Kabanata 36
36:The Darkness of Ziwin
Huli na ba ako dumating?"
Nakatago siya sa isang madilim na sulok, malapit sa Leaf Village. Ang malamig na hangin ay tila nagdadala ng sigaw ng digmaan, habang ang buong paligid ay yumanig sa sunod-sunod na pagsabog. Ang liwanag ng apoy mula sa mga nasusunog na bahay ay nagbibigay ng balisang liwanag sa kanyang mga mata.
Mula sa kanyang kinalalagyan, tanaw niya ang labanan sa gitna ng Head Family ng Leaf, na pinamumunuan ni Neo, laban sa lider ng Shadow Assassins. Sa kabilang panig, ang dalawang elder ng Leaf ay harap-harapan sa isang dambuhalang nilalang na nabuo mula sa usok isang halimaw na puno ng poot at kasamaan.
Hindi rin nalalayo ang tensyon sa grupo nina Ayisha, Eritrea, at Xera, na kasalukuyang nakikipaglaban sa mga bihasang Shadow Assassins. Ang bawat paggalaw nila ay tila sinukat at sinanay ng mahabang panahon, ngunit halata ang pagod sa kanilang mga hakbang.
Napansin niyang halos hindi na makatayo si Elder Aristotle. Nakatingin ito sa isang lalaki, isang mukha na pamilyar sa kanya.
"Siya iyon..." Bulong niya sa sarili, nanginginig ang kamay habang pinagmamasdan ang nangyayari.
Nanliit ang mga mata na maalaala. Minsan na niya ito makita sa kaarawan ng Head Family ng Membre Clan nila. Kabilang ito sa gold ranking ng angkang.
Samantala, sa kabilang bahagi ng laban, mabilis na naghabulan ang grupo. Ang tunog ng mga espada na nagtatama, ang mga palasong umaabot sa langit, at ang sigawan ng mga mandirigma ay tila isang sinfonya ng kaguluhan. Ang bawat kilos ay punong-puno ng tensyon, habang ang bawat hakbang ay nagdadala ng buhay o kamatayan.
"Tila hindi pa tapos ang labanang ito," bulong niya, bago tuluyang pumikit at pinakiramdaman ang hangin.
"Panahon na para kumilos."
Hindi pa man siya nakaalis sa kaniyang pinagtataguan, biglang yumanig nang napakalakas ang paligid, kasunod ang sunod-sunod na mga pagsabog mula sa Assassin's Sector.
Napalingon siya sa direksyon kung saan narinig ang mga hiyawan. Walang awa, binubugbog ng mga Shadow Assassins ang tatlong babae, na halos wala nang lakas upang ipagtanggol ang kanilang sarili. Samantala, nakaluhod naman ang dalawang elder, patuloy na sumusuka ng dugo at hindi magawang makakilos mula nang kumalat sa kanilang katawan ang isang likidong itim na tila sumisira sa kanilang mga laman at lakas.
Hindi napigilan ni Zendu ang kanyang sarili. Ang kanyang pigura ay biglang naglaho, at sa isang iglap, lumitaw siya sa harapan ng tatlong babae upang harangin ang mga umaatikabong atake ng mga Shadow Assassins.
Sa sobrang lakas ng kanyang pagsangga, tumilapon ang mga Shadow Assassins, nawalan ng balanse, at bumagsak sa lupa. Hindi nagtagal, napatingin siya sa kinaroroonan ni Elder Aristotle, na patuloy na nakikipaglaban sa isang misteryosong lalaki na may hindi maipaliwanag na aura ng kasamaan.
Hinawakan niya ang pulso ng tatlong babae, umaasang buhay pa ang mga ito. Ngunit sa kasamaang palad, wala na silang natitirang pintig ng buhay. Pinikit niya ang kanyang mga mata, pigil ang galit na nagsisimulang bumalot sa kanyang pagkatao.
“Hindi na namin kaya patawa—.” Halos pabulong ang sambit ng dalawang elder, nahihirapang huminga habang hawak ang kanilang mga sugat.
Napahinto si Zendu nang marinig ang tinig ng dalawa. Dahan-dahan siyang lumingon sa kanilang direksyon. Ngunit sa sandaling iyon, tuluyang bumagsak ang dalawang elder, wala nang buhay, na para bang sinukuan na ng kanilang mga katawan ang laban.
Tila huminto ang oras sa paligid niya, ang hangin ay nagdala ng bigat ng kabiguan. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi siya maaaring mag pa apekto sa nangyari.
“"Hindi…!" sigaw ni Aristotle.
Tumilapon siya sa ere at bumagsak nang malakas sa lupa. Kasunod nito, tinamaan siya sa magkabilang balikat, dahilan upang halos hindi niya maigalaw ang kanyang mga kamay.
Nanginginig ang buong katawan ni Ziwin. Hindi niya maunawaan ang nangyayari sa kanyang sarili. Ang tanging nasa isip niya ay ang maghiganti sa pagkamatay ng mga mahal niya sa buhay.
Biglang kumawala mula sa kanyang katawan ang nakakakilabot na kadiliman at pulang aura, na nagdulot ng matinding takot sa mga pangkaraniwang Shadow Assassin.
Akmang saksakin ng lalaki si Aristotle, ngunit bago pa man tumama ang espada, sumulpot ang Head Family ng Leaf Clan at sinalubong ang pag-atake.
Bumangga ang espada ng lalaki sa panangga ng Head, dahilan upang lumikha ng nakabibinging dagundong. Tumalsik paatras ang lalaki, ngunit hindi nawala ang nangingibabaw na enerhiya sa paligid niya.
Parehong sugatan si Aristotle at ang Elder ng Shadow Assassin's. Samantalang ang iba pang mga Shadow Assassin ay seryosong nakamasid, unti-unti nilang nararamdaman ang bigat ng aura ni Ziwin.
"Sawang-sawa na akong mawalan ng mga mahal sa buhay… Parang hindi ko na kaya pa-pa—"
Sa isang iglap, bumagsak ang lahat ng pangkaraniwang Shadow Assassin. Hindi malaman ang dahilan ng kanilang biglang pagkamatay.
Sa puntong ito, nilamon na ng galit si Ziwin. Hindi na niya alam ang mga nangyayari sa paligid. Ang nag-uumapaw niyang enerhiya ay nagkalat sa hangin, nagpapalutang ng mga bagay na parang walang kontrol.
Lumikha ng mga panangga ang lahat ng natitirang Assassin upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa mga lumulutang na enerhiya. Samantala, binalot ng Head Family ng Leaf Clan at ni Aristotle ang kanilang mga sarili ng makapangyarihang enerhiya upang protektahan ang kanilang kaluluwa mula sa matinding pinsalang dulot ng aura ni Ziwin.
"Neo, sino ang bagong dating?" tanong ng isa sa mga kalaban ni Neo habang naguguluhan.
Bahagyang tumawa ng mapakla si Aristotle. "Hindi ko alam. Kung ganon, kulang ang impormasyon n'yo tungkol sa loob ng Assassin's Sector… o sadyang tanga lang talaga kayo," sagot niya nang may diin.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Aristotle. Gaya ng dati, ganyan ka pa rin. Pero sa pagkakataong ito, tuluyan nang mabubura ang inyong angkan. Mananatili na lamang kayong bahagi ng mga kwento sa susunod na henerasyon," mahinang sabi ng Elder ng Shadow Assassin's habang tumitindig ang kanyang presensya.
"Formation!" sabay-sabay na sigaw ng apat na Assassin.
Lalo pang lumakas ang aura ni Ziwin, umabot sa puntong ang bigat nito ay nararamdaman na ng lahat. Sa loob ng aurang iyon, ang poot at galit ni Ziwin ay patuloy na nagpapalawak sa kanyang kapangyarihan tila handang wasakin ang lahat ng nakapaligid.
Ginamit ni Neo ang Poison Mist para makatakas sa kalaban habang abala na sinangga ang alon ng enerhiya na nag mula Kay Ziwin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro