kabanata 34
34:The Cry Of Revenge
Sa gitna ng kaguluhan, nagsimulang umatake si Gracious. Itinaas niya ang kanyang kamay at sinundan ito ng mabibigat na galaw, at sa bawat galaw niya’y umangat ang lupa, humuhulma ng mga malalaking piraso na mabilis na pinalipad patungo kay Ziwin. Ang bawat bato ay tila may sariling isip, umaayon sa direksyon ng mga kamay ni Gracious, at sumugod ito kay Ziwin na may matinding lakas at presisyon.
Naramdaman ni Ziwin ang pangangailangan ng masusing pagkontrol sa bawat hakbang. Pinakawalan niya ang kakayahan niyang lumikha ng mist o usok mula sa kanyang paligid. Sa isang iglap, nabalot ang kapaligiran ng makapal na usok na tila kurtina, nagbigay daan kay Ziwin upang magkubli. Nakatago siya sa ulap ng mist, dumadaloy ang malamig na hangin at nagbibigay sa kanya ng panandaliang depensa mula sa malalakas na atake ni Gracious.
Habang abala si Gracious sa pagwasak ng mga bato laban sa mist, nag-concentrate si Ziwin, hinanda ang kanyang bagong teknik—ang “One Strike Out.” Isa itong pambihirang atake na na-develop niya lamang kamakailan, at ito ang unang pagkakataon na gagamitin niya ito sa isang seryosong labanan.
Sa loob ng makapal na usok, itinaas ni Ziwin ang kanyang kamay, at dahan-dahang tinipon ang enerhiya sa kanyang mga palad. Ang mga bagay sa paligid niya’y tila huminto, at ang kanyang buong pag-iisip ay nakatuon lamang sa isang malakas na hampas. Sa isang iglap, isinagawa niya ang kanyang teknik isang mabilis na hampas pababa na agad tumama sa lupa, lumikha ng isang malakas na pagyanig.
Bago pa man makareaksyon si Gracious, naramdaman niya ang biglang pagwasak ng lupang kanyang kontrolado. Sa isang hampas mula sa “One Strike Out,” nagkabitak-bitak ang lupa, at lahat ng inaangat ni Gracious ay nabasag at nagkadurug-durog na tila alikabok na dinadala ng hangin. Napaatras si Gracious sa bigat ng hampas na ito, tila nagulat sa kapangyarihang ipinakita ni Ziwin.
Ngunit hindi pa tapos ang laban. Sa kabila ng pagkasira ng kanyang mga batong sandata, muling humakbang si Gracious patungo kay Ziwin, ang kanyang mga mata’y nagliliyab sa determinasyon at galit. “Hindi mo ako matatakasan, Ziwin,” sigaw niya, ang kanyang boses ay may halong paghamon.
Ngumiti si Ziwin sa kabila ng kanyang galit, alam niyang nagtataglay siya ng kakayahang kaya niyang pagyamanin sa tulong ng kanyang mga natutunang teknik. “Ipakita mo na ang lahat ng kaya mo, Gracious,” matatag na sagot niya.
Nagpatuloy si Gracious sa kanyang pagsalakay, at sa isang mabilis na galaw, itinaas niya ang lupa mula sa kanyang paanan, hinulma ito upang maging isang malaking bola ng matigas na lupa. Habang bumibigat ang bola, mabilis niya itong pinalipad patungo kay Ziwin, umaasang tatama ito nang buo.
Ngunit nakangiti si Ziwin habang pinagmamasdan ang papalapit na bola. Sa isang maselang hakbang, umilag siya nang walang kahirap-hirap, isang mabilis na pagliko na tila hangin lamang ang nagdala sa kanya. Ang mabigat na bola ay dumaan lang sa tabi niya, tuluyang tumama sa lupa na may malakas na dagundong, lumikha ng usok at mga bato sa paligid.
Bago pa man makapag-react si Gracious, biglang tumalon si Ziwin nang mataas higit pa sa inaasahan ng lahat. Mula sa ere, tila isang anino siyang bumagsak patungo sa lupa na may nakakabinging hampas, lumikha ng napakalakas na puwersang nagtulak kay Gracious nang pabalik, na ikinatilapon nito sa lupa. Napaatras ang mga tauhan ng Monar Clan na nasa paligid, gulat sa ipinakitang bilis at kapangyarihan ni Ziwin.
Habang bumabangon mula sa pagkakatilapon, nagsalita si Gracious, tila hindi makapaniwala sa nangyari, "Hindi maaaring ganito ka kalakas... Anong uri ng pagsasanay ang pinagdaanan mo para makamit ang ganyang bilis?"
Ngumiti si Ziwin, ang mga mata’y nagliliyab sa determinasyon. "Ang pagkatalo ay hindi isang opsyon para sa akin, Gracious. Isang buong angkan ang inagaw mo sa akin, at ang kasalanan mo ay hindi basta-basta mapapatawad."
Napa-atras pa lalo ang mga nakapaligid habang naririnig ang boses ni Ziwin. Hindi lamang sila natatakot sa kanyang lakas, kundi sa galit na nadarama niyang lumalabas sa bawat salita. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang apoy ng paghihiganti, isang bagay na hindi basta kayang tapatan ni Gracious.
Tumayo si Gracious at pilit na hinatak ang sarili upang muling ihanda ang sarili para sa laban. “Kung inaakala mong matatakot mo ako sa mga salita mo, nagkakamali ka, Ziwin! Ako ang tunay na tagapagmana ng Membre Clan, hindi ikaw!” Malamig na ngumisi si Gracious, patuloy na sinusubukang kontrolin ang kanyang galit at takot.
Pero nagpatuloy si Ziwin, ang kanyang mga mata’y matalim habang sinasabi, “Hindi mo kailanman mauunawaan ang tunay na halaga ng angkan ko. Sa gabing ito, sisiguraduhin kong matatapos na ang lahat ng kasamaan mo.”
Tahimik na huminga nang malalim si Ziwin habang matalim ang tingin kay Gracious. Alam niyang ito na ang oras upang isiwalat ang katotohanan na matagal na niyang itinatago, hindi lamang sa kanyang kalaban, kundi pati na rin sa sarili niya.
“Alam mo, Gracious,” malamig niyang bungad, “hindi talaga ako tunay na kamag-anak ng Membre Clan. Hindi ako ipinanganak sa angkan nila.” Napatigil si Gracious, halatang nabigla sa mga salitang iyon.
Patuloy si Ziwin, puno ng bigat ang kanyang boses. “Inampon lang kami ng aking lolo. Hindi ko man kadugo ang Membre, pero minahal nila ako na parang tunay nilang anak. Ang pinuno ng Membre Clan, kahit hindi niya Ako tunay na kadugo, ginawa niya akong bahagi ng pamilyang iyon at tinuruan ng lahat ng alam niya bilang isang Head Family. Hindi kami pinagkaitan ng Lolo ko.”
Huminga nang malalim si Ziwin, at sa kanyang mga mata, sumilay ang sakit at pagmamahal para sa kanyang mga naging tagapag-alaga. “Ginawa ako ng Membre Clan na kung sino ako ngayon. Hindi mahalaga kung ano ang dugo ko, dahil ang angkan nila ang nagpalakas sa akin, ang nagbigay sa akin ng lugar sa mundong ito. Tinuruan nila akong mangarap, tumayo, at magpatuloy kahit na gaano kahirap ang laban.”
Ngumisi siya ng mapait kay Gracious, kita sa kanyang mukha ang determinasyon. “Iyon ang pagkakaibang hindi mo kailanman mauunawaan. Ikaw, kahit tunay na bahagi ng Membre Clan, pinili mo ang sarili mong ambisyon. Ipinagkanulo mo sila, ipinagpalit ang lahat para sa sarili mong kapangyarihan. Hindi ka nagdalawang-isip na sumira ng pamilya at magtaksil sa kanila.”
Galit ang bumalik sa mga mata ni Gracious, ngunit may halong pagdududa ang kanyang ekspresyon. “Tapos ka na bang magbigay ng sermong walang halaga, Ziwin?” singhal niya, pilit itinatago ang epekto ng mga sinabi ni Ziwin sa kanyang damdamin. “Sa tingin mo ba maiintindihan ka ng mga taong ito? Hindi mo ako mapapatahimik sa iyong drama!”
Hindi natinag si Ziwin. Tahimik niyang sinagot ang mga panunuya ng kanyang kalaban, ang boses niya’y puno ng kapanatagan at paninindigan. “Ang pagkakaiba natin, Gracious, ay hindi sa dugo o pangalan. Ang pagkakaiba ay nasa puso. Ako ang tunay na tagapagmana ng Membre Clan, hindi dahil sa dugo, kundi dahil sa pagmamahal at pagsasakripisyong handa kong ialay para sa kanila. Handa akong gawin ang lahat upang maipaghiganti ang mga buhay na inagaw mo.”
Sa kanyang mga mata ay makikita ang apoy ng galit at kahandaang lumaban, kahit na alam niyang maaaring ito ang kanyang huling laban. Ang mga tauhan sa paligid nila ay natigilan, naramdaman ang lalim ng ipinakitang katotohanan ni Ziwin.
Sumigaw si Gracious, pilit na binabalewala ang epekto ng bawat salitang narinig niya. “Huwag mo akong paapektohin sa mga kalokohan mo, Ziwin! Para sa akin, ikaw pa rin ay isang hadlang lamang sa aking layunin!” Ngunit sa kabila ng kanyang galit, may bahagyang pangangatog ang kanyang mga kamay, at kitang-kita sa kanyang mga mata ang paghina ng kanyang kumpiyansa.
“Ihanda mo na ang sarili mo,” malamig na banta ni Ziwin, hinihigpitan ang hawak sa kanyang armas, ang kanyang puso’y handa na sa anumang susunod na mangyayari. “Dahil sa gabing ito, tapusin na natin ang lahat ng pagkamuhi at pagkakanulo. Para sa Membre Clan ang pamilyang hindi ako kadugo, pero binigay sa akin ang lahat.”
Si Ziwin ay tumitig kay Gracious, ang bawat galaw ay puno ng malamig na determinasyon. "Ihanda mo ang sarili mo," aniyang mahina ngunit may bigat sa bawat salita. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang mga kamay, at sa kanyang mga palad ay lumitaw ang dalawang pamaypay mga sandatang siya mismo ang lumikha noong nakaraang araw. Isang simbolo ng kanyang pagsasanay bilang assassin, at ng lahat ng sakripisyong kanyang tiniis para sa laban na ito.
“Ngayong gabi, tapusin na natin ang lahat ng pagkamuhi at pagtataksil. Para sa Membre Clan ang pamilyang hindi ko kadugo, ngunit itinuring akong bahagi nila, binigyan ng halaga, at tinuruan ng kahulugan ng katapatan.”
Walang pag-aalinlangan, sumugod si Ziwin, at nagsimula ang kanilang laban. Sa bawat pag-atake niya, umaalingawngaw ang pamaypay sa hangin, lumilikha ng mabilis at nakamamatay na hangin sa paligid. Si Gracious, kahit may lakas at kakayahan sa lupa, ay hirap pigilan ang sunod-sunod na hampas ng mga pamaypay ni Ziwin, na sinamahan pa ng makapal na usok na kanyang nilikha upang linlangin ang kalaban.
Habang nakikipagbuno si Gracious, napansin ng mga tauhan ng Monar Clan ang kanyang paghihirap. Hindi nila kayang magpabaya sa labanang ito lalo na’t nakikita nilang tila unti-unting nagiging dehado si Gracious sa harap ni Ziwin. Sa isang saglit na pag-uusap, nagpasya ang pinuno ng Monar Clan na tulungan ang kanilang kasama. Mabilis na sumugod si Cersa, kasunod sina Brick at ang pinuno mismo, na handang gawin ang lahat para ibalik ang bentahe sa kanilang panig.
Sa isang iglap, napaligiran si Ziwin ng mga miyembro ng Monar Clan, ngunit hindi siya nagpakita ng takot. Lumaban siya nang may buong tapang, ang kanyang mga pamaypay ay sumasayaw sa ere, naglalabas ng matinding enerhiya at kapangyarihan na tila sumasalamin sa kanyang galit at pagmamahal para sa Membre Clan.
Sa gitna ng digmaan ng mga anino at pagkakanulo, ang sigaw ni Ziwin ay tila isang panata, puno ng pag-asa at hindi matitinag na paninindigan. "Para sa Membre Clan, para sa hustisya hindi ako titigil hangga't hindi ko naibabalik ang kanilang dangal!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro