Kabanata 18
Kabanata 18: Unexpected to level up
Sumabog ng sunod-sunod ang pinakawalan atake ng kung sino man. Walang kahirap hirap na iwasan ni Ziwin.
"Kanina ko pa napapansin na sumusunod ka sa akin. Masyadong luma ang iyong pamamaraan. Sa aking palagay Wala kang tansya manalo sa akin."
Patuloy iniiwasan ni Ziwin ang sunod-sunod na atake. Wala siyang balak gumanti dito. Para sa kaniya pagsasayang ng enerhiya ang kalaban hindi nakikita. Mas mabuti maghanda sa takdang oras para gumanti.
"Alam ko natatakot ka sa akin. Hindi ba?"
Naramdaman niya ang nakakakilabot na aura. Napangiti ng palihim si Ziwin na magtagumpay siya painit ang ulo ng kalaban.
'Malakas ang isang ito subalit mahina sa pang isip. Nakakatawa isipin kahit sa Angkang ng mga Assassin's may ganito.' isip ni Ziwin.
Tumalon siya sa eri ng paikot habang ikinumpas ang kamay para bumuo ng panangga.
[Water Wabal]
Hindi umabot sa kaniya ang atake ng kalaban. Doon lang ito sa labas ng panangga niya tumama.
Sa kisap mata mabilis kumilos si Ziwin halos hindi na ito makita ng kahit sino man ang makakita.
"Nasaan yun?" takang sambit ng lalaki.
Lumitaw ito sa kinatatayuan ni Ziwin kanina. Balot ang lalaking ng itim na aura, hindi kita ang mukha maging ang mata ay balot ng itim na tela. Parang isang puppet na maituring kung pagmasdan maigi.
Labis na bigla ang lalaki nang tumama sa kaniya ang hugis bilog na tubig.
Bang!
Pinigilan ng lalaki ang pagtilapon sa pamamangitan sa pagharang ng malaking enerhiya sa katawan. Subalit Hindi nag tagumpay ang lalaki muli may tumama na sunod-sunod na hugis bilog na tubig.
Tumilapon ang lalaki saka naman lumitaw si Ziwin sa harapan nito. Malakas na sinuntok sa bandang tiyan.
Ngunit sa kisap mata naglaho ang lalaki sa hindi malaman dahilan. Naiwan ang bakas ng kalaban, inamoy niya ang usok.
"Shadow Assassin's?"
Huminto siya. Seryuso pinakiramdaman ang palibot subalit Hindi niya madama ang presensya ng lalaki.
"Mukhang na takot ko yata ang isang yun. Hindi magtatagal kumikilos na ang kalaban. Kung hindi ako maaari magkamali espiya ng Monar."
Bumalot sa katawan ni Ziwin ang malakas na Aura na naging sanhi lumakas ang ihip ng hangin.
Sa kabilang banda kung saan abala ang mga Grandmaster sa pagtatalakay sa misyon. Natigilan ang lahat naramdaman ang subrang lakas na enerhiya mula sa kagubatan ng Venus Kingdom.
Hindi nila alam kung kabilang ito sa Assassin's Sector nila. Ang tanging nasa isip nila may nakapasok na taga-labas na kung tawagin nasa isang Traveler.
Ang Traveler ay higit na mas malaya sa kahit ano man kaharian na grupo o propesyon. Kahit saan gusto nila mag tungo ay walang makakapigil. Sa nakalap ng impormasyon ng mga Grandmaster ang Traveler ay may pambihirang Technique at kapangyarihan na higit sa isang maharlikha.
Dahil dito mas lalo naging aktibo ang kanilang atensyon sa mga bagay bagay patungkol sa Traveler.
Ang unang Grandmaster nakaramdam ng init sa buong katawan. Hindi maintindihan kung bakit biglaan nag aktibo ang natatago kapangyarihan.
Napatingin sa kaniya ang ibang Grandmasters na may pagkamangha. Biglaan naglaho ang malakas na aura naramdaman ng lahat.
Ngunit kasabay nagliwanag ang katawan ng unang Grandmaster. Napaatras ang iba sa tindi ng aura kumawala sa katawan nito.
Umangat ang katawan ng unang Grandmaster. Na putol ang tali sa mahabang buhok nito. Sa paghupa ng liwanag, parang ibang tao ang kaharap nila.
Isang babae na parang dalagita ang mukha, may magandang pangangatawang na kahit sino ay masakit. Hindi maiwasan ng lahat na dahan-dahan mapanganga na napansin ang dahan-dahan pagbabago ng kulay ng buhok. Mula sa itim naging puti ang buhok nito.
"Si Grandmaster Pipa ay isa nang ganap na Legend Star Assassin's. Hindi na ako magtataka maabot niya ang old legend sa maikling panahon," sambit ng isang master nakakarating lang.
Kinabukasan maaga nagising si Ziwin para paghandaan ang pag insayo sa taktikang ituturo sa kanila. Ang taktika ng isang Assassin's ay ituturo sa kanila ng unang Grandmaster.
Walang nakakaalam kung ano ang dahilan ng unang Grandmaster, sapagkat bago pa lang sa kanila ito nangyari. Sa tanang buhay ng mga Assassin's Kahit kailan hindi nag turo si Grandmaster Pipa sa mga baguhan lalo na kung hindi ito kabilang sa kaniyang angkang.
Habang ang tinungo ang Grandmaster Hall walang nagsalita sa kanila. Halata sa kanilang pagmumukha ang antok at pagod ngunit nagkukungwari ang bawat isa, upang maiwasan mag isip na ito sa isa kanilang kahinaan.
Dumating sila sa Grandmaster Hall na may malinaw na ekrespyon. Maraming nagkalat na bantay sa bawat sulok ng Grandmaster Hall. Dito makikita ang mga Master ng bawat Angkang na may malaking ambag sa Assassin's Sector.
Pumasok sila sa loob na may ngiti sa labi. Kahit seryuso ang kanilang pagmumukha at pekeng ngiti ang ipinapakita sa lahat. Subalit ang totoong nararamdaman nila ay kasayahan.
Sa pagliko nila sa kabila bumungad ang mahabang mesa. Sa dulo ng mahabang mesa nakaupo ang isang dalagita habang kalmado uminom ng kape.
Matapos uminom ng kape ang dalagita. Inilagay niya sa mesa saka pumalakpak ng tatlong beses. Lumipas ng tatlong segundo pumasok ang limang katulong na dala-dala ang mga pagkain.
"Magandang Umaga sa inyong lahat. Ako'y labis natutuwa na kayo ay dumalo sa akin pang anyaya. Maraming salamat sa inyo."
Tumayo ang dalagita. "Huwag na kayo mahiya, umupo na agad. Kayo rin baka mag iba isip ko. Alam ko gutom na kayo!" Nakangiti ang dalagita na parang baliw.
Tumakbo ang dalagita saka tumalon saka sinuntok ang bintana likha sa salamin.
Napabuntong hininga si Ziwin bago sumunod sa apat na umupo. Akmang ibubuka sana niya ang kaniyang bunganga. Subalit natigilan siya na bigla bumilis ang tibok ng puso niya.
Napapikit saglit naramdaman ang malakas na Aura mula sa dalagita nakatingin sa kanila. Napalingon siya sa kinauupuan ng dalagita. Tinitigan niya maigi upang masuri ang tunay na ranggo at lakas nito.
Maikling panahon mabilis ang pag angat ng antas ni Ziwin. Maikling panahon malapit na siyang tatapak sa legend star. Pamilyar siya Aura ng Legend star kahit magkungwari pa ito.
"Bago tayo simula kumain. Nais ko ipakilala ang aking sarili ng sa ganoon upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Ako nga pala si Pippa ang dating unang Grandmaster, ngunit sa kabutihang palad opisyal nakatapak ako kagabi sa Legend Star!"
Nanglaki ang mata ng apat maliban sa kaniya nanatili kalmado. Parang normal lang sa kaniya ang inanosyo ni Pipa.
Napansin ni Pipa ang reaksyon ng apat subalit nakuha ang atensyon niya Kay Ziwin na parang balewala lang ito. Palihim siya napangiti.
"Mawalang galang na po. Kung talagang ikaw si Grandmaster Pipa, pero paano ka bumata? Malaki ang pagkakaiba ng iyong wangis sa kaniya," kinakabahan sambit ng binibini Ribbon.
"Magandang katanungan Binibini Ribbon. Hindi ko inaasahan na mag level up ako sa susunod na antas. Ako'y lubos nagpapasalamat sa nilalang kagabi dahil sa kaniya tuluyan naging aktibo ang aking pandama at nakatagong kapangyarihan."
Na isip ng apat ang nangyari kagabi. Nagising sila sa malakas na aura na umaalon na naging dahilan na maramdaman ng kahit sino.
Bumagsak ang magkabilang tuhod ng apat maliban Kay Ziwin na seryuso nakatingin sa dalagita.
Pinag aralan niya mabuti ang bawat detalyado sa iba't ibang parte ng katawan sa pamamangitan ng pakiramdam sa enerhiya dumadaloy sa kagubatan nito.
Napakunoot na may nakitang pagbabago sa katawan ni Pipa. Noong huli nakaharap ito ni Ziwin wala ang bagay na yun.
'Kahanga-hanga ang kaniyang blood aura. Ito na yata ang sinasabi nila na pag umabot sa legend star na paging Assassin's. May kakayahan na ito pumatay na hindi man lang ginamit ang sariling kamay, kung hindi ang aura nito," isip ni Ziwin habang masuri inaalaala ang ilang detalye nabasa niya sa libro patungkol sa ranggong ito.
Nagbago ang ekrespyon ni Pipa na napansin hindi na apektuhan si Ziwin. "Papaano hindi ka na apektuhan ng aking aura. Nararamdaman ko mula sa iyong katawan ang lubhang mahina na enerhiya," takang sambit nito.
Napalunok ng sariling laway si Ziwin. Nag isip kung ano ang idadahilan niya na katanggap tanggap. Hindi madali mag sinungaling si Ziwin sapagkat ang kaharap niya ay isang orihinal na Legend Star.
"Ano hindi ka makasagot. May problema ba?"
Binawi ng bagong Legend Star ang aura kasabay bumagsak ang apat na walang malay.
Bahagya napaatras si Pipa na lumitaw dahan-dahan ang blood aura sa katawan ni Ziwin, na siyang dahilan na hindi ito na apektuhan.
Nanginginig ang buong katawan ni Ziwin sa Hindi malaman dahilan. Sa kisap mata dumilim ang kaniyang paningin umabot sa punto na parang pakiramdam niya na bulag na siya.
Napailing si Pipa, Hindi niya akalain sa maikling panahon natotonan ng baguhan ang blood aura technique. Ang blood aura technique tanging Assassin's lamang ang matuto nito.
Marami na Ang sumubok na taga-labas na pag aralan ang technique na ito. Subalit sa Kasamaan palad Hindi pa nila nasimulan ang technique, labis napinsala ang kanilang Inner Core sa sampilitan pagtanggap sa enerhiya hindi pamilyar ang Outer Core.
Umabot sa dalawang taon o higit pa upang maperpekto ang blood aura technique.
Hindi magawang makilos ni Ziwin ang katawan. Sunod-sunod narinig niya ang system sa kaniyang isipan.
[Level Up]
Mahirap hulaan ng kahit sino kung ano ang kasalukuyan nangyayari sa kaniya. Ang tanging nakikita ni Pipa ay hindi makakilos si Ziwin.
Iisipin ni Pipa ang negatibong epekto ang naging dahilan na hindi makakilos si Ziwin. Ngunit sa oras na malaman niya hindi, baka hihimatayin ito sa gulat na sunod sunod umangat ang antas ni Ziwin.
†††
Author Note: Pasensya ngayon lang, naki connect lang ako sa wifi para mag updated.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro