Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 26

26:  A great opportunity

Sa gitna ng mesa nag liwanag ang mga simbolo kasabay nabuo ang lagusan. Lumabas ang munting nilalang.

"Fairy?"

Hindi pinansin ng fairy ang sinasabi ng Ancient Guardian. Sa halip tumingala upang makita ang Air Spirit.

Nag paalam ang Fairy na puntahan ang Air Spirit. Kaagad naman pumayag siya.

"Hindi ko inakala may tao kaya makipag sundo sa Elemental Spirit, Beast Spirit , Nature Spirit at higit sa lahat ang mahigpit na ipinagbawal ang Ancient Soul."

Ang pangkaraniwan adventure na cultivator ay hindi kayang gawin ang nagawa ni Ziwin.  Ang tanging magagawa ng pang karaniwang ang makipag kontrata sa isang beast.

Nakaramdam ng matinding takot ang Ancient Guardian na may napagtanto. Sa tanang buhay niya, hindi niya akalain masaksihan niya ang mga alamat dati.

"Ngunit hindi nakakapagtaka ang tulad mo. Nasisiguro ko ang lahi pinag mulan mo ay sinaunang nilalang na hindi matukoy."

Dahan-dahan lumabo ang piguro ng Ancient Guardian. Hugyat na malapit na ang kaniyang hangganan sa mundo. Nais man niya sabihin ang patungkol sa lahi pinagmulan ng binata. Subalit wala ng oras.

"Hindi ko na patatagalin pa. Tanggapin mo ng buong puso ang aking kapangyarihan. Umaasa ako matutulungan mo sa takdang panahon ang tinutukoy ko."

Nagkaroon ng butas ang katawan ng Ancient Guardian. Sa gitna ng katawan may nakalutang na bituin ng kadiliman. Nag labas ng nakakakilabot na aura.

[Nararamdaman ng sistema. Nais ng Ancient Guardian na ipasa ang kapangyarihan sa pamamangitan sa pag pasa ng Soul Star.]

Nanglaki ang mata niya, sa kaniyang nalaman.

[Pinapayagan ang sistema na makita ang impormasyon ng Ancient Guardian. Ang Ancient Guardian ay isang Soul Celeste na mula sa ibang mundo. Hindi pinapayagan ang sistema na makita ang ibang impormasyon.]

Napahiyaw ang Ancient Guardian sa proseso ng pag pasa. Parang sinunog ang kaniyang kaluluwa, sinubukan niya tanggalin sa katawan ang pinagmulan ng enerhiya ng buhay niya.

Yumanig ang buong isla kasabay nasira ang Formation Weather Venenum Array. Isang nakakasilaw na liwanag na mula sa bituin ng Ancient Guardian.

Sa pagkakataon ito. Walang pagpilian si Ziwin kung hindi gamitin ang ikalawang antas ng elemento ng lupa.

Nabuo sa kaniyang harapan ang brilyante, upang tanggapin ang mapangwasak na enerhiya na mula sa Ancient Guardian.

Unti-unti nag laho ang Ancient Guardian habang tumatagal. "Makinig ka sa akin sasabihin. Ikaw hindi ka nag mula sa mundong ito," matapos sambitin kasabay lumipat ang Soul Star sa katawan ni Ziwin.

[Binabati kita, ang pagtanggap ng iyong katawan sa kaluluwa ng bituin. Isang daan porsyento nag tagumpay ka.]

Ang isla unti-unting lumiit subalit hindi namalayan niya. "Ang lamig," nanginginig na wika niya.

Napatingin sa palad, nakalutang ang Flyton Island na parang isang maliit na laruan. Akmang magsasalita pa sana siya. Ngunit hinigop ng kaniyang katawan ang Flyton Island sa hindi malaman dahilan.

Hindi niya naramdaman ang presensya sa kaniyang katawan ang Flyton Island.

[Notification System. Ang Flyton Island ay hinigop ng iyong divine Artifact.]

Ang mesa ng Fairy ay kusa nag laho.

[Warning. Errors. Ang ilang Skills na pag may-ari ng user ay hindi pinapahintulutan ng sistema at hindi magtatagal ay mawawala na ito.]

Naglaho ang briyante nasa harapan niya. Isang beses niya lang magagamit ang ikalawang antas ng elemento ng lupa, sapagkat hindi pa bihisa at hindi sanay ang kaniyang katawan na gamitin ito.

[Errors, hindi pinahihitulutan ang user na umangat sa susunod na antas.]

Sa loob ng spiritwal na kalooban niya. Ang tatlong nakalutang na bituin na mula sa itaas ng kaniyang Inner Core. Kusa pinalibutan ang Inner Core kasabay lumitaw ang suol star.

Samantala sa tipak na bato na nakalutang sa eri. Kasalukuyan natutulog ang Air Spirit. Nakahiga ang walang malay na magandang nilalang. May mahabang buhok na kulay puti, matulis ang tenga, matangkad.

Narating ng Earth Spirit ang kinalalagyan ng Air Spirit. Napaawang ang bibig na masilayan ang pagmumukha nito.

"Carmilla?" mahinang wika, "Kay tagal ko na siya hindi nakita. Hindi ko inaasahan muli ko siya makikita sa masamang kalagayan," dagdag pa niya.

"Carmilla sinasabi ko na nga ba na isang Kang Elf.  Wala ng panahon para ako'y mag tagal pa dito."

Lumitaw sa palad ni Ferrior ang munting lagusan. "Gagawin ko ang lahat para isama kita sa mundo natin, Carmilla." Pinakawalan niya ang lagusan. Sampilitin pinalaki ang lagusan.

"Sawakas muli ko napalaki ang munti kong lagusan."

Mabilis na lumipad si Ferrior sa ibabaw ni Carmilla. Ang bawat dust nahuhulog sa kaniyang pakpak ay dumidikit sa tipak na bato na kinalalagyan ni Carmilla.

May hindi nakikitang lubid na likha sa purong dust naka konekta sa tipak na bato. Pumasok si Ferrior sa lagusan habang hila-hila si Carmilla.

"Pangako, Carmilla tu-tulungan kita."

Tuluyan nakapasok ang dalawa sa lagusan. At hindi nag tagal nag laho ang lagusan.

Samantala sa kabilang banda sa higanting puno maririnig ang pag sabog. Pinag tulungan ng dalawang grupo na kalabanin ang beast. Subalit walang naging epekto lalo na ma utak ang beast.

Kaunti na lang ang kanilang bilang sa mapangwasak na atake ng dalawang beast. Nagawa nila galitin matapos masira ang mga itlog ng beast.

Subalit nag bago ang takbo ng laban na sumali ang tumatayo pinuno ng dalawang grupo.

[Flower Heart seasoning]

Lumulutang si Kaori sa eri. Maraming rosas ang nahulog na mula sa kung saan.

"Team up!" matapos mag isigaw ni Kaori.

Nag liwanag ang mga rosas sa palibot. Itinuro ni Kaori ang dalawang beast na kasalukuyan nagwawala.

Paiba-iba ng kulay ang mga rosas sa bawat tumama sa dalawang beast. Malaking pag sabog ang na likha ng atake ni Kaori.

Lumitaw sa kaliwang kamay ni  Hellion ang malaking espada na malapad. Sunod sunod na atake ang pinakawalan.

Sunod-sunod na pag sabog ang na likha nito. Tumilapon ang karamihan sa kanilang kasamahan maliban Kay Sera. Pilit na sinuportahan si Kaori at Hellion sa pamamangitan ng kaniyang tela na ginawang panangga. Sa tuwing inaatake ng dalawang beast sila.

Umabot sa punto malapit na maubos ang kanilang enerhiya sa buong katawan. Habang tumatagal sina Sera,Kaori at Hellion ang natira na patuloy na lumalaban sa dalawang beast.

"Gagagamitin ko ang huling taktika ko," nahihirapan sambit ni Kaori na patuloy kinokontrol ang mga rosas.

"Hindi na ako magtatagal, bibigay na ang aking katawan," mahinang wika ni Hellion na patuloy iwinasiwas ang malaking espada na malapad.

Napahiyaw si Sera sa malubhang pinsala ang natamo mula sa dalawang beast na kasalukuyan nanghihina.

Nag laho ang lahat ng rosas,sa isang iglap nag liwanag ang katawan ni Kaori. Nang humupa ang liwanag, bumungad sa kanila ang pangunahin antas ng kaniyang elemento ng lupa. Nakasuot ng mahabang dress na kulay rosas, may dalawang pulseras sa kamay na likha sa rosas.

Nanginginig ang buong katawan ni Kaori na pinakawalan ang atake. Nakalikha ng pag sabog na tumama sa dalawang beast, na naging dahilan na tuluyan natumba.

Tumilapon si Sera sa lakas ng impak ng pag sabog. Yumanig ang higanting puno na kasalukuyan nasusunog na.

Sinundan ni Hellion ng malakas na atake ang dalawang beast na tuluyan tumapos.

Napatingala si Kaori na naramdaman ang mayaman na aura mula sa kalangitan.

"Hindi ako maari nag ka mali. Ang elemento ng lupa?" matapos masabit ang kataga, na walang ng malay ito.

Bago tuluyan mahulog, nagawa saluhin ni Hellion si Kaori. Nakapikit ang dalawa na mabilis na bumulugsok sa ibaba.

Bumagsak ang dalawa sa lupa na naging dahilan na pag sabog.  Tuluyan nasunog ang higanting puno hanggan sa naging abo na lang ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro