit pa ang nabou sa spiritwal na katawan niya.

May dalawa na siya pagkunan ng enerhiya, una sa Inner Core niya, pangalawa sa bagong na buo na Ener Ki na kahawig lang ito ng Inner Core subalit maliit lang ito kumpara sa Inner Core at Gem Crystal na pag may - ari ng Gem Beast.

“Kung maabot ko ang Master Skill ng Uncontrolled tiyak hindi ako mahihirapan sa hinaharap lalo na mga kalaban.”

Pinag isipan niya mabuti kung ano ang unang pagtuonan ng pansin na sanayin na Skill. Ang Healing Skill o Uncontrolled na subalit natigil siya na marinig ang tahol ng mga Wolf mula sa malayo.

Iminulat niya ang mga mata upang malaman kung anong mayroon sa labas na biglaan niya naramdaman. Kitang-kita ng dalawang mata niya ang isang wolf na kasalukuyang nakaupo ito habang nakatingin sa kaniya. Hindi ito kumilos nanatili nakatuon ang atensyon sa kaniya.

“Anong klaseng Beast ito?” takang sambit niya. Tumayo siya mula pagka upo at dahan-dahan lumabas sa tahanan habang naging alerto sa mangyayari.

Huminto siya. Napatitig siya sa mga mata ng Wolf na kulay asul. May kadena ang leeg na para bang alipin ngunit Kapansin pansin ang inilabas ng katawan nito na Aura.

Nanlaki ang kaniyang mga mata na makita ang sugat nito sa tiyan na malay umagos ang dugo. Tumahol ito na para bang humingi ng tulong habang tumatango ng paulit-ulit. Kapansin pansin ang luha sa mga mata nito na malaya umagos patungo sa pisngi.

[Water Wabal]

Na bigla siya na mag pakawala na pinag sanib na Skill. Ang Water Wall at Water Ball. Nasa loob ang wolf sa Water Ball samantala sa labas nakapalibot ang Water Wall upang makapag bigay ng oxygen at malaya magamot ni Ziwin ang Wolf sa pamamagitan nito.

Huminga siya ng malalim bago gawin ang kaniyang nais.  Naawa siya sa sinapit ng Wolf, hindi niya kaya makita nasasaktan ito sa hindi malaman dahilan. “Ito na ang huling gamit ko ngayon araw sa Healing skill ko. Pag nagkataon may biglaan hindi inaasahan, hindi ko na magamot ang batang kasama ko maliban sa potion na meron ako.” Inilapat niya ang magkabilang palad sa Water Wall. Hindi nag tagal naramdaman niya muli ang kakaibang enerhiya na dumaloy sa buong katawan niya.

[Healing Outer Self]

Mabilis na lumabas sa palad ni Ziwin ang berdeng enerhiya patungo sa Water Wall na kaagad naman ito kumalat sa labas at hindi nag tagal pumasok ito sa loob. Bumitaw siya na biglaan nanlabo ang kaniyang mga mata. Ang tanging nagawa niya, pag masdam ang Wolf sa loob na kasalukuyang nasa ilalim ng berdeng liwanag. Sa kisap mata na matapos ang liwanag, bumangad sa kaniya ang Wolf na kasalukuyang paikot-ikot habang walang tigil kakatahol. Napangiti siya na makita wala na itong sugat, na para bang hindi nasugatan kanina.

Bumalik siya sa loob na hirap mag lakad. Sakto naman sa kaniyang pag pasok, bumagsak siya sa sahig na una ang katawan habang hirap sa pag hinga. Bago pa man dumilim ang kaniyang paningin, na gawa pa nito isarado ang munting tahanan niya na umangat ang lupa sa labasan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro