Chapter 24
Pag pasok ni Ashley sa kwarto nakita niyang nakahiga si Cheyanne Luna sa sahig at puno ng dugo ang tiyan nito. At may nakatayong isang lalaking kitsune sa harapan nito na may hawak na espadang yelo.
Ashley Purdy: ( Gulat na gulat ito sa nakita niya ) Anong ginawa mo kay Cheyanne Luna ? ( Agad itong pumunta Cheyanne Luna na naghihingalo )
Gen.Brendon Urie: Mukhang nahuli ka na ng dating. Ikaw siguro ang savior niya ( Nakangiting sabi nito )
Ashley Purdy: ( Tumulo ang luha nito )
Gen.Brendon Urie: Dapat lang sa kanya iyan para hindi na siya makabalik pa sa Sunfrost. Dahil hindi siya ang dapat maging reyna sa lugar na yun ( Ngumiti ito )
Ashley Purdy: ( Sinugod nito si Gen.Brendon )
Gen.Brendon Urie: ( Tinitigan nito ang pagsugod ni Ashley at binato niya ang espada niyang yelo kay Ashley )
Nang malapit ng tamaan si Ashley ng espadang yelo may arrow na tumama sa yelong espada dahilan para mabasag ito.
Napatigil naman si Ashley sa pag sugod at natulala at napatigin sa pinang galingan ng arrow. Nakatayo ang isang kitsuneng lalaki na may hawak na pana.
Ninomiya Kazunari: Hindi ka talaga nag iingat ( Nakangiting sabi nito )
Ashley Purdy: Sino ka naman ?
Ninomiya Kazunari: Sabihin na lang nating kakampi mo ako
Gen.Brendon Urie: Kazunari isa ka talagang traydor sa Sunfrost
Ninomiya Kazunari: Ako pa talaga Brendon hindi kaya ikaw ang traydor sa Sunfrost. ( Nag lakad ito papunta ito kay Cheyanne Luna )
Napansin naman ni Ashley na may apat na lalaking kistune na nakatayo kung asan si Cheyanne Luna.
Matsumoto Jun: Prinsesa Moriko kailangan mo ng bumalik sa dati mong anyo ( niluhod niya ang isang tuhod niya at hinawakan ang kwintas na nakasoot kay Cheyanne Luna )
Ashley Purdy: Anong gagawin mo kay Cheyanne Luna at bakit mo siya tinawag na Prinsesa Moriko ? ( Naguguluhang tanong nito )
Matsumoto Jun: Malalaman mo din ang lahat dahil dito ( Tinanggal niya ang kwintas ni Cheyanne Luna )
Nag liwanag ang buong katawan ni Cheyanne Luna. Tumayo naman si Jun at tumingin kay Ashley.
Matsumoto Jun: Makikita mo na si Prinsesa Moriko
Nang mawala ang liwanag sa buong katawan ni Cheyanne Luna.
Bigla naman napaupo si Ashley sa kanyang kama at nalaglag ang librong binabasa niya nung gabi sa sahig.
Ashley Purdy: ( Sobrang kaba ang naramdaman niya ) Si Cheyanne Luna ( Agad siyang tumayo sa kanyang kama at nagmamadaling pumunta sa kwarto nito )
Pag dating ni Ashley sa kwarto ni Cheyanne Luna nakita niyang wala dito si Cheyanne Luna kaya naman agad siyang tumakbo pababa at napansin niyang may tao sa Kitchen kaya naman pumunta agad siya doon
Kitchen
Nakahinga ng maluwag si Ashley ng makita niya na nakaupo sa isang upuan at nag babasa ng libro si Cheyanne Luna.
Cheyanne Luna: ( Tumingin ito kay Ashley na nasa may pinto ) Good Morning Ashley ( Nakangiting sabi nito )
Ashley Purdy: Andito ka lang pala kinabahan ako ng makita kong wala ka sa kwarto mo kanina
Cheyanne Luna: Okay ka lang ba ? Bakit mo naman ako pinuntahan sa kwarto ko ?
Ashley Purdy: Wala tinitiyak ko lang kung Okay ka. Isa pa hindi ba dapat na protektahan ka mamaya bumalik ulit yung limang parang ninja na gustong kumuha sayo
Cheyanne Luna: ( Ngumiti ito ) Nakakatuwa naman kasi parang super concern ka sa akin. Nga pala pinag handaan kita ng breakfast mo nasa dinning table
Ashley Purdy: Wow naman talagang pinag handaan mo ako ng breakfast ( masayang sabi nito )
Cheyanne Luna: Oo naman kaya buti pa kumain ka na doon
Ashley Purdy: Salamat sa pag gawa mo ng breakfast
Cheyanne Luna: Wala yun ( Tumayo na ito sa kinauupuan niya at nag ligpit na ng mga kalat sa kitchen )
Kumain na si Ashley ng breakfast na ginawa ni Cheyanne Luna sa kanya pero habang kumakain siya hindi maalis sa isip niya ang panaginip niya.
Dumaan ang ilang oras at nag ayos na si Ashley ng kanyang sarili at ganun din naman si Cheyanne Luna pag katapos nun ay umalis na sila sa bahay.
Dinala ni Ashley si Cheyanne Luna sa isang magandang park.
Park
Naisipan niyang mag rent ng bisikleta para naman makapag ikot ikot sila sa doon. Dahil sa hindi marunong mag bisikleta si Cheyanne Luna inangkas na lang niya ito.
Cheyanne Luna: Ang ganda naman sa lugar na ito ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar ( Masayang sabi nito )
Ashley Purdy: Masaya akong napasaya kita ngayon. Gusto ko kasi sana makalimutan mo muna yung mga nangyari nung mga nakaraang araw
Cheyanne Luna: Bakit naman ?
Ashley Purdy: Simula kasi nung dinala ka namin dito may gustong kumuha sayo ng hindi naman namin alam ang dahilan niya. Kaya naisip ko na baka palagi mo na lang iniisip na baka isang araw makuha ka nila. Isa pa para maiba naman gusto kong mapasaya ka ngayong araw na ito.
Cheyanne Luna: Nakakatuwa naman na marinig yan mula sayo. Sa totoo lang hindi ako natatakot sa mga gustong kumuha sa akin dahil alam ko naman na andyan kayong lima para protektahan ako
Dumaan ang ilang oras na masaya nilang pag lilibot sa park ng nakabisikleta. Naisipan naman nilang pumunta sa isang coffee shop.
Coffee Shop
Umorder ng dalawang tea si Ashley at dalawang chocolate cake para sa kanila ni Cheyanne Luna. Habang kumakain si Cheyanne Luna pinag mamasdan lang siya ni Ashley.
Cheyanne Luna: Kanina ka pa nakatingin sa akin ayaw mo bang kumain ?
Ashley Purdy: ( Natawa ito ) Hindi naman sa ayaw kong kumain. Masaya lang akong pag masdan kang kumakain
Cheyanne Luna: Bakit naman ?
Ashley Purdy: Ang ganda mo kasi para kang batang masayang kumakain dyan
Cheyanne Luna: ( Napangiti na lang ito ) Kumain ka na nga dyan
Ashley Purdy: ( Kumain na ito ng chocolate cake niya )
Cheyanne Luna: Ashley pag dumating yung araw na nakuha ako sa inyo ng mga kumukuha sa akin. Pwede bang wag mong papabayaan yung garden
Ashley Purdy: ( Napahinto naman ito sa pag inom ng tea niya ) Bakit mo naman nasabi yan? Hindi ka naman nila makukuha sa amin dahil talagang proprotektahan ka naming lima
Cheyanne Luna: Alam ko naman yun pero nararamdaman ko na darating ang araw na makukuha nila ako sa inyo
Ashley Purdy: ( Hinawakan niya ang kanang kamay ni Cheyanne Luna ) Hindi mang yayari ang araw na yun dahil kahit kelan hindi ako papayag na mawala ka dahil ma ---- ( Hindi na natuloy ni Ashley ang sasabihin niya dahil sa tumunog ang cellphone nya )
Binitiwan ni Ashley ang kamay ni Cheyanne Luna at kinuha ang cellphone niya na nakapatong lang sa mesa at sinagot ang tawag ni Andy at matapos nilang mag usap ay inaya na niyang umuwi si Cheyanne Luna.
Habang nag lalakad silang dalawa pauwi nakasalubong naman nila sa daan si Christian.
Cheyanne Luna: Hi Christian ( masayang bati nito )
Christian Coma: ( Nginitian niya si Cheyanne Luna bilang sagot ) Oh Ashley saan naman kayo galing ni Cheyanne Luna ?
Ashley Purdy: Pinasyal ko lang si Cheyanne Luna dyan sa Park tapos nag palipas ng konting oras sa Coffee Shop. Ikaw ?
Christian Coma: Wala may binili lang ako dyan sa mall. Ashley natawagan ka na ba ni Andy ?
Ashley Purdy: Oo sabi nya mag group chat daw tayo mamaya dahil may gusto siyang sabihin.
Christian Coma: Buti naman nasabi na niya sayo yan. Pano mauna na ako isa pa baka makaistorbo pa ako sa date ninyong dalawa ( Pang aasar nito kay Ashley )
Ashley Purdy: Sira ka talaga Christian hindi kami nag dadate
Christian Coma: Asus hindi daw pano sige na mauna na ako. Bye Cheyanne Luna
Cheyanne Luna: ( Ngumiti naman ito kay Christian bilang sagot )
Naglakad na papalayo sa kanila si Christian. Nag patuloy na din silang dalawa sa pag lalakad nila.
-------------------------------------------------------------
A/N
Sorry po kung ngayon lang ulit ako nakapag update nafocus kasi ako sa pag susulat ng story ko na Born To Make You Happy ... Sana po nagustohan ninyo ang chapter na ito
Please Vote and Comment ^_^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro