Kabanata 24
24: You are my heir
Narating niya ang ibabaw ng puno. Hindi niya inaasahan makita ang pugad ng isang Grandmaster Star Beast. Kasalukuyan tulog ang dambuhalag ibon na kulay berde.
Pinakiramdaman niya ang presensya ni Valencia upang itanong ang patungkol sa Grandmaster Star Beast na kaharap niya.
Ngunit hindi niya naramdaman kahit kaunting presensya ni Valencia. Sa pagkakataon ito hindi niya maaasahan ang tulong ni Valencia.
Nais niya labanan ang Grandmaster Star Beast ngunit makakaagaw pansin. Kahit mababa ang Star nito kaysa sa kaniya na isang Legend Star. Subalit hindi nag iisa ang Grandmaster Star Beast na ito.
"Loading..."
Napakunoot noo na marinig sa isipan niya. Nasisiguro niya hindi ito si Valencia kung hindi ang system na palagi nagsasabi sa kaniya na level up.
[It's a Warbird. The WarBird they possess the element of air. This type of animal belongs to Gem Beast. This bird's relative is Forgiveness Heavenly feather belonging to the Ancient Warrior god. Current level at Third Master Star.]
"Ano? Wala ako maintindihan kahit isa."
[Don't worry. You can adjust the system language to the language you know.]
Lumitaw sa kaniyang harapan ang lumulutang ang dahon na metal.
[The system allows you to learn all languages. If you want, put the metal leaf on your forehead so you can cultivate it.]
Napangiti ng malawak na napagtanto malaking tulong ito sa kaniya, lalo na maintindihan niya ang lahat ng wika maging ang sa mga beast. Maingat na nilagay niya ang dahon sa noo.
[Congratulations, the system has unlocked two abilities. The first ability to unlock is scanning information, which allows to detect the talent of any living and objects.]
"Nagamit ko na minsan ang kakayahan ng system na ito. Subalit mas lalo humusay ang system."
[Second, unlock ability is learning heaven language. Allows to understand Any language.]
[Congratulations, success you are now a full Legend Star, it won't be long before you reach the old Legend Star.]
"System? Hindi ko alam kung bakit mayroon ako nito."
Ginamit niya ang scanning ability. Nanglaki ang mata niya na lumitaw ang impormasyon patungkol sa higanting puno at sa lumulutang na isla.
Ang Flyton Island ang pagmamay-ari ng taga-labas ng kanilang mundo. Ang higanting puno ay kilala sa pangalan na Thousand Inferior Tree. Ang punong ito ay pambihirang kayamanan lalo na sa mga adventures na body Cultivator. Ang pinakamahalagang parte sa punong ito ang inner core nito.
"Hindi na ako mag aksayang ng panahon para labanan ang dalawang WarBird. Sa tingin ko makakatulong sa akin ang isang itlog ng WarBird. Ngunit bago yun kailangan ko kunin ang Inner Core ng Thousand Inferior Tree."
Hindi nahirapan si Ziwin na hanapin ang Inner Core madali niya ito nakuha. Ginamit niya ang pambihirang niyang kakayahan na dayain ang paningin ng beast, upang matiwasay makuha ang isa sa mga itlog nito.
Muli nagpatuloy siya patungo sa Flyton Island na pananabik. Hindi nag tagal narating niya ang isla , hindi maiwasan namangha na bumungad sa kaniya ang nag gagandahan halaman at formation rock nito.
Mula sa kaniyang kinatatayuan may napansin siya. Hindi niya masigurado kung ano ito. Sapagkat malabo ang pigura nakikita niya. Na alerto na bigla nag bago ang takbo ng ihip ng hangin.
Mabilis niya iniwasan ang kidlat na muntik na tumama sa kaniya. Napatingala siya na may napagtanto. May kakaibang bilog na bagay ang nakalutang. Muli niya ginamit ang Scanning ability.
[Congratulations, system language change is successful.]
[Impormasyon: Airo Spirit ng espirito ng elemento ng hangin. No contract.]
"Ano? Kung ganoon ang nilalang nakikita ko sa gitna ng Formation Rock. Sinusubukan ba niya makipag kontrata sa elemento ng hangin?"
Patuloy na iniwasan ang kidlat na walang tigil na tumama sa iba't ibang bahagi ng isla. Napagpasyahan ni Ziwin na lumikha ng clone upang makalapit sa nilalang na abala sa pa kuha ng loob sa Air Spirit.
Hindi nabigo ang kaniyang plano. Ngunit hindi niya inaasahan na makita ng malapitan ang nilalang.
"Ano ito? Hindi isang tao."
Nakaluhod ang isang nilalang na balot ng itim na tela. Hindi makita ang mukha at hawak-hawak ang libro ng mga patay.
[Sinaunang taga-bantay ng kamatayan. Hawak ang libro ng listahan ng mga namatay sa isla.]
Nanginginig ang buong katawan sa kaniyang nalaman. Kahit isang legend star siya. Subalit ang sinaunang taga-bantay mayaman sa karanasan, kaalaman at hindi masukat ang antas ng bituin nito.
Mas higit na malakas pa ito sa sa Crown Monkey at Temple Monkey. Hindi niya matukoy kung anong nilalang ito. Kahit ang system ay hindi gumagana.
Ang lahat ng clone niya nag laho na kumawala ang mabigat na aura mula sa nilalang.
Dumilim ang kalangitan kasabay tumigil ang kidlat. Nagsimula bumuhos ang nakakalason na ulan. Sa isang iglap ang nag gagandahan halaman at bulalak ay binawian ng buhay, hanggan sa wala na makita maliban sa formation rock. Ngunit hindi nag laong umangat ang Formation Rock at naging ganap na Formation Rock Maze.
Hindi mapigilan muli na manginig ang buong katawan. Palinga-linga sa palibot na marinig ang tinig ng umaawit at sinabayan pa ng kakaibang instrumento.
"Hahaha... Sa wakas!"
Mas lalo naging alerto siya.
"Sa mahabang panahon na paghihintay. Ngayon matutupad ang aking minimithi."
Nakakakilabot na boses ang nag salita. Hindi niya alam kung mula ito sa kakaibang nilalang. Ngunit ang ipinagtaka niya. kung ang nilalang ang nagsalita, sino ang umaawit?
Napahiyaw sa sakit sa hindi malaman dahilan. Hindi tumagal nakaramdam siya ng hapdi sa kaniyang balikat na kaniyang ipinagtaka.
"Kailangan ko gamitin Earth Aura ko kung hindi mapapahamak ako nito. Wala na ako paki alam sa Earth Superior Sector kahit malaman pa nila."
Lumipas si Ziwin nang umalon ang lupa. Kahit hindi siya tinamaan subalit sa hindi malaman dahilan na apektuhan siya nito.
Hindi nag dalawang isip na gamitin ang dalawang Aura, ang Blood Asura at Earth Aura. Dahil sa kaniyang pinagsanib na Aura.
Gumalaw ang nilalang na nakaluhod na mabagal. Sa bawat kilos kasama ang nakakamatay na ingay. "Ikaw?!" nang humarap sa kaniyang direksyon ang nilalang. "Ikaw na nga ang hinihintay ko. Aking minamahal na taga-pagmana," dagdag na sabi nito.
Nag itinuro siya kasabay kumawala sa dulo ng daliri ang itim na enerhiya.
[Uncontrolled]
Hindi tumama sa kaniya ang pinakawalan na atake sa halip bumagsak lang ito. Napakunoot noo siya na walang nangyari sa atake ng kakaibang nilalang.
"Inaasahan ko ang aking taga-pagmana na walang wala sa iyo ang atake Kong yun."
Umikot ang kakaibang nilalang saka itinaas ang magkabilang kamay sa eri. Nabuo ang panangga sa boung isla. Kahit sino hindi pinahihitulutan makapasok sa Flyton Island kung walang pahintulot ng kakaibang nilalang.
Bumaba siya, ligtas na lumpag sa Formation Rock Maze na bahagi na binagsakan ng atake ng kakaibang nilalang.
Rumble!
Pinarami niya ang kaniyang sarili at pinalakas ang tungkod na hawak niya. "Hindi ko alam kung ano tinutukoy mo taga-bantay. Subalit hindi ako makakapayag na masaktan mo ako!" Pinalakas niya ang kaniyang aura.
Umangat ang lahat ng tipak na bato sa eri saka binalotan ng berde at pulang enerhiya.
"Natutuwa ako makita ka."
Sumigaw si Ziwin kasabay sumulong sa kalaban. Kahit dumami na siya. Walang kahirap hirap na pinatalsik ng kakaibang nilalang ang lahat ng clone niya maliban sa kaniya.
Kung taglay niya ang elemento ng hangin hindi siya mahihirapan kalabanin ang kakaibang nilalang.
Ang umaawit na kung sino man noong una hindi siya na apektuhan ngunit hindi nag laong masakit na sa tenga pakinggan. Kakaiba ang tuno na parang may kasamang delubyo na likha ng isang tunay na demonyo ang musika.
[Healing Inner Self]
Nanumbalik ang kaniyang lakas ng isang daan porsyento.
[Healing Outer Self]
Nag hilom ang pinsala niya sa katawan ng isang daan porsyento. Kung wala siyang kakayahan ng Healing, baka ikamatay pa niya ang sunod-sunod na atake. Hindi kakayanin ng mga potion niya ang malubhang na pinsala.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro