Kabanata 25
25: Why am i the heir?
Lumabas sa katawan ng kakaibang nilalang ang itim na usok.
Sinimulan niya tumakbo pasikot sikot sa Formation Rock Maze upang hindi siya madali mahanap.
"Aking taga-pagmana huwag mo na subukan taguan ako. Mahahanap rin kita kahit saan sulok ka man ng Maze."
Ang usok na buo na sa maraming maliliit na nilalang na may pulang mga mata. Mabilis ang kilos ng bawat isa. Kahit saan sulok na punta upang mabilis mahanap siya.
"Hindi ko maaari tawagin ang Earth Spirit ko. Hindi pa naman nakalagay sa panganib ang buhay ko na umabot sa punto mag aagaw buhay na ako."
Nag laho ang tungkod sa kaniyang kamay. Lumitaw sa kaniyang palad ang dalawang pamaypay.
"Hezozo..." paulit-ulit na ingay na gawa ng mga munting nilalang.
Huminto siya saka mabilis umikot. Kasabay naman sumulong ang lahat ng munting nilalang patungo sa kaniya.
Hinampas niya sa hangin ang pamaypay na naging dahilan naka likha siya ng malakas na hangin. Halos ang karamihan tumilapon ng tinamaan ng hangin.
Napatingala sa itaas libo-libong usok na munting halimaw ang patungo sa kaniyang direksyon.
[Nararamdaman ng system ang kasanayang ginamit ng Sinaunang tagapag-alaga ay tinatawag na Spectre tempus Summoning.
Ang Spectre Tempus Summoning ay may kakayahang tumawag ng mga halimaw mula sa kabilang mundo. Ang halimaw na kilala bilang Halirrow.
Ang Hallirrow ay nakasalalay ang lakas sa gumagamit ng skill.]
Itinutok niya ang kaliwang palad sa direksyon ng Hallirrow. "Mamamatay kayo...!" Sabay pinakawalan ang mapangwasak na atake.
Tagumpay niya napatay ang lahat ngunit bumagsak ang magkabilang tuhod niya sa lupa dahil sa pangininig.
"Mas malakas pa siya sa Legend Star. Hindi ko mahuhulaan ang kaniyang susunod na gagawin. "
Sumuka ng dugo si Ziwin na sunod-sunod na tumama sa kaniya ang natitirang pang Hallirrow na palihim umatake. Tumagos sa kaniyang katawan at na apektuhan ang kaniyang espiriwal na kalooban.
Napahawak sa kaniyang dibdib. Walang silbi ang nilikha niya na panangga sa buong katawan gamit ang aura niya.
Sa tuwing sinusubukan niya gamitin paulit-ulit siya nasasaktan na malubhang na pinsala ang panloob na espiriwal. Kahit gamitin pa niya ang pinakamalakas ng Earth Skill balewala lang ito sa Hallirrow.
"Aking taga-pagmana mararanasan mo ang sakit na kahit kailan hindi mo man lang na isip."
Dahan-dahan binalot ng purong itim ang mata niya. Nawala sa sarili, hindi makontrol ang emosyon. Pakiramdam nasa gitna siya ng kawalan.
[Spider Magic: Uncontrolled]
Hindi inaasahan ng Ancient Guardian ang nangyari. Hindi niya maintindihan bigla hindi niya makontrol ang Hallirrow.
[Earth Shock]
Kumawala sa katawan ni Ziwin ang malakas na energy na tumama sa Formation Rock Maze na naging sanhi na ikinasira nito.
Huminto ang musika kasabay ang umaawit. Nararamdaman ng Ancient Guardian ang pamilyar na Aura.
"Aking taga-pagmana mukhang hindi ko inaasahan ang aking paghihintay ay hindi na balewala."
Ang natitirang Hallirrow ay kusa nag laho. Ang tela nakabalot sa buong katawan ng Ancient Guardian ay dahan-dahan humiwalay sa katawan nito.
"Bakit Ako ang taga-pagmana mo?" dalawang boses ang lumabas sa bibig ni Ziwin.
Nahati ang tela sa maraming beses. Hindi nag tagal ang mga tela ay dahan-dahan nag palit anyo.
[Nararamdaman ng sistema ang ginamit na skill ng Ancient Guardian. Ang Ancient Serpens transformation.]
Ang lahat ng ahas patungo sa Air Spirit na walang malay sa mahabang panahon.
"Hindi ikaw ang aking taga-pagmana subalit nakita ko ang iyong potensyal."
Huminto ang lahat ng ahas sa eri maliban sa lupa na kasalukuyan nakahanda umatake Kay Ziwin.
Sa kumpas ng kamay ng Ancient Guardian kasabay sumulong ang mga ahas sa sobrang bilis.
Lumitaw sa tabi ni Ziwin ang lagusan. Hindi nag tagal lumabas ang Wolf na may pinong kulay puti na balahibo.
Bumunga ng hangin ang lahat ng ahas patungo sa kinatatayuan ni Ziwin. Subalit bago pa man ito nakalapit, bigla may humarang na hindi makita na panangga.
Ang lahat ng hangin na likha ng mga ahas ay doon lang tumama bago sumabog.
Natawa ang Ancient Guardian sa kaniyang nasaksihan. Laban sa pagitan ng Ancient Serpens transformation at Wolfgang Summoners.
"Ang lahat ng iyong katanungan ay masasagot ko, kung matatalo mo ako."
Nag simula ang labanan sa pagitan ni Ziwin at Ancient Guardian. Walang may gusto mag patalo. Malaki ang kalamangan ng Ancient Guardian Kay Ziwin sa karanasan sa labanan, subalit mautak si Ziwin.
Nagpalitan ng atake ang bawat isa kahit malayo man sila sa isa't isa. Sa tuwing hindi magawang sanggain ni Ziwin ang atake. Ginagamit niya ang Spider Magic: Uncontrolled.
Sa huling atake na pinakawalan ng magkabilang panig. Malaking impak ang pag sabog na naging sanhi na pag tilapon pa layo ng dalawa.
"Ako ang dapat na manalo...!" sigaw ni Ziwin.
Sa kaniyang matinding diterminasyon na talunin ang kalaban. Nag simula lumabas itim na ugat sa buong katawan.
[Ghostah Guardia Techniques ]
Lumabas sa katawan niya ang dalawang kaluluwa na balot ng itim na tela.
Hindi magawang makapag reak ng Ancient Guardian. Sa kisap mata napinsala ang katawan nito na hindi napapansin.
Tumingala ang Ancient Guardian kasabay humalakhak ng malakas.
Hindi lubos ma isip ng Ancient Guardian. Ang mahigpit na ipanag bawal na technique dati, kasalukuyan ginagamit ng binata kaharap niya na walang kahirap hirap.
Naalaala ng Ancient Guardian minsan na niya sinubukan pag aralan ang Ghostah Guardia Techniques. Subalit kahit anong pagsusumikap niya na sanayain ang taktika. Ngunit hindi siya nag tagumpay.
Ang ikinamangha niya, hindi isang kaluluwa lang kung hindi dalawa. Kung hindi nagkakamali ang Ancient Guardian, Ancient Soul ang dalawang kaluluwa na balot ng puting tela.
Walang silbi ang kaniyang kakayahan sa Ancient Soul. Hindi tinadblang ng usok ang Ancient Soul at mas lalong hindi apektado sa ginawa niya formation array sa buong isla. Maliban sa Formation Rock Maze, ang pinakamalakas niyang Formation, ang Formation Weather Venenum Array.
Ang naging dahilan na tag hirap ng bayan ng Manori dahil sa Formation Array na ito.
"Natalo ako," masayang wika ng Ancient Guardian. "Hindi ko na hintayin itanong mo sa aking kung bakit ikaw ang aking taga-pagmana," dagdag pa niya.
Nag laho ang lahat ng serpent ng Ancient Guardian. Bumalik sa lagusan ang Wolfgang Summoners ni Ziwin. Ang dalawang Ancient Soul ay nanatiling nakabantay sa tabi ni Ziwin.
"Ikaw ang aking taga-pagmana hindi dahil kalahi kita o kung ano man koneksyon mo sa akin. Kung hindi dahil taglay mo ang elemento ng kadiliman at higit sa lahat kaya mo gamitin ang sinumpang taktika. Ikaw ang karapat-dapat na mag mana ng aking kapangyarihan," masayang paliwanag. "Sawakas makakaalis na ako sa mundo ng mga buhay."
Naunawaan niya kung bakit ganoon na lang kasaya na makita siya nito. Ang walang mukha na Ancient Guardian dahan-dahan nagkaroon ng mukha.
"Kung nakikita mo ang Air Spirit sa itaas. Siya ang aking Elemental Spirit. Noong namatay ako dahil sa kabiguan parang namatay na rin ang Air Spirit. Hindi siya magigising hangga't wala mag mana ng aking kapangyarihan."
Hindi niya inaasahan ang kaniyang nalaman. Dahan-dahan nanumbalik sa normal ang kaniyang mga mata. Kahit ang mga itim na ugat nag kalat sa buong katawan niya nawala.
"Natutuwa ako malaman. Subalit may sasabihin ako sa iyo, tiyak na ikakagulat mo," nakangiting wika niya.
Kusa bumalik sa katawan niya ang dalawang Ancient Soul matapos hindi naramdaman ang matinding panganib.
"Hindi ko alam kung ano sasabihin mo. Pero nais ko sabihin sa iyo ang pagkaroon ng elemental spirit ay malaking tulong."
Natigilan ang Ancient Guardian napansin nag liwanag ng kulay berde ang mata niya.
"Huwag mo sabihin na ika—"
Hindi natuloy ng Ancient Guardian na lumitaw ang sinaunang mesa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro