Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#95 Svt as elementary classmates (Grade 3)

Scoups

-maaga siyang pumapasok

-may towel at tuwalya ang likod, tapos amoy baby bench cologne

-pero pagdating ng alas syete, amoy kalabaw na siya dahil pawisan kakatakbo at kakalaro

-kumpleto naman siya sa gamit noong first day of school

-captain America pa nga yung bag niya eh

-kaso, after three days, ubos na yung papel niya dahil pinapamigay nya sa mga kaklase mong lalaki

-tapos yung krayola niya, putol-putol narin

-palagi siyang nalilista sa noisy lists (pero di naman siya maingay, makasat lang)

-siya din yung palagi mong naririnig na sumisigaw ng, "PANALO KAMI! PANALO KAMI!" Kapag lunch time bell, then papasok siya sa room ng amoy pawis

-wag na nating pag-usapan ang grades nya kasi madalas na siyang pagalitan ng nanay niya

-ayaw mo sa kaniya kasi amoy pawis siya at masyado siyang malikot

-ngunit, sya naman palagi ang taga-pagtanggol ng naaapi

Mga bully: (inaaway ka) nyenyenyenyenye~

You: (umiiyak)

Scoups: (humarang sa mga bully) hoy! Tama na yan! Bakit niyo inaaway ang asawa ko?!

-sanaol may asawa

------

Jeonghan

-magandang bata na palaging agaw atensyon

-noong una siyang nakita ng nanay mo, tinanong ka niya kung siya ba ang muse niyo

- sinagot mo tuloy ang nanay mo ng, "duh? Mama, naka pang lalaki siyang uniform diba?"

-ayun... napalo ka tuloy

-tahimik na bata si Jeonghan

-magalang siyang sumagot sa mga teacher

-Bihira nga lang siyang makipagkaibigan sa mga kaklase mong makakasat

-nakikipaglalaro din naman siya sa mga kaklase mong lalaki pero siya ang madalas na unang umaayaw (lalo na kapag malapit na silang matalo)

-mahina kasi ang katawan niya at ayaw niyang mag amoy pawis

-madalas mo siyang nakikitang nagtutupi ng papel: gumagawa ng paper airplane, paper boat, paper box at paper puppet

-matalino naman siya eh

-kaso di siya ma-top 1 dahil palagi siyang absent (actually favorite niyang umabsent pag Friday)

-tahimik man siya, pero dakila siyang mapanukso

You: (naglalakad papuntang canteen)

Jeonghan: (y/n)!

You: (tumingin sa kaniya)

Jeonghan: Sabi ni Joshua, crush ka daw niya!

Joshua: (tinulak ng kaunti si Jeonghan) uy di naman kasi. (Nahihiyang tumingin sayo)

You: (kinilig) (pero di pinansin ang dalawa at nakangiting naglakad palayo)

-lahat ng tinutukso nya sayo, wala naman talagang gusto sayo

-pero ikaw, feeling mahaba ang buhok

-bata bata, FEELINGERA

-----

Joshua

-mayamang bata na anak ng kapitan ng  brgy. Niyo

-dahil anak siya ng kapitan, sipsip sa kaniya ang mga teacher, mga magulang ng kaklase mo, pati na ang nanay mo

-hindi siya pinaglilinis ng adviser mo

-at kapag may nagbabalak na umaway sa kaniya, may susulpot at magsasabing, "Wag mong inaano yan. Anak yan ni kapitan"

-tahimik siya na bata na palaging nakangiti

-siya din yung always black shoes ang suot (di mo siya makikitang naka-tsinelas or walang medyas)

-sobrang puti ng uniform, binabad siguro sa Tide

-gulat ka no?!

-amoy baby bench cologne din si Josh at hindi siya nag-aamoy pawis dahil ayaw naman niyang maglaro ng outdoor games

-matalik niyang kaibigan si Jeonghan na palagi siyang kinukuhanan ng baon o tinutukso

You: (naglalakad papuntang canteen)

Jeonghan: (y/n)!

You: (tumingin sa kaniya)

Jeonghan: Sabi ni Joshua, crush ka daw niya!

Joshua: (tinulak ng kaunti si Jeonghan) uy di naman kasi. (Nahihiyang tumingin sayo)

You: (kinilig) (pero di pinansin ang dalawa at nakangiting naglakad palayo)

Joshua: Loko ka ay

Jeonghan: (tawa ng tawa)

Joshua: (sumulyap uli sayo) (smiles)

-wala naman talaga siyang crush sayo

-pero sa kakatukso ni Jeonghan, na-fall siya sayo

- #marupok

-------

Jun

-genius weird kid

-siya yung tahimik na bata na nagbubuo ng rubik cubes sa sarili niyang upuan

-mahiyain siya masyado at mga kaklase mong lalaki lang ang kinakausap niya

-pinayagan siya ng mga magulang niya na magdala ng cellphone (busy rin kasi sa work parents niya kaya yung katulong lang nila ang tumitingin sa kaniya)

-pag break time, imbes na kumain ng miryenda ay naglalaro siya ng online games sa cellphone

-so sa desk niya lagi nagkukumpulan ang iba mong kaklase na nakikinood sa cellphone niya

-maraming may crush sa kaniya sa ibang section

-pero dahil kilala niyo siyang tahimik at weirdo, wala sa mga kaklase mo, pati ikaw, ang may crush sa kaniya

-minsan niyang sinubukang makipaglaro kina Seungcheol pero napilay siya at pinatawag ang mga magulang ng kalaro nya

-simula nun, di na siya inaaya maglaro ng iba mong kaklase

-palagi nalang siyang mag-isa at walang kausap

Jun: (hinahawakan ang halaman ng makahiya) heheheheheh (tuwang tuwa kapag tumitiklop ang halaman)

You: (nakita mong naglalaro mag-isa) (naawa) Jun, ano ginagawa mo? (Lumapit)

Jun: (eyes widened) (di ka tinignan) (hindi sumagot)

You: (umupo sa tabi niya) hinahawakan mo yung makahiya?

Jun: (slowly nods) (still not looking)

You: (hinawakan ang makahiya) (laughed) parang ikaw to ah

Jun: (looked at you) (smiles) (hinawakan din ang iba pang makahiya)

-at dahil dyan, ikaw ang una niyang naging kaibigan

-medyo nagsisi ka dahil nakilala mo ang tunay niyang pagkatao

Jun: (nilagyan ka ng putik sa pisngi)

You: JUN! ANO BA?! ISA PA, SUSUNTUKIN KITA!

Jun: (nilagyan ka uli ng putik) (laughing)

You: (hinubad ang sapatos at ipanghahambalos kay Jun)

Jun: (tumakbo habang tumitili) Waaahhhhh!!!

-----

Hoshi

-ang cute at chubby na pamangkin ng chubby mong teacher sa subject na MAKABAYAN

-kasama siya sa barkada ni Seungcheol

-team pawisan

-palagi naman siyang taya dahil siya ang pinaka mabagal tumakbo

-umuuwi nang nakasando, at puro libag ang kwelyo ng polo

-laging special ang miryenda niya tuwing recess:

-ham sandwich

-jollibee take out

-o kaya naman, ipapatawag siya ng tita niya sa canteen at papakainin kasama ng ibang teacher

-yung ibang teacher naman, lagi siyang bine-baby

- "Ang cute cute naman Soonyoung~"

-palagi siyang binibida ng mga teachers kaya kapag malungkot sa klase, tinatawag siya sa harapan at pinapasayaw

-isa siya sa pinaka maingay sa klase, pero binubura ang pangalan niya sa listahan

-asan ang hustisya?!

-hindi naman siya iyakin

-kaso kapag hindi siya makauwi dahil di pa nya tapos kopyahin ang sulat sa blackboard...

Hoshi: (may hawak na lapis) gusto ko ng umuwe~ (umiiyak habang nagsusulat, tulo ang sipon) (pinunasan ang sipon gamit ang kamay)

-dahil cute siya, sweet at friendly, marami siyang kaibigan

-pero may mga nanunukso sa kaniya na "baboy!" Dahil mataba sya

-pero imbes na umiyak, tinatawanan nya lang ito

Hoshi: MATABA AKO KASI MARAMI KAMING PAGKAIN! MGA HAMPAS LUPA!

-oo friendly siya pero di siya nag-papaapi

-PRINCE HOSHI IN DI HAUZ!

Hoshi: (y/n) I love you!

You: (nainis) ayoko sa mataba

Hoshi: sabi ni mama, pag malaki na ko, papayat na ko (ngumunguya habang hawak ang sandwich)

You: imposibleng mangyari y-

Hoshi: (pecked on your cheek) (sabay tumakbo habang nahuhubo pa ang short) (hinahatak ang short pataas)

You: (napahawak sa pisngi) MA'AM! SI SOONYOUNG PO NANGHAHALIK! (umiyak)

----

Wonwoo

-yung bata na ang aga magsuot ng reading glass

-ang aga kasi niyang nababad sa computer screen

-suki ng computer shop malapit sa school niyo

-laging kinakausap ng teacher ang magulang dahil nagka-cutting classes para lang maglaro sa computer shop

-magulang nya ang nag donate ng extra electric fan sa classroom

-palaging bago ang bag

-kumpleto ang school supplies

-yung notebook niya, mga super heroes ang cover

- pero di naman siya gumagawa ng assignment

-nakikita mo siyang magkatabi ni Jun na naglalaro ng online games kahit na di naman sila nag uusap

-tahimik

-magsasalita lang sya kapag kinausap mo

-crush ng mga kaklase mo

-kahit di siya masipag mag-aral, natural siyang matalino

-minsan perfect nya ang mga test at quiz

-sanaol diba?

-seryoso siyang bata pero tumatawa rin naman siya paminsan minsan

You: (dino-drawing ang teacher niyo habang nagtuturo sya)

Wonwoo: (nakaupo sa likuran mo) (nakita ang drawing mo) (natawa) Hahahahahaha!

Teacher: (glared at Wonwoo) Bakit tumatawa ka?

You: (nagtataka) (looked at Wonwoo)

Wonwoo: (cant stop laughing) (tinuturo ka)

You: (kinabahan) (tinago ang drawing)

Teacher: (lumapit) tahimik!

Wonwoo: (tumigil sa pagtawa) (poker face)

Teacher: anong tinatawa mo?

Wonwoo: (tinuro ka) si (y/n) po, nag drawing ng bakulaw. Tapos pangalan niyo ang nilagay.

You: (eyes widened)

Teacher: (glared at you) ... (y/n)! Asan na yung drawing mo?! Akin na!

You: (nakatingin ng masama kay Wonwoo habang inaabot ang drawing)

Wonwoo: (avoid your gaze)

----

Woozi

-ang laging nasa unahan ng pila kapag flag ceremony

-pinagkakamalang grade one

-cute siya

-may natural red cheeks

-amoy johnson baby powder

-lahat ng gamit niya sa school, may label ng pangalan nya na "Jihoon"

-madamot siyang mamigay ng papel at kapag nanghiram ka ng pantasa, siguraduhin mong malinis mo siyang ibabalik

-sa unang tingin, akala mo siya yung binubully

-pero ang totoo niyan, siya ang bully

-siya yung namamato ng bato sa bubong ng mga bahay katabi ng school

-siya yung tumatawag na "baboy" kay Soonyoung

-pati yung nang aaway sa pinaka matangkad niyong kaklase

-minsan ka rin niyang tinutukso at pinapaiyak

-sinusumbong mo siya sa teacher pero di sayo naniniwala ang teacher kasi mabait si Jihoon sa harap nila at cute siyang tignan

-pero minsan, napatawag ang magulang nya dahil nanusok ng lapis si Jihoon sa kaklase mo na nagnakaw ng pambura nya

-maliit pero malupit

You: (di makalabas ng classroom dahil umuulan)

Woozi: (palabas palang at may hawak na payong) (nakita ka) (mahina kang hinampas ng nakasarang payong sa ulo)

You: aray! (Umiyak) Ma'am si Jihoon po! Nanghahampas!

Woozi: ang iyakin mo naman. (Nilagay sa kamay mo ang payong) sayo nalang. Napulot ko lang yan. (Sabay tumakbo sa ulan at ginawang payong ang bag)

You: (tumigil ang iyak) (tinignan ang payong na may pangalang "Jihoon")

-----

The8

-ang pinaka siga sa classroom

-siga siya dahil siya ang laging panalo sa mga laro

-siga siya dahil mayaman ang pamilya

-siga siya dahil siya ang pinakamaraming collection ng pogs

-pero sa lahat ng siga, siya yung matalino at mahilig mag-aral

-favorite niya kapag Friday, kasi nasusuot niya ang gusto niyang outfit

-pinapayagan ng magulang na magdala ng Iphone

-mapalad ka kapag kaklase mo siya kasi takot sa inyo ang ibang estudyante

- "wag mong aawayin yan. Kaklase ni Minghao yan"

-palagi silang nagkakapikunan ni Seungcheol dahil sila ang magkalaban sa laro:

-sa kara

-sa goma

-sa sikyo

-baseball

-o sita pulis

-siya ring yung maririnig mong sumisigaw tuwing bell ng lunch break

- "PANALO KAMI! PANALO KAMI!"

-pawisan din siya pero lagi siyang may dalang extrang t-shirt at polo (at cologne)

-naks naman~

-tumatalon nga lang siya ng bakod kapag kasama siya sa cleaners

-siga pero magalang sa babae

kaklase mong lalaki: panget si (y/n) panget si (y/n) bleeeh bleh bleh (dinilaan ka)

You: (umiyak)

Minghao: (lumapit) wag kang magsasabi ng ganyan sa babae

Kaklase mo: (tumakbo palayo)

Minghao: (pinunasan luha mo) wag ka na umiyak

You: (sobs)

Minghao: (kumuha ng bente sa bulsa) eto oh bente, bumili ka ng coke mo. (Inalok sayo)

You: (umurong ang luha) (kinuha ang bente at kumaripas ng takbo)

-masaya na kami as your friend❤💵💰

---

Mingyu

-pinaka matangkad na Grade 3

-minsang napagkakamalang Grade 6

-siya yung top 1 niyo

-pati class president niyo

-(bakit ba laging yung top 1 ang nagiging class president?)

-Siya dapat yung escort kaso President na siya kaya di na pwede

-gwapo pero nagpapalobo ng laway

-hindi siya namimili ng miryenda sa canteen kasi pinagbabaon siya ng Chuckie at lemon square cheesecake

-siya din yung bukod tanging lalaki na nagpapayong kapag tanghali kasi ayaw maarawan

-always amoy pulbos (pero amoy pang matanda yung pulbos nya. Baka ginagamit yung pulbo ng lola niya)

-may bimpo sa likod na panay nahuhulog at pinapalagay nya pabalik sa mga kaklase mo

-laging excuse sa klase kasi pinanglalaban sa quiz

-ang laki laking bata pero napapaiyak ni Jihoon

-responsableng bata kaso may pagka clumsy

you: (pinapanood si Mingyu na naghahagis ng bato pataas , saka sasapuhin)

Mingyu: (malakas na inihagis ang bato) (sasapuhin sana kaso...)

(Tumama ang bato sa Jalousie ng classroom at nabasag ang bintana)

Mingyu: (eyes widened)

You: (napanganga)

(Nagsilapitan ang mga ibang estudyante)

Mingyu: (freeze)

Teacher: (pagalit na dumating) ANONG NANGYARI?! SINONG NAKABASAG NYAN?!

You: (ikaw na sumbungera) (tinuro si Mingyu) Si Mingyu po

Mingyu: (umiyak)

-wawa naman bata

-----

Dokyeom

-Siya ang #1 sa noisy list

-pero wala siyang pake

-mag-iingay siya hangga't gusto niya

-the end

-charot...👻

-si Dokyeom ay batang takbo ng takbo, kala mo kabayo

-nasa loob ng classroom, takbo parin ng takbo

-umaakyat sa desk

-ginagamit na gitara ang walis tambo

-kalaro nila Seungcheol na late sumasali kaya siya ang taya

-may pambili naman siya ng papel kaso tinatamad siya bumili

Dokyeom: pssst penge ngang papel.

-kung di siya manghihingi ng papel... manghihingi naman siya ng...

Dokyeom: pssst. Sige na. Pautang ng piso

-di naman niya binabayaran

-taga ubos ng pagkain ni Soonyoung

-ultimo free ketchup ng Jollibee, pinapapak

-magulo ang bag at tupi tupi ang pahina ng notebook

-sa likod ng notebook nya, may drawing ng voltes 5,  power rangers at Naruto

-siya ang kalaro ni Soonyoung na ginagaya sila naruto o kaya naman ay sina san Goku

-nagduduraan sila ni Seungcheol bilang kasat

-minsan mong nakitang hinihigop ang putik gamit ang water hose

You: (nakikipagsiksikan sa canteen) (di makabili)

Dokyeom: (nasa tapat din ng tindahan) (nakalambitin sa grills) PAGBILAN!  (nakita ka) oy (y/n) di ka ba makabili?

You: (nods)

Dokyeom: akin na pera mo, bibili kita. Ano bang bibilhin mo?

You: isang Alibaba tsaka dalawang stick-o (binigay ang limang piso)

Dokyeom:akin nalang yung sukling piso

You: sige

Dokyeom: (naglambitin sa grills) aling bebang! Pabili!

Aling bebang: (naingayan kay Dokyeom) ano ba sayo?! ingay ingay!

Dokyeom: isa nga pong alibaba, dalawang stick-o tsaka isang Ice water! Yung malamig ah! (pawis na pawis at may lupa ang polo)

-#dugyot_days

-pag di niya naubos yung ice water, gagawin niyang pangdilig ng halaman

---

Seungkwan

-kaklase mong pabibo

-palibhasa president yung nanay niya ng classroom niyo

-palaging may bimpo sa likod

-ayaw naglalaro kasi papagalitan daw sya ng mama niya kapag umuwi siya ng pawisan

-May baon pero nangunguha ng chichirya sa kaklase mo

-"ano yan? Patikim"

-taga sigaw sa umaga ng, "Oy maglinis nga kayo! Ako lang nagwawalis dito! Lagot kayo kay ma'am!"

-siya din yung biglang magbabawal ng , "Wag kayong maingay! Isusumbong ko kayo kay Ma'am"

-kapag maingay parin, pupuntahan niya yung teacher niyo na nakikipagchismisan lang naman sa faculty

Seungkwan: Ma'am ang ingay ingay po nila. Sabi ko wag maingay pero maingay parin po

Teacher: ilista mo maingay

-mayabang siyang babalik at ililista niya ang maingay

-di naman papansinin ng teacher yung nilista niya

-nye nye nye

- proud siyang maging secretary ng klase

-di niya alam pinapagod lang nya sarili niya kasi taga sulat na siya ng black board, magsusulat pa siya sa sariling notebook

- (di naranasan ni Author maging secretary kasi panget siya magsulat)

-mahilig mang asar pero iyakin naman

Seungkwan: nye nye nye nye

Woozi: bading ka ba?

Seungkwan: (umiyak) isusumbong kita kay mama! (knelt down) (dumukdok sa tuhod at umiyak)

Woozi: (pinagtawanan)

Seungkwan: (tumayo uli at nanlisik ang mata kay Woozi) (hands are clenching)

Woozi: (pinagtatawanan lang siya)

Seungkwan: (umiyak uli at dumukdok)

----

Vernon

-ang bata na may half breed

-at dahil may dugong foreigner, siya ang ginawang escort

-pero mas matangkad pa sa kaniya ang muse niyo

-syempre hindi ikaw yung muse

-wag feelingera, okay?

-dahil transfer lang siya, mabait sa kaniya ang lahat

-super star ang tingin sa kaniya ng ibang estudyante

-(bakit nga lahat ng transferee, ang bilis sumikat?)

-late siya pumasok, kahit pa yung bahay niya ang pinaka malapit sa school

Vernon: (nilabas ang papel at ballpen)

You: (kinalabit siya) uy, lapis lang pwede nating gamitin?

Vernon: (nagtaka) ha? Sa school ko kasi dati ballpen na ginagamit namin  (kumuha ng lapis)

(At nagturo ang teacher)

Vernon: (sighed)

You: bakit ka malungkot? Hindi mo ba maintindihan yung tinuturo ni teacher?

Vernon: naiintindihan ko. Actually, tinuro na kasi tong lesson na to noong Grade 2 palang ako sa dati kong school

-ang ganda pala ng school mo dati, bat ka pa lumipat ha? Ha?!

-----

Dino

-ang kaklase mo na late pumasok

-tumawid pa kasi siya ng bundok bago makarating sa school

-yung bag nya noong elementary, yun parin ang bag nya ngayon

-sira na nga yung zipper ng bag nya kaya pine-perdible nalang

-tsinelas lang ang suot niya

-at malaking payong ng Avon ang dala dala nya

-iisa lang ang uniform nya, kaya pag-uwi, lalabhan na nya agad ito

-wala siyang baong pera, pero may baon siyang nilagang mais, kamote or saging

-mabait naman na bata si Dino

-masipag mag aral

-masinop sa gamit

-pero ayaw siyang kaibiganin ng iba kasi mahirap lang daw sya

-kaya nasanay na siyang palaging mag isa

teacher: kumuha kayo ng papel. Mag te-test tayo

Dino: (wala ng papel) (tumingin sa katabi) pwede bang humingi ng papel?

Katabi: ayoko nga

Dino: (nalungkot) (tumingin sa likod) Dokyeom, pengeng papel

Dokyeom: (katatapos lang lawayan ang one whole paper at hinati sa dalawa) sorry. Hati na kami ni Soonyoung dito

Hoshi: (kinuha ang papel kay Dokyeom na may laway pa)

Dino: (sighed)

You: (inabutan mo siya ng papel)

Dino: (nagulat)

You: (smiles)

Dino: s-salamat ah

You: welcome

Dino: (napapaiyak pa habang sinusulat ang pangalan sa papel) (pinupunasan ang papel)

Seungkwan: (nakita si Dino) uy sinong nagpaiyak kay Dino?! Isusumbong ko kayo!

Dokyeom: di ko inaano yan!

Woozi: umiyak dahil binigyan ni (y/n) ng papel. Parang tanga (tumawa)

Mingyu: Woozi, bawal magsalita ng ganyan

Woozi: nye nye nye nye

Minghao: wag nga kayong maingay

Scoups: Jeonghan, pakopya.

Seungkwan: Ma'am si Seungcheol daw po, mangongopya!

Scoups: (binato ng papel si Seungkwan)

Jeonghan: Joshua, bili mo naman ako chuckie mamaya

Joshua: sure

(After 10 years)

You: (mag aapply ng trabaho)

Interviewer: sandali, papunta na dito yung Ceo namin

Dino: (dumating) (wearing black suit)

You: (eyes widened) oh? DINO?!

Dino: (nakilala ka) hoy! (Y/n)!!! (Sweet smiles)

----------

- di mo alam kung magiging ano kayo in the future, so always be kind to others and don't discriminate❤

-----

End or to be continued? I am not sure. Hahaha.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro