kabanata 28
Kabanata 28: The Eye of the Freezer Season
Hindi pa umuulan ng yelo, maaga nang naglakbay pauwi ang grupo nila sa Assassin's Sector. Pinangungunahan ni Hellion ang paglalakbay upang maiwasan ang sakuna sa daan, habang maaga pa. Kahit hindi bahagi ng angkang kinabibilangan niya ang mga ito, iniisip niya na kasama sila sa Assassin's Sector.
Ang ikinabahala ni Hellion ang pinakamahinang membro na kasalukuyang pinalilibutan nilang pito. Walang iba kundi si Ziwin, nagpapanggap na apektuhan ng lamig na dulot ng freezer Season.
Mahalaga ang bawat membro sa kanilang paglalakbay sa kadahilanang nakakatulong ito sa pakikipagsapalaran. Mahina o malakas man subalit malaking tulong na ito sa kanilang grupo, laban sa panganib na nag-aabang mula sa mga ligaw na beast.
Napag-usapan nila na kung maglakbay, walang magsasalita maliban na lang kung kinakailangan talaga. Sapagkat nakakaagaw ng atensyon ng mga ligaw na beast. Hindi maganda kung agad sila mapapalaban lalo na hindi pa nasa kalahati ang kanilang patutunguhan.
Isa, dalawa at tatlo na bilang ang natira na Artificial Firo Lanter, panlaban sa temperatura ng lamig. Upang makatagal sa labas kinakailangan nila ang Artificial Firo Lanter lalo na pag sapit ng gabi. Kadiliman ang maghahari subalit ang bawat tipak ng yelo na ulan na dulot ng Freezer Season ay nagliwanag. Walang nakakaalam sa kanila kung ano ang apekto sa oras na matamaan sila nito.
Habang tumatagal mas lalo nangingibaw ang liwanag sa gitna ng kadiliman. Parang nasa ibang mundo sila na masilayan tuluyan ang bawat tipak ng yelo.
Napahinto sila na yumanig sandali. Hindi maiwasan kabahan ni Hellion, hindi siya maaari magkamali, may wild beast sila nagambala.
“Gawin ang Shi Defense Formation, ipagitna si Ziwin para maiwasan natin malagasan!”
Kahit hindi alam ni Ziwin kung anong nangyayari, mabuti niya sinunod ang utos ni Hellion.
Matapos mabuo ang Shi Defense Formation, nagkaroon ng liwanag sa bawat ibabaw ng ulo at palad ang bawat isa. Sumabog ang liwanag at di naglaon pumalibot sa kanila ang panangga na likha sa enerhiya.
“Bilisan natin malapit na ang gabi!”
Hindi maintindihan nila kung ano ang nangyayari, biglaan binalot ng kadiliman ang kalangitan. Ayon sa lumang libro sa Assassin's Sector ang patungkol sa Freezer Season, pag linamon ng kadiliman ang oras ng liwanag, senyales na may bagyo na dala ng Freezer Season.
Huminto ang grupo na matanaw sa hindi kalayuan ang papalapit na pigura na tanging nagbabagang mata ang makikita.
“Ang mata ng Freezer Season?”
Halos hindi makagalaw ang lahat na masilayan ang tunay na wangis ng tinutukoy nila na mata ng Freezer Season.
Malaking nilalang ito na may anyo ng tipak na yelo na hugis bituin, sa gitna ang malaking kulay pula na mata. Walang bibig ang nilalang na ito, sa hindi malaman dahilan.
“Paganahin ang Formation!” sigaw ni Hellion.
Mabilis nagpalit palit ng pwesto ang lahat maliban kay Ziwin na nasa loob ng Formation at si Hellion nanatili nakatayo sa harap.
“Nasisiguro ko nararanasan ng Earth Superior Sector ang sinapit natin ngayon. Hindi malabo nasa ganoon sitwasyon sila habang tinahak ang landas pauwi.” mahinang sambit ni Hellion.
Nagsimula umikot ang nilalang kasabay kumawala sa dulo ng tulis ng bituin ang mapanirang atake.
Kahit nasa kalangitan ang nilalang na ito, subalit ang bawat atake kumawala ay kung saan saan tumama.
Ang mga beast nagtatago ay nagsimula lumabas upang tumakas sa panganib na dala ng mata ng Freezer Season.
Nagliwanag ang buong katawan maliban kay Ziwin na kasalukuyan titig na titig sa mata ng Freezer Season. Nabuo ang malakas na barrier mula sa mga enerhiya ng lahat. Maraming liwanag ang tumama sa kanila ngunit sumabog lang ito sa labas ng barrier.
Ang tulong na hinintay ni Hellion ay malabo makarating lalo hindi pa sila nakalagpas sa teritoryo ng Venuz Kingdom. Mahigpit ipinagbawal ang lumagpas sa hangganan ng dalawang kaharian ang paghimasok na walang sapat na dahilan, gaya ng misyon, mensahe at iba pa.
“Kung magtatagal tayo baka ikakamatay natin ito.”
Ginamit ni Hellion ang pang-huli galaw ng Formation upang makatakas sa kasalukuyan sitwasyon. Lumutang sila habang patuloy tumitibay ang barrier.
Mabilis na iwasan ang mga liwanag kasabay ang paglipad sa ere palayo sa kinaroroonan ng Freezer Season. Kahit nakalayo na sila, hindi maiwasan tamaan ng liwanag sila.
Dahan-dahan unti linabas na liwanag ng freezer Season kasabay ang dahan-dahan paglaho nito.
Kaunti na lang makakalabas na sila sa hangganan ng Venuz Kingdom. Subalit sa kasamaan palad subrang nanghina ang lahat matapos matanggap ang huli liwanag na tumama sa barrier.
Malakas na impak na tumama sa lupa at naging sanhi pa ito nagkaroon ng butas sa kinabagsakan nila.
Humupa ang usok sa kinaroroonan nila. Walang malay ang lahat maliban sa kaniya na habol hininga nakatayo si Ziwin. Na alerto na naramdaman ang mga presensya ng beast.
“Lintek na, dumugo ang sugat.”
Maraming mga beast ang nagkalat patungo sa kanilang kinaroroonan. Hindi nakakapagtaka na maraming naakit sa amoy ng dugo ng mga kasama niya.
Hindi niya kailangan gumawa ng malakas na atake baka makaramdam ang mga tao sa Sect lalo na ang mga legend.
Naglabas ng aura ang mga beast na handa umatake, hindi baba ang ranggo ng mga ito sa Grandmaster. Mabilis na sumulong patungo sa kanila, bago pa man ito makalapit
Tumadyak sa lupa siya, na naging dahilan na umangat ang lupa at doon tumama ang mga beast. Hindi bastang lupa lang ito, kung hindi balot ito ng enerhiya.
Napaatras ang karamihan na beast. Bahagya napahawak sa ulo saka napahalakhak na may naalala.
Bumagsak ang lupa na umangat na ikinatilapon ng mga beast. Linabas niya ang sampung potion na kulay berde na may halong itim.
“Tingnan natin kung kakayanin niyo ang matinding lason na mula sa leaf clan.”
Tumalon habang nasa nagpaikot-ikot habang hinagis ang potion sa iba't ibang direksyon. Lumikha ng barrier sa pamamagitan ng mga dahon upang maprotektahan ang mga kasama niya, hindi nagtagal bumaba siya nakatayo kasabay sumabog ang potion sa paligid.
Marinig ang iba't ibang ingay at tunog na likha ng iba't ibang uri ng beast namimilipit sa sakit. Linabas niya ang pamaypay para sa gagawin ang pang-huli atake.
Hinampas niya sa lupa ang pamaypay naka-likha ng maraming alon. Sunod-sunod na tumama ang alon na naging dahilan na ikamatay ng lahat maliban sa mga sugatan nakatakas.
“Paano mo nagawa yun?!”
Natigilan siya na marinig ang boses na mula sa hangganan ng Heliz Kingdom. Dahan-dahan lumingon, nakita niya ang dalawang lalaki na kasalukuyan nakatayo na may mapanuring tingin.
“Ang lahat ng napatay mo ay pagmamay-ari mo, huwag ka mag-alala hindi namin yan kukunin sa iyo,” seryuso wika ng isa.
“Ngunit kailangan mo sagutin ang aking katanungan,” mariin na sambit ng lalaki na kabilang sa Monar Assassin's.
Nagdilim ang ekspresyon niya. Kung wala ito kasama na Assassin's baka kanina pa niya ito pinatay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro