Chapter 11
Nag iintay pa din si Ashley sa isasagot sa kanya ni Cheyanne Luna.
Cheyanne Luna: ( Huminga ito ng malalim at tumingin ito sa mga mata ni Ashley ) Kaya ako ganito dahil simula bata pa lang ako sa gubat na ako nakatira
Wala ng ibang paraang naiisip si Cheyanne Luna kundi ang gamitin ang kanyang kapangyarihan na mapaniwala ang isang tao sa sasabihin niya.
Kahit na ayaw niyang gamitin iyon dahil alam niyang mali na mag sabi ng kasinungalingan wala siyang nagawa kundi gamitin iyon.
Para hindi rin malaman ni Ashley kung ano ang tunay niyang pagkatao dahil ayaw din niyang paalisin siya nito dahil sa kailangan niya ang tulong nito.
Ashley Purdy: Sa gubat ka nakatira bakit ?
Cheyanne Luna: Sa gubat na malapit sa resort doon ako lumaki iniwan ako ng nanay ko doon simula bata pa lang ako kaya wala akong alam sa kung ano ang itsura ng labas ng gubat
Ashley Purdy: ( Tumango lang ito at nakinig ulit sa sasabihin ni Cheyanne Luna )
Cheyanne Luna: Yung mga lalaking nakita ninyo ni Jinxx nakita nila ako sa gubat pinilit nila akong sumama sa kanila sila ang dahilan kung bakit ako madaming sugat dahil sa gusto kong matakasan sila dahil masasamang tao sila. Buti na lang at dumating kayo ni Jinxx para tulungan ako
Ashley Purdy: ( Tahimik lang ito habang nakatitig sa mata ni Cheyanne Luna at nakikinig ng sasabihin nito )
Cheyanne Luna: Sana wag kang magalit kung hindi ko sinabi ang totoo sayo at sa mga kaibigan mo ayaw ko lang kasi na bumalik ulit sa gubat ( Tumulo ang luha nito ng sunod sunod at napayuko ito )
Hindi alam ni Ashley kung bakit parang kinukurot ang kanyang puso ng makita na lumuluha si Cheyanne Luna dahil na din siguro naawa siya ng marinig ang mga sinabi nito sa kanya.
Cheyanne Luna: ( Nakayuko pa din ito at tuloy tuloy lang ang pag luha nito ) Ayoko na ding mapahamak ulit tulad ng nangyari nung nakaraan gusto ko din na mabuhay tulad ng normal na tao. Pero kung dahil doon papalayasin mo ako ayos lang sa akin yun hindi naman kita masisisi kasi hindi ako nag sabi ng totoo sayo ( hindi pa din tumitigil ang pag tulo ng luha nito )
Ashley Purdy: ( Hindi na niya napigilan ang sarili niya at inakap niya si Cheyanne Luna )
Cheyanne Luna: ( Dahil sa pag kakaakap sa kanya ni Ashley nagulat siya sa ginawa nito )
Ashley Purdy: ( Ramdam niya ang luha na tumutulo sa mata ni Cheyanne Luna dahil sa nakayuko ito at nasa dibdib niya ang mukha nito kaya naman inalis niya ang pag kaka akap niya kay Cheyanne Luna at hinawakan niya ang mukha nito at gamit ang kanyang kamay pinunasan niya ang luha nito sa pisngi )
Cheyanne Luna: ( Naka titig lang ito kay Ashley at umiiyak pa din )
Ashley Purdy: Tahan ka na ( Pinunasan ulit ang luha sa pisngi ni Cheyanne Luna gamit ang kamay niya ) Naiintindihan kita hindi naman kita papalayasin dahil lang sa hindi mo sinabi agad yan
Cheyanne Luna: Talaga hindi mo ako papalayasin dahil sa hindi ko sinabi sayo yun ? ( Medyo konti na lang ang luhang bumabagsak sa mata niya )
Ashley Purdy: Oo naman kaya tumahan ka na. Naiintindihan kita kaya mo lang naman hindi sinabi yun sa amin dahil natatakot ka din naman baka hindi ka na namin tulungan ( ngumiti ito )
Cheyanne Luna: ( Tumahan na ito )
Ashley Purdy: Ibig sabihin ba para kang batang walang alam ?
Cheyanne Luna: ( Tumango ito )
Ashley Purdy: Kaya ba nag babasa ka nito ( Inabot ang libro na napulot niya sa salas )
Cheyanne Luna: ( Nag tataka naman siya dahil wala naman siyang binabasang ganung libro pero hindi na lang niya ito pinahalata kay Ashley ) Huh!!! Ahh!!! Oo kaya ako may ganyang libro ( Kinuha ang libro kay Ashley )
Ashley Purdy: Pero saan mo nakuha yang librong yan nung nakita ka namin ni Jinxx wala ka namang ganyang librong dala
Cheyanne Luna: Ahh kasi ano eh ( Nag isip ito ng pwede niyang palusot dahil miski siya hindi nya din alam kung bakit sinabi ni Ashley na sakanya ang librong iyon ) Ganito kasi yan nung nasa resort tayo nakita ko yan sa hallway papunta ng kwarto natin nag karoon ako ng interest kaya pinulot ko at tinago ko. Tapos kanina ko lang naalala kaya binasa ko
Ashley Purdy: Ganun ba ( napangiti na lang ito ) Pero hindi mo naman kailangan yan kasi tuturuan na lang kita sa lahat ng hindi mo alam
Cheyanne Luna: ( Nanlaki ang mata nito ) TALAGA ( masayang sabi nito )
Ashley Purdy: Oo naman at hindi lang ako ang mag tuturo sa iyo kundi pati ang bandmates ko
Cheyanne Luna: Bandmates ?
Ashley Purdy: Bandmates ang tawag ko kela Jinxx,Andy,Christian at Jake kasi isa kaming Rock Band. Wag ka ng mag salita kung hindi mo din alam yung Rock Band ipapaliwanag ko na lang sayo ( Ipinaliwanag niya ang tungkol sa rock band )
Cheyanne Luna: Ganun pala yun isa ka palang rakista ( Masayang sabi nito ) Ay teka lang kailangan ko palang mag ligpit sa kusina mo ( Tumayo ito sa pag kakaupo sa kama )
Ashley Purdy: ( Hinawakan niya ang wrist ni Cheyanne Luna ) Hayaan mo na yun ako na lang ang mag liligpit nun mamaya bago ako matulog
Cheyanne Luna: Pero ako yung nag kalat nun
Ashley Purdy: Oo nga pero ako na ang bahala doon ( Binitawan na ang wrist ni Cheyanne Luna )
Cheyanne Luna: Okay ( Umupo na ulit ito )
Ashley Purdy: Bakit pala puro meat lang ang kinain mo kanina ? At hilaw mo pang kinain ?
Cheyanne Luna: Yun kasi ang pag kain ko sa gubat mga meat ng hayop
Ashley Purdy: Parang nakakadiri naman yun
Cheyanne Luna: Bakit ? Hindi nyo ba kinakain ng ganun yun ?
Ashley Purdy: Hindi kasi niluluto muna namin yun bago kainin. Parang nakakasuka naman kasi kung kakainin mo lang ng hilaw yung meat
Cheyanne Luna: Ganun ba hindi naman kasi ako marunong mag luto
Ashley Purdy: Wag kang mag alala bukas tuturuan kitang mag luto at tuturuan din kita ng maayos na pag kain
Cheyanne Luna: Okay ( ngumiti ito )
Ashley Purdy: Mukhang para akong mag aalaga ng bata nito ( natatawang sabi nito )
Cheyanne Luna: ( Ngumiti ito )
Ashley Purdy: Sige na humiga ka na nga dyan at matulog ka na
Sumunod naman kay Ashley si Cheyanne Luna humiga na ito sa kama niya. Ligyan naman ni Ashley ng kumot si Cheyanne Luna at sinabihan ng good night at sinagot naman si Ashley ng ngiti ni Cheyanne Luna. Bago lumabas ng kwarto si Ashley ay pinatay niya ang ilaw sa kwarto at sinara ang pinto.
Agad tumungo sa kusina si Ashley para mag ligpit ng kalat ng matapos niyang ligpitin ang kalat pumuta na siya sa kanyang kwarto para makapag bihis at para makatulog na din.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro