Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

Kabanata 1: Trems Barrier

Dalawang adventure ang kasalukuyang namimili sa request board mission. Halata sa kinikilos ng dalawa na may hinahanap ngunit hindi nila makita sapagkat puno ang board ng iba't ibang request mission. Nag hiwalay ang dalawa nag baka sakaling makita nila ang S Mission na hinahanap nila. Lumipas ang ilang minuto hindi pa rin makita nila.

"Anong klaseng S Mission ba yun, Master?" takang sambit ng babae.

Natigilan ang lalaki sa paghahanap saka masama tinapunan ng masamang tingin ang babae . Bahagya na pa atras ang babae na hindi siya sinagot ng lalaki. Palinga-linga sa palibot nag baka sakaling makita ang Guild Quester upang itanong ang bagay na hinahanap nila.

"Master hindi ko makita kahit saan yun tinutukoy mo na Request Mission."

"Ito ba ang hinahanap niyo?"

Napalingon ang dalawa sa pinag mulan ng tinig. Nag taka nakatingin silang dalawa sa lalaki na ngayon lamang nila nakita sa Guild.

"Tinanggal ko na ito kahapon dahil karamihan ang sumubok hindi nag balik pang muli. May balak yata kayo kunin ang misyon."

Humarap ang dalawa sa lalaki na hindi pa nag pakilala. Naramdaman ni Ziwin ang malakas na Aura bumabalot sa katawan ng lalaki. Hinala niya hindi pang karaniwan miyembro ang lalaking ito ng Guild sapagkat pananamit pa lang.

"Sa katunayan yan ang hinahanap namin. Balita ko malaking halaga ang nakapatong sa Misyon na yan. Mawalang gana po, maari ba namin malaman ang iyong pangalan."

Palihim napangiti ang lalaki sa paraan pakipag usap ni Ziwin sa kaniya. "Tawagin niyo na lang ako sa pangalan Alfonso. Bweno. Seryuso ba kayo na kukunin niyo ang misyon? Malaking halaga ang makukuha niyo subalit sobrang mapanganib." habang umiling.

"Napagpasyahan na namin Ginoong Alfonso. Maari ba ibigay mo saʼkin ang hawak mo na misyon."

"Bago ko ibigay ko saʼyo ang misyon, kaylangan ko makuha ang iyong Communication Stone upang malaman namin kung nakarating na kayo sa kagubatan."

Binigay naman ni Ziwin ang bato na kulay itim na nagliliwnag ng asul. Kasabay naman binigay sa kaniya ang misyon nang nakangiti.

"Maraming salamat Ginoong Alfonso, makakaalis na kami, paalam."

Lumabas si Ziwin na hindi ni lingon ang lalaki, nakasunod naman sa kaniya ang kasamang babae.

"Sana makaligtas kayo," bulong na sambit ng lalaki bago pa man makalabas sila.

Samantala kasalukuyang naglalakad ang dalawa patungo sa kagubatan na hindi man lang nakaramdam ng takot.

"Master Ayun sa nakasulat dito. Ang kagubatan tinutukoy ay hindi nasisinagan ng araw sapagkat dito naninirahan ang mapanganib na mga Beast na hindi makikita sa ibang kagubatan."

"Malalaman natin yan sa pagdating natin doon. Dalawang araw pa ang kailangan natin lakbayin, mas mabuti mag lakad tayo kaysa gumamit ng enerhiya."

"May punto ka Master sa sinabi mo. Pero na isip ko lang Master ano kaya naghihintay satin doon?"

"Tahimik."

Huminto silang dalawa na mag dilim ang kalangitan. Napatingala si Ziwin upang konpirmahin ang kaniyang hinala.

"May paparating na bagyo, mag ingat ka."

Nagmamadali sila nag sumilong sa ilalim ng puno upang iwasan ang pag ulan ng bolang niyebe.

"Master bakit biglaan?" takang sambit nito.

"Malayo na tayo sa bayan kaya hindi imposible mangyari. Hindi natin alam kung anong mayroon sa kagubatan, hindi pa man tayo naka abot sa palagay ko kailangan mo masanay ang iyong katawan sa ganitong kataas ang temperatura ng lamig."

Mabilis lumikha ang kasamang babae ng baluti upang takpan ang buong katawan. Nag liwanag ang buong katawan ng matapos likhain ang disenyo sa palad nito.

"Bukas na lang tayo mag pa tuloy sa paglalakbay masyado mapanganib," seryusong sambit nito.

Sa kumpas ng kamay ni Ziwin kasabay umangat ang lupa at ginawang earth globe. Nakahinga ng maluwag na matapos ang pag gawa.

Kumain ang dalawa ng mga prutas bago matulog. Kinabukasan maaga nagising sila upang mag pa tuloy sa paglalakbay kahit malakas ang hangin.

"Master hindi kakayanin ng katawan ko, kung sakali aabotin pa tayo bukas. Hindi ko na mapigilan gumamit ng kapangyarihan." nanginginig ang katawan ng babae.

Sumang ayon na lang si Ziwin dahil habang tumatagal mas lalong lumala ang sitwasyon nila. Lumutang ang dalawa sa eri at sa isang iglap nakarating sila sa kagubatan.

"Naamoy ko ang panganib Master na paparating."

Lumapag ang dalawa sa lupa na balot ng niyebe habang palinga linga sa palibot.

"Wala naman kakaiba wala dahilan para huminto tayo. Mush dalian mo na dyan maghahanap pa tayo ng masisilungan."

"Pero Master may humaharang sa daanan natin, tumingin ka nga sa harapan ng iyong malaman ang aking sinasabi."

"Hindi ko matukoy kung anong antas ng mga beast na to. Ako na ang bahala lumigpit ka sa kanila at ikaw ang bahala mag hanap ng pwesto pansamantala tatayuan natin ng tirahan."

Nagsimula pinalibutan ng tubig ang mag kabilang kamao ng binata. Hindi nag dalawang isip na sumugod sa mga gutom na Wolf.

Walang kahirap hirap na pinatumba ni Ziwin ang mga ito gamit ang Water Whip. Bumagsak ang mga ito nakadilat ang mga mata na walang buhay.

Akmang lalapitan sana ito ni Ziwin ngunit hindi niya inaasahan ang sunod na nangyari. Biglaan binalutan ito ng yelo saka dahan-dahan nabasag. Nagmamadali ang binata na lapitan ang mga ito upang makuha ang Crystal sa loob ng katawan bago maabutan ng yelo.

Hindi pa man siya naka lapit biglaan sabay sumabog ang mga ito na sanhi na pag tilapon niya ngunit maayos naman siya lumapag sa lupa.

"kakaiba ang mga beast nandito sa kagubatan ito. Hindi ko mawari kung paano sumabog ang Crystal sa loob ng katawan nila. Hindi ko inaasahan marami pa akong hindi nalalaman sa tungkol sa beast."

Na patango tango si Ziwin na maalaala ang sinabi ni Ginoong Alfonso kung bakit parang nag dalawang isip na ibigay sa kanila ang misyon.

"Master may na hanap na ako ligtas na pag tayuan natin ng pasamantalang tirahan. Nasisiguro ko isang daan Porsiyento na walang mangahas na tumapak na beast dahil sa kakaibang temperatura nag halo ang init at lamig."

Napalingon ako binata sa babae. Hindi na sumagot sa halip nag lakad na ito pa lapit sa babae.

"Sumunod ka saʼkin Master. Makikita mo ang sinasabi ko."

Sinabi lahat ni Mush ang dapat malaman ni Ziwin sa kaniyang natuklasan. Seryuso naman nakinig si Ziwin habang palinga-linga sa palibot, nag baka sakaling may hindi inaasahan makita.

"Master nandito na tayo...!"

Napantingin naman sa harap ang lalaki. Napakunot noo nakatingin sa harap. Maraming mga puno ang nakapalibot sa tahanan, ang tahanan ay kakaiba at nakakapagtaka ay na sinagan ito ng araw sa kadahilanan walang harang sa itaas na mga sanga ng puno. Parang sinadya ng may-ari ng bahay upang walang makalapit na mga beast at Kapansin pansin ang bilog na araw na nag bigay liwanag sa madilim na parteng iyong.

Napansin niya na walang daanan papasok. Sa unang tingin pa lang niya sobrang matibay ang harang nakapalibot sa bawat puno base nararamdaman aura linalabas ng mga puno.

"O nga pala Master hindi ko alam paano tayo dyan papasok eh." sabay kamot nito sa ulo at ngisi sa kaniya.

"Talagang maaasahan ka Mush subalit kulang ka palagi sa informasyon. Hindi bale na nga lang ang mahalaga ay tiyak ko may matutuluyan tayo ngayon gabi na mapayapa."

Pinag aralan ni Ziwin ang harang sa pamamagitan ng pag tingin at pag sukat ng linabas na aura nito. Hindi nag tagal lumapit siya sa mga puno at maingat na hinawakan ito.

'Kahanga hanga ang pag buo at pag likha ng harang, anong klaseng propesyon ang tawag dito? Wala ako sapat na kaalaman pag dating dito. Ngunit susubukan ko ang aking na isip na paraan kung gagana, swerte kundi malas.ʼ lamang ng isip ni Ziwin.

"Master may na isip ka na ba o wala pa?"

Tinapunan niya ng blankong tingin ang kaniyang spirit at nginitian. "Ang mabuti pa mag hanap ka ng makakain natin naka tulong ka pa." pagkakataon sabihin binalik ang tingin sa harang.

"Master may dala naman tayo pagkain dyan eh. Bakit kailangan ko pa mag hanap kung mayroon naman?"

"Mush pag na ubos itong baon natin wala tayo makakain. Hindi ko alam kung ilang araw tayo mananatili sa kagubatan ito. Huwag na matigas ang ulo, mag hanap ka na."

Nag pa tuloy siya sa pag suri sa harang na wala na siyang narinig na hindi pag sang ayon mula kay Mush. Pailing iling siya, mukhang hindi niya kakayanin. Hinanap niya ang pinag mulan ng enerhiya ng harang ngunit masyadong mahirap tukuyin kung saan ang eksaktong kinalagyan nito.

Napapikit siya na biglaan pumasok sa kaniyang isipan ang ilang alaala ng Temple Monkey na Sumira ng Barrier at pag buo nito. Sa tulong ng alaala ng Temple Monkey mukhang hindi na siya mahirapan.

Nag mulat ng mata matapos makita ang alaala ng Temple Monkey. Umatras siya ng kaunti at nag labas ng bilang enerhiya sa mag kabilang palad habang dahan-dahan pumasok ang elemento ng tubig sa walang laman na bolang enerhiya sa loob.

Wala siyang balak na sirain ang harang sa halip susubukan niya agawin ang kontrol nito sa pamamagitan ng Energy Empty Ball. Pinadaloy sa kaugatan ang enerhiya patungo sa kaniyang magkabilang palad upang itulak ang nasa loob ng Energy Ball ang elemento ng tubig.

Hindi nag tagal kumulo ang tubig sa loob ng Energy Ball. Nanatili nakatuon ang pansin niya sa pag kontrol ng daloy ng enerhiya. Pinipigilan niya na manginig ang kamay upang mag tagumpay.

Nararamdaman niya ang pag taas ng temperatura sa loob ng bolang enerhiya na mas lalong nag pa kulo. Biglaan sumabog ang elemento ng tubig sa loob kasabay naman ito hinigop ng harang hanggan sa ma ubos ang tubig.

Napansin ni Ziwin na mas lalong tumibay ang harang. Ngunit hindi nag tagal ang walang laman na bolang enerhiya. Humigop ng enerhiya na mula sa harang na sanhi na dahan-dahan pag hina nito sa parte kinunan na puno ng enerhiya.

Hindi niya maiwasan na pangiti na dahan-dahan gumawa ng daan ang dalawang puno magkatabi na sapat na makapasok ang nilalang na tulad ni Ziwin. Lumitaw ang mga sengyales na pag bukas ng harang na lumitaw ang ilang butil ng tubig na tumutulo na mula sa puno.

"Na puno ang dalawang Empty Energy Ball. Hindi ko inaasahan mag tagumpay kahit unang subok ko pa lamang ito."

Tinago niya ang dalawang bolang enerhiya. Dahan-dahan humakbang pa lapit sa harang upang masubukan kung talagang nag tagumpay siya. Huminto siya sabay hinga ng malalim bago ilapat ang kanang kamay niya sa harang. Nang dumanpi ang kaniyang palad at hindi nag dalawang isip na itulak ang harang ngunit hindi niya inaasahan. Tumagos ang kaniyang kamay kasabay ang pag bagsak niya papasok na sanhi pag karoon niya ng pasa sa kamay.

Kaagad naman siya tumayo at pinagpag ang pang itaas na kasuotan. Nilibot ang tingin sa palibot, hindi niya maiwasan ang namangha lalo na sa malinis at maganda kapaligiran.

"Master nandito na ako!"

Hindi siya napansin ni Ziwin. Abala ito sa pagsusuri sa mga halaman sa gilid ng daan ng harang. Tuwang tuwa tumalon si Mush habang nakatingin sa kaniyang Master.

"Ang galing mo, Master. Hanga na talaga ako saʼ yo, hindi ako nagsisi nakipag kontrata sa ʼyo."

Nagmamadali naman ito pumasok na may ngiti sa labi. Natigilan si Ziwin na naramdaman ang presensya ni Mush.

"Kumusta ang pinagawa ko saʼ yo?" hindi man lang ito ni lingon ni Ziwin.

"Huwag ka mag alala, Master. Wala ka na bang iba na ipapagawa saʼ kin?"

"Wala. Kung gusto mo mag pahinga ka na habang may oras ka pa."

"Sabi mo yan eh. Walang bawian ah," nakatawag saad nito.

Tuwang tuwa si Mush na parang bata. Nag simula na ito mag laro habang nagsasalita. Napalingon saglit si Ziwin upang tingnan si Mush.

"Inosente kung tingnan, sa mukha niyang marami siya malinlang kung gugustuhin niya."

Bumalik siya sa harang upang isarado ito at ma tiyak na walang makapasok na kung sino at ano man. Muli niya binalik ang enerhiya kinuha niya sa pamamagitan ng isang Energy Empty Ball upang ma kontrol niya ito.

"Kahanga-hanga ang lawak ng kaalaman ng Temple Monkey. Hindi ko inaasahan magaling din siya sa propesyon ito. Sa aking palagay marami pa ako hindi nalalaman sa kaniya," bulong sa kaniyang sarili.

"Master, kain na tayo!" masayang saad ni Mush sa kaniya.

"Nakahanda na ba ang pagkain natin dyan?"

Napangiti siya na makita nakaupo sa damuhan si Mush habang inayos ang nilatag na puting tela sa mesa likha sa kapangyarihan mismo ni Mush.

"Bilisan mo kundi wala akong ititira!"

Natatawang tumakbo si Ziwin. Napagtanto masaya na muli siya ngunit hindi ganoon dati ang kasayahan naranasan niya. Pero naniniwala siya na matanggap niya ang nangyari ng buong puso. Sa oras na makapaghiganti na siya sa mga pumatay sa mahal niya sa buhay.

_

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro