Chapter 13
Habang nag lalakad si Jun napansin niya ang isang tao na nakatayo sa hindi kalayuan sa bahay ni Ashley kaya naman pinuntahan niya ito.
Matsumoto Jun: ( Nasa likod ng taong nakatayo sa di kalayuan ng bahay ni Ashley ) Bakit ka andito Kazunari ?
Ninomiya Kazunari: ( Humarap ito kay Jun ) Wala napadaan lang ako dito. Ikaw bakit ka andito ?
Matsumoto Jun: Hinahanap ko kasi si Moriko kaya napadpad ako dito
Ninomiya Kazunari: Pero bakit andito ka nag hahanap malayo na ito sa gubat na pinag galinang natin ?
Matsumoto Jun: Baka nakakalimutan mo nasa akin ang mahiwagang kompas na kayang sabihin kung asan ang lugar at taong hinahanap mo. Ikaw pano mo nalaman ang lugar na ito at nauna ka pa sa akin ?
Ninomiya Kazunari: Sinundan ko ang Van na sinakyan ni Moriko at dito ako dinala ng Van na yun
Matsumoto Jun: ( Bigla itong kinabahan dahil sa sinabi ni Kazunari dahil alam na nito kung nasaan si Moriko pero hindi nya lang pinahalata ) Ganun ba nakita mo ba siyang andito ?
Ninomiya Kazunari: Hindi ko alam kung andito siya dahil kagabi nung huminto ang van bigla naman umilaw ang kwintas ko hudyat na pinapabalik na tayo ni Satoshi sa Sunfrost at pag balik ko dito wala na ang van
Matsumoto Jun: Ganun ba mukhang magaling talagang mag tago yang si Moriko
Ninomiya Kazunari: Tama ka pero magaling man siya mahuhuli pa din natin siya at maiibalik sa Sunfrost buhay man o patay ( seryosong sabi nito )
Matsumoto Jun: Pero hindi natin dapat siyang patayin hindi ba kailangan mabalik siya ng buhay sa Sunfrost ?
Ninomiya Kazunari: Tama ka dyan kaya nga dapat galingan niya ang pag laban sa atin para hindi natin siya maibalik ng patay sa Sunfrost. Pero sa hina ng kapangyarihan ni Moriko hindi niya tayo kayang talunin kaya madali natin siyang mapapatay. Pero wag kang mag alala hindi ko siya gustong ibalik sa Sunfrost ng patay dahil magagalit si Reyna Etsuko.
Matsumoto Jun: ( Natahimik na lang ito sa sinabi ni Kazunari )
Ninomiya Kazunari: Pano maiwan na kita dito. Hahanapin ko na lang muna si Moriko.
Umalis na si Kazunari at naiwan na lang na mag isang nakatayo si Jun.
Habang nag lalakad si Kazunari na alala niya ang nang yari kagabi ng balikan niya si Moriko.
Flashback
Nakatayo sa may bintana ng bahay si Kazunari habang pinapanuod kumain si Cheyanne Luna ng mga hilaw na meat.
Ninomiya Kazunari: ( ngumiti ito ) Para ka paring bata Moriko pano mong lalabanan si Reyna Etsuko kung ganyan ka. Tiyak hindi mo siya kakayaning labanan kahit kaming lima hindi mo kakayaning labanan kung ganyan ka lang
Nang makita niya itong pumunta sa sofa at natulog na agad naman siyang pumasok sa nakita niyang bukas na bintana at tumayo siya sa harapan ng sofa kung saan natutulog si Cheyanne Luna.
Ninomiya Kazunari: ( nakatitig lang ito kay Cheyanne Luna ) Bata ka pa talagang mag isip kung ganyan ka tiyak madali ka naming mahuhuli
Napansin ni Kazunari na hawak ni Cheyanne Luna ang kanyang kwintas. Kaya naman kinuha niya ito.
Ninomiya Kazunari: ( Pinag mamasdan nito ang kwintas at tumingin ulit ito kay Cheyanne Luna ) Hindi mo dapat tinatanggal ang kwintas na ito madali kang mahuhuli ng mga tao na hindi ka nila kauri
Cheyanne Luna: ( Tulog na tulog ito )
Ninomiya Kazunari: Madali ka naming mahuhuli kung ganyan hindi ka maingat ( may nilapag na libro sa tabi ni Cheyanne Luna ) Kakailanganin mo ito dito. Iintayin ko ang pag babalik mo sa Sunfrost
Nakarinig naman ng ingay mula sa labas si Kazunari.
Ninomiya Kazunari: Mukhang andito na ang taong tumutulong sayo Princess Moriko. Kailangan ko ng umalis dito sana sa pag kikita natin ulit hindi ka na pabayang katulad nito. ( Isinoot kay Cheyanne Luna ang kwintas nito at nakita niyang nag liwanag ang buong katawan ni Cheyanne Luna nawala ang tengang kitsune nito at ganun din ang 9 na buntot ng kitsune ng mawala ang liwanag sa katawan ni Cheyanne Luna tao na ulit ang itsura nito )
End Of Flashback
Matapos ang mahabang pag prapractise ng grupo nila Andy agad na silang pumunta sa kanilang pupuntahan na show kung saan sila mag peperform. Pag dating nila doon agad silang pumunta sa dressing room nila.
Dressing Room
Napansin agad ng manager nila si Cheyanne Luna.
Manager: ( Tumingin ito kay Cheyanne Luna tinignan ito mula ulo hanggang paa at binaling ang tingin kay Andy ) Andy siguro bago kayo ayusan may oras pa naman na sabihin mo kung sino yang kasama ninyong napakagandang babae
Andy Biersack: Manager hindi naman po makakasagabal dito si Cheyanne Luna isa pa hindi naman po siya makikita ng media kasi dito lang siya sa dressing room hanggang sa matapos ang performance namin
Manager: Okay lang sa akin kung dito lang siya mahirap ng makita siya ng media. Pero bakit nyo ba siya kasama ?
Jinxx: Kasi gusto namin siyang isama dito
Andy Biersack: Oo nga isa pa pinsan naman siya ni Christian kaya pwede naman siguro namin siya isama dito
Manager: ( Napataas na lang ng kilay ) Sige na tanggap na yang paliwanag ninyo ( Tinawag na nito ang mag aayos sa lima at lumabas na sa dressing room )
Habang inaayusan ang lima tahimik naman na nakaupo sa isang upuan si Cheyanne Luna at pinapanuod ang pag lalagay ng war paint sa Lima.
Jinxx: Cheyanne Luna wag kang lalabas dito sa dressing room
Ashley Purdy: Intayin mo na lang kami na bumalik dito hindi ka naman maiinip kasi hindi naman kami sobrang mag tatagal
Cheyanne Luna: Okay ( maikling sagot nito )
Christian Coma: Andy bakit naman sinabi mong pinsan ko si Cheyanne Luna ?
Andy Biersack: Yun kasi ang unang pumasok sa isip ko na dahilan tsaka ayaw mo yun ang ganda ng pinsan mo ( natatawang sabi nito )
Jake Pitts: Oo nga akalain mo yun may pinsan kang ganyang kaganda ( pang aasar nito )
Christian Coma: ( Natawa na lang ito sa dalawa )
Nang matapos silang ayusan ay tinawag na sila dahil mag uumpisa na silang mag perform. Kaya naman lumabas na sila sa dressing room.
Bago sumara ang pinto ng dressing room may nakitang pamilyar na mukha si Cheyanne Luna na nakatayo malapit sa pinto ng dressing room na kung na saan siya.
Agad na binuksan ni Cheyanne Luna ang pinto pero pag bukas niya nakita niyang nag lalakad na ang tao na nakita niya palayo. Kaya naman sinundan niya ito.
Cheyanne Luna: Sandali lang ( sigaw nito sa taong sinusundan niya )
Hindi siya pinapansin ng taong sinusundan niya hanggang sa makarating siya sa loob ng isang abandonadong building doon tumigil ang taong sinusundan niya.
Cheyanne Luna: Jun bakit ba hindi mo ako pinapansin kanina pa kita sinusundan ?
Matsumoto Jun: ( Humarap ito kay Cheyanne Luna at lumapit ito sa kanya ) Bakit mo naman ako sinusundan ?
Cheyanne Luna: Para ----- ( Natigil ito sa sasabihin niya ng tignan siya ng seryoso ni Jun )
Matsumoto Jun: ( Nakatingin lang ito ng seryoso kay Cheyanne Luna at binaling ang tingin sa likod ni Cheyanne Luna )
Cheyanne Luna: ( Nakaramdaman naman ito na may papalapit na tao sa likod niya kaya naman nakaramdam siya ng takot )
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro