Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

Garden

Habang dinidiligan ni Cheyanne Luna ang mga halaman sa Garden naramdaman niyang may nakatayo sa likod niya. Kaya naman tumingin siya sa likod niya. Nakita niyang may nakatayong isang lalaki sa pinto ng Garden.

Cheyanne Luna: Sino ka ?

M.Shadow: Kamusta ka na Prinsesa Moriko ( Nakangising sabi nito )

Cheyanne Luna: M-M. Sh-Shadow

M.Shadow: Buti na aalala mo pa ako

Bigla namang may lumapit na isang kitsune sa likod ni Cheyanne Luna at naging isang lalaki ito.

Matsumoto Jun: M.Shadow pwede bang umalis ka na dito

Cheyanne Luna: ( Nagulat ito kay Jun kaya napatingin siya dito ) Kanina ka pa ba dyan ?

Matsumoto Jun: ( Tumango ito bilang sagot )

M.Shadow: Talagang mahigpit ang mga bantay mo Prinsesa Moriko

Cheyanne Luna: Ano ba ang kailangan mo sa akin M.Shadow ?

M.Shadow: Kailangan naming makaganti sayo ( Nakangising sabi nito )

Matsumoto Jun: Layuan nyo na si Prinsesa Moriko kaming mga bantay niya ang dapat ninyong pag higantihan

M.Shadow: Wag kang mag alala Jun dahil kasama kayong lima sa pag hihiganti namin. Wag kang mag alala dahil hindi pa ngayon ang panahon ng pag hihiganti namin ( Inangat niya ang kanang kamay niya at nag karoon ito ng hangin na itim at hinipan ito )

Nang kumalat ang hangin na itim sa buong garden namatay ang magagandang bulaklak na nandoon. Nang mawala ang hangin na itim wala na din si M.Shadow.

Cheyanne Luna: ( Nalungkot ito ng makita niyang namatay ang mga bulalak niya )

Matsumoto Jun: Wag ka ng malungkot ibabalik ko na lang ang kagandahan ng mga bulaklak dito

Cheyanne Luna: Jun bakit gustong mag higanti sa akin ni M.Shadow ?

Matsumoto Jun: Dahil sa akala ni Harlyn Quinn at ng mga bantay niya ikaw ang nag utos na lusubin Shadowchill

Cheyanne Luna: Ano ? ( Gulat na tanong nito )

Matsumoto Jun: Nung nakaraan sinugod namin ang Shadowchill dahil utos yun ni Reyna Etsuko. Ginaya ni Reyna Etsuko ang mukha mo at pinatay niya ang nanay ni Harlyn Quinn. Natalo namin ang Shadowchill akala namin pinatay din ni Reyna Etsuko si Harlyn Quinn pero kinulong lang pala niya ito sa lugar natin hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun. Hanggang sa itinakas siya ng mga protektor niya at gusto ka niyang patayin dahil doon.

Cheyanne Luna: Napaka walang puso talaga ni Etsuko ( Galit na sabi nito )

Matsumoto Jun: Sinabi mo pa tiyak masaya yun ngayon dahil alam niyang papatayin ka ni Harlyn Quinn

Cheyanne Luna: Wag kang mag alala titiyakin kong hindi mag tatagumpay si Harlyn Quinn sa balak niya sa akin

Matsumoto Jun: Pero kailangan mo pa ding mag ingat sa kanila

Cheyanne Luna: Tama ka dyan kamusta si Satoshi ?

Matsumoto Jun: Ayos na siya kasi ginamot mo na siya

Cheyanne Luna: Hindi ba talaga naniniwala si Satoshi na wala akong alam sa pag kamatay ni Reyna Miyako ?

Matsumoto Jun: Ang tanging naniniwala lang sayo ay ako at si Kazunari

Cheyanne Luna: ( Yumuko ito at tumulo ang luha )

Matsumoto Jun: Wag ka ng umiyak darating din ang araw na papaniwalaan ka ni Satoshi,Masaki at Sho

Cheyanne Luna: Sana nga at sana din makasama ko na kayo ulit ng tulad ng dati

Matsumoto Jun: ( Pinunasan nito ang luha ni Cheyanne Luna ) Darating din ang araw na yun. Buti pa para wag ka ng malungkot ayusin na lang natin yung mga bulaklak mo dito

Cheyanne Luna: ( Ngumiti ito ) Buti pa nga

Inayos na ni Jun at Cheyanne Luna ang garden.

Daan

Habang naglalakad naman si Ashley hindi maalis sa isip niya ang nakita niya nung gabing yun sa party. Hindi nya alam kung magagalit siya kay Jinxx o hindi dahil parang kapatid na din naman ang turing niya dito. Ngayon lang din naman niya nakitang nag mahal ng isang babae si Jinxx.

Nawala ang lahat ng iniisip ni Ashley ng makita niya ang isang kulay itim na pusa. Agad niyang pinuntahan ang pusang itim na nakita niya at binuhat niya ito.

Ashley Purdy: Kawawa ka naman mukhang wala kang amo. Wag kang mag alala simula ngayon ako na ang magiging amo mo. Tiyak ako gutom ka na

Black Cat: Meow Meow

Ashley Purdy: ( Ngumiti ito ) Mukhang tama ako gutom ka na talaga

Bahay Ni Ashley

Umuwi na si Ashley at pag dating nila ng bahay nakita niyang nakaupo si Cheyanne Luna sa sofa.

Ashley Purdy: Cheyanne Luna tignan mo ito may nakita akong pusa sa daan

Cheyanne Luna: ( Tumingin ito sa kay Ashley at sa pusang karga karga nito )

Ashley Purdy: Simula ngayon dito na siya titira sa atin ( masayang sabi nito )

Tahimik lang si Cheyanne Luna at parang pamilyar sa kanya ang pusang karga ni Ashley. Ramdam ni Cheyanne Luna na hindi na siya magiging ligtas pa dahil sa pag dating ng pusang iyon.

Ashley Purdy: Cheyanne Luna okay ka lang ba bakit ang tahimik mo dyan ?

Cheyanne Luna: Okay lang ako ( pinilit itong ngumiti ) Kung may kailangan ka nasa kwarto lang ako

Pumunta na si Cheyanne Luna sa kwarto niya at si Ashley naman ay pumunta din sa kwarto niya kasama ang pusang dala niya. Nang makapasok si Ashley sa kwarto niya nilapag niya ang pusa sa kama niya at pumunta sa bathroom para maligo. Makalipas ang ilang minuto nagulat si Ashley pag labas niya.

Dahil ang pusang itim na nilapag niya sa kama niya ay isang magandang baba pero may tenga siyang pang pusa na kulay itim at may buntot din ito na katulad sa pusa. Halos hindi makapag salita si Ashley sa nakita niya.

Ashley Purdy: Si-Sino k-ka a-at pa-pano ka-kang na-kapasok  di-di-dito

Human Cat: ( Ngumiti ito kay Ashley habang nakahiga sa kama niya ) Ako yung pusang kinuha mo kanina yung Black Cat

Maamo ang boses ng Human Cat kaya naman yung kaninang pag kagulat ni Ashley ay nawala.

Ashley Purdy: Sandali nga naguguluhan ako kanina lang pusa ka tapos ngayon ganyan na ang itsura mo

Human Cat: Ito talaga ang tunay kong itsura at ipinapakita ko lang ito sa taong mabait tulad mo

Ashley Purdy: Hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon

Human Cat: ( tumawa ito ) Maniwala ka sa nakikita mo ngayon. Pero maiba ako gusto ko sanang humingi ng tulong sayo hindi kasi ako taga dito sa mundo ng tao at may hinahanap akong kitsune na pumunta dito

Ashley Purdy: Kitsune ?

Biglang naalala ni Ashley yung panaginip nilang lima. Kahit na naguguluhan siya para bang interesado siya na malaman ang sinasabi ng Taong Pusa na nasa harapan niya.

Human Cat: Ipapaliwanag ko sayo ang lahat Ashley kung papayag kang tulungan ako

Ashley Purdy: Teka pano mong nalaman ang pangalan ko ?

Human Cat: Dahil may kapangyarihan ako. Galing ako sa Shadowchill ang lugar naming mga Taong Pusa ( nakangiting sabi nito )

Ashley Purdy: Shadowchill may ganun ba talagang lugar ? Baka naman niloloko mo lang ako ... ( Napahinto ito dahil hindi niya alam ang pangalan ng babaeng pusa )

Human Cat: Oo naman totoo yung lugar namin. Nga pala ako si Prinsesa Harlyn Quinn ( ngumiti ito ) mahirap talagang paniwalan ang mga sinasabi ko pero totoo ang mga yun. Katulad ng kasama mong babae dito mukhang may malalim siyang sikretong hindi mo alam

Ashley Purdy: Si Cheyanne Luna ba ang tinutukoy mo?

Harlyn Quinn: Cheyanne Luna ba ang pangalan niya ( ngumisi ito ) akala ko ay siya ang Prinsesang hinahanap ko kamukha nya kasi si Princesa Moriko ang Kitsuneng pumatay sa Nanay ko

Ashley Purdy: Mo-Mo-Moriko ? Parang narinig ko na ang pangalan na yun ( nakayukong sabi nito )

Ngumiti ito at tinignan si Ashley at pumula ang mata ni Harlyn Quinn dahil doon naman biglang sumakit ang ulo ni Ashley. Sa sobrang sakit ng ulo niya bigla na lang nawalan siya ng malay.

Harlyn Quinn: Kung ganun siya si Cheyanne Luna sa mundong ito. Humanda ka Moriko dahil hindi ka na magiging masaya sa bahay na ito

Kwarto Ni Cheyanne Luna

Habang nakahiga si Cheyanne Luna hindi maalis sa isip niya yung dalang pusa ni Ashley.

Cheyanne Luna: Hindi ako pwedeng mag kamali ang mga mata ng pusang yun. Si Harlyn Quinn lang ang may matang ganun kailangan ko ng mag ingat tiyak akong andito siya para makaganti sa kasalanang hindi ko ginawa

Naramdaman ni Cheyanne Luna na may tao sa labas ng bahay niya kaya naman lumabas siya ng kwarto niya at pumunta sa kwarto ni Ashley. Pag pasok niya sa kwarto ni Ashley nakita niyang tulog ito sa kama at nakaupo naman sa tabi nito si Harlyn Quinn.

Cheyanne Luna: Anong ginawa mo kay Ashley ?

Harlyn Quinn: Wala pinatulog ko lang ang gwapong taong ito ( nakangisi ito )

Cheyanne Luna: Hindi mo dapat siya idamay ako ang kailangan mo hindi ba kaya wag mo siyang idamay

Harlyn Quinn: Bakit gaano bang kahalaga ang taong ito sayo ? Hindi ba ginagamit mo lang siya para sa kapakanan mong makapag tago sa mundong ito at takasan ang mga ginawa mong kasalanan sa Shadowchill at Sunfrost

Cheyanne Luna: Wala akong tinatakasang kasalanan ko sa Shadowchill at lalo na sa Sunfrost dahil hindi ako ang pumatay sa nanay mo at sa nanay ko

Harlyn Quinn: Anong katibayan mong hindi ikaw ang pumatay sa nanay ko kitang kita ng dalawang mata ko ang pangyayari

Mula sa likod ni Cheyanne Luna may biglang humawak sa kanyang balikat. Pag talikod niya sa likuran niya naramdaman niyang may tumusok sa kanyang tiyan na matulis na bagay. Napahawak si Cheyanne Luna sa kanyang tiyan na nagdurugo at naramdaman niya ang pang hihina niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro