#96 "Badboy series" (part 9)
Wonwoo
Wonwoo: (naglapag ng juice sa center table) (sat down then looked at you)
You: (tulalang nakaupo)
Wonwoo: nahimasmasan ka na ba?
You: (mabagal na tumango)
Wonwoo: San ka tutuloy ngayon? May tutuluyan ka ba?
You: (di umimik) (nakayuko lang)
Wonwoo: (napatingin sa kamay mo) (gusto ka niyang hawakan pero pinipigilan niya ang sarili) (umiwas nalang ng tingin)
You: (looked at him)
Wonwoo: (looked at you) (poker face)
You: Sige po Driver Jeon. Mauna na ko.
Wonwoo: kung wala kang tutuluyan, dito ka muna matulog.
You: (nagulat sa alok niya) Po?
Wonwoo: (nahihiyang umiwas ng tingin)
You: N-Naku hindi na po. May tutuluyan po ako.
Wonwoo: (couldn’t look) Ahhh. Ganun ba. (tinuro ang juice) Ubusin mo muna ang juice bago ka umalis
You: (tinignan ang juice) Sige po. (kinuha) (took a sip)
(napatingin ka sa picture frame na naka-display sa gilid)
Wonwoo: (nakita na nakatitig ka sa picture) Sila ang…
You: (looked at him)
Wonwoo: Pamilya ko. Ang mama ko, dad ko at kapatid kong babae.
You: Ahhh (nods) Napakasipag mo sa trabaho. Umuuwi ka pa ba sa bahay niyo?
Wonwoo: Wala na kong ibang uuwian. Ako nalang mag-isa.
You: (nagtaka) Po? (napansin ang malungkot niyang ekspresyon kaya hindi ka na muling nag-usisa)
Wonwoo: (yumuko at pinagtagpo ang mga daliri) Namatay ang pamilya ko sa isang plane crash.
You: (nanatiling tahimik)
Wonwoo: Kaya sanay na ko na walang inuuwian. (tumingin pabalik sayo) Ikaw? Nagtrabaho ka bilang katulong sa maagang edad. Anong nangyari?
You: (huminga ng malalim) Ang tatay ko lang ang bukod tanging pamilya ko. He is a single dad. Wala narin siya dahil sa sakit. Pero bago mangyari iyon, bumagsak ang business ng pamilya namin. Kaya noong nawala si papa, wala akong kamag anak na tumanggap sakin. Siguro, totoo nga na ang mga tao, pera lang ang habol kaya sila malapit sayo.
Wonwoo: (hindi nagsalita) (sighed)
You: Driver Jeon, nalulungkot ako sa nangyari sa pamilya mo. Pero i-wi-wish ko na sana, sabay tayong makaraos sa nangyari sa atin.
Wonwoo: (chuckles) (shake his head) I can’t. Hindi ako makaka-move on hangga’t hindi ko nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng buo kong pamilya.
You: (napatigil sa sinabi niya)
Wonwoo: Hindi ako naniniwala na aksidente lang ang lahat. At mas lalong hindi ko matatanggap na nawawala ang bangkay ni mommy. They kill them, then stole my mom’s dead body. (umiling uli) That is too inhumane then matatapos lang ang lahat sa pag-mo-move on?
You: (di nagsalita) (napahawak ng mahigpit sa glass juice na hawak)
Wonwoo: (bit his lower lip) S-Sorry. Sa tingin ko may mga sinabi ako na hindi ko na dapat sinabi.
You: D-Driver Jeon…
Wonwoo: Can you stop calling me driver Jeon? (looked at you) Hindi ka na magtatrabaho kay Joshua. Kaya wag mo na kong tawagin as driver.
You: Po? Ahhhhh. Kung ganun, k-kuya Won-
Wonwoo: Wonwoo. Just call me Wonwoo. (serious gaze)
You: Ha? Pero mas matanda ka sakin.
Wonwoo: Age doesn’t matter. Mas matanda si Joshua sayo pero may gusto ka sa kaniya hindi ba?
You: (natigilan)
Wonwoo: (gentle ruffles your hair) Treat me the same. (meet your eyes) Hmmmm? (smiles sweetly)
----
Vernon
Vernon: (natutulog sa loob ng kotse) (naghihilik pa) Krrrrrlll~
Driver: (nakita ka na lumalabas ng condo building) Oh? S-Sir! (ginising si Vernon)
Vernon: (nagising) Hmmm? (heavy eyelids)
Driver: (tinuro ka) Lumabas na po siya!
Vernon: (tumingin sayo) (umayos ng upo)
You: (sighed while walking) (nakita na nakaparada parin ang kotse ni Vernon sa tabi) (stopped walking)
Vernon: (binuksan ang bintana) (sumenyas sayo) Get in.
You: (nahihiyang sumakay uli ng kotse) (nakaupo sa back seat katabi si Vernon)
Vernon: San ka uuwi ngayon? Kay Mr. Yoon Jeonghan?
You: (eyes widened) (tinignan siya) Paano mo nalaman na…?
Vernon: Alam ko na ang lahat. Na binayaran ni Jeonghan ang utang ng papa mo. He hired you to seduce Joshua.
You: Kung ganon, ikaw ba ang nagsabi kay Joshua tungkol dito?
Vernon: (nods) Ako nga. Mas mabuti narin na nalaman niya ng mas maaga. Kung malalaman niya ito sa iba, lalo ka lang masasaktan. Isa pa, at least alam niya ang dahilan kung bakit mo ‘to nagawa.
You: (yumuko) Sa tingin ko… tama ka. Mas mabuti nga na… nalaman na niya.
Vernon: (looking at you) Woah. Grabe naman. Ang salimuot ng buhay ng fiancée ko.
You: (frowned) Pero hindi ibig sabihin na tinatanggap na kita bilang fiancé ko!
Vernon: huh (di makapaniwala sa sinabi mo) hindi ibig sabihin na pinipilit ko na maging fiancé mo ay dahil gusto kita. I just like to fulfill my promise to your father; na alagaan ka
You: (narrowed your eyes)
Vernon: B-Bat ganyan ka makatingin?
You: Naawa ako sayo.
Venron: (nainis) Ano?!
You: handa kang magpakasal sa taong hindi mo gusto.
Vernon: A-Anong n-nakakaawa ‘don? I am doing a good deed.
You: nakakaawa ka dahil di ka marunong magmahal. (looked away) Kaya naiinggit ako. Mas gusto ko nalang tuloy na maging kawawa. At least, hindi ako nasasaktan ng ganito.
Vernon: (staring at you)
Driver: (nakatingin kay Vernon through the rearview mirror) (in his mind: Palagi niyang sinasabi na wala siyang gusto kay miss (y/n). But he is always looking at her with the eyes of a man)
----
Jeonghan
Jeonghan: (nakatayo sa tapat ng gate ng bahay) (may kausap sa cellphone) Ano?
[Sa tingin ko ihahatid siya ng fiance niya sa bahay mo. Anong gagawin ko?]
Jeonghan: (in his mind: pano nalaman ni Mr. Chwe na...) (natigilan) (natawang naiinis) okay. I get it (brushes his hair sexily with his palm) Hayaan mo lang siya .
[Okay] -(Woozi hanged up the call)
(Sakto namang may humintong mamahaling kotse sa tapat niya)
Jeonghan: (nakangisi habang tinitignan ang kotse)
you: (lumabas ng kotse at tinignan siya)
Vernon: (lumabas rin at ngumiti kay Jeonghan) Good eve Mr. Yoon. Nandito ako para ihatid ang fiancee ko.
Jeonghan: (di sumagot, nakangiting naiinis lang)
Vernon: (lumapit kay Jeonghan) (leaned closer and whispered something)
You: (nakatingin sa kanilang dalawa) (getting curious kung anong binubulong ni Vernon kay Jeonghan)
Vernon: (pulled back then tapped Jeonghan's shoulder) See ya dude. (Winked) (tumingin muna sayo bago pumasok uli ng kotse)
(Umalis na ang kotse ni Vernon)
You: (looking at Jeonghan with worried face) M-Mister.
Jeonghan: (huminga lang ng malalim at ngumiti) let's go in.
-----(sa loob ng bahay ni Jeonghan)
Jeonghan: (nakaupo sa sofa)
You: (katabi niya) hindi ko po alam kung paano nalaman ni teacher Vernon ang tungkol sa deal natin
Jeonghan: (leaned on the sofa) (tumingala) may ideya na ko kung sinong sira ulo ang nagsabi sa kaniya. (Chuckles) anyway, kung nalaman na ni Mr. Chwe ang tungkol dito, ibig sabihin alam narin ito ni Joshua. Tama ba?
You: (makes sad face) (slowly nods) tinanggal na niya ko sa trabaho. At... (bit your lip) sinabi niya na ayaw niya na kong makita
Jeonghan: (naiinis na nakikita kang nasasaktan over someone else) (frowned) Hmmm. Then that means you are out of my plan. Hindi na kita kailangan. I will disable our contract and you don't need to stay near to Joshua anymore.
You: (clenched your fist) Mister, gusto kong malaman ang katotohanan
Jeonghan: (natigilan)
You: (tumingin sa kaniya) kung totoo ngang ang tatay niya ang nasa likod ng muntik na pagpatay sakin, then ibig sabihin mayroon din akong business sa kanila. Kaya na-realize ko na hindi ito ang panahon para i-prioritize ko ang nararamdaman para kay Joshua. I will... help you and myself.
Jeonghan: kung ganun ... (huminga muna ng malalim) you are now choosing to be on my side?
You: (tumango)
Jeonghan: (di makapaniwala) (just staring at you)
You: Mister, medyo pagod na ko. Magpapahinga na po ako sa kwarto (tumayo) (naglakad paalis)
Jeonghan: (stood up) (dashed towards you) (bigla kang niyakap mula sa likuran)
You: (nagulat sa ginawa nya) m-mister?
Jeonghan: (di nagsasalita) (niyakap ka lang ng mahigpit)
----
Jun
Jun: (pumasok sa condo) (nakita si Joshua na umiinom ng tsaa sa sala habang nakaupo sa sofa) (di siya pinansin at naglakad lang papasok sana ng kwarto)
Joshua: darating si (y/n) dito bukas.
Jun: (stopped walking and looked at him)
Joshua: Aalis ako ng maaga kaya baka ikaw ang madatnan niya. Help her pack her things and-
Jun: so alam mo na pala na nilapitan ka nya on purpose
Joshua: (eyes widened) teka Jun. (Tumayo) Alam mo ang tungkol dito?
Jun: simula palang noong una, nahalata ko na.
Joshua: then why didn't you tell it to me? Masaya ba kayong nagmukha akong tanga?
Jun: Kuya (lumapit) why are you like this? Mali ang ginawa ni (y/n) pero di mo man lang ba inisip ang kalagayan niya? Kung sino ang nag utos, at kung bakit niya iyon sinusunod. Why would she seduce a man like you?
Joshua: because of money. Because of damn money!
Jun: (smirks) if you really like her then you should consider the possibility that her life was at stake
Joshua: (natigilan)
Jun: Hindi ko ini-expect na ganito ka kababaw mag isip kuya.
Joshua: (sinunggaban siya at kinuwelyuhan) sh*t! Wag ka ngang umacting na para bang alam mo kung anong pakiramdam ko!
Jun: na ano? Nasasaktan ka dahil pakiramdam mo niloko ka nya? Or it is because of your damn Pride?
Joshua: (sinuntok si Jun)
Jun: (napaupo sa sahig) (lips is bleeding) (licks the blood before looking upon him)
Joshua: I'll settle this by myself. Wag mo kong pangunahan. (Tumalikod)
Jun: Dahil satin nanganganib ang buhay niya
Joshua: (looked back)
Jun: Dad tried to kill her (tears fell) Ngayon naiintindihan ko na kung bakit itinatakwil ni Soonyoung ang pamilya natin
Joshua: (eyes widened)
----
Dokyeom
Dk: So here is the plan. (may nilapag na blue print sa lamesa) Ayon kay Woozi, mayroon silang tinatagong babae sa underground. Pero… (tinuro ang blueprint) sa nakuha kong blue print ng bahay ni Mr. Hong, walang nakalagay na underground. Ibig sabihin, itinatago talaga nila ang lugar na iyon.
Scoups: nagulat ako na nakuha mo ang blueprint ng walang kahirap kahirap
Dokyeom: (pogi pose)
Scoups: Pero ang problema, paano tayo makakapasok sa bahay nila? Paano kung may mga hawak na baril ang security?
Dokyeom: (showed his index finger) No problem. After two days, magkakaroon ng party at doon sa bahay ni Mr. Hong gaganapin ang handaan. Pwede tayong magkunwari ng staff ng kukuhanin nilang tagapag handa ng pagkain. Kung tungkol sa security, gagawan natin ‘yan ng paraan.
Scoups: (tumango habang ngumunguso) (naghihinalang tumingin kay Dokyeom) May itatanong lang ako
Dokyeom: Kanina ka pa nga nagtatanong diba?
Scoups: (sumandal sa lamesa, siningkitan siya ng mata) anong dahilan kung bakit mo tinutulungan si Jeonghan? Narinig ko na kaya niya ginagawa ito ay dahil hinahanap niya ang totoong pagkamatay ng kapatid niyang babae. Kung para sa akin, tumutulong ako para hindi manganib ang buhay ni (y/n). Eh ikaw? Anong pakay mo?
Dokyeom: (nalungkot ang ekspresyon ng mukha) (huminga ng malalim, bago tumalikod at umupo sa lamesa) (gets the two dices on his pocket then plays it with his right hand)
Scoups: (pinapanood lang siya)
Dokyeom: First love ko ang kapatid ni Jeonghan
Scoups: (natigilan)
Dokyeom: Kahit ako, hindi ako naniniwala na magagawa ni Younghee na magpakamatay. She would never hang herself. Ang positibo niyang katangian ang nagpabago sa negatibo kong pananaw. Kaya bakit niya tatapusin ang buhay ng ganun-ganon nalang?
Scoups: (just listening)
Dokyeom: Pero kahit gustong gusto namin na malaman ang katotohanan, (shook his head) wala kaming makitang butas kay Mr. Hong. Aware kami na inosente at marahil ay wala namang alam si Joshua. At doon kami mas naiinis. He is her f*cking husband but why didn’t he look for the truth? (tinigil ang paglalaro sa dice) (clenched his fists)
Scoups: (looked at his clenched fist)
Dokyeom: Pero hindi ako sang ayon na gumamit si Jeonghan ng ibang inosenteng babae para mapalapit sa pamilya nila. Sinubukan ko siyang pigilan na gamitin si (y/n) pero desidido si Jeonghan. He wasn’t this sh*t before. (bit his lower lip before continuing) And this happened. Muntik muntikan ng mamatay si (y/n), all because of Joshua’s father. (looked at Scoups) pero pakiramdam ko, may ibang case sa side ni (Y/n). He won’t kill her just because she is Joshua’s maid.
Scoups: (nods) medyo naiintindihan ko na. (in his mind: Kahit medyo magulo parin) So in the end, tumutulong ka to keep (y/n) safe, right?
Dokyeom: (smiles) Hmmm. (nods)
Scoups: Nakikita mo ba si Younghee sa kaniya?
Dokyeom: (nawala ang ngiti) (di nakasagot)
----
Seungkwan
(sa loob ng classroom)
Woozi: (nakaupo sa sariling desk) (nakatulala sa blackboard at nakasalumbaba) (in his mind: di ko akalain na magkukunwari akong estudyante at kinakailangan kong pakisamahan ang mga bata na to) (bahagyang tinignan ang mga estudyante sa paligid) (huminga ng malalim) (in his mind: But this is the only way to keep an eye on her. At ito narin ang pinaka magandang lugar na pagtaguan)
Seungkwan: (kinatok ang desk ni Woozi) Yohoo~
Woozi: (tinanggal ang pagsasalumbaba at walang buhay na tumingin sa kaniya)
Seungkwan: (umupo sa kaharap na upuan) Woah. Di ko akalain na magkasing edad lang tayo. Feeling ko, kaunti lang ang laki mo kay (y/n).
Woozi: (in his mind: Sira ulo. Di hamak na mas matanda ako sa inyo) (wearing poker face)
Seungkwan: (tinuro ang mukha niya) Alam mo cute ka sana pero palagi kang nakasimangot. Subukan mo namang ngumiti.
Woozi: …
Seungkwan: (chuckled) Para kang pi-pe. Magsalita ka naman dude.
You: (kapapasok sa room at nakita si Seungkwan na ginugulo si Woozi) (gasped) (nagmadaling hinablot ang braso ni Seungkwan) H-Hoy. Anong ginagawa mo?
Woozi: (looked at you)
You: (di makatingin kay Woozi) (gulped)
Seungkwan: Nakikipagkaibigan lang ako sa bago nating kaklase. (napilitang tumayo dahil hinablot mo siya)
You: (iniba ang usapan) Tara sa canteen. K-Kumain na tayo ng lunch (hinatak si Seungkwan palabas ng hindi man lang tumitingin pabalik kay Woozi)
Woozi: (looking at you)
---
(sa canteen)
You: (kumakain ng lunch kasama si Seungkwan sa iisang table)
Seungkwan: (chewing) (binaba ang kutsara at tumitig sayo) Hoy, tapatin mo nga ako
You: (huminto at tumingin sa kaniya) (nilunok ang kinakain) What? (sumubo uli)
Seungkwan: (leaned closer) (bumulong= may plano ka ba talagang pakasalan si teacher Chwe?)
You: (nasamid) ugh ugh (umubo)
Seungkwan: (inabutan ka ng tubig)
You: (uminom) (pinunasan muna ang labi bago sumagot) W-Wala no. Bakit ako… (hininaan ang boses) … bakit ako magpapakasal sa hindi ko gusto?
Seungkwan: (sumandal sa upuan) (crossed his arms) Napakagulo ng buhay mo. Di mo ba alam kung gaano ako nag-aalala?
You: (natuwa sa sinabi niya) (napangiti)
Seungkwan: Anong nginingiti ngiti mo diyan?
You: Akala ko kasi talaga, tinalikuran mo na ko bilang kaibigan. Pero nandito ka uli sa tabi ko, kaya sobrang saya ko.
Seungkwan: (blushed) Ahem (forged a cough) Nagi-guilty din kasi ako. (umiwas ng tingin) ako ang dahilan kung bakit nagkaroon ng masasamang chismis tungkol sayo. At pinagsisisihan ko nang hindi kita pinaniwalaan noong una.
You: (just smile)
Seungkwan: (lumapit uli) pero may itatanong pa ko. (bumulong= sa mamahaling condo building ka ba nakatira?)
You: (nawala ang ngiti) (namutla)
(sakto namang may umupo sa tabi mo)
You and Seungkwan: (looked at that guy)
----
Minghao
Minghao: (nilapag ang food tray sa lamesa niyo at umupo sa tabi mo) libre naman ang upuan sa tabi mo diba? (smiles at you)
You: (nakatingin kay Minghao) (naalala na alam na lahat ni Minghao ang sitwasyon mo) (nahihiya) (umiwas ng tingin)
Seungkwan: (napansin ang masama mong ekspresyon ng dumating si Minghao) (sumimangot) (tinitigan ng masama si Minghao)
Minghao: (tumingin kay Seungkwan) (saw his glare) (poker face) (mouthed: What? What’s your problem?)
Seungkwan: Tsss.
(pinagtinginan kayo ng estudyante sa paligid dahil umupo si Minghao sa tabi mo) (nakarinig kayo ng bulungan na nag-uusap kung totoo bang may relasyon kayo ni Minghao)
Seungkwan: Sa ginagawa mong ‘yan, mas lalong pumapanget ang image ni (y/n)
Minghao: (di pinansin si Seungkwan) (nakatitig lang sayo) Ako ang maghahatid sayo mamaya.
You: (di maka-react) (just bit your lower lip) (nakayuko)
Seungkwan: (nagtataka sa inyong dalawa) Alam mo ba kung saan siya nakatira?
Minghao: (looked at Seungkwan while smirking) Oh? Kaibigan ka niya pero hindi mo alam na sa tito niya siya nakatira ngayon?
Seungkwan: Tito? (tumingin uli sayo) Sinong tito?
(at may biglang umupo uling lalaki sa tabi naman ni Seungkwan)
Seungkwan, You and Minghao: (looked at that guy)
---
Dino
Dino: (umupo sa tabi ni Seungkwan at tinaas ang paa sa ibabaw ng lamesa)
Minghao: (binaba ang kutsara) Nawalan na ko ng ganang kumain
Seungkwan: (napanganga sa ginawa ni Dino)
You: (looking at Dino)
Dino: (staring at Minghao) Sinong tito? (lumingon sayo) Tito mo pala ‘yung kasama mo? Yung singkit na matangkad tapos malalim ang boses. Hindi kayo magkamukha.
Minghao: (nagtaka) (in his mind: Hindi naman singkit si Jeonghan ha. ‘Yung Joshua ba yung tinutukoy niya?)
---
Woozi
(sa canteen)
Woozi: (nakaupo sa ibang table at nakatitig sa inyong apat) (sighed) Haaaa~ (sumalumbaba) So mga bata pala ang karibal ko. Bwisit.
(someone is peeking at him outside the canteen)
Woozi: (naramdaman na parang may nakatitig) (biglang kinutuban) (looked around)
(may nakita siyang sumisilip na kung sino sa tapat ng pinto ng canteen) (tumakbo agad ito ng mapansing nahuli siya ni Woozi)
Woozi: (dinampot ang tinidor at tumayo) (in his mind: Sh*t. Desidido talaga silang patayin si (Y/n). Pero kung hindi si (y/n) ang pakay nila, malamang na ako ang pinunta nila dito) (naglakad papalapit sa inyo)
Dino, Minghao, Seungkwan and You: (looked at Woozi)
Woozi: (y/n), dito ka lang.
You: (kinabahan sa sinabi niya)
Dino and Minghao: (napansin na may hawak na tinidor si Woozi)
Woozi: (lumabas ng canteen)
Dino: Sino ‘yun?
Seungkwan: Bago naming kaklase. Pero… bakit kinausap ka niya (y/n)? Close ba kayo?
Minghao: (naghinala) (tumayo) Hoy Dino
Dino: (Frowned) ‘Hoy’? (binaba ang mga paa) tinawag mo ba kong hoy?
Minghao: Bantayan mo si (y/n) (tumakbo papalabas ng canteen)
Dino: (nagtaka) (looked at you)
You: (hands trembled) (looks very frightened)
----
Hoshi
Hoshi: (nakasakay sa mini truck na pinang dedeliver niya ng tubig) (waiting at you in front of the gate of your school)
You: (lumabas ng gate) (keeps looking at your surroundings while walking)
Hoshi: (napa-double look sayo) (abot tenga ang ngiti ng makita ka) (calls your name out loud) … (y/n)!
You: (saw him) (nagulat) Oh? H-Hoshi?
Hoshi: (lumabas ng truck at sumalubong sayo) (cute smile)
You: (smiles) Ano pong ginagawa niyo dito?
Hoshi: Ahhh (napakamot sa batok) Hehe. May dineliver kasi ako na tubig dyan sa malapit. Naisip ako na daanan ka. Hindi ka narin kasi dumadalaw sa bahay ampunan. May… nangyari ba?
You: (nag-alinlangang sumagot) W-Wala naman. Ayos lang ako
Hoshi: (in his mind: Hindi niya masasabi sakin ang nangyari sa kaniya noong nakaraan. Malamang na magtataka siya kapag sinabi kong may alam ako)
You: (nagtataka dahil seryoso lang si Hoshi na nakatitig sayo) Ahmmm? (tinuro ang mga tubig sa truck niya) May idedeliver ka pa ‘ata. Baka nauubos ko ang oras mo
Hoshi: (glanced at the bottled water) Hmmm. Ide-deliver ko pa nga ‘yan.
You: (chuckled) Sige. Magdeliver ka na. Uuwi narin ako eh. Ingat ka ha
Hoshi: (holds your wrist) Pwede ba tayong mag-usap ng masinsinan? May aaaminin lang ako.
---
Mingyu
(sa isang eleganteng party)
Mingyu: (wearing black suit) (brushed up hair) (holding a juice in glass in his right hand) (looking around) (nakita ang tatay niya at ang tatay ni Joshua na nag-uusap) (tumalikod agad)
Tatay ni Joshua: Hindi mo ‘ata sinama ang anak mong lalaki?
Tatay ni Mingyu: ahhhh. Alam mo naman ang mga bata, hindi sila mahilig uma-ttend ng mga ganitong handaan (chuckles)
Mingyu: (naglakad palayo sa kanila) (may nakabungguan) Ahhh~ (tinignan ang nakabungguan) Sorry
Joshua: (looking at Mingyu) (pinagpag ang nabunggong braso) (wearing white tuxedo) (naiinis na tumingin kay Mingyu) It’s okay.
Mingyu: (bow) (naglakad palayo)
Joshua: (looked at his own father) (naalala ang sinabi ni Jun)
[flashback= “Dad tried to kill her. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit itinatakwil ni Soonyoung ang pamilya natin.]
Joshua: (in his mind: Kung totoo ang sinabi ni Jun, anong dahilan ni dad para gawin ‘yon?)
Mingyu: (tumigil sa paglalakad) (lumingon pabalik kay Joshua) (in his mind: Teka lang. Hindi ba’t siya ang anak ni Mr. Hong? Siya ang dahilan kung bakit ako pumunta dito!) (bumalik papunta sa harapan ni Joshua)
Joshua: (natigilan) (bahagyang tumingala dahil mas matangkad si Mingyu kaysa sa kaniya)
Mingyu: Joshua Hong, right?
Joshua: (di sumagot) (just looking at him) Ngayon ko lang napansin, pero hindi ka pamilyar sa akin. Imbitado ka ba talaga dito?
Mingyu: (offered his hand) My name is Kim Mingyu. Anak ako ng isa sa mga shareholder ng company mo, si Mr. Kim. Pwede ba kitang makausap? This is about your company.
----
Joshua
(sa loob ng bahay nila Joshua. His father’s office)
Joshua: (pinaghanda ng tsaa si Mingyu) (nilapag sa center table)
Mingyu: (looking around) Kaninong office ‘to?
Joshua: (umupo sa tapat) Sa tatay ko
Mingyu: (kinabahan) (tatayo palang sana)
Joshua: Don’t worry. Hindi siya papasok dito. He is busy entertaining our guests.
Mingyu: (huminga ng malalim) (umupo uli)
Joshua: so about saan ba ang gusto mong ipakipag-usap sa akin?
Mingyu: This is about… (meet his gaze) The stocks of your company.
Joshua: (sip a tea) Hmmm (nods) Spill it.
Mingyu: (huminga uli ng malalim) (may kinuha brown envelope mula sa suit na suot niya) (nilapag sa lamesa) Do you know Mr. (surname mo)?
Joshua: Oo. Siya ang isa sa may pinakamalaking shares sa kompanya
Mingyu: Narinig ko na next week na ia-announce kung kanino mapupunta ang share ni Mr. (surname mo). Ang totoo niyan, itinago ni papa ang will ni Mr. (s/m) kung kanino niya ibibigay ang share. Itong envelope ay naglalaman ng last will niya. He said that he will give his shares to his daughter.
Joshua: (tinignan ang envelope) Ang gusto mo bang sabihin ay itinago ng papa mo ang will ni Mr. (s/m)?
Mingyu: (nods) At ang hula ko, ilalabas niya ito sa mismong meeting next week.
Joshua: (sighed) kung ilalabas niya ito, isn’t it good?
Mingyu: (umiling) may ibang balak sila papa. (bit his lower lip) Alam kong mahirap itong paniwalaan dahil anak ka niya. Pero… kasama ang tatay mo, si Mr. Hong, nagpaplano sila ni papa na patayin ang tagapagmana ng shares.
Joshua: (eyes widened)
Mingyu: Gagawa sila ng pekeng will na nagsasabing ibinibigay ng anak ni Mr. (s/m) ang karapatang mamahala ng share sa papa ko. They will get her signature and then they will kill her. Papalabasin nilang namatay siya dahil sa aksidente.
Joshua: (may naiisip ng ideya sa sinasabi ni Mingyu) (clenched his fists)
Mingyu: nang nalaman ko ‘to, my father tried to cage me inside our house. Himala lang na nakatakas ako ngayon. (tumayo) (pagkatapos ay lumuhod sa harap ni Joshua)
Joshua: (di makapaniwala sa ginagawi ni Mingyu) H-Hey.
Mingyu: Nagmamakaawa ako sayo. Kapag ako ang naglabas ng katotohanan na ‘to, walang maniniwala sa akin. Alam ko na kapag lumabas ito, manganganib ang parehong business ng pamilya natin. Pero hindi ko hahayaan na mamatay ang inosenteng anak ni Mr. (s/m). So please, help me.
Joshua: (glanced at the envelope) May I know her name
Mingyu: Huh?
Joshua: ang pangalan ng anak niya. What is her name?
Mingyu: (stand up) (stared at him) (y/n). Her name is (y/n).
Joshua: (natulala sa narinig)
Mingyu: siya rin ang ex-girlfriend ko.
---
Scoups
Seungcheol: (may suot na uniform ng waiter) (naglilibot sa party) (may nakalagay na wireless earphone sa tenga) Hoy. Kahit anong libot ko dito, wala akong makitang lagusan papunta sa secret underground .
[*Dokyeom’s voice* Makikita mo rin ‘yan. Bilisan mo dahil kaunting time nalang gagana na uli ang CCTV sa paligid nila]
Seungcheol: Argh.
(may kumalabit kay Scoups)
Lalaki: hoy, kumuha ka nga ng wine sa wine storage nila
Scoups: (nakangiting tumingin) Sure. (nods) Nasaan ba ‘yung wine storage?
Lalaki: (tinuro ang daan kay Scoups)
Scoups: Okay okay. (nawala ang ngiti ng makalakad palayo) Kainis.
(nang makarating siya sa wine storage)
Scoups: (huminga ng malalim) (looks around) ito nalang ang bukod tanging lugar na hindi ko nache-check.
(naglibot libot siya ngunit wala siyang nakitang lagusan)
Scoups: (pinapawisan na) (wipes his sweat) (hinihingal) (check his wrist watch) Damn it.
[*Dokyeom’s voice on the earphone* Bro, you only have 30 minutes left]
Scoups: (malutong na nagmura) Oo alam ko! (tinanggal ang earp hone) kaasar. Eh sa hindi ko nga makita eh. (aksidenteng napatingin sa malaking painting sa gilid) (nagtaka) Oh? Bakit sila maglalagay ng malaking painting sa wine cellar? (nilapitan ito)
(tinitigan niya ang malaking painting ng bulaklak)
Scoups: (dahan dahan na inangat ang painting) Hmmmm (groaning while lifting it up) (ibinaba ang painting sa tabi) (looked forward)
(may misteryosong pintuan sa likod ng painting)
Scoups: (smirks) Found ya’
---
To be continued…
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro