Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Ashley Purdy: ( umupo ito sa tabi ng babae ) Gagamutin ko na yang sugat mo

Jinxx: Medyo masakit yan pero matitiis mo naman ( nakangiti nitong sabi )

Girl: ( Tumango ito bilang sagot )

Sinimulan ng gamutin ni Ashley ang mga sugat ng babae. Habang ginagamot niya ito hindi naman mapigilan ng babae na masaktan kaya napahawak ito ng mahigpit sa kumot ng kama. Nang matapos gamutin ni Ashley ang mga sugat ng babae ay tinago na niya ang first aid kit.

Andy Biersack: Miss ano nga pala ang pangalan mo ?

Christian Coma: Oo nga para naman hindi na Miss ang itatawag namin sayo

Jinxx: Andy Christian hayaan na natin syang mag pahinga buti pa mag pahinga na din tayo

Jake Pitts: Tama si Jinxx duon bukas na lang natin siya tanungin ng lahat ng itatanong natin para naman bukas pwede na niyang masagot lahat kasi nakapag pahinga na siya

Andy Biersack: Sige na nga ( Tumingin ito kay Ashley ) Ashley saan ka matutulog kung sa kama mo siya matutulog ?

Ashley Purdy: Saan pa eh di sa tabi mo tutal mag isa ka lang naman sa kama

Andy Biersack: Okay ( humiga na ito sa kama niya )

Jinxx: ( Lumapit ito sa babae ) Tulog ka na para makapag pahinga ka na. Wag kang mag alala walang mangyayaring masama sayo dito promise yun ( nakangiting sabi nito )

Nang humiga na ang babae sa kama nilagyan naman ito ni Jinxx ng kumot at pumunta na sa kanyang kama. Ganun din naman ang kanyang mga bandmates. Nag pahinga na silang lahat.

Kinabukasan

Nang magising si Ashley napansin niya nawala sa kama ang babaeng niligtas nila.

Kaya naman agad siyang tumayo sa kama at sinubukang hanapin ang babae pero nang mabaling ang paningin niya sa teris ng kwarto nakita niyang nakatayo sa may pinto ng teris ang babae at nakatingin ito sa kanya.

Ashley Purdy: Kanina ka pa ba gising ?

Girl: ( Ngumiti lang ito kay Ashley at bumalik na ito sa kama para umupo )

Ashley Purdy: ( Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng hindi niya alam kung bakit parang kakaiba ang ngiti na nakita niya kaya natulala na lang siya )

Andy Biersack: ( Hinawakan sa balikat si Ashley ) Oy bakit ka tulala dyan nakakita ka ba ng multo dyan

Ashley Purdy: ( Nabalik sa ulirat ng marinig ang boses ni Andy ) Huh!!!! wala ito wag mo na lang ako pansinin ( nag lakad na ito papunta ng bathroom )

Ginising naman na ni Andy ang lahat at makalipas ng ilang minuto nagawa na nila ang dapat nilang gawin pag kagising. Naisipan naman nilang kausapin ang babae.

Jinxx: Kamusta ang tulog mo ? Nakatulog ka ba ng maayos ?

Girl: ( Tumango ito bilang sagot )

Jake Pitts: Kagabi ka pa hindi nag sasalita pwede mo naman kaming kausapin wag kang matakot sa amin

Christian Coma: Ano bang pangalan mo ? Tsaka bakit ka puro sugat ?

Girl: ( Huminga ito ng malalim ) Pasensya na pero wala akong matandaan kung bakit ako puro sugat. Kahit ang pangalan ko hindi ko din matandaan kahit kung saan ako nakatira hindi ko din maalala. Ang tanging naalala ko lang ay yung natagpuan ako ng anim na lalaki sa gubat na malapit dito. Sabi nila tutulungan daw nila akong makauwi pero hindi pala pinipilit nila akong sumama sa kanila ( malungkot nitong sabi )

Christian Coma: Ganun ba pero paano ka namin mababalik sa pamilya mo kung wala kang matandaan ?

Jinxx: Tama si Christian duon

Girl: Pwede bang sa inyo muna ako habang wala pa akong matandaan ( Tumingin ito sa Lima at nakaka awa ang mukha nito )

Nakaramdam naman ang lima ng pakiramdam na hindi nila mahihindian ang babae. Dahil nakakawa naman ito at kung papabayaan lang nila baka mapahamak lang ito tulad ng nang yari bago siya matulungan ni Jinxx at Ashley.

Andy Biersack: Pwede naman yang gusto mo pero hindi naman kami dito nakatira

Jake Pitts: Oo nga kaya lang kami nandito para mag swimming at mag saya

Girl: Isama nyo na lang ako kung saan kayo nakatira ?

Andy Biersack: Pero paano hindi naman kami mag kakasama sa iisang bahay

Girl: ( Nalungkot ito )

Jinxx: ( Naawa naman siya sa itsura ng babae at parang sinasabi ng puso niyang tulungan niya ito ) Pwede naman ----- ( Hindi natapos ang sasabihin )

Ashley Purdy: ( Biglang nag salita kaya hindi natapos ni Jinxx ang sasabihin niya ) Duon na lang siya sa bahay ko tutal mag isa lang naman ako duon

Andy Biersack: Sure ka ba dyan Ashley ?

Ashley Purdy: Oo naman

Girl: ( ngumiti ito at inakap si Ashley ) Salamat ( pag katapos niyang sabihin yun ay umayos na siya ulit )

Jinxx: ( Nakaramdam siya ng pag kalungkot ng makitang inakap ng babae si Ashley pero hindi na lang niya ito pinahalata ) Wow naman Ashley mukhang ngayon lang siya ngumiti

Ashley Purdy: Oo nga simula kagabi parati lang siyang tahimik

Jake Pitts: Iba ka talaga Ashley akalain mo yun ikaw lang ang nakapag pangiti sa kanya

Andy Biersack: Buti pa bilan natin siya ng masusuot niya para naman maisama natin siya sa labas

Jinxx: Buti pa nga tapos bumili na din tayo ng makakain nagugutom na din ako eh

Christian Coma: Pano maiwan ka muna namin ---- ( Nahinto ito sa pag sasalita ) Teka ano ang itatawag natin sa kanya kung hindi niya maalala ang pangalan niya ?

Andy Biersack: Luna nalang itawag natin sa kanya

Jinxx: Bakit hindi na lang Cheyanne

Jake Pitts: Parehas maganda yung naisip ninyong pangalan pero anong tatawag natin sa kanya Cheyanne O Luna ?

Ashley Purdy: Bakit hindi na lang Cheyanne Luna ang tawag natin sa kanya

Jinxx: Maganda yang naisip mo Ashley

Ashley Purdy: ( Humarap ito sa babae ) Ano okay lang ba sayo na habang hindi mo pa naalala ang pangalan mo Cheyanne Luna na lang ang itatawag namin sa iyo

Girl: Cheyanne Luna ( napaisip ito ) Okay naman sa akin ang pangalan na yan ang ganda nga eh ( masayang sabi nito )

Andy Biersack: Okay kung ganun yan na ang pangalan mo habang hindi mo pa naalala ang totoo mong pangalan

Jake Pitts: Pano iwan na muna natin siya dito bumili muna tayo ng makakain at damit niya

Jinxx: Buti pa nga. Maiwan ka muna namin dito bibilhan ka namin ng damit at makakain

Cheyanne Luna: Okay ( nakangiting sabi nito )

Umalis na ang lima para naman makabili na sila ng pag kain at damit ni Cheyanne Luna. Naiwan naman na mag isa sa kwarto si Cheyanne Luna habang nakaupo siya sa kama napansin niyang may tao sa teris kaya naman pinuntahan niya ito.

----------------------

A/N:

Wag nyo pong kakalimutan na mag vote at mag comment ^_^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro