Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologo

"THIS is the only thing I can give you. I'm sorry."

Natawa naman ang lalaking kaniyang kausap. Nakasandal sa upuan at pilit na pinipigilan ang sariling makatulog.

"It's more than enough. Maybe you are not just bound to find it."

Napahigpit ang hawak niya sa misteryosong kahon habang hindi kayang titigan ang lalaking kausap. Hindi lang sila ang tao sa loob ng kuwarto kundi may mga nakapalibot din. Naghihintay lang sa kanyang hudyat.

Nagdadalawang-isip siya baka hindi ito ang nakakabuti sa kanila.

"Why are you hesitating? Unti-unti na kaming nawawala. Gawin mo na," the man pleaded in front of him.

"Baka may iba pang paraan."

"Wala nang oras." Hinawakan nito ang kaniyang balikat at mariing pinisil. "Reese, you are not our savior nor our friend. You are our enemy. You don't have the right to feel concerned about us."

Mahigpit ang mga hawak nito sa kanyang braso. Kahit na nanghihina ay sumisiklab pa rin sa mga mata nito ang determinasyon.

Isang mahabang katahimikan ang namayani sa kanila nang tuluyan siyang nakapagdesisyon.

Tama ang kausap niya. They were each other's nemesis. Their kinds had never been and would never be friendly with each other. History had wrote their identity as a total and natural enemy.

Inalis niya ang mga kamay nitong nakahawak at tumayo sa pagkakaluhod.

"If you wanted to disappear then so be it,' he replied, removing all the regretful emotion he had for their kinds.

Nilagay niya ang kahon sa sahig. The Haven of the Unknown he received on his 18th birthday.

Isang maliit at malalim na tawa naman ang tumakas sa bibig nito. "We will not completely disappear. Babalik kami. And when that happens, we will rise over your kind. We are going to extinguish you." The man's red orbs glowed, depicting his will to trample them.

Isa namang ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. "You will never win against us."

He started to cast his spell. The spell he learned when he once came across a book in the human world. A spell to seal the creatures who wanted to wreck havoc not just in their world, but the humans as well.

"Reese!"

Napunta ang kaniyang tingin sa babaeng kakapasok lang. She was a human whom he met in this world. Humihingal pa ito habang lumalapit sa kaniya. May hawak itong lumang papel na pinahanap niya.

"Thank you, Iraia." He smiled at her.

Muli niyang binalik ang tingin sa lalaking nakahandusay na sa sahig at unti-unti nang nawawala. He glanced at the glass window on his left and it was almost dawn.

He needed to do it fast.

Tinabi niya ang papel sa kahon at itinuon ang kamay roon. Unti-unti, dumaloy ang enerhiya mula sa kanyang puso papunta  sa kanyang mga daliri.

"Words, I command thee, open the haven of the Unknown." Napatigil siya saglit nang may malakas na enerhiyang sumuntok sa kanyang dibdib. Sa sobrang lakas ay napaluhod siya.

Casting the spell had a huge impact to the caster. Hindi pa nga siya tapos, naapektuhan na kaagad siya.

"K-keep thee, Lamia, sealed in the unknown and never set foot in the land of the living again."

Pagkatapos niyang sabihin ang mga kataga ay napasuka siya ng dugo. Lumiwanag ang kahon at ang papel na nasa tabi ay nag-apoy. Unti-unting naging abo ang papel. Kasabay nitong nawawala ang katawan ng lalaking nakahandusay sa harapan niya.

Parang alikabok na nakisama ang katawan ng lalaki at sinipsip ito ng kahon. Sumunod ang mga nakapaligid sa kanila na kauri din nito.

Nanatili siyang nakatingin sa harapan subalit nang mamuo ang presyon ng hangin sa kahon ay mabilis siyang napaatras. Hinila niya si Iraia palayo upang hindi rin ito matangay. Palakas pa ito nang palakas at palaki rin nang palaki na para bang ipo-ipo. Kinakain nito ang lahat ng mga kagamitan sa loob ng kuwarto.

Nagpalit siya ng anyo at naging lobo, pinasakay ang babae sa kanyang likuran at tumalon sila sa bintanang nakabukas upang makalayo sa nawawasak na kuwarto. Tatlong palapag ang tinalunan nila at nang makarating sa ibaba, napatingin siya sa itaas.

Ang ikatlo at pinakamataas na floor ng building ay nawalan ng bubong dahil sa mala-ipo-ipong hangin.

Hinintay nilang mawala at kumalma ang nagwawalang hangin bago mapagpasyahang bumalik sa loob.

Bakas sa kaniyang mukha ang lungkot nang makitang wala na ang lalaking kausap niya kanina pati na ang mga kauri nito. Ang naiwan na lang ay ang kahon na nakasarado na.

Kinuha niya iyon.

"Will they be fine?" Iraia asked.

"I don't have any idea."

The only thing he was sure of was that their identify as enemies would still remain until the next generation.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro