Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 15

Kabanata 15: Poison Hall

Narating ni Ziwin ang Poison Hall. Sa tulong ng kaluluwa kasama niya. Nalaman niya nasa Venus Kingdom na siya. Ang Poison Hall ay sakop ng Vinus Kingdom na sa hangganan ng pagitan ng dalawang kaharian. Kinilala ng magkatabi kaharian ang Assassin na hindi banta sa kanilang pamumuno hangga't walang ito pinapatay na maharlikha.

Sa pagtapak ni Ziwin sa hagdan nagsimula tumunog ang kampana mula loob ng Poison Hall. Hindi alam ni Ziwin kung anong nangyayari ngunit inilabas niya ang kaniyang pamaypay. Nagpatuloy siya sa paglalakad na hindi inalis ang tingin sa harap ng Poison Hall.

"Hindi nakakapagtaka kung malayo ang Poison Hall sa lahat. Mukhang kinatatakotan ang propesyon ito. Kahit sino pwede malason, kahit may mataas pa ng antas."

Huminto siya na marating ang pinto ng Poison Hall. Napapansin niya may mga bulaklak na kulay dilaw, bulaklak na binubuo ng maliliit na bola.

Napatalon paatras siya nang bigla bumukas ang malaking pinto. Nangliit ang tingin na lumabas ang usok na kulay dilaw mula sa loob. Kaagad niya tinakpan ang ilong upang hindi niya ito malanghap.

Hindi nagsalita ang kaluluwa si Valencia. Nanatili nakatingin sa palibot. Nakiramdam sa nag may-ari ng lason sa hangin. Kahit anong pagpupumilit ng kaluluwa ngunit hindi gumana. Napatawa na lang ito, napagtanto patay na pala siya. Mahina ang pakiramdam ng isang kaluluwa lalo na kung may kinalaman sa buhay.

"Mabuti pinili ko gumawa ng pamaypay kaysa sa espada." Hinampas niya sa sahig ng sunod-sunod. Sa paraan ito kahit hindi niya taglay ang elemento ng hangin kaya niya naman gamitin ito sa paraan alam niya.

"Kung matutunan ko ang tungkol sa poison at maging ganap na isang poison master. Malaking tulong ito sa akin paghihiganti," bulong sa hangin niya.

Umiikot siya ng bahagya na dumaan sa harapan niya ang karayum na sobrang bilis. Huminto siya na marinig ang mga yabag.

"Poison Grandmaster?"

Nakatayo sa kaniyang harapan ang isang lalaki na hindi kita ang mukha. Natatakpan ito ng maskara maging ang buhok nito hindi makita.

Nanliit ang tingin na napansin ang usok na kulay dilaw ay nag mula pala sa kuko ng lalaki. Pinakawalan ang aura nito. Ngunit hindi na apektuhan si Ziwin. Pagod na siya magpanggap na mahina. Hinarang niya ang pamaypay saka nilapat ang enerhiya at doon lahat tumama ang aura na mula sa lalaki.

"Magaling, humahanga ako sa lakas ng katawan mo. Hindi ko inakala na mas malakas ka, sa akin hinala."

"Mawalang galang na po. Nandito ako hindi para makipag kwentuhan."

Hindi nagustuhan ng lalaki ang sinagot ni Ziwin. Mas lalo pinalakas ang aura inilalabas ng katawan.

"Hindi ko alam na matalas pala ang dila mo. Hmmm... Gusto ko yan."

Na alerto si Ziwin na nararamdaman ang Blood aura na may kagustuhan saktan siya.

Hindi natatakot si Ziwin sa maaari mangyari. Nakahanda na siya sa lahat na pwede niya gawin para manatiling buhay.

"Nagkukunwari ang isang ito. Hindi siya isang master star. Maari mas higit pa siya sa Master o hindi kaya Grandmaster Star."

Umiikot ang lalaki saka ibinato sa kaniyang direksyon ang mga karayom. Wala naman ito kahirap hirap na iwasan ni Ziwin ngunit sa huling karayom na hindi niya napansin, sakto tumama ito sa kaniyang leeg.

Napahinto si Ziwin, kaagad hinawakan ang leeg na biglaan siyang nahihirapan huminga.

"Dilaw na lason ang dumadaloy sa ugat sa iyong leeg kaya madali ito mapapansin. Ngunit huwag ka mag-alala, ako ang bahala sa iyo," mahinahong sambit ng kaluluwa.

"Hindi na kailangan," mahinang sambit niya.

Bumagsak ang magkabilang tuhod ni Ziwin. Inilabas niya ang mga potion na siya mismo ang gumawa saka uminom ng ilang sa mga ito. Nag baka sakaling gumaling. Nakahinga ng maluwag na unti-unting nawala ang pananakit ng leeg at umayos ang pag hinga niya.

"Parang gusto mo ako patayin, ano ba kasalanan ko sa iyo? Hindi ba sinabi ko wala akong oras na makipag kwentuhan. Nandito ako da-"

"Panginoong!"

Napalingon ang lalaki saglit bago muli tumingin kay Ziwin.

"Sino siya? Siya ba ang kalaban natin?"

"Paumanhin Panginoong. Ngunit ang lalaking ito ang sinasabi ko na si Ginoong Ziwin Stellar ang bagong membro ng atin angkang. Hindi ang ipinadala ng Healer Master."

"Mabuti naman kung ganoon, Ayisha. Patawad Ginoong Stellar hindi ko atensyon saktan ka. Ako'y nag iingat lang. Sa panahon ngayon marami nakaabang na panganib, hindi natin alam nandyan na pala ito sa atin tabi."

Hindi maiwasan ng lalaki na tinatawag na panginong ng tatlong babae na magtaka. Isang ganap na Master Healer ang bagong membro, hindi niya alam kung paano ito tuturuan sa mga lason lalo na magkasalungat ang dalawang propesyon.

Ang Poison ay kaya lumason at labanan ang kapwa lason upang gumaling. Kilala ang mga Poison Master na pumapatay na walang awa. Samantala ang Healer ay gumagamot upang humaba ang buhay.

"Wala yun. Parte rin ba ito nag pagsubok?" itinago ni Ziwin ang pamaypay.

"Hindi Ginoong Stellar, paumanhin ngunit ang aking nagawa ay isang pagkakamali. Hayaan mo bumawi ako sa iyo, kukunin ko ang lason nasa katawan mo. Hindi ka pa tuluyan gumagaling."

Dahan-dahan tumayo si Ziwin ng tuwid. "Hindi na kailangan. Kaya ko naman patayin ang lason nasa katawan ko." biglang binalot ng berde liwanag ang katawan niya.

Isa sa kakayahan ng mga Healer lalo na kung taglay ang elemento ng lupa. Mas higit pa epekto nito pagalingin ang sarili hangga't nakatapak sa lupa o kahit ano man anyong lupa na may kinalaman sa buhay.

Nalinis niya ang daloy ng enerhiya niya. Malinaw ito nakikita ng lalaki na tinatawag na panginoong. Napatango na lang ito at napasabi sa sarili na ang swerte namin ngayon.

"Mawalang galang na po. Bakit ako pinapunta dito?"

Naglaho ang liwanag na tuluyan gumaling at na patay ang lason sa loob ng katawan.

Hindi nakikita ng lahat ang kaluluwa si Valencia na ipinagtaka nito. Kahit ganoon man masaya ang kaluluwa na walang makakapigil sa kaniya na tulungan si Ziwin sa lahat ng makakaya niya, mapalakas lang niya ito.

"Ako si Ginoong Aristotle Leaf ang panginoong ng tatlong ito. At isa sa mga elder ng Angkang ng Leaf. Pinapatawag kita para turuan sa kasanayan sa pagkilala ng lason, paano gamutin ito o patayin at paano lumikha ng lason na hindi pangkaraniwang nakikita lang natin sa palibot."

"Ibig sabihin gusto niyo ako turuan ng lason kahit hindi niyo ako kadugo? "

"Parang ganon na nga. Bweno nais kong ipakita sa iyo ang Poison Hall bilang opisyal na kabilang sa Leaf Clan. Umaasa ako hindi mo ako bibigoin, Ginoong Stellar."

Una pumasok ang pinuno, na kasunod ang tatlong babae nanatiling tikom ang bibig.

Sandali hindi gumalaw si Ziwin bago sumunod sa kanila. Nang punasok siya sa loob, malawak ang loob, may red carpet sa gitna.

Kapansin-pansin ang mga naglalakihan jar sa bawat haligi nakapalibot. Sa itaas tanaw na ang isang upuan para sa pinuno ng Poison Hall.

Huminto sila sa harap ng rebulto. Kapansin-pansin ang matulis na kuko nito, may maamong mukha, at mahabang buhok.

"Ang rebultong ito ay si Kagalang galang na Lord Poiso. Ang unang Poison Master at nakadiskobre ng propesyon ito."

Napalingon ang lalaki sa kabilang haligi, may rebultong nakatayo roon na may hindi maganda katangian na isang tao. Parang hindi tao kung normal ang nakatingin dito.

"Ang rebultong iyun ang pinagmulan ng kaalaman sa Poison na propesyon. Siya ang nilalang na tinatawang dati na Guardian Beast. Para sa iyong kaalaman mas nakakabuti mag tungo ka sa library dito para mas lalo lumawak ang iyong kaalaman sa propesyon ito bago ko ibigay ang unang misyon mo."

"Ayisha i hatid mo si Ginoong Stellar sa library. Pagkatapos mo siya i hatid bumalik ka dito para ipaliwanag ko sa inyo ng mabuti ang misyon niyong tatlo na hindi natapos."

"Masusunod panginoong Leaf. Tayo na mag punta sa library, Ginoong Stellar."

Hindi nag alinlangan na sumama si Ziwin. Napapansin ni Ziwin na mas lalo bumait ang mga ito na kasama ang kinilalang pinuno sa Leaf Class.

Habang tinahak ang daan patungo ng library hindi maiwasan niya na mag taka sa mga rebultong maliliit na mga dahon na para bang walang ng katapusan. Huminto sila sa library na walang pintuan. Tanaw niya sa loob ang rebultong ng babae na hawak ang dahon na komonekta sa lahat ng dahon nasa labas na nagkalat.

"Maiwan muna kita, Ginoong Stellar," paalam nito sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro