Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

DROPLETS of blood flowed from the man's arm. Hiniga niya ang nakahubad na sarili sa kama at tinaas ang braso niyang sinugatan.

He licked the blood from his arms, trying to convince himself for the nth time that his blood tasted good but . . .

"Tastes like crap. Why would they say it smells good?" He looked at his arm with disgust as the wound he made slowly healed.

"Eriz, can you let me go now?" A voice of a man made him turn to the right corner of his room.

It was a Havoc. He saw him wandering last night around the Niran's household, sneaking and trying to still a glance of his woman.

One corner of his lips curved into a smile.

Tumayo siya sa kama at naglakad papalapit sa lalaking nakaupo at nakakadena. Tinignan niya ang kabuohan nito. Bukas na bukas at dumudugo ang malalim na sugat nito sa leeg. Ang mata na hindi na mabuksan ang isa, ang ibabang labi nitong napunit at ang kaliwang tainga nitong kunti na lang ang kumakapit. Napapaligaran ng malagkit na dugo ang sahig pati na ang kutsilyo na nasa tabi na ginamit upang sugatan ang sarili.

Who hurt the man? Of course it wasn't Eriz. The Havoc wounded himself . . . because that's what Eriz commanded him to do.

"You look terrible. Kapag nakita 'to ni Dad, malalagot na naman ako." Bumuntonghininga siya at napapailing pa, kunyari ay nag-aalala siya sa posibleng mangyari kapag nalaman ng kaniyang ama ang ginawa.

Pero sa katunayan, wala talaga siyang pakialam.

"You and your fucking ability did this to me!"

Napahawak naman siya sa kaniyang dibdib at umaktong nagulat. "Me? But I didn't even touch you. How could I do that to you?"

"Fuck you--"

Hindi niya pinatapos itong magsalita at malakas na sinipa ang mukha ng lalaki.

"Sucks for you. I'm not interested in fucking a piece of shit like you." Hinila niya ang buhok nito at pinaharap ang mukha sa kanya.

His blue orb gazed at the pitiful man. Sa tuwing naiisip niya ang ginawa nito kagabi, kaagad na kumukulo ang dugo niya.

But instead of glaring at the man, he smiled. "You should actually be thanking me because I was the one who saw you last night. Kasi kung hindi, kagabi pa pugot 'yang ulo mo." Mas lumawak ang ngiti niya habang naiisip ang babaeng laman ng kaniyang utak bawat minuto. "You know, my Misty is a damn good fighter. You won't stand a chance against her."

Hindi naman sumagot ang lalaki at tinignan lang siya nang masama. If looks could kill, he was willing to accept death anyway.

If death could kill him, that is.

Binitawan na niya ang lalaki. He snapped his finger before turning. "You can leave now. Destroy the chains and jump there." Turo niya sa terrace na nasa kanang bahagi.

Just like a puppet, the Havoc followed his command without a protest. The man transformed, expanding his size and ruining the chain. Sinulyapan niya ang lalaki na naging itim na lobo at mabilis na tumalon sa terrace na tinuro niya.

The wolf of the man was similar to him, yet unlike him, he held the blood of three creatures. Ang kaniyang ama ay isang lobo ng Raeon habang ang kaniyang ina naman ay may dugong tao at Havoc o sa ibang salita, itim na lobo.

Umupo siya sa kama habang pinagmamasadan ang labas ng terrace. Kitang-kita mula roon ang kalangitan at ang nagliliwanag na buwan. Alas dos pa lang ng madaling araw at wala pa siyang tulog.

Napahilot siya sa kaniyang sintido dahil paniguradong mangungulit na naman ang kaniyang ama upang iupo siya sa trono. Him and his twin brother to be exact.

"Boring!" Muli siyang humiga at saka nagtalukbong ng kumot.

Malapit na siyang makatulog pero napairap siya nang may kumatok.

"Pasok," napapaos na sabi niya sabay hikab.

Sumalubong sa kanya ang nakasimangot na mukha ng kanyang kakambal. They had the same face except for their eyes. His twin, Zephyr, got her mother's eye color.

Napatingin ito sa dulong bahagi ng kaniyang kuwarto kung saan naroroon ang mga naiwang dugo at wasak na kadena ng lalaking Havoc kanina.

"What did you--"

"Argh. I'm sleepy," putol niya sa sasabihin nito. "Mamayang umaga mo na ako pagsabihan, puwede? Can't you see that your twin need some sleep?"

Naglakad naman ito palapit sa kaniya at umupo sa kaniyang kama. Seryoso pa rin itong nakatingin sa kaniya na akala mo'y hindi marunong ngumiti.

"Para ka nang si Dad, oh, ngumiti ka naman," dagdag niya.

Hindi naman siya nito pinakinggan at mabilis na hinila ang kaniyang tainga kaya napadaing siya. 

"Aray, Zeph!"

"Stop acting like a kid, Eriz. You're 21. Next week na ang coronation natin. Act like a leader. Act like a king."

"Torturing someone is a kid's action now, huh?" Humagalpak siya sa tawa at hindi pinansin ang iba pa nitong sinabi.

"Eriz," Zephyr gave him a warning tone.

Tumahimik naman siya at tinakpan ang mukha ng kumot.  "Let me sleep."

Bumuntonghininga si Zephyr. Narinig niya ang mga yabag nitong naglalakad na palayo. Ang pagbukas at sara ng pintuan ang naging hudyat para makahinga siya nang maluwag.

Mabuti naman. Makakatulog na rin siya.

---

MABILIS na napatakbo si Eriz papunta sa ikatlong palapag ng kanilang palasyo nang makita ang ama na naglalakad. Iniiwasan niya itong makita. Paniguradong sinumbong na siya ni Zephyr kaninang madaling araw at ngayon, mapapagalitan na naman siya.

Well, it wasn't like he could escape from his father. He was just buying some time.

Pumunta siya sa salas ng third floor at saka prenteng umupo sa pinakamahabang sofa.

"Good morning, princess," he greeted his 8-year old sister, sitting next to him while drinking a cup of milk.

Ngumiti naman ito dahilan para lumabas ang magkabilang dimples. Ang maalon at itim nitong buhok ay bumagay sa kayumanggi nitong mga mata. Suot-suot din nito ang isang kulay puting dress na lagpas hanggang tuhod. She looked like a small version of their mom.

"Good morning, Kuya!" masiglang bati ng kapatid at saka niyakap siya.

Niyakap niya rin niya ito pabalik at pinanggigilan pa ang pisngi nito pagkatapos bumitaw sa yakap.

"Lagot ka, Kuya. Narinig ko ginawa mo mula kay Kuya Zeph. Sinumbong ka niya kay Dad kanina."

"Pabida kasi si Kuya Zeph mo. Kaya don't be like him, hmm?" He patted her head.

She giggled. "Shall I be like you, then?"

"Nako, 'wag, princess. Baka tuluyan na akong masakal ni Dad 'pag gano'n."

"But we have the same ability!" She pouted. Tinuro siya nito gamit ang hintuturo. Mabilis naman siyang tumayo at umaktong parang kontrolado siya ng kapatid.

"Yes, princess?"

"I order you to fix my hair."

"Right away!" At nag-salute pa siya.

Humagikhik naman ang kanyang kapatid at saka tumalikod. Naupo siya ulit at inumpisahang i-braid ang buhok nito.

Wala pang dalawang minuto, naramdaman na niya kaagad ang presensya ng kanyang ama.

"Papa!" Tumalon si Gray, ang kanyang nakababatang kapatid, sa sofa at tumakbo palapit sa ama.

"Good morning, Dad!" He greeted his father while giving him his sweetest smile.

"Instead of smiling like an idiot, care to explain what you just did last night?" Naupo si Midnight, ang kaniyang ama, sa kaharap na sofa habang karga-karga si Gray.

"Wow, Dad. You look--" Hihirit na sana siya pero pinili niyang 'wag ituloy ang sasabihin nang makita ang dilim ng tingin nito. Ang asul nitong mga mata na kagaya ng sa kaniya ay parang minamatiyagan siya. Idagdag pa ang peklat nito sa kanang mata na mas lalong nakapagbigay ng nakakatakot na aura.

Tumikhim siya. "I didn't do it without a purpose. That Havoc is trying to steal a glance at my woman."

"That's it?"

"What do you mean 'that's it?' Hindi ba 'yon valid?"

Huminga nang malalim ang kanyang ama sabay hilot sa sintido. "Eriz, don't ever do that again. You caused a lot of trouble that I could no longer count. What do you think the king of Blaitheria will say about this?"

"Kalma ka lang, Dad. Hindi magagalit sa akin si Tiyo. Alam mo naman favorite ako no'n," sabi niya habang hindi pa rin nawawala ang ngisi.

Sumandal siya sa sofa at nagpalinga-linga sa paligid, iniiwasang salubungin ang nakamamatay na tingin ng kaniyang ama.

"How can you lead your wolves if you will keep acting like that?"

Nagkibit-balikat naman siya. "Maybe, I'm really not fit to be a king? Sabi ko naman sa 'yo, Dad, si Zeph na bahala sa lahat. Kaya na niya 'yon."

"At anong gagawin mo?"

"Support." Tinaas niya pa ang isang kamay.

His dad rolled his eyes. "You, Eriz, and Zephyr will lead Raeon. Do you understand?"

"Dad naman." He slid his body down in the sofa, whining, he pouted while looking at his father. "Ayoko nga, Dad. Hindi ako marunong maging leader, okay? Wala akong quality as a leader. At saka isa pa, ang pangit naman kung dalawa ang magiging hari ng Raeon. Isa lang dapat, 'di ba, Gray? Agree ka kay Kuya, 'di ba?"

"Hmm!" Tumango naman si Gray pero ang kaniyang ama ay hindi nagbago ang ekspresyon.

Bumuntonghininga ito. "What exactly do you want to do, son?"

Napakamot naman siya sa kaniyang ulo. He actually don't have anything he wanted to do except in fooling around. Responsibility was something that he wasn't willing to take. It's too tiring and too burdensome. Unlike his dad, who is the current king in Raeon, and his twin brother who had the same quality as his dad, he just wanted to live life easily. 

Gusto niya lang mabuhay. Iyon lang. Gusto niya lang tumambay rito at walang gawin na kahit na ano pero hindi naman puwede iyon ang isasagot niya sa ama, dahil paniguradong pipilitin pa rin siya nitong maging hari.

Kailangan niyang mag-isip ng puwedeng maidahilan pero wala naman siyang maisip kaya kung ano ang unang pumasok sa isipan niya ay 'yon na lang ang kanyang sinabi.

"Ang gusto ko ay pumunta sa mundo ng mga tao at doon mamuhay."

"Not convincing. Try again. Kagagaling mo lang sa mundo ng mga tao no'ng nakaraang linggo and you were complaining how their meat doesn't taste like ours."

"A complaint doesn't mean I don't want to live there."

"Anong nangyayari dito?"

Lihim siyang napangiti nang marinig ang boses ng kanyang ina.

"Mom!" sabay nilang bati ni Gray. Lumapit siya sa kaniyang ina na kagagaling lang sa Blaitheria. Niyakap niya ito. "Mom, si Dad, oh. Pinipilit na naman ako, e, ayoko nga."

"Mommy!" Yumakap din si Gray kay Erienna, ang kanilang ina.

"Midnight, we already talked about this," sabi nito sa kanyang ama.

Go, Mom! Ikaw talaga kakampi ko parati!

"But Eri, this kid is still not growing up. He played with someone's life again last night."

Napalunok siya.

Pinasadahan naman siya ng tingin ng kaniyang ina. Ang kulay kayumangging mga mata na kagaya sa kanyang kakambal ay matalim siyang tinignan.

"Eriz," she gave him a warning tone.

He pouted. "It's the Havoc's fault."

Her mom sighed. "Mamaya na lang natin 'to ipagpatuloy. Pinapapunta ka ni Kuya Rauis sa Blaitheria, may ipapakita raw siya sa 'yo."

He smiled at the back of his head. This was what he was waiting for.

"Okay!" masigla niyang sabi at hinalikan ang ina sa noo. Bumitaw siya at lumapit sa kanyang ama.

"We're going to--"

Hindi niya ito pinatapos at niyakap din ito. "See you later, Dad!" He patted his dad's back before letting go.

Tumakbo siya papunta sa terrace at binuksan ang glass door. Umupo siya sa railing. Kumaway muna siya at kinindatan ang ama niyang nakasimangot sa kanya bago tinapon ang sarili pababa.

While he was falling, he changed into his wolf state. Nilipad ng hangin ang napupunit niyang itim na t-shirt at pants nang lumaki at naging mabalahibo ang kanyang katawan. Ang matutulis niyang kuko ay naglabasan din hanggang sa tuluyan siyang naging itim na lobo.

Yumanig at nagkaroon ng bitak ang lupang binagsakan niya. Mabilis niyang tinungo ang direksyon papuntang Blaitheria. He ran, swift and fast like the wind, he couldn't see anything on his peripheral vision except for the blurry images.

When he saw the giant gate of Blaitheria, he howled to alert the guards that he would be coming in. Pinagbuksan naman siya kaya tuloy-tuloy pa rin ang kaniyang pagtakbo. Habol-habol niya ang hininga nang tuluyan siyang makarating sa palasyo ng kaibigang kaharian, ang Blaitheria, kung saan nakatira ang mga Havoc.

Pinagbuksan siya ng guard ng pinto ng palasyo. Nagtungo siya sa ikatlong palapag kung saan naroon ang kuwarto ng hari.

"Eriz," Rauis, the king of Blaitheria and his mother's older brother, greeted him as he entered his room.

May hawak itong kahon na pinahanap niya no'ng nakaraan linggo. Lihim siyang napangisi habang nagbabago ng anyo. Muli siyang nag-anyong tao.

He licked his lips as a habit of feeling an extreme excitement.

"Tiyo," he greeted him back. Napunta ang tingin niya sa kahon na nasa lamesa nito. "Ito na po ba ang kahon?"

"Yes."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro