Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 20


Kabanata 20: Who are you?


Nagising si Ziwin na puno ng takot ang nadarama. Pero alam niya sa kaniyang sarili na panaginip lang yun. Kahit kailan ay hindi mangyayari.

“Nasaan ako? Huli ko naalaala nasa silid kami ni Legend Pipa.”

Lumitaw ang system sa kaniyang harapan. Nakalutang ito sa eri. Napakunoot noo bago nanglaki ang mata sa kaniyang nakita.

“Totoo ba ito?”

Nalilito si Ziwin. Hindi niya akalain na abot niya ang ranggo ng hangganang ng Legend Star. Hindi magtatagal tatapak na siya sa Old Legend Star.

“Ang elementong tubig ko ay tuluyan nawala sa akin. Hindi ko na isip dadating ang panahon na bawiin ito ng may-ari.”

Naglaho ang system sa eri. Nakatayo siya sa loob ng lumang silid, halatang pinag lumaan na ito ng panahon na hindi ginamit.

“Valencia?! Hindi ko naramdaman ang presensya niya.”

Napahawak siya sa bandang dibdib niya. Uminit ang puso niya, hindi maintindihan kung bakit nangyayari ito.

“Valencia?” tanging na sambit niya.

Nanginginig ang buong katawan. Pakiramdam niya parang sinunog siya ng buhay.

Natigilan siya naramdaman ang kakaibang ihip ng hangin. Umupo siya kasabay naman dumaan ang patalim na tumama sa pader.

“Mabuti gising ka na. Kumusta ka?” tanong ng bagong pasok.

Napalingon siya mula sa pinto. Nakatayo si Aristotle na may mapanuring tingin.

“Ayos lang ako. Ngunit wala ako maalaala, ang tanging naalaala ko nagpakawala ang Legend Star na si Pipa ng mapangwasak na enerhiya, na naging dahilan na walang ng malay ang mga kasama ko. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya ang bagay na yun sa tulad namin na baguhan.” huminto siya sa pag salita. Seryuso tinitigan si Aristotle sa mata.

“At hindi lang yun. Bumaba ang mga ranggo namin. Hindi ko naramdaman ang kapangyarihan ng elementong tubig ko. Labis nasaktan ang kalooban ko sa nangyari.”

Huminto si Aristotle na may hindi makapaniwalang tingin. Nakaramdam ng matinding init mula sa kalooban looban si Aristotle sa kaniyang nalaman.

“Paumanhin Ginoong Stellar sa nangyari. Hindi ko alam kung bakit niya nagawa ang bagay na yun. Subalit pinapangako ko, aalamin ng Leaf Clan ang tunay na dahilan nito.”

Tumayo si Ziwin. Hindi nag dalawang isip na lumabas sa silid at lumabas ng bahay habang nakasunod sa kaniya si Aristotle.

“Ziwin? Sabihin mo sa akin ngayon ang katutuhanan. Sino ka ba talaga Ziwin Stellar?”

Huminto saka humarap si Ziwin. Itinuro ang sarili. “Ako si Ziwin Stellar. Hindi ako nagsisinungaling, Isa ako rogue adventure. Walang kinabibilangan angkang. Ano pa iyong gusto malaman?”

Hindi nag dalawang isip si Aristotle itanong ang tungkol sa gem Beast. Hindi inaasahan ni Ziwin ito, sa pagkakaalam niya. Kaunti lang ang may alam sa Gem Beast.

Hindi niya alam ano gagawin para takpan ang katotohanan na taglay niya ang elemento ng lupa. Hindi pa ito ang tamang oras para malaman ng kahit sino. Kahit isang ganap na siya na legend star. Hindi maaari ma ibungyag ang katotohanan. Maraming mga mata ang nakamasid lalo na nabibilang siya sa Leaf Clan.

Nitong nakaraan araw maraming Assassin ang namatay sa hindi kilalang lason. Kabilang na ang membro ng Leaf Clan. kahit dalubhasa angkan na ito pag dating sa gamot at lason ay hindi nila mabigyan ng sulusyon.

’Mag isip ka ng mabuti Win. Ako ito si Valencia pasamantala sumanib sa iyong katawan. Mamaya ko na ipaliwanag sa iyo ang nangyari kahapon.’

Hindi na kailangan niya mag sayang ng enerhiya para makausap ang isang kaluluwa sa pagkakataon ito. Sandali nanakit ang ulo ni Ziwin na maraming ala-ala ang pumasok sa kaniyang isipan. Ang ala-ala ni Valencia, sa pagkakataon ito. Nalaman niya ang dahilan sa likod ng pagkawala ng elemento ng iba't ibang nilalang ayon sa ala-ala ni Valencia.

“Ang totoo niyang wala ako talento sa kahit anong elemento. Ang likas Kong elemento ay dahon. Subalit mahirap sa akin ang lumikha nito. Tuluyan nag laho ang talento ko ng namatay ako. Himala nabuhay muli ako sa pagkakataon ito at na hanap ang isang gem na pag may-ari ng Gem Beast.”

Hindi magawang mag salita ni Aristotle sa kaniyang narinig. Alam niya ang tungkol sa mga mahihina na kahit may talento sa elemento ngunit nawawala rin ito sa takdang panahon, pag hindi pinagyaman ang karanasan.

Hindi niya maiwasan ang malungkot para Kay Ziwin. Masakit ang katutuhanan. Ang inaasam ng binata na makontrol ang elemento ng tubig ay nawala ng tuluyan.

“Alam mo, Aristotle. Nag bago ang pananaw ko sa bagong Legend Master. Sinira niya ang amin talento, hindi nag isip kung ano ang kinalabasan sa kaniyang ginawa.”

Napakunoot noo ang matanda na marinig ang sinabiha ni Ziwin. Sa buong buhay ng mga Assassin's hindi nila kinalaban at nakakataas sa kanila. Ngunit sa pagkakataon ito nag salita ng masama si Ziwin laban sa isang Assassin's Legend Star.

“Walang masama sa sinabi ko. Wala ako paki alam kung may makarinig. Hindi porket nasa itaas na siya, gagawin na niya ang gusto niya. ”

Nakiramdam ang matanda sa palibot ngunit hindi siya nag Kamali. May palihim nagmamasid sa kanila.

Akmang magsalita pa sana si Aristotle.

“Sa akin palagay hindi ito ang unang pagkakataon na may nagmamasid sa Leaf Village.”

Umikot si Ziwin saka inilabas sa kaniyang palad ang paypay. Tumalon sa eri saka hinagis sa direksyon ng bubong.

Nagmamadali lumapit ang tatlo na may bumagsak na isang Assassin's. Namimilitpit sa sakit habang pilit tumakas. Hindi nila makilala kung sino ito sapagkat may takip ang mukha.

“Mag salita ka?!”

Sa kisap mata nag laho si Ziwin. Lumitaw ito sa ibabaw ng lalaki habang nakatutok ang Espada sa leeg.

“Hindi ako magsasalita Kahit patayin mo pa ako!”

“Pwes kung yan ang gusto mo, ibibigay ko. ”

Binunot niya ang pamaypay sa binti nito. Hindi nag dalawang isip na saksakin sa tiyan gamit ang Espada ngunit nanatili tikom ang bibig nito.

“Ayaw mo talaga.”

Napaatras ang dalawa sa kanilang nasaksihan. Subrang brutal ng binata sa para pa aminin ang mata ng espiya.

Nag sisigaw sa subrang sakit ang lalaki. Inalis ng binata ang takip sa mukha. Bumungad sa kanila ang ma among mukha ng isang babae.

Pinadaloy ng binata ang enerhiya patungo sa paypay na subrang nag bigay sakit sa babae. Parang sinunog ang kaniyang kaluluwa na hindi maintindihan.

“Sino ka?” tanging sambit ng babae.

Napaubo ng dugo ang babae. “Mo—” huling na sambit ng babae bago bawian ng buhay.

Pala isipan sa kanila ang huling nasabi nito. Hindi problema kay Ziwin ang tungkol dito. Alam na niya kung sino ang tinutukoy ng babae.

“Bakit mo agad pinatay?”

“Hindi ko siya pinatay Ginoong Aristotle. Nakikita ko sa kaniyang leeg ang palatadaan ng Blood Contract. Dahil nilabag niya ang kontrata sa paraan pag traidor.”

Kaagad naunawaan nila ang tunay na nangyari. Nanatili sa isipan ni Aristotle ang sinabi ng babae kung sino si Ziwin. Nagtataka lang siya, lahat ng bagong kabilang sa Assassin's ay Kalat na sa buong Assassin's Sector.

Ang blood contract ay matagal na hindi umiral sa dalawang kaharian. Mahigpit ipinagbawal ang pag gamit nito sa kadahilanan libo-libo ang namatay. Ang gusto mag master ng Technique na ito ay madalas na uwi sa pagkasawii.

“Panginoong Aristotle hindi mo pa na banggit sa akin. Sino siya?”

Napakunoot noo si Aristotle. “Siya ang bagong membro ng ating Angkang. Hindi mo ba nabalitaan?”

Napatingin sila saglit sa bangkay ng babae na dahan-dahan naglaho na parang usok.

“Hindi.”

Nakaramdam ng matinding init sa puso at isipan si Aristotle sa kaniyang narinig. Sa isip ni Aristotle may masama mangyayari sa bagong membro. Lalo na hindi ito kilala ng buong Assassin's Sector kahit ipinakilala na sila nitong nakaraan araw.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro