Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17

Kabanata 17: Preparing for the upcoming mission

Naabutan ni Ziwin na kasalukuyan naghahanda ang lalaki magpakita ng taktika sa poison.

Napakunoot siya na makilala ito, “Ginoong Aristotle?” sambit niya. Maayos ang bawat kilos na binibitawan nito habang maingat na pinaghalo ang poison sa sandata nito.

Parang tela sumasayaw sa eri si Ginoong Aristotle matapos gawin ang huling hakbang upang maisakatuparan ang taktika pinag aralan niya.

“Kahanga-hanga hindi ko akalain mas mahusay pa siya sa inakala ko. Karapat-dapat na tinawag siya na panginoong. Subalit maaari ko kaya matutunan iyang.”

Kumawala ang poison sa palad ng lalaki na naging sanhi na sumabog ito na parang tela ulan. Ulan ng mga lason na hugis palaso.

Kusa kumawala sa katawan ni Ziwin ang panangga ng elementong tubig. Lumipas ang isang minuto humapa ang usok na likha ng lason.

Lumingon sa direksyon ang lalaki Kay Ziwin na puno ng kasayahan. “Mabuti naman nandito ka na. Bukas na bukas ipadadala ka ng Grandmaster Assassin's  sa isang misyon. Sana'y huwag mo kami biguin Ginoong Stellar, umaasa kami sa iyong kakayahan. Nakasasalay sa iyo ang pag angat ng aking Angkan sa Assassin's Sector,” malumanay na sambit nito.

“Misyon?”

Nakaramdam ng kaba si Ziwin, kusa kumilos ang kaniyang paa palapit Kay Aristotle habang hindi inalis ang tingin nito sa mata.

“Tama. May ibibigay pala ako Ginoong Stellar sa iyo. Alam Kong matutuwa ka dito, huwag mo na ipagkaila na isang Kang healer. Taglay mo Healer Energy ng isang Healer.”

Hindi makasagot si Ziwin, nanatili nakatingin at nakanot noo.

Ang bawat propesyon ay may kaniya kaniya light energy at ganoon din sa antas nito. Naabot ni Ziwin ang ranggo ng Healer Master star ngunit hindi magtatagal malapit na siya tatapak sa susunod na ranggo ng Grandmaster.

“Mawalang galang na Ginoong Aristotle. Paano ka nakakasiguro na isa ako Healer.”

Bigla huminto ang paa ni Ziwin na makarating sa kinatatayuan ni Aristotle. Bahagya siya nanglaki ang mata na bigla hinawakan ni Aristotle ang kaniyang pulso.

“Hindi mo ako maluluko, sa iba baka umubra pa. Walang adventure ang makakagamot ng kaniyang sarili sa maikling panahon maliban sa mga Healer.”

Kaagad binitawan si Ziwin na hindi ito makapagsalita.

“Huwag ka na mag alinlangan na tanggapin ang ibibigay ko sa iyo, isipin mo na regalo ko ito bilang pasasalamat na pinili mo ang aking angkang.”

Lumitaw sa palad ni Aristotle ang dalawang maliit na kahon na kulay berde. Napatitig si Ziwin dito.

“Regalo?”

Ngumiti si Aristotle bago muli magsalita. Naunawaan niya ng mabuti kung bakit ganoon na lang ang trato ng panginoong kinikilala ng Leaf Clan sa kaniya.

Sa Leaf Clan kaunti lang ang nabubuhay na may talento at potensyal na maging isang Healer. Sa kadahilanan palagi ito inuuna na patayin ng mga kalaban ng Leaf sapagkat sila malaking suporta sa mandirigma o maging sa digmaan man.

Dahil dito pinagtuonan ng Leaf ang kanilang atensyon sa Poison upang maiwasan mabawasan ng ka-angkang at maliitin ng ibang lahi.

Inilahad ni Ziwin ang palad saka naman dahan-dahan palapit ang dalawang kahon na lumulutang. Nang dumanpi ito sa kaniyang balat saka naman ito nag bukas at tumambad Kay Ziwin ang nakakasilaw na liwanag.

Hindi maiwasan napapikit si Ziwin. Nag mulat mata siya na mag salita ang panginoong ng Leaf Clan.

Nanglalaki ang mata na tulala habang titig na titig sa dalawang kahon na kasalukuyan nakabukas.

“Inaasahan ko yan ang reaksyon mo. Huwag ka mag alala yan scroll nakapaloob dyan ang Poison Mist Technique ng aming angkan. Pangalawa yan aming artificial Immune System. ”

Hindi maunawaan ni Ziwin kung bakit ganoon kadali ibigay sa kaniya ni Aristotle ang mahalagang impormasyon at  lalo na ang Martial Arts ng Leaf Clan.

“Maraming salamat sa regalo ibinigay ko sa akin Ginoong Aristotle. Pasensya na kung hindi kita tinawag na panginoong gaya ng ka angkang mo. Sana'y maunawaan mo.”

Bahagya napatawa ang lalaki sa sinagot ni Ziwin. Huminto na may naalaala na mahalagang impormasyon laban sa kalaban.

“Walang problema. Ang mabuti pa bumalik ka na sa Assassin's Sector. Nabalitaan ko may nangyari hindi maganda doon sa Master Hall.”

Hindi magawang makasagot ni Ziwin sapagkat parang tela hindi makontrol ni Aristotle ang galit na sumakop sa kaisipan at puso nito. Hindi namalayan nagpakawala na ito ng aura na subrang bigat kahit sino papaluhod. Ngunit iba si Ziwin sa kanila, nanatiling nakatayo siya na parang walang nangyari.

Labis na ipinagtaka ni Aristotle. Huminahon siya na may napagtanto. Hindi niya dapat ipinapakita sa bagong membro ang kaniyang galit lalo na hindi niya pa ito lubusan kilala.

Hindi umabot sa isang daan porsyento na ipagkatiwala dito ang mga bagay-bagay. May magandang plano si Aristotle upang malaman kung tapat at hanggan saan aabot ang katapatan nito.

“Bago ka lumabas sa Poison Hall. Nais ko ipaalam sa iyo ang dapat mo iwasan.”

Napaisip si Ziwin kung sino ang tinutukoy nito. Ngunit mas maganda kung marinig niyo ang musika kaysa  isulat ang walang kasiguraduhan.

“Huwag Kang mag alala Ginoong Aristotle alam ko kung sino dapat iwasan lalo na ang angkang ng Monar.”

Hindi inaasahan ni Aristotle na angkang kanina lang pinag-usapan nila Chango. Ramdam niya ang nag umapaw na apoy na mula sa ikalaliman ng puso ni Ziwin ng sambitin niya ang katagan Monar.

Nabalitaan niya ang nangyari noong nakaraan araw na humiling si Cersa Monar na maging ganap na Grandmaster Assassin's.  Ngunit nabigo si Cersa subalit ang hakbang na ito ay malaking banta para sa kanila nasa ibaba ng Assassin's Sector.

Hindi magawa ni Ginoong Aristotle na mag pasa ng kahilingan at liham. kahit naabot na niya mga Kinakailangan para maging Grandmaster subalit iniingatan niya ang lihim ng kanilang angkang.

Masakit man isipin ngunit mas pinili ni Aristotle na magpakumbaba. Hindi pa ito ang tamang panahon para ibunyag.

“Mabuti kung ganoon. Mag ingat ka sa pag-uwi Ginoong Stellar.”

Hindi na muli nagsalita si Ziwin. Tumango na lang siya bago lumabas ng Poison Hall. Habang tinahak ang daan pauwi. Narinig niya ang mahinang boses mula sa kung saan. Inaktibo niya ang kaniyang kapangyarihan elemento ng lupa sa pagkakataon ito.

Nararamdaman niya may mga mata nakatingin sa kaniya habang palipat lipat siya sa pagtalon sa mga puno.

Mas lalo naging aktibo ang kaniyang pandama na hindi normal ang agos ng hangin sa himpapawid.

“Valaencia sabihin mo sa akin may sumusunod ba?”

Natigilan siya na walang sumagot sa kaniya. Hinanap niya ang kaluluwa subalit Hindi niya makita sa kahit saan parte na abot ng kaniyang mata na matanaw.

Napatingala siya naramdaman ang pamilyar na aura ng kaluluwa si Valencia. Tumambad sa kaniya ang kaluluwa hindi makagalaw.

“Mukhang may nakita siya hindi inaasahan. Hindi bale na nga lang.”

Tumagilid siya saka tumalon sa kabilang puno, kasabay tumama ang patalim na naging dahilan na putol ang sanga tinapakan niya kanina.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro