Kabanata 32
Kabanata 32: War In The Assassin's Sector
Sa gitna ng katahimikan ng gabi, dumating ang apat na generals na kilala bilang Quatro Formillos—sina Terra, Nova, Nolan, at Akishia. Kasama ang limang daang sundalong ipinadala ng bagong hari, bumaba sila mula sa kanilang mga kabayo sa labas ng teritoryo ng Assassin’s Sector, tangan ang atas ng hari at determinasyong gawing masunurin ang pinuno nito.
Nagsimula ang usapan sa pagitan ng apat na generals, ang elder, at ang pinuno ng Assassin’s Sector, si Leopard. Ang hangin ay mabigat, puno ng tensyon na tila sasabog anumang oras.
“Dahil sa mga utos ng ating hari, ang inyong sektor ay kinakailangang itigil na ang anumang pagpatay,” madiing sabi ni General Terra, ang boses niya ay puno ng awtoridad. “Wala nang lalabas sa inyong teritoryo. Higit sa lahat, pinaghihinalaan ka, Leopard, na ikaw ang may sala sa sunod-sunod na pagpatay sa mga mahihinang angkan—kabilang na ang mga mula sa angkan ng Maharkliha.”
Malamig ang ngiti ni Leopard, “Akala niyo ba, mga tagapagpatupad lamang ng kautusan, na kayang diktahan ng hari ang aming kilos? Huwag kayong magkamali, ang Assassin’s Sector ay hindi sunud-sunuran sa kahit sino, kahit pa siya’y hari.”
Muli, nagsalita si General Akishia, ang pinakamataas na opisyal ng Quatro Formillos, at ang kanyang tingin kay Leopard ay puno ng galit. “Itong kayabangan mo, Leopard, ang nagdala sa'yo dito. Maghanda ka, dahil hindi kami aalis nang hindi natutupad ang atas ng hari.”
Bago pa man sumagot si Leopard, si Terra na ang unang nagpatuloy ng laban. Lumapit siya kay Elder Pippa ng Assassin’s Sector, ang kanilang mga mata ay puno ng alab ng determinasyon. Kapwa sila nasa antas ng Legend, at agad na humanda sa isa’t isa.
“Pippa, ikaw ang unang magiging halimbawa sa sektor na ito!” sigaw ni Terra, agad na inihanda ang kanyang espada na kumikislap sa dilim.
“Kung ganoon, ihanda mo rin ang sarili mo, Terra,” malamig na sabi ni Pippa, inilabas ang kanyang dalawang maliit na kutsilyo na tila kumikinang ng asul na enerhiya.
Agad na sumugod si Terra, itinaas ang kanyang espada at bumuo ng isang malaking alon ng enerhiya na tumama kay Pippa, ngunit mabilis itong umilag at sinundan ng mabilis na suntok sa gilid ni Terra.
“Hindi mo ako matatapos nang ganyan lamang, Terra,” sabi ni Pippa, nakangisi.
Nagpalitan ng malalakas na atake ang dalawa, ang espada ni Terra at ang mga kutsilyo ni Pippa ay nagtatagpo sa hangin, bawat pagkakabangga ay nagpapalabas ng maliliit na pagsabog ng enerhiya. Sa isang malakas na salpukan, bumalot ang kanilang mga katawan ng apoy at liwanag.
“Bumigay ka na, Pippa! Wala kang lugar sa bagong mundo ng aming hari!” sigaw ni Terra, ngunit ang kanyang mga salita ay sinalubong lamang ng galit na tingin ni Pippa.
“Ang mundo na iyon ay hindi kailanman magiging amin!” sagot ni Pippa, at sa isang mabilis na galaw ay naitulak niya si Terra pabalik.
——
Samantala, sina Aiges at Aira, kapwa mga bihasang mandirigma ng Assassin’s Sector, ay humarap sa dalawang generals—sina Nolan at Nova.
“Ang dami niyong pinapatay. Kailangan kayong wakasan ngayon,” sabi ni General Nolan, hawak ang malaking battle axe na kumikislap ng pula.
“Nolan, Nova, tigilan niyo na ito bago pa kayo madurog,” sabi ni Aiges, ang kanyang tinig ay puno ng determinasyon habang hawak ang mga espadang magkapatid.
Nagsimulang sumugod si Aira, pinangunahan niya ang laban kay Nova na may hawak na sibat. Sa bawat galaw ng sibat ni Nova ay parang may hanging sumasama, ngunit mabilis si Aira at nagawang magbigay ng matinding suntok na halos tumama sa mukha ni Nova.
“Galing ng mga Assassin, pero kailangan niyo nang magpaalam sa inyong kalayaan,” sabi ni Nova habang sumasayaw sa hangin ang kanyang sibat.
Hindi naman nagpapatalo si Aira. “Subukan mo lang,” sagot niya habang pinaikot ang kanyang espada upang matalo ang pag-atake ni Nova.
Sa kabilang dako, sina Aiges at Nolan naman ay nagpapalitan ng mabibigat na atake, ang bawat palo ng battle axe ni Nolan ay lumilikha ng mga bitak sa lupa, ngunit magaan ang mga paa ni Aiges, at nakakaiwas siya sa bawat hampas.
__
Habang nagaganap ang mga laban, si Leopard, ang pinuno ng Assassin’s Sector, ay humarap kay General Akishia. Ang kanilang mga mata ay nagtagpo sa isang tahimik na paghamon.
“Leopard,” sabi ni Akishia, “ikaw at ang sektang ito ay magiging bahagi ng lumang kasaysayan. Hindi ka matatakasan ng utos ng hari.”
“Iyon ay kung kaya mo akong talunin, Akishia,” tugon ni Leopard, hawak ang kanyang pangmatagalang sandata na isang malamig na matalim na espada.
Sa isang iglap, sumugod si Akishia, ang kanyang bilis ay hindi maikukumpara sa sinuman, ngunit si Leopard ay sanay sa bawat hakbang ng laban. Mabilis niyang iniharang ang kanyang espada at nagpaikot sa gilid, nagawang iwasan ang bawat galaw ni Akishia.
“Masiyado kang mabilis magsalita, Akishia,” sabi ni Leopard.
Ngunit sa isang iglap, nabalot ng liwanag si Akishia at naglabas siya ng maraming mga anino na lumibot kay Leopard.
“Huli ka!” sigaw ni Akishia, sabay hampas ng sandata sa gitna ng anino, ngunit sa isang iglap ay naglaho si Leopard at lumitaw sa kanyang likuran, at sa isang mabilis na galaw ay pinatama niya ang espada kay Akishia, tumilapon ito ng ilang hakbang.
Samantala, mula sa isang lihim na lugar, si Ziwin ay nanonood sa bawat laban sa pamamagitan ng kaluluwa ni Valencia, na tanging siya lamang ang nakakakita. Ang kaluluwa ni Valencia ay may kakayahang maglakbay at magmasid ng hindi nahahalata, maliban na lang kung may mataas na antas ang kaluluwa ng nakakakita.
“Ano na ang iniisip mo, Ziwin?” tanong ng kaluluwa ni Valencia, lumulutang sa kanyang tabi.
“Ang digmaan na ito ay simula pa lamang,” sabi ni Ziwin, ang kanyang tinig ay puno ng pagninilay. “Malalim ang ugnayang nakatali sa Assassin’s Sector at sa kaharian—at ang digmaang ito ay magpapalit ng takbo ng lahat.”
Habang patuloy ang matinding laban, alam ni Ziwin na hindi magtatapos ang labanang ito nang walang sakripisyo. Ang bawat galaw ay bahagi ng isang mas malaking plano, isang plano na wala pang nakakaalam kundi siya lamang.
Habang nakamasid mula sa malayong burol, kitang-kita ni Ziwin ang matinding labanan sa pagitan ng Assassin's Sector at ng mga kawal ng bagong hari. Maraming sundalo ang bumagsak sa lupa, ngunit karamihan sa mga namatay ay mula sa mga mahihinang kawal, mga nasawi sa gitna ng kalupitan ng kanilang mga kalaban. Sa bawat pagsapit ng gabi, lumalakas ang kislap sa mga mata ni Ziwin, at isang maliit na ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha.
“Sa wakas,” bulong niya sa sarili, “ang paghahari ng Assassin’s Sector ay tuluyan nang magugunaw.”
Isang mababang hagikhik ang lumabas mula kay Ziwin, at sa kanyang isip ay lumitaw ang imahe ng kanyang matagal nang kaalyado, ang nature spirit na si Mush. Sa pamamagitan ng kanilang telepatikong koneksyon, kaagad niyang kinausap ito.
“Mush,” sambit ni Ziwin sa kanyang isip, “ang plano natin ay nagtagumpay. Ang mga kawal ng hari ay dumating upang gibain ang Assassin’s Sector, at kahit hindi ako ang humarap sa kanila, ako pa rin ang nasa likod ng lahat ng ito.”
Sumagot ang kaluluwang espiritu sa loob ng kanyang isipan, ang boses ni Mush ay malamig at puno ng lihim na kasiyahan. “Ginampanan ko lamang ang nais mong mangyari, Ziwin. Isinagawa ko ang lahat ng ipinag-utos mo upang ang mga ebidensya ay makarating sa bagong hari, na nagpaniwala sa kanya na ang Assassin's Sector ang may sala sa lahat ng nagdaang patayan.”
Nagningning ang mga mata ni Ziwin, at ang kanyang tinig ay may halong kagalakan at pagmamataas. “Hindi na magtatagal ang makapangyarihang sektang ito. Sa huli, ako pa rin ang nagpakilos sa kanila. Ang kwento ng kanilang pagbagsak ay isinulat sa pamamagitan ng bawat hakbang na ginawa ko.”
Naramdaman niya ang malamig na simoy ng hangin na tila sumasabay sa kanyang pagtatagumpay, habang ang mga sigaw at kalabog ng labanan ay patuloy na naririnig sa di kalayuan. Ngunit biglang naalala niya ang Shadow at Monar Clan.
Napawi ang kanyang ngiti, at agad siyang nagmadaling bumalik sa Leaf Village, tahanan ng Leaf Clan.
A/N: Baka magustuhan niyo ang story ko “Zendu: Legacy Of Fire ” dati ko pa yan story na kasalukuyan ni revised ko. Naka publish na po ang prologue to chapter 8 po. Visit lang sa profile ko po. Thank you for reading.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro