Kabanata 11
Kabanata 11: Pagkikita ng mortal na magkaaway
Bumukas ang malaking tarangkahan. Pumasok ang alipin na hindi mapakali.
May limang Grandmaster ang nasa loob pareho abala sa pagbasa sa scroll naitala noong nakaraang araw na may limang bagong Assassin ang nakapasa sa Trial Assassin.
“Whang, hindi ka ba marunong kumatok? Anong silbi ng iyong kamay kung hindi mo yan gagamitin?!” Pagalit na sabi ng isa.
“Huminahon ka, Nivo. Sa tingin ko mahalaga ang sasabihin niya.”
Lumuhod ang alipin sa harap ng limang Grandmaster. Yumuko saglit para magbigay galang.
“Maraming salamat, Grandmaster Shipo. May mahalaga kayo dapat malaman wala sa scroll nakalagay ang resulta sa mga bagong Assassin. Ayon kay Master Evan malaki ang potensyal ng lima lalo na sa larangan ng labanan. Ngayon araw gaganapin ang pag panday ng sarili nila sandata.”
“May bagong Grandmaster na opisyal na binigyan ng titulo ni Lord.” dagdag pa ng alipin.
“Bakit hindi nakarating sa amin ang tungkol dito?”
Tumayo ang alipin ng maayos. “Grandmaster Luke, hindi ko rin alam.”
Bigla nanginig ang buong katawan ng alipin na lumapit sa kaniya ang Grandmaster.
“Grandmaster Pipa.”
Matagal na ang alipin nag trabaho sa Assassin kahit mapanganib pero kinakaya dahil malaking sahod ang natanggap nito.
Kilala ng alipin ang mga Grandmaster kaya alam niya kung sino ang dapat katakutan at hindi. Sa pagkakataong ito ramdam na naman niya ang mabigat na aura ang kumawala mula sa Grandmaster.
“Sabihin mo sa amin. Anong antas ng bagong Grandmaster?” mababa ang tono ng boses pero halata galit ito.
“Ayon sa Headquarters ng Information. Ang bagong Grandmaster ay si Cersa, unang bituin ang kaniyang antas. Nasa rank list siya ng Assassin Master.”
Na tahimik ang lima sa narinig.
Sa kabilang banda si Ziwin nakaupo sa silid niya. Nasa isang bahay lang sila para sa bagong Assassin.
Nagmulat mata si Ziwin na maabot niya ang hangganan ng pag cultivation niya ngayon. Nag tagumpay siya nakatapak sa Grandmaster ng ikaapat na bituin.
“Kung sakali maabot ko ang antas ng legend ngayong buwan hindi ko na kailangan matakot.”
Ang antas na legend ay tinitingala sa mundo ito. Wala pang lumanpas sa new legend dahil sa Law Of Heavenly hindi pinahihintulutan ng lumagpas ang antas.
“Mawalang galang na po. Pinatawag kayo lahat ng mga Grandmaster para pandayin ang ang bato ibinigay sa inyo. Ito na ang oras para mag pakitang gilas. Yun lang po.”
Kaagad natukoy ni Ziwin ang pinagmulan ng boses. Napansin niya ang nakasabit na hugis bilog na salamin sa labas ng pinto.
Sa tulong ng Uncontrol Magic mas lalo hindi mahalata at mag hinala ang iba na hindi tunay na antas ang kasalukuyang alam nila.
Lumabas siya matapos mag ayos ng sarili. Kasabayan niya ang apat nagtungo sa tinawag na Assassin Hall. Nakarating sila ng maaga. May Nakalaan sa kanila na kagamitan para sa pag panday. Sa kamay nila nakasalalay ang sandata magagawa nila.
Tahimik nagtungo si Ziwin sa berdeng bandila. 'Ngayon malalaman ko, kung may potensyal ako sa larangan ng panday. ʼ isip ni Ziwin.
“Bago tayo magsimula pag panday. Ipinakilala ko sa inyong lahat ang siyam na Grandmaster at bagong Grandmaster na may isang bituin na si Cersa!”
Tumayo ang bagong Grandmaster para magbigay galang sa lahat bago bumalik sa pag upo.
Mula sa ibaba tanaw ni Ziwin si Cersa na malawak ang ngiti. Hindi niya mapigilan ang sarili na kumulo ang dugo sa tuwing nakikita at naririnig ang tawa nito.
Na abot ni Cersa ang kaniyang pangarap subalit hindi magtatagal babagsak ito sa kamay ni Ziwin na puno kaawa-awa na ekspresyon. Sa isip ni Ziwin kung pwede lang sana ito atalehin baka ginawa niya na kung hindi lang sana nasa loob sila ng Assassin.
“Ang lahat ng materyales sa pag panday nakalatag na sa gilid. Opisyal ko i anonsyo na magsisimula ang pag panday!”
Inilabas ang bato at sinimulan pandayin ni Ziwin sa pinaka maingat na pamamaraan. Ang bawat kilos nakalaan na lakas ay kontrolado.
Hindi nagtagal natapos nila ang pag panday. Nakalutang ang sa eri ang bagong gawa na sandata. Naghihintay ng basbas ng kalangitan para mas lalo lumakas at umangat ang kalidad ng sandata gawa nila.
Sunod-sunod na tumama ang kidlat sa mga sandata. Nakikita nila na mabilis ang pag angat ng antas ng mga sandata hanggan sa huminto ang kidlat.
Lumapit si Evan sa unang nakatapos, pinagmasdan niya maigi ang nasa harapan niya na sandata.
“Kung hindi ako nagkakamali Ginoong Crescent, ang sandata ito ay kilala ng lahat na Crescent Moon Twin Sword. Kahanga-hanga isa na naman Crescent Clan ang nakapasok sa Assassin Sector!”
Ang Assassin Sector ay binubuo ng iba't ibang Assassin kahit hindi sila kamag anak ay tinanggap upang lumawak ang kanilang nasasakupan at dumami ang bilang ng lahat.
Napalingon si Evan sa babae. Kaakit akit ang taglay na kagandahan nito, maitim ang labi ngunit ang kutis ng balat parang hindi na arawan.
“Binibini Ribbon.”
Lumipat si Evan sa babae upang suriin ang sandata gawa nito.
“Binibini Ribbon, maari ko ba malaman ang anong sandata ito at ipaliwanag mo sa amin ng detalye.”
Nagbigay galang ang babae bago sumagot.
“Isa itong Spear. Nilagyan ko ng itim na tela ang dulo ng kahoy bago ang metal na matulis. Bow Spear ang tawag ko dito.”
Hindi nagsalita si Evan pero halata sa mukha ang maliwanag na ekspresyon.
Matapos malaman ang Impormasyon, lumapit siya sa lalaki may takip ang mukha at matulis ang sumbrero.
“Ginoong Xhain. Ipaliwanag mo sa amin ang iyong sandata.”
Tumango ang lalaki saka yumuko saglit bago simulan ipaliwanag sa kanila.
“Dagger ang ginawa ko. Alam ko sa sarili ko bagay ito sa akin. Hindi basta daggers lang ito, may kakayahan maglaho na maihahalintulad sa usok at kusa babalik sa kamay ko. Ghosty Daggers.”
Naramdaman ni Evan na kakaiba ang Dagger. Lumipat si Evan sa lalaki may takip mula leeg hanggang kaliwang mata. Lumilitaw ang pulang mata nito.
“Ginoong Flake. Hindi ko inakala ito pa ang iyong napili. Balita ko hilig mo ang espada pero ngayon binigla mo kami. Ipaliwanag mo sa amin ang sandata gawa mo.”
Gaya ng ginawa nang una nag bigay galang ito bago mag salita.
“Maraming salamat, Evan. Napili ko ang Throwing Weapon sa kadahilanan isa rin ito madaling gamitin ko. Ang tawag dito ay Snowflake Weapon. May kakayahan paramihin ang bilang nito.”
Ngumiti si Evan bago lumipat kay Ziwin.
“Ginoong Stellar ipaliwanag mo sa amin ang iyong sandata.”
Nagtaka ang ibang Grandmaster na biglang tumayo si Cersa. Ramdam ng ibang Grandmaster ang itim na aura ang kumawala sa katawan ni Cersa. Natauhan si Cersa na pagsabihan siya nj Grandmaster Nivo.
“Thousand Fan Blade ang pangalan sa sandatang ito. Ang kakayahan lang nito kaya itulak ang kalaban.”
'Kakaiba ang pamaypay niya. Hindi biro pandayin yan, ngayon lang ako naka saksi ng pamaypay na pwede maging sandata. ʼ isip ni Evan.
“Ngayon tapos na ang paggawa ng sandata at pagpapakilala, opisyal ko tatapusin ang kaganapan ito…!”
Kinuha ni Ziwin ang pamaypay at umalis na walang paalam habang nakatingin kay Cersa na nakangiti.
Ngunit bago tuluyan siya makaalis.
'Walang kwenta. ʼ isip ni Ziwin.
Nagpanggap siya, kunwari bumagsak ang magkabilang tuhod dahil pinunterya siya ng mga Grandmaster na paluhodin sa pamamagitan sa pagpakawala ng Aura.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro